ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 13

SaviorKitty


Kabanata 13:

Imbes na abutin ang kaniyang kamay ay hindi ko iyon pinansin, humarap ako sa lalaking nagpahiram sa akin ng damit. "Thanks for the shirt, nasa banyo 'yong cellphone mo," pagkatapos kong sabihin iyon ay nilampasan ko silang dalawa.

"Baby ka pa ah, 'yan tuloy tinakot mo." narinig ko pang wika ng hindi pamilyar na lalaki kay Daryl.

May sinabi si Daryl sa kaniya pero hindi ko na narinig pa.

I gritted my teeth because of frustration, I can feel my heartbeat fast because of what he said.

Ganoon ako karupok.

Naiinis ako sa aking sarili dahil ang tagal kong hindi naramdaman ang kabang iyon, kabang siya lang ang nagparamdam sa akin. Ibinaon ko na ang bagay na 'yon sa aking isipan, gumawa na ako ng bakod sa puso ko pero isang baby niya lang ay parang gusto ko ng akyatin ang bakod na ako mismo ang gumawa at tibagin iyon.

Imbes na lumabas ay dinala ako ng aking paa sa kusina nila, nakahinga ako ng maluwag ng walang tao roon.

May ilang pagkain pa sa lamesa, mabilis kong kinuha ang baso na may wine at tinungga iyon.

Kumalat sa aking lalamunan ang matapang na timpla no'n, hindi ako madalas uminon pero nasubukan ko na bago ko ipanganak si Isaiah.

"What the hell are doing?" halos mapaigtad ako sa gulat nang may magsalita sa akin likuran.

Kaagad kong nilingon si Daryl, salubong ang kaniyang kilay. I scanned the empty kitchen just to avoid his gaze. "Why?" balik tanong ko sa kaniya.

Daryl stood in the doorway of the kitchen, he leaned against the frame of the door. I took a step back.

Tumama ang aking pang-upo sa gilid ng lamesa, malaki ang aming pagitan pero pakiramdam ko ay ang lapit-lapit namin.

"Why are you wearing my cousin's shirt, Nade?" he asked in an effortless baritone that resonated so deep it made me shiver.

Natigilan ako sa sinabi niya, pinsan niya pala 'yon? Kaya pala.

Tumikhim ako, tumingin sa refrigerator doon. "Ah. Pinsan mo pala siya, natapunan niya kasi ako ng sauce kaya pinahiram muna niya ako damit," kalmado kong saad, nagkunwaring namamangha sa mga gamit sa kanilang kusina.

May pumasok na kasambahay, nagulat pa nang makita kami ni Daryl sa kusina pero mabilis nitong kinuha ang ulam sa lamesa saka lumabas.

Tumalim pa lalo ang mata ni Daryl nang makita ang ininom ko kanina, bahagya ko iyon tinabingan pero nabigo ako dahil kita na niya.

"You're being a bad girl tonight, Nade," he concluded.

Laglag ang panga ko dahil sa kaniyang sinabi, pilit kong iniiwasan ang kaniyang mata pero sa huli'y nagtama rin, iyon ang kinakataon ko dahil kahit gaano kagalit, kaseryoso at lungkot ang mata niya ay maaakit ka, para bang may hipnotismo ito na uutusan ka na lang lumuhod sa harapan niya.

"A-Ano bang sinasabi mo Daryl?" pinilit kong ngumiti sa kaniya.

Halos sumiksik ako sa lamesa nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin, ang kaniyang isang kamay ay nakapamulsa sa kaniyang pantalon.

Tumigil siya nang dalawang hakbang na lang ang pagitan namin. "I wanna punch him in the face," sumbong niya sa akin.

"You can't do that," gagad kong wika.

Ngumiti siya na parang nang-aasar. "Give me reason why I wouldn't punch him?"

"Wala naman siyang ginagawang masama."

"He gave you his shirt," wika niya na para bang sapat na dahilan na 'yon para sapakin niya ang pinsan.

"He just wanted to help me..." Nakita kong tiningnan niya ang aking buhok, nailang ako doon. May dumi ba? Baka may kuto ako ah? "Are you mad?" pag-iiba ko sa usapan.

"Does it matter?"

Tumango ako, humakbang siya ulit ng isa. Wala pa man ay ramdam ko na ang init na nagmumula sa katawan niya.

"Are you drunk?" tanong niya.

Kaagad ay umiling ako, isang basong maliit lang ang nainum ko, malakas pero hindi pa naman ako lasing.

Ganon na lang ang gulat ko nang lumapit ang mukha niya sa akin saka mabilis na dinampi ang labi sa akin labi, napasinghap ako sa ginawa niya na kahit gustuhin ko man na umatras ay wala akong aatrasan.

Mabilis din siyang lumayo, kinagat niya ang ibabang labi.

"Daryl!" I hissed.

"You taste like red wine," komento niya, blankong ang mukhang tinitigan ko siya hindi ko maiproseso ang ginawa niya.

He kissed me?!

"I hate it when you look at me like that," wika niya. My chest tightened but I listened to him attentively.

"L-Like what?" pakiramdam ko ay nangyari na ito sa amin noon, ang kaibahan lang ay sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Like you don't like me anymore, that I lost my Nade." Umawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Daryl, I can't believe he just said that and hell, I'm not dreaming. "Huli na ba ako?" dagdag niya.

Sa sobrang gulat ko sa mga sinasabi niya ay hindi ako nakapagsalita. "Hindi na ba ako, Nade? Did you ever felt your heart skip a beat when I'm near? Actually, I hated it when you smiled at me, na kalmado ka na sa presensya ko ibig sabihin wala ng epekto si Daryl sayo? Wala na akong epekto rito." Turo niya sa puso ko, napatalon ako sa gulat ng kinuha niya ang kanan kong kamay at ilagay iyon sa kaniyang dibdib.

Nanlaki ang aking mata sa ginawa niya, ramdam ko ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib.

Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Daryl.

"D-Daryl..."

"Ang sabi ko lang naman noon ay kalimutan natin ang nangyare sa kwarto ko... dahil ayaw kong magsimula ang relasyon natin ng ganon." Tumigil siya sandali, tumingala animong kumukuha ng lakas ng loob na magpatuloy sa sinasabi niya. "Hindi ko naman sinabing iwan mo ako, after you made me feel that you like me, that you want me, you just left... left like it was nothing, like I'm nothing."

Mabilis na nangilid ang aking luha sa sinabi niya, pilit kong inaagaw ang aking kamay pero hinigpitan niya ang kapit doon.

Ang galit na kinikimkim ko sa kaniya ay nabuhay, kung sumbatan niya ako ay parang kasalanan ko kung bakit ako lumayo, kung sa una naman ay siya ang nagsabing kalimutan namin 'yon.

"L-Let me go, Daryl!" I said desperately.

"No! Not anymore. Not again." He fell silent. I'd never seen him this serious before.

Tinulak ko siya gamit ang isa kong kamay pero madali lang din niyang hinuli iyon at mas inilapit ang katawan sa akin, kung hindi ko naka-sandal sa kahoy na lamesa ay baka natumba na ako.

"Ikaw ang nagsabing lumayo ako Daryl!" I accused him.

Marahas siyang umiling. "I didn't!"

"Hindi mo deretsyong sinabi sa akin pero ramdam ko, alam ko naman noon na walang kapantay ang nararamdaman ko,  walang makukuha pabalik! Alam na alam ko! I saw you kissed another woman, I saw you kissed Sascha when we were in college. Nakita ko kung paano mo siya tingnan at hawakan noon bagay na hindi mo magawa sa akin!" malakas na sigaw ko.

Sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha sa aking pisngi, lahat ng hinanakit ko ay gusto kong isigaw sa kaniyang mukha.

"That's not what I mean!" sigaw niya sa akin, napahikbi ako. Binitawan niya ang dalawa kong kamay saka kinulong ang maliit kong katawan sa kaniyang braso, niyakap niya ako. "I'm sorry baby, I didn't mean to shout at you, hush."

I shook my head, gusto ko siyang itulak pero gusto ko rin maramdaman ang yakap niya.

Ang tagal kong inisip noon kung anong pakiramdam ang mayakap niya ng mahigpit, sa tuwing may niyayakap siyang babae sa harapan ko naiisip ko paano kung ako 'yon? Akala ko ay masarap sa pakiramdam pero bakit masakit ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang may dumadakot sa puso ko? Bakit hindi ako masaya?

"I hate you."

"I know, Nade. I know."

"I hate you, asshole."

"That's bad," wika niya habang hinihimas ang aking likod upang patahanin ako.

I never tell him how much I cried that day. That day when he pushed me away. "A-Ang hirap mong patawadin, Daryl. Siguro lumipas na lang ang panahon at nasanay na lang ako sa sakit pero nandito pa rin iyon, I'll never forget how I lost myself for you."

Hindi siya nagsalita, hinalikan niya ang aking sentido.

"I can't be your friend anymore." Humiwalay siya sa akin. Hinawakan niya ang aking panga upang maiharap ako lalo sa kaniya. "I can't smile and laugh with you and pretending that I don't feel anything for you..."

"W-What do you mean?"

"Let's stop being friends, Nade." Umiling ako nagbabakasakaling huwag na niyang ituloy kung anong sasabihin niya, ayokong marinig iyon. Ayos na kami bilang magkaibigan, ayos na 'to.

"We are friends!" giit ko para tumigil siya sa kahibagang sasabihin niya.

"Friends don't kiss, Nade."

Bumagsak ang aking balikat nang gamit ang hinlalaki ay pinunasan niya ang luha sa aking pisngi.

"Let's date."

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store