Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 24
Kabanata 24:
"What's the meaning of that, D-Daryl? pumiyok ako ng tanungin iyon sa kaniya. Naka-alis na ang babae at walang lingon pumasok si Daryl sa kaniyang kwarto, sobrang bigat ng dibdib ko dahil doon.
He looked at me. "What?" I swallowed hard because of the coldness of his voice.
Pinanuod ko siyang magtanggal ng kaniyang polo, basta na lang niya hinila ang kaniyang necktie saka itinapon iyonsa sahig.
"Anong what? She kissed you," I pointed out.
He chuckled. "It's nothing."
"Ano bang nangyayari sa'yo?" I hissed in so much frustration. His expression hardened, blanko ang mukhang tiningnan niya ako.
"Ikaw anong nangyayari sa'yo? You're acting like a jealous wife. When in fact, mas malala pa ang ginagawa mo," akusa niya.
Hindi ako nakapag-salita dahil pino-proseso ko pa ang kaniyang sinabi. We just stood there, staring into each other's eyes.
Tension filled the air. I can see rage in his dark serious eyes.
Pinaglaruan niya ang dila sa sa loob ng kaniyang bibig sa may bandang pisngi, para bang naiinis siya o ewan ko kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Naka-inom siya't galit sa akin.
"Wala akong ginagawang masama Daryl," I explained.
Nagulat ako nang mabilis siyang lumapit dahilan para mapa-atras ako sa likod ng naka-sarang pintuan, bahagya akong napa-ngiwi doon.
"Alam mo ba kung anong meron ngayon?" he held my jaw, his ragged breath fanned in my face.
His lips were so close to mine, I could almost taste them. I placed my hands on his chest and pushed him backwards. Nanginginig ang aking kamay, kitang-kita ko ang pamumula sa kaniyang tainga at dibdib sa sobrang galit.
"Unang buwan natin ngayon, I prepared a date. Buong araw ko iyon inayos para sa'yo, naka-oo ka na sa akin. Ilang beses kong sinigurado kagabi kung tuloy tayo, tapos ilang minuto na lang bigla ka aatras, ginagago mo ako Nade!" singhal niya.
Mariin akong napapikit doon, hinampas niya ang nakasarang pintuan, tuluyan na akong napa-iyak sa ginawa niya.
Hindi niya ako sinasaktan pisikal pero ngayon pakiramdam ko ay ang sakit-sakit. Bakit hindi niya maintindihan inuna ko lang ang anak ko?
"I didn't know..." Umiling-iling ako.
"Of course you didn't! Wala ka naman pakielam talaga sa akin!"
Akmang hahawakan niya ulit ang panga ko ay itinulak ko siya. "Nasasaktan ako Daryl ano ba?!"
"Tangina, ako hindi? Lagi akong nagpapaubaya, lagi na lang! Kung iiwan mo rin kami ng mga bata umalis ka na ngayon pa lang! Yon naman gusto mo 'di ba?!" sigaw niya.
Tumama ang kamay ko sa kaniyang pisngi, lumikha iyon ng malakas na tunog.
Napahikbi ako, tumawa naman siya pero kitang-kita ko kung paano nag-unahan tumulo ang kaniyang luha na kaagad din niyang pinunasan.
"Napapano ka ba Daryl? Bakit ka nagkaka-ganito? Ayos naman tayo hindi ba? Maayos tayo kaninang umaga, tapos pag-uwi mo may kasama ka ng babae."
Lumapit siya sa akin, akala ko ay hahawakan niya ulit ako sa panga pero nagulat ako nang yakapin niya ako, nanigas ako sa biglaan kilos niyang iyon. Nanatili ang aking mga kamay sa magka-bilang gilid ko habang yakap-yakap niya.
Daryl sobbed on my neck.
Mas sinubsob niya ang mukha doon na para bang ayaw niyang makita ko ang pag-iyak niya. Hindi ko alam kung sa akin o sa kaniya ang malakas na tibok ng puso nararamdaman ko dahil sa sobrang dikit namin.
"Let's break up, Nade."
Hindi ako nakalagaw, tuloy-tuloy ang tulo ng luha ko, umawang ang aking labi sa sinabi niya. Umiling ako at bahagyang itinulak ang kaniyang balikat para makita ang kaniyang mata ngunit mas humigpit ang yakap niya.
Naramdaman ko ang pagka-basa ng aking leeg. Mahinang humihikbi siya doon at ngayon ko lang siya nakitang ganoon.
"A-Ayoko na, n-nagkakasakitan na lang tayo... bukas umalis na kayo ni Isaiah."
Humiwalay siya sa akin, hindi niya ako tiningnan basta binuksan niya ang pintuan dahilan para mapa-usog ako saka dere-deretsyo siyang umalis.
Napa-takip ako sa bibig nang maisip kung anong nangyari. No!
Sobrang bigat ng pakiramdam ko lalo't narinig kong umalis ang kaniyang kotse. Umalis siya ng bahay, para lang talaga maka-alis sa akin.
Lumipas ang oras ay hindi na bumalik si Daryl, mahigpit kong yakap ang kaniyang unan habang umiiyak. Gusto ko siyang sapakin dahil masiyado siyang pabigla-bigla, hindi ba niya naiisip na pinaglalaban ko siya tapos siya itong ang dali akong bitawan?
Napaka gago talaga. Bakit ko ba minahal ang ugok na 'yon? Hindi nag-iisip.
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak bago tuluyan makatulog, nagising lamang ako dahil nahirapan na akong huminga.
Pabalikwas akong napa-upo sa kama nang makitang makapal ang usok sa kwarto. Kaagad kumabog ang aking puso sa naisip.
Hindi pwede! Ang mga bata!
Mabilis akong lumabas ng kwarto, sumalubong sa akin ang makapal na usok na kaagad bumalot sa aking ilong, kaagad kong tinakpan ang aking ilong at bibig.
Galing sa ibaba ang sunog kaya papunta sa itaas ang apoy, papunta kung nasaan kami. Shit!
Dali-dali akong tumakbo sa unang kwarto malapit sa akin, naabutan kong mahimbing pa rin natutulog si Isaiah.
Mabilis na niyugyog ko siya. "M-Mama?"
"Anak, tumayo ka dali," wika ko. Kahit kinakabahan ay nilakasan ko ang aking loob dahil hindi lang buhay ko ang naka-salalay sa akin, may tatlong bata akong dapat iligtas.
Mabilis akong tumakbo sa banyo para basain ang kaniyang kumot. Napahiyaw pa siya ng ibalot ko sa kaniya iyon.
"Mama anong ginagawa mo?!" gulat na wika niya.
Imbes na sumagot at hinila ko na siya palabas. Tinakbo ko ang pintuan ni Genesis, naabutan ko siyang naka-upo sa kama niya't umuubo na.
Katulad ng ginawa ko kay Isa ay gano'n din ang ginawa ko sa kaniya. Nagsimulang umiyak si Isaiah sa sobrang takot nang makitang kumakapal na ang usok.
Huli kong pinasok ang kawarto ni Rev. "Rev!" sigaw ko nang makita siyang naka-higa sa sahig sa gilid ng kaniyang kama.
"M-May asthma siya." Naiiyak na wika ni Genesis.
Binalot ko ng basang kumot si Rev, naalala kong gusto niyang naglalaro ng basketball tapos may hika pala siya.
"Kaya mong maglakad?"
Tumango siya, pinagkabit-kabit ko ang kamay nila. "Kahit anong mangyari ay huwag kayong bibitaw okay?"
Sabay-sabay silang tumango, mabilis kaming tumakbo pababa, naiyak na ako nang makitang galing sa kusina ang apoy, sobrang laki na no'n.
Pinunasan ko ang aking luha. Come on Nade! Kaya mo 'yan. Ilabas mo ang mga anak mo!
Huminga ako ng malalim saka hinila sila pababa, mabilis kaming naka-labas sa bahay, napa-ngiwi pa ako nang mahawakan ang doorknob sa sala na bahagyang maiinit na.
Sabay-sabay kaming napaubo pagkalabas namin, lumabas din ang usok pero hindi sapat para mawala lahat ng nasa loob.
"Tulong! Tulong!" malakas na sigaw ko.
Sa village naka-tira si Daryl kaya hindi gano'n kalapit ang kapit bahay. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nagbubukasan na ng ilaw ang mga kapitbahay.
"Okay lang ba ka-nasan si Rev?!" malakas na sigaw ko nang makitang si Gen at Isaiah na lang ang magkahawak ng kamay.
Naglabasan na ang ilang kapit bahay, gulat na napatingin sa akin si Genesis, kaagad siyang namutla, kumabog ang puso ko.
"N-Nandito lang siya k-kanina..." Tuluyan na siyang napa-iyak.
Napatakip ako ng bibig.
"Mahabagin diyos! Tumawag kayo ng bumbero!" sigaw ng matandang babae sa katapat na bahay.
Hinila ko ang dalawa papunta doon sa matanda. "Paki-bantay po sila, please paki-tawagan po ang daddy nila." Bumaba ang tingin ko kay Genesis na umiiyak na, parehas sila ni Isaiah. "Gen, I need you to be strong okay, bigay mo sa kanila ang number ni Daddy mo, hindi ba alam mo 'yon, memorize mo? Kahit anong mangyari huwag kayong aalis dito hanggang hindi dumadating si Daddy ha?"
Mas lalong lumakas ang iyak nila, nagkaka-gulo na ang ibang kapit bahay.
"I-Iha jusko huwag ka ng pumasok!" awat sa akin ng ginang.
Umiling ako. "N-Nasa loob pa po ang isa kong anak, hindi po pwede mawala siya."
Kahit sinisigawan nila ako ay mabilis akong tumakbo papunta sa loob. Masakit sa mata at sa lalamunan dagdag pa na mainit na sa buong paligid pero disperado na ako.
"Rev! Rev!" sigaw ko.
Wala siya sa sala kaya mabilis akong umakyat, napasinghap ako nang makita siya sa pasilyo doon.
"Rev!"
Halos tirik na ang kaniyang mata. Kaagad kong inayos ang balot niya sa katawan. "M-Mommy.." tawag niya sa akin.
Napahikbi ako doon. "Ako 'to si Tita Nade. K-Kaya mo bang tumayo?"
"I-I don't like to call you tita... n-not because I don't like you. I want to c-call you mommy. I w-want you my mommy."
Sunod-sunod ang tulo ng luha ko, hindi ko na alam kung dahil sa usok o dahil sa sinabi niya. "Hush, 'wag ka na magsalita please. Lalabas tayo ha?"
Tumango siya, mabigat ang hininga niya at malayo ang pagitan tanda na nahihirapan na siya.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas, nabuhat ko si Revelation, kaagad siyang yumakap sa akin leeg. Wala akong naramdaman pagod, walang bigat basta ang naisip ko ay ilalabas ko siya rito kahit anong mangyari.
Nasa hagdanan na kami ng may nahulog na isang kahoy galing sa kisame, tumama iyon sa braso ko dahilan para matumba kami, mariin akong napapikit.
Niyakap ko ng mahigpit si Rev sa kaniyang ulo nang magpagulong-gulong kami pababa sa hagdanan. Hindi ko alam kung ilan beses tumama ang ulo ko sa hagdanan.
"A-Ahh..."
Mahinang daing ko nang tumama ang likuran ko at ulo sa sahig. Kaagad kong kinapa kung may dugo si Rev at nakahinga ako ng maluwag ng wala naman.
"Rev, ayos ka l-lang ba tara na..." yaya ko sa kaniya at akmang tatayo na.
Nauna siyang nakabangon pero napa-upo lang siya doon saka namumutla nakatingin sa aking paa, unti-unti napababa ang tingin ko roon at ganon na lang ang pagsinghap ko nang makitang may naka-tuhog na tubo sa binti ko.
Isang parte iyon ng basag na frame na nahulog.
"M-Mommy..."
Pumalahaw na siya ng iyak, kaagad niyang pinigilan ang dugo ko doon, parang namanhid ang buo kong katawan sa nakita. No!
"Rev, lumabas ka na." Hindi siya nakinig, pilit niyang binabalik ang mga dugong dumadaloy sa sahig sa aking hita para bang magagawa no'n maibalik ang butas kong binti.
Sinubukan kong hilain ang paa ko pero hindi kaya, pakiramdam ko'y mahihiwalay ang balat ko doon kapag hinila ko pa.
"Rev lumabas ka na!" malakas na sigaw ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin, ang mata niya ay puno ng luha habang umiling-iling siya. Sinapo ko ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Please, para sa akin please lumabas ka na. Pangako susunod ako ha? Please, makinig ka sa akin. Please!" napasigaw na ako.
Tinulak ko siya.
Niyakap niya ako, walang balak umalis. Malakas na tinulak ko ang maliit niyang katawan. "Ayoko sayo! Umalis ka na! Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko sa inyo!" sigaw ko.
Gulat siya sa ginawa ko sa huli'y dahan-dahan siyang tumayo. Nanginig ang ibabang labi niya. "I-I will find help." Inisang lingon pa niya ako bago siya tuluyan lumabas ng bahay.
Napangiti ako doon. Good Rev. Very good.
Kasabay nang panlalabo ng aking paningin at ang pagbigat ng aking paghinga. Napatingin ako sa sugat ko at doon ko lang unti-unting naramdaman ang kirot sa aking katawan at puso.
"Daryl..." I called him for the last time before I closed my eyes.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store