Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 23
Kabanata 23:
"Mama you want ice cream too?" I looked at Isaiah when she handed me the ice cream she was eating. I gave her a frugal smile before wiping the edge of her lip.
"Nope, busog pa ako anak sige na ubusin mo na iyan," sabi ko sa kaniya. Malaki ang kaniyang ngiti at may kakaibang kinang sa kaniyang mata na ngayon ko lang nakita.
Isang linggo na simula ng ipakilala ko si Eugene sa akin anak at simula no'n ay araw-araw na siyang bumisita.
Kahit ayoko man sumama ay kailangan dahil hindi ko naman maipagkatiwala ng lubusan si Isaiah kay Eugene. Lalo't alam ko ang nangyari sa kapatid niya, hindi ko pa rin talaga matanggap hanggang ngayon at kung alam ko lang na mapapabayaan ang bata sa puder niya ay sana ay hindi ko na lang ibinigay sa kanila.
Sa lumipas na araw ay nalaman ko rin na hindi naman talaga magpinsan si Daryl at Eugene, dahil nga anak si Daryl sa ibang lalaki. Ang totoong pinsan ni Eugene ay ang ate ni Daryl, naka-base siya sa ibang bansa kaya naman ng umuwi siya rito sa Pilipinas ay bahay ng ina ni Daryl siya tumuloy.
Napabuntong-hininga ako ng maalala si Daryl, maayos naman ang pakikitungo niya sa amin. Sa katunayan ay nitong mga nakaraan araw ay doon na kami natutulog sa kaniyang bahay.
Nothing has changed, but something seems strange.
Pakiramdam ko'y ang lapit-lapit namin pero ang layo ng loob niya, pakiramdam ko rin ay lumalayo siya sa anak ko.
I back to my senses when someone hold my hand. I looked at Eugene, he's smiling at me.
Mabilis kong inagaw ang aking kamay sa kaniya. "Bakit?" tanong ko.
Ngayon araw ay nasa labas kami, inaya niya kasing mamasyal si Isaiah at sumama ako dahil hindi ko naman pwedeng pabayaan ang anak ko sa kaniya at ayoko rin naman tumanggi dahil nakita ko kung paano ka-excited si Isaiah sa sinabi niya kagabi.
"Kanina ka pa kinakausap ng anak natin, tulala ka," wika niya.
Kaagad nagsalubong ang aking noo sa salitang ginamit niya. Anak namin? Masakit sa tainga kahit pa nga totoo.
Tumikhim ako at imbes na sagutin siya ay ang anak ko ang kinausap ko. "Ano 'yon Isa?"
"Mama sabi ko pagkatapos nito pumunta tayo doon oh, I wanna try that rides too, daddy told me that he wants to try rin naman. Please," nagpa-cute pa siya habang tinuturo ang isang rides sa malayo.
Hinimas ko ang kaniyang buhok. Makaka-tanggi ba naman ako sayo?
"Sure sige, tara."
"Yes!" sabay nilang wika ni Eugene saka sila nag-apir.
Tumayo na sila, kinuha ko naman ang cellphone ko para i-text si Daryl dahil nag-aaya siyang magdinner sa labas kaninang umaga, pumayag ako dahil akala ko'y maaga kaming makaka-uwi.
Nakita ko ang ilang niyang text.
'When are you going home? I'll fetch you at five.'
'I missed you, doll face. Nakakainis ang daming problema sa shipping sorry medyo busy.'
'Kumain na kayo ni Isa?'
'Hope you're fine. Kinda missed both of you.'
'Baby, four pm na. I'll gonna sign something then I'll get you at home, okay?'
'Wear something comfortable, I love you.'
Kinagat ko ang aking ibabang labi sa dami ng text niyang hindi ko na-replyan. Sampong minuto na lang bago mag-alasingko.
'Daryl, I can't go to our dinner. Medyo napapasarap pa kasi ang laro ni Isaiah mukhang mahirap pang-awatin. Sa susunod na lang natin gawin, ingat ka dyan kita na lang tayo sa bahay. I love you too.'
INILAPAG ni Eugene si Isaiah sa kaniyang kama, naka-tulog kasi siya habang pauwi na kami. Siguro ay sa sobrang pagod at puyat na rin dahil sobrang excited niya kahapon.
Iniayos ko ang kaniyang higaan bago tumayo.
"Nade," malambing na tawag ni Eugene.
Napalingon ako sa kaniya, bahagya pa akong nagulat ng hawakan niya ang aking siko. "Nag-enjoy ka ba?" tanong niya sa mahinang boses.
Pa-simple kong inagawa ang aking kamay.
"Nag-enjoy man ako o hindi, wala na 'yon sa'yo, Eugene. Ang anak mo ang intindihin mo," madiin ngunit mahina kong saad.
Bahagya kong nilingon si Isa na mahimbing na ang tulog.
"Nade, I want to fix our family. I want to take care of you and our daughter," buong pangungusap niya.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya, nababaliw na ba siya?
"Anong pinagsasabi mo? We're not a family. Hindi nga kita kilala, kung gusto mong bumawi ay sa anak mo na lang dahil sa kaniya ka lang may responsibilidad. May nag-aalaga sa akin, I have Daryl," seryosong usal ko.
Nakita ko kung paano kumuyom ang kaniyang kamay. Kung may gawin man siya sa akin at hindi ako magdadalawang isip na ipagtanggol ang sarili ko.
"Do you think he's really okay with this? Lalaki siya at naaapakan mo ang ego niya, tingin mo ba mamahalin niya si Isaiah katulad ng pagmamahal ko sa anak natin? Hindi niya dugo at laman ang bata sigurado akong katawan mo lang ang gusto niya, anak si Daryl sa labas bastardo at—"
Kaagad tumama sa kaniyang pisngi ang aking kamay, my hands are shaking. Irritation surged up inside me.
"Judge me, it's okay. But don't you ever... ever disrespect my man! Hindi mo alam kung anong klaseng tao siya, wala kang karapat sabihin 'yan!" buong galit na wika ko sabay turo sa pintuan. "Makaka-alis ka na."
"Nade sorry, hindi naman—"
"Get. Out. Now," madiin kong wika habang naka-turo sa pintuan.
Sandali pa niya akong tinitigan bago tuluyan umalis, mabigat ang aking paghinga habang nanginginig pa rin ang aking kamay dahil sa sinabi niya.
Sino siya para sabihin ang bagay na 'yon?
Nasa gitna ako ng pagpapakalma ko sa aking sarili ng may magsalita.
"T-Tita Nade..."
Kaagad akong napabaling kay Rev at Gen na nasa labas ng kwarto. "Hi," bati ko sa kanila, lumabas ako ng kwarto upang kausapin sila. "Naka-uwi na pala kayo, kasama niyo na ang daddy niyo? Sino naghatid sainyo, si Lola ba?" sunod-sunod na wika ko, ngayon araw kasi ay umalis din sila papunta sa bahay ng Lola nila samantalang si Daryl naman ay may tinapos daw sa opisina.
"Sasama na po ba kayo kay Tito Eugene?" deretsyong tanong ni Rev.
Mabilis akong umiling. "O-Of course not. Hindi ganon."
Lumuhod ako upang magpantay kami.
Ngumuso si Genesis parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Dito na lang kayo Tita Ma'am, madami naman kami kwarto at foods dito, tapos may wifi pa kami," pang-uuto niya pa sa akin.
Napangiti ako. "Dito lang kami."
"Pero si Tito Eugene lagi niya kayo sinusundo baka sa susunod nyan hindi na niya kayo iuwi, magagalit ako," ani Rev na busangot ang mukha.
Hindi ko mapigilan panggigilan ang kanilang pisngi.
"Kahit anong mangyari, sainyo ako uuwi. Nang pumasok ako sa relasyon na 'to alam ko na sa sarili ko kayo ang uuwian ko, sainyo ako masaya."
"Kahit hindi mo kami totoong anak, okay lang? Kahit hindi namin totoong sister si Isaiah okay lang?" paniniguradong wika ni Gen.
Ginulo ko ang buhok niya. "Oo naman. Kumain na ba kayo? Ipagluluto ko kayo ng spaghetti, what do you want for dinner? Pasta or rice?"
Sabay-sabay kaming bumaba papuntang kusina.
"I want pasta," ani Gen.
"How about you kuya Rev?"
"I want rice and nuggets."
"Alright."
Nanatili silang nasa kusina habang nagluluto ako. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasan isipin ang dadating na pasukan.
Tapos na ang isang buwan tutor ko sa kambal at magsisimula na ang klase, noon ang plano ko ay babalik kaming Cagayan ni Isaiah pero sa dami ng nangyari ay hindi ko alam kung babalik pa kami doon lalo na't ayoko ng iwan ang mga bata.
Parang gusto ko na lang ulit manatili rito sa Pampanga.
Pina-una ko ng kumain ang mga bata habang wala pa si Daryl hanggang matapos sila ay hindi pa rin siya dumadating. Nang sumapit ang alas-diyes ay pinatulog ko na sila samantalang nagtuloy-tuloy na ang tulog ni Isaiah.
Nasa kusina ako at kakatapos lang maghugas nang narinig kong bumukas ang pintuan.
Kaagad ay hinanda ko ang ngiti kay Daryl dahil alam kong pagod siya, ngunit ang ngiti sa akin labi ay unti-unting nawala nang makitang may kasama siyang babae.
Nagtatawanan sila, nakita kong pinalo pa ng babae ang kaniyang braso.
"Daryl?" kuha ko ng atensyon niya.
Ang ngiti niya ay nawala nang makita ako, kaagad ko siyang nilapitan upang kuhanin ang dala niyang bag.
Kaagad kumunot ang noo ko ng maamoy siya.
"Are you drunk?" I asked him, nilingon ko ang balingkitan babaeng kasama siya.
She's pretty and sexy, I can say that.
"Kaunti lang," he said. "Oh, this is Elisa, one of my business partner's daughter," lasing na wika niya sabay turo sa kasama.
Deretsyo pa ang kaniyang salita ngunit ang mata niya ay hindi na mapirmi.
"I thought you're alone here, Daryl?" maarteng wika ng babae.
Daryl chuckled. "Oh sorry, I thought I'm alone."
Parang bumigat ang paghinga ko doon, ayoko silang pag-isipan ng masama. Ayoko.
Pero pakiramdam ko ay nanliliit ako lalo nang haplusin ni Daryl ang braso ng babae. "Next time," rinig kong wika niya.
Tumingin sa akin ang babae, tinaasan niya ako ng kilay.
Hindi makapaniwalang nabitawan ko ang bag ni Daryl nang halikan siya nito sa pisngi, hindi man lang umiwas si Daryl bagkus ay hinawakan pa niya ang beywang nito.
Napa-atras ako.
What the hell?
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store