ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 15

SaviorKitty


Kabanata 15:

Pagkalabas ko ng cafe ay naglakad ako papunta sa gilid ng kalsada, wala naman akong dalang kotse dahil ginagamit na ni Mommy ang sa akin dati, baka kapag binawi ko pa iyon ay isumbat pa sa akin ang ibinili niya ng gatas noong bata pa ako.

Bahagya akong natigilan nang may humintong itim na trailblazer sa akin harapan, kaagad kumalat ang kaba sa aking dibdib dahil kilala ko kung sino ang may-ari ng sasakyan na ito.

Napabuntong-hininga ako nang bumaba ang bintana noon at dumungaw si Daryl.

"Get in."

Hindi na ako nakipagtalo pa't binuksan ko ang kaniyang kotse at sumakay doon.

I was tired of hiding. Sa lumipas na araw ay halos taguan ko na siya at hindi iyon maganda sa pakiramdam na may iniiwasan ka.

"Tapos na sila Genesis at Rev, sinundo na sila ni Sascha," panimula ko, pina-andar naman niya ang kaniyang kotse at nagsimulang magdrive na.

"Bakit kasama mo ang pinsan ko?" his expression hardened.

Umayos ako ng upo. Nakita niya 'yon? Ang linaw naman ng mata niya, kanina pa ba siya doon o baka sinundan ako palabas ng pinsan niya kaya niya nakita.

"Nakita niya lang ako doon, b-bakit ka ba nandito? Sabi ng mga anak mo may ginagawa ka."

"May ginagawa nga."

"Ibaba mo na lang ako dyan, Daryl magtaxi na lang ako baka maka-abala pa—"

"Shut up Nade. Stop avoiding me. Let's face it, we need to talk," madiin wika niya. Pamilyar sa akin ang dinadaanan namin.

"Nakapag-usap tayo noong nakaraan 'di ba?" nauubusan pasensyang wika ko.

"Bigla kang umalis, Nade. I'm tired waiting for the right time fuck that right time! I waited you for four years. We will talk now," wika niya sabay liko ng sasakyan sa pamilyar na lugar.

Naguguluhan tiningnan ko siya, nakasuot siya ng long sleeves. Galing pa ba siya trabaho? Dahil nakatagilid siya sa aking gawin ay doon ko lang nakitang may maliit na itim hikaw siya sa tainga. It's an helix piercing.

Namangha ako doon, una ay may tattoo siya sa lower abdomen niya tapos ngayon piercing? Where's the innocent Daryl?

Kinausap niya ang guard sa may gate bago kami tuluyan makapasok, mabilis niyang ipinarada ang sasakyan, lumabas siya doon para pagbuksan ako ng pintuan.

"Labas, iwan mo gamit mo," utos niya.

Umiling ako. "Iuwi mo na ako."

"Labas."

"Ayoko nga."

"Lalabas ka o ako maglalabas sayo?"

Mariin akong napapikit saka lumabas,  narinig ko ang malakas na magsara niya ng pintuan ng kaniyang kotse saka ako hinawakan sa braso para tuluyan makapasok sa University namin dati.

Nasisiraan na ata siya ng ulo, ano bang ginagawa namin dito?

Hindi ko gusto ang pakiramdam ng kaniyang palad sa akin braso, para akong napapaso doon.

Walang tao sa school, malamang bakasyon na kung mayroon man siguro ay mga bantay at janitor doon na hindi ko man makita.

Huminto kami ni Daryl sa bench doon, madalas nilang tambayan magkakaibigan dati. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang bumalik sa akin lahat.

"Talk to me like before. Noong nag-aaral pa tayo, yung lalapit ka sa akin at sasabihin mong mag-usap tayo," seryosong wika niya.

Umiling ako sa kaniya. Malaki na talaga tama ni Daryl, lasing ba siya?

Hindi niya ako pinansin, umupo siya sa bench saka tumingin sa malawak na field.

Napailing na lumapit ako sa kaniya, walang nagawa kundi gawin kung ano man trip niya. "Daryl, can we t-talk?" parang may bumara sa lalamunan ko doon.

Tumingala sa akin, tumaas ang sulok ng kaniyang labi saka tinuro ang upuan sa harapan niya. "Sure, upo ka."

Umupo ako doon, siya naman ay ipinatong ang braso sa ibabaw ng sementong lamesa.

Sandali kaming natahimik, gumalaw ang kaniyang buhok dahil sa hangin ganon din ang sa akin na kaagad kong hinawakan.

"So... what is this all about?" sabi ko.

Binasa niya ang ibabang labi. "Do you like my cousin?" tanong niya.

"Nasabi ko na noong nakaraan na—"

"Don't let him near to you, don't talk to him, don't let him touch you..." Tumigil siya sandali. "Don't fall in love with someone else."

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Sino ba siya para pagsabihan ako ng ganiyan? "Is it about your ego? Naaapakan ko ba ang pride mo dahil hindi na kita gusto? You have no power over me, Daryl."

Nakita ko kung paano niya ikuyom ang kamao sa ibabaw ng lamesa.

"You sure about that?"

Tumaas ang kaniyang kamay, akala ko'y sasaktan niya ako kaya bahagya akong nagulat pero masuyong dumapo ang kamay niya pisngi ko, walang kahirap-hirap niya akong naabot kahit pa may lamesa sa pagitan namin.

"I don't understand you, Nade. Sometimes you treated me as your friend, sometimes more than friends and now you're talking to me like I'm just a stranger."

Lumamlam ang kaniyang mata, ang mainit niyang palad ay paulit-ulit na hinihimas ang pisngi ko. Gusto kong mapapikit doon pero pinigilan ko.

"Ano bang gusto mong mangyari, Daryl bakit mo ako ginugulo? Can't we just back to our life? Yung tutor ako ng anak mo, malapit na naman na matapos ang bakasyon ilang linggo na lang, can't you wait?" nahihirapan wika ko sa kaniya.

Umiling siya.

"Wala sa choices ko ang kalimutan ka, it's either bigyan natin ng chance ang isa't-isa o kikidnapin kita, 'yon lang."

Tinanggal niya ang kamay sa akin pisngi saka kinuha ang kamay ko, pinagsaklob niya iyon.

"I don't kid around, Nade. Ni hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit gustong-gusto kita. I can't stop myself now," wika nito sa habang hindi inaalis ang mata niya sa akin.

"Hindi mo ako masisisi kung nahihirapan akong maniwala sa'yo Daryl, bigla-bigla kasi pagbalik ko rito sasabihin mong gusto mo ako. Is this your game?"

"If this is a game, then I'm game over," ani Daryl. His thumb rubbed on my hand. "Hindi 'to pabigla-bigla Nade, believe me hindi madali sa akin 'to. Imagine, I never like you, I'm never attracted with you, ni hindi ko makita ang sarili ko na magkagusto sa'yo, malayo ka sa mga type ko, you're too fragile parang kapag dinikitan kita ay mababasag kita. Do you know how fucked up i am when I wake up one day and all I could think is you?" a pained expression crossed his face.

Even I stop myself, deep inside of me I believe him. I believe every words he said to me, simula noon hanggang ngayon salita niya ang pinaniniwalaan ko.

He looked down to our hands.

"Noong college tayo, I don't feel anything towards you or I was just too busy looking at other woman. Sa tuwing tinitingnan kasi kita ay iniiwas mo ang paningin mo kaya naisip kong baka ayaw mo sa akin, baka nakikipag-usap ka lang kasi gusto mo tulungan si Sascha. And then when we came back, I saw again... hindi ko alam pero noong may kausap ka sa labas ng bahay ko at inisip kong b-baka asawa mo 'yon, baka may pamilya ka na, nalungkot ako. Yung nangyari sa atin sa bahay, pinagsisihan ko 'yon..."

My chest tightened. Pilit kong inagaw ang aking kamay sa kaniya, ayokong may marinig pa pero hinigpitan niya pa ang hawak sa akin.

"Pinagsisihan ko 'yon dahil hindi mo deserve iyon. Alam kong nabastos kita dahil masiyado akong mabilis. I'm too impulsive and aggressive that I want you so much, I can't think properly. Ikaw lang ang babae nakapagpabaliw sa akin ng ganito. Nang mawala ka at pumuntang probinsya, aaminin ko sa'yo hindi pa talaga ako handa noon natatakot akong baka hindi mo ako matanggap kasi may mga anak na ako, natatakot ako. My insecurity is eating me, sabi ko noon aayusin ko muna ang sarili ko bago kita kunin. Nade, I'm not a vocal person, pero pinipilit ko sabihin lahat sa'yo ngayon kasi gusto kong maintindihan mo hindi kita ginagago gusto kita, noon pa man. Please... please baby give us a chance, isa lang kahit isa lang."

I gasped because of that. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa mga kamay namin, kung hindi ako naka-upo ay paniguradong tumba na ako.

Pwede naman siguro hindi ba? Kahit isang beses lang?

"S-Sige..." Nakita kong nagulat siya doon. "Pero may pupuntahan muna tayo, may ipapakita ako sa'yo. Pagkatapos mong makita at malaman iyon, sabihin mo sa akin kung gusto mo pang ituloy 'to."

Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon bawiin pa ang sinabi niya.

Mabilis siyang tumango, walang pag-aalinlangan.

Mabilis kaming umalis sa lugar na 'yon, hindi siya nagtanong ng kung ano pa kaya naging tahimik ang biyahe.

I texted mom and asked her kung nasaan sila ni Isaiah, sinabi niyang nasa labas sila ng village sa malapit na restaurant doon.

Sinabi ko kay Daryl ang lugar, nang makarating kami doon ay kaagad kong nakita sila Mommy malapit sa bintana, nagku-kwentuhan sila ni Daddy kasama ang anak ko.

Tahip-tahip ang kaba sa aking dibdib.

Hindi pa kami bumaba ni Daryl. "What's now?" tanong niya.

I pointed my daughter, sinundan niya ang tinuturo ko. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko, if he can't accept my daughter then I can't accept him.

"T-That's my daughter, Isaiah..." Natakot ako dahil walang emosyon sa kaniyang mukha. "Now tell me, g-gusto mo pa rin ba makipagrelasyon sa akin? May anak na ako." I pointed out.

Nagulat ako nang bumuga siya ng hangin parang naka-hinga ng maluwag.

"Damn baby, akala ko kung anong sasabihin mo."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? May anak na ako at—"

"And I have sons, Nade. Saka alam ko naman may anak ka, four years ago. Sinundan kasi kita nakita ko kayo ng anak mo, isa rin 'yon sa dahilan bakit natagalan ako. I want to be deserve for your daughter..."

Nangilid ang luha ko sa sinabi niya.

"Is it okay with you? T-That I have a daughter?" my voice cracked.

Tumango siya at kinuha niya ang kamay ko saka iyon dinala sa kaniyang bibig upang halikan. "I'll be a good boyfriend, you won't regret this, Nade."

***

#MAYLABELNA
Sana all, samantalang iba dyan flirtation pa rin. :P
Jusko, ang bagal ni Daryl dapat 'to tinuturuan ng moves e. Char. Enjoy Reading.

I won't disappoint you on Daryl's story. Promise. We'll take it slowly but surely. ^O^

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store