Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 26
Kabanata 26:
Noong bata ako, lumaki akong mag-isa, lumaking walang kalaro at karamay sa mga problema ko. Hindi pabaya ang aking magulang at sa katunayan ay naibibigay nila lahat ng kailangan ko.
Siguro ay may kulang lang talaga sa akin, may mga bagay akong gusto na hindi maibigay sa akin. Kausap at karamay.
Minsan kasi ay iyon lang ang kailangan ng tao, ang malalabasan ng problema, ang masasabi mong may mahihingahan ka kapag nanghihina ka na.
Dalawang linggo na simula nang magising ako, sa ngayon ay medyo nakakalakad na ako, hindi na masiyadong masakit ang aking hita hindi katulad ng mga unang araw.
Sa dalawang linggo na iyon ay nanatili ako sa ospital, ang unang linggo ay ang pagpapagaling ko at ang sumunod ay binabantay ko si Daryl. Hindi pa hilom ang ilan sa mga sugat ko pero hindi na masakit kapag nagagalaw.
Madalas ay tulog si Daryl, sa tuwing magigising siya ay sumisigaw siya sa sakit at kirot ng mga sugat niya. Minsan ay kailangan pa siyang saksakan ng pampatulog dahil nagwawala na siya sa sakit.
"Ahhhh! Fuck shit!"
I closed my eyes tightly as I covered my ears with my both hands. I don't want to hear his painful screams. I can't bear to see him hurt. It hurts for me that I can do nothing to alleviate that pain.
"Please, Lord help him," mahinang dasal ko habang nakasandal sa pader sa labas ng kaniyang kwarto.
Kasalukuyan siyang nililinisan ng katawan ng nurse niyang lalaki, gusto ko sanang tumulong. I want to take care of him but I can't. Sa tuwing napapaigtad siya at humihiyaw ay napapapikit na lang ako.
Ganoon pala, 'yong tipong hindi naman ikaw ang nasa posisyon niya pero ramdam mo ang sakit.
Hawak ko ang kaniyang cellphone, binigay ito sa akin ni Sascha mabuti at naiwan niya ito sa kotse niya.
Kinagat ko ang ibabang labi nang makitang picture namin at ng mga bata ang nandoon, kasama ang anak ko.
Walang lock iyon kaya kaagad kong binuksan. Chineck ko ang mga message at wala naman special sa mga iyon, pumunta ako sa gallery at doon ako nagulat.
I should be mad at him because he took a picture of me without my consent but It feels good knowing that he secretly took this.
Madami iyon, ang iba ay habang tinuturuan ko ang mga anak niya, meron din noong nagbabasket ball kami ni Rev.
Napatigil ako nang makita ang isang video. Napatakip ako sa aking bibig nang makitang ako iyon habang nagsusukat ng damit, umiikot-ikot sa harap ng salamin, 'yong araw na sinama ko siya sa pagbili ko ng dress.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa notes ng phone niya.
Daryl's things to do:
1. Make my Nade happy.
2. Always cuddle my Nade.
3. If my Nade is sad, I'll be her smile.
4. Learn how to cook so I'll prepare her breakfast in bed.
5. Don't interupt my Nade while she's talking, let her explain, share her opinion.
6. Don't hurt my Nade, in any way.
7. Always kiss my Nade, don't forget to say how lucky I am to have her.
8. Be her bestfriend, boyfriend and husband.
9. Even I'm horny as fuck, I'll never force her and let her decide. Respect her decision.
10. Love my Nade for the rest of my fucking life.
Oh my God! I love him so much.
May iba pa doon pero para sa anak naman niya at para kay Isaiah.
Gusto kong umiyak pero ayokong makita niya iyon dahil sa pagkakataon na ito ay alam kong ako ang lakas na kailangan niya, hindi ko ako pwedeng maging mahina.
Nang humupa ang hiyaw niya sa loob ay unti-unting kumalma ang puso ko, tapos na sila.
Nang makalabas ang nurse ay sinabihan niya ako na pwede ng pumasok. Dahan-dahan kong binuksan ang kaniyang kwarto, paika-ika akong pumasok, naabutan ko siyang naka-tiya sa kama habang naka-pikit ang mga mata.
"D-Daryl, do you want to eat? Anong gusto mong kainin? Bumisita nga pala ang mga bata kanina kaso tulog ka kaya baka bumalik na lang sila mamaya, umuwi muna rin si Sascha babalik siya mamaya saka pala-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang bigla siyang magsalita.
"Why are you still here? Hindi ba break na tayo wala ka ng obligasyon sa akin," mahina ngunit matigas na wika niya.
I sighed before I went on the side of his bed. Naka-pikit pa rin ang kaniyang mata.
Sa lumipas na araw ay pina-paalis niya ako, siguro noong araw ay hindi pa tuluyan bumabalik sa kaniya ang nangyari. He kept calling me, kapag may masakit sa kaniya ay pangalan ko ang tinatawag niya, noong nagising siya gusto niya nasa tabi lang niya ako pero nang umayos na siya at nakapag-isip na, pinapaalis na niya ako.
Ang gago lang, tingin ba niya madadaan niya ako sa pa-ganon-ganon niya?
I know, maybe he thinks I'm just here because I feel sorry for him, that I pity him but that's not true, I want to take care of him.
"I'm here because I want to take care of you, kahit ano pa nangyari bago ang aksidente sa bahay mo, hindi mababago no'n ang nararamdaman ko sa'yo hindi ako ganon kababaw na tao Daryl, kung iyan ang tingin mo," madiin kong paliwanag sa kaniya.
Hindi siya nagsalita bagkus ay unti-unting dumilat ang kaniyang mata.
Hinawakan ko ang kamay niyang walang sunog. "Don't push me away, hindi mo ako madadaan sa pasigaw-sigaw mo. Kilala kita, ginagawa mo 'yon para umalis ako kasi akala mo pabigat ka. You're an idiot," sabi ko sa kaniya bahagya siyang napangiwi doon.
Bahagya akong umupo sa gilid ng kaniyang kama at pinaglaruan ang kamay namin magkasaklob.
"Alam mo ang kulit mo," he gritted his teeth.
Maingat kong inangat ang kamay niya at hinalikan iyon, mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya gulat siyang napatingin sa akin.
"Nade..."
"Magpagaling ka para makalabas ka na, namimiss ka na ng mga bata. N-Namimiss na kita," sa huli'y wika ko.
"Aren't you disgusted?"
"Disgusted, why would I?" I frowned.
"Because of me. Look at me now Nade, I lost hair, my skins are burned, disfigured and it smells so bad... I know. Alam kong may hindi ako kaaya-ayang amoy ngayon dahil sa mga sugat ko, look at my arms, my face, Nade. Hindi na ako iyong Daryl dati," madiin wika niya. Sadness clouded his features.
I know, lahat ng iyon ay alam ko at nakikita ko but I don't care.
"Do you still love me?" I asked him.
Napapantastikuhan siyang tinitigan ako. "Of course I am!" he said.
"Then, you're still my Daryl."
"H-Hindi mo ba nakikita ang itsura ko ngayon? Ayokong maging pabigat sa'yo at-"
"At wala akong pakielam. I know you have doubt about yourself, I know you feel small now, sige lang pagdudahan mo ang sarili mo bigyan mo ng oras ang sarili mo mag-isip pero huwag na huwag mo pagdududahan ang nararamdaman ko," inis na wika ko sa kaniya saka inirapan.
Sandali kaming natahimik, habang magkahawak kamay pa rin.
"Kumain ka na ba?" tanong niya pagkalipas ng mahabang oras.
Hindi ako sumagot, bahagya niyang pinisil ang kamay ko. "Nakatulog ka ba maayos kagabi? Pwede ka naman umuwi, hindi mo naman ako kailangan bantayan dito."
Hindi pa rin ako sumagot.
He groaned. "Baby, ang sakit oh... ouch."
Kaagad akong napatingin sa kaniya, ngumiti siya nang magtama ang mata namin.
"Ang ganda-ganda mo pa rin, ang inosente ng mukha mo," aniya.
Hindi ko na maiwasan matawa. "Gagi."
"Kinikilig ka na nyan?" Nakangiting tanong niya.
Nginisian ko lang siya, sana laging ganito si Daryl baka mamaya sumpungin na naman 'to magdrama na naman at naiintindihan ko siya.
His eyes glinted. "Pagka-labas ko ng ospital, magpakasal na tayo," bigla niyang wika.
Halos mahulog ako sa kama sa sobrang gulat, nanlalaking matang napatingin ako sa kaniya. "A-Ano?"
"Let's get married, a-ayaw mo ba? Hindi mo na ba ako gustong makasama, baka napipilitan-"
"Mamamopilit. Pwede ba tigilan mo nga iyan at sige magpakasal tayo pero magpagaling ka muna, saka mo na lang ako tanungin ulit," sabi ko.
Ngumiti siya saka tumango.
"I wanna eat you."
Kinurot ko ang kaniyang kamay. "Baliw ka, umayos ka nga!"
Natawa siya pero sa huli ay napangiwi, siguro ay sumakit ang pisngi niyang may sugat.
"Ouch..." daing niya. "Anong baliw? I said I wanna eat with you, kung ano-anong iniisip mo." Nangingiting aniya
Napa-iling ako dahil alam kong hindi iyon ang una niyang sinabi, nasa ospital na nga ang pasmado pa rin ng bunganga.
"Fine, ano bang gusto mong pagkain bababa ako," wika ko.
"Susubuan mo ako?" tanong niya na parang bata.
"Oo malamang."
"Sige, kahit ano na lang."
Binitawan ko ang kaniyang kamay para makabili ng pagkain namin, bago ako lumabas ng tuluyan ay tinawag niya ako.
"Nade," I looked at him, I raised my brows. "Kapag naka-labas na ako rito, ako naman ang magsusubo sa'yo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Huh? Ano raw?
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store