ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 14

SaviorKitty


Kabanata 14:

Masasabi bang kaduwagan kung pinili mo na lang pigilan ang nararamdaman mo para hindi ka na masaktan ulit? Masasabi bang tanga kung bigyan pa ng isa pang pagkakataon? Hindi ko alam.

Nang sabihin sa akin iyon ni Daryl tatlong araw na ang nakaraan ay kinain ako ng kaba.

What if he didn't mean it? What if he just love the idea of me, liking him too much? That is the hard part, when they know that you love them so much they will take advantage of it until you are exhausted and drained, until there is nothing left for you and that I am afraid of.

Nang sabihin niya iyon sa akin ay halos bumigay na ako, pero hindi ganon kadali iyon.

Mabuti at may pumasok na kasambahay nila sa kusina at kinuha ko iyon pagkakataon para itulak siya palayo, mabilis akong umalis doon sakto naman nasa labas na sila Mommy kasama si Isaiah kaya naka-uwi ako.

Hindi na lang ako ang dapat kong intindihin. Naisipi kong may anak na ako, kung sarili ko lang ang iisipin ko sa desisyon iyon ay baka masaktan ko siya. What if Daryl can't accept my daughter? What if he'll hurt my princess's feeling like Imigo did to us?

I can't let my feelings, I want to dampen the situation.

"Tita Ma'am, after this can we go to national book store?" Gen asked.

Nasa isang cafe shop kami, sinuggest kong minsan ay sa labas naman kami, environment can help kids to learn more, kapag bago sa mata nila mas gaganahan sila mag-aral, saka may iniiwasan ako sa bahay nila.

"Bakit? May bibilhin ka ba?"

Imbes na sumagot siya ay si Rev ang sumagot. "He wants to buy tutorial book po. He wants to learn piano," aniya.

Napaawang ang labi ko, sa batang edad niya ay masaya akong alam na niya ang gusto niyang gawing bagay dahil noon atang nasa edad nila ako, ang gusto ko lang ay umiyak, umiyak hanggang mapaos.

"Marunong akong magpiano, pwede ritang turuan na lang sa susunod," pagprisinta ko.

Kita kong kaagad nagliwanag ang mukha ni Genesis, parang may humaplos sa puso ko doon. I really like them, hindi na sila iba sa akin.

"Talaga po Tita Ma'am? Yes!" Sumuntok pa siya sa hangin bago siya magpatuloy sa kinakain niya dahil tapos na kami sa ginagawa namin kanina.

"How about you Rev, what are your hobbies and interests?"

Ngumuso siya sa akin. "Why po?"

"Hmm, I just want to know."

"Tita Ma'am, Rev love playing basket ball. Aray!" Napatigil si Genesis sa sinasabi ng suntukin siya ng kapatid sa braso. "Masakit 'yon, susumbong kita kay Daddy."

"Bakit mo kasi sinasabi?!"

"Eh nagtatanong si Tita Ma'am."

Inawat ko na sila. "Hey, stop it. Bad ang nag-aaway, paano na lang kapag nakita kayo ng ibang bata oh gagayahin nila kayo." Turo ko sa mas maliliit na bata sa kabilang lamesa.

"Sorry, Tita Ma'am."

"Sorry, T-Tita."

Ngumiti ako, saka bumaling kay Rev. "So gusto mo ng sports? Do you love basketball? Hindi ba kayo naglalaro ng daddy mo? How about sa school mo?" tanong ko.

Sandali pa niya akong tiningnan parang tinatanya niya kung dapat ba niyang sabihin sa akin. "Busy si daddy, minsan lang po kami maglaro."

"Gusto mo maglaro tayo?"

Nakita kong nanlaki ang mata niya. "Do you know how?" manghang tanong niya.

Ngumuso ako dahil hindi ako marunong. "Hindi, pero pag-aaralan ko tapos maglalaro tayo."

Bumagsak ang balikat niya. "Matagal pa 'yon."

Ngumisi ako sa kaniya. "Give me one week, Rev. Tita Nade is a fast learner, maglalaro tayo sa susunod." Kinindatan ko siya, nakita kong namula ang kaniyang mukha kaya mas natawa ako.

So cute.

Saktong matapos nila ang iniinom at kinakain ay dumating na ang kanilang sundo, kaagad akong tumayo para salubungin si Sascha at Sir Travis.

"Momma!" parehas na sinalubong ng kambal ang mag-asawa.

"Aw, namiss ako ng mga babies ko!"

Natatawang hinalikan ni Sascha ang anak ni Daryl, mahigpit siyang niyakap ni Rev sa beywang habang si Genesis naman ay humawak sa kamay niya. Hindi ko maiwasan maiinggit kung paano sila kakomportable. Sabagay, si Sascha ang kasama nila noong lumaki sila, maybe they're already treated her like they real mother.

Winaksi ko ang aking nasa isipan nang tuluyan silang nakalapit.

"Cha!"

"Hi, Nade!" bati ni Sascha sabay halik sa pisngi ko.

Nahiya pa ako dahil pinapanuod kami ni Sir Travis. "Hello, Sir," bati ko rin sa kaniya, tumango lang siya saka ngumisi.

"Sa akin na muna 'tong dalawa ha? Pinagpaalam ko na 'to sa daddy nila saka gusto rin sila makalaro ng mga anak ko," ani Sascha.

Ang totoo ay tinext na ako ni Sascha kanina na siya ang kukuha sa mga bata, hindi na ako nagtaka kung paano niya nalaman ang number ko at paano niya nalaman na ako ang tutor ng mga bata dahil baka naikwento ni Daryl sa kaniya.

"Sure, tapos na rin naman kami."

Nagpaalam na si Sascha kasama ang mga bata at ang asawa niya, mula sa loob ng cafe ay pinanuod kong umalis ang kanilang kotse. Hindi man lang nagpaalam ang mga bata sa akin, parang balewala na ang presensya ko sa kanila.

Bagsak ang aking balikat na naupo ulit para sana ligpitin na ang mga ginamit namin. I wanna stop this irrational thoughts, ayoko na mainggit dapat nga ay matuwa ako dahil kahit papaano ay mapupunan ni Sascha ang wala sa mga bata pero hindi ko maiwasan mainggit.

Nagulat ako nang may umupo sa katapat kong upuan, sa inupuan ng kambal kanina.

Nanlaki ang aking mata nang makitang pinsan iyon ni Daryl, 'yong lalaking nakatapon sa akin ng sauce.

"Hi." Naka-ngiting wika niya.

"H-Hello?" Nilingon ko ang buong cafe, paano niya nalaman nandito ako?

"Napadaan lang ako, may bibilhin sana ako tapos nakita kita. Kamusta?" feeling close naman 'to.

Ayoko siyang bastusin kaya sinagot ko na rin. "A-Ayos lang naman, ikaw?"

"Okay na okay! Sino kasama mo?"

Pinagsama-sama ko ang mga gamit ko, gusto ko na umalis. "Hmm, kakatapos lang ng tutor ko sa anak ni D-Daryl."

He look amused. "Wow titser! Nice. I'm Eugene." Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Nade." Tinanggap ko ang kaniyang kamay, nagpasalamat ako nang mabilis lang iyon.

"So, are you in relationship with my cousin?" deretsyahan tanong niya.

Umiling ako. "We're friends."

Sumipol siya saka inayos ang suot na salamin. "Are you joking? He looked at you like you're his entire world. I've seen him with other girls before but he doesn't look at them the way he looks at you."

Malakas na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya, hindi ko alam kung inuuto lang niya ako o ano.

"We're just friend."

Umirap siya sa akin. "Yea-yea keep telling that to yourself, darling."

Ngumiti lang ako saka tumango,  tinawag ko ang waiter para sa bill. Hindi pa rin siya umaalis at pinapanuod niya lang ako. Nang makuha ko ang bill ay kinuha ko ang aking wallet at inabot ko ang aking card sa babae

"Nako, ma'am sira po kasi, cash po muna kami ngayon," aniya.

"Ah ganon ba? Sige wait lang." Inilapag ko ang aking wallet sa lamesa at kinalkal ang isa ko pang wallet para sa mga cash.

Nang maka-alis ang babae ay doon ko lang napansin na nakatitig si Eugene sa aking wallet na nasa itaas ng lamesa.

Bahagyang naka-awang ang kaniyang labi, kaya kumunot ang noo kong tinago iyon.

"S-Sino 'yong babaeng kasama mo sa picture?" tanong niya.

Tumaas ang aking kilay sa kaniyang tanong, nakita niya pala. "Si Dean, kapatid ko bakit?"

Tumayo na ako, napatayo rin siya. "Ah w-wala. Ingat pauwi," nag-aalangan wika niya.

Kumunot ang aking noo sa reaksyon niya pero binalewala ko na iyon, nagpaalam ako sa kaniya saka tuluyan umalis sa lugar na 'yon. Weird.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store