Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 12
Kabanata 12:
Dahan-dahan kong inilapit ang aking tainga sa pintuan ng kwarto ni Revelation, pagkatapos ng pag-tutor ko sa kanila ay dapat ay uuwi na ako ang kaso ay biglang tumawag si Mommy na birthday raw pala ngayon ng ina ni Daryl at nadoon sila ni Isaiah at ni Daddy.
Wala akong choice kung hindi pumunta na rin doon at sumabay kila Daryl.
I can't let my daughter there!
"I don't know what to wear!" rinig kong wika ni Rev, hindi ko alam kung kasama niya ang kapatid lang loob dahil ang alam ko'y magka-iba sila ng kwarto.
Kumatok ako doon. "Rev? Si Teacher Nade 'to, are you okay? You want help?" I asked him.
Wala pa kasi si Daryl, pumasok siya sa kaniyang kwarto para maligo habang si Genesis naman ay nasa sala't tapos na magbihis kaya nga inakyat ko si Rev dahil ang tagal niya.
Dahan-dahan bumukas ang kaniyang pintuan, naka-busangot na tumambad sa akin si Rev.
Pinasadahan ko ang kaniyang suot, pinigilan kong matawa dahil patong-patong na t-shirt ang kaniyang suot, samantalang ang kaniyang sapatos ay magka-iba pa.
"You need help? I can help you," I asked him carefully.
Pansin ko kasing sa kanilang dalawa ni Genesis ay mas mailap siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
"Why would you help me... po?" Kunot-noong tanong niya.
Sumilip ako sa kaniyang kwarto. "Pwede ba akong pumasok?"
Sa una'y parang nag-aalinlangan pa siya ngunit sa huli'y pinapasok na rin niya ako. Kaagad bumungad sa akin ang nagkalat na damit sa kaniyang kama. Nang humarap ako sa kaniya ay nakasimangot na tiningala niya ako, kaya umupo ako sa gilid ng kaniyang kama.
"Bakit ang dami mong suot na damit? Hindi ka ba makapili? Sa lola mo lang naman tayo pupunta, you don't have to wear too much," mahinahong wika ko habang naka-ngiti.
I want him feel relax talking to me. I want him to realize that I will never do something stupid or bad.
"I want to look good like daddy po... T-Tita," pakiramdam ko ay nakikita ko sa kaniya si Daryl noon bata pa.
Hindi ko maiwasan mapangiti sa kaniya. "Are you not comfortable calling me Tita? You can call me Ma'am if that's what you want," pagpapagaan ko ng loob niya.
Mabilis siyang umiling.
"Hindi po ganon, I-I just don't like to call you tita, it's weird."
"Weird? Why?" I frowned because of his words.
Napalabi siya, mukhang wala ng balak pang sabihin ang sagot. Hinayaan ko siya't pumili ng kaniyang damit, ang napili ko ay isang white tshirt na may print sa harap at jeans. Mas okay ng puti ang suotin niya para hindi mainit sa katawan.
"Kaya mo na ba magbihis mag-isa? Do you want me help you?" wika ko nang i-abot ang isusuot niya.
Marahas siyang umiling. "A-Ako na po." Tumakbo siya papunta sa banyo.
Oh boy! This little kid. Nahihiya ba siya sa akin?
Nang matapos siya ay bahagya pa siyang sumilip sa pintuan animong nahihiyang lumabas, sinenyasan ko siyang lumapit na mabilis naman niyang sinunod.
"Wow, ang gwapo naman ni Kuya Rev," I complimented to him. Inayos ko ang kaniyang damit at bahagyang gulong buhok. "Done."
"Thank you po."
"Come on, baba na tayo baka tapos na Daddy mo."
Sabay kaming lumabas ni Rev sa kaniyang kwarto, nagulat pa ako nang makitang nasa labas si Daryl at nakasandal sa pader doon, animong hinihintay kami.
"Are you done?" kalmado niyang tanong habang naka-tingin sa akin.
I nodded, trying not to feel uncomfortable with him. Bakit naman ako maiilang? We are friends since college. Tama, Nade walang dapat ika-ilang.
Nang makababa kami sa sala ay nag-unahan ang pagkapatid palabas ng bahay, hinarap naman ako ni Daryl. "Do you want to change?" tukoy niya sa damit ko, umiling ako dahil ayoko ng magtagal pa, saka baka umalis na rin ako kaagad pagkadating doon, kukunin ko lang naman si Isaiah. "May shirts ako dyan," dagdag niya pa.
"Shirts pangbabae?" Taas-kilay na tanong ko.
Umiling siya. "No, my shirt. Ahm, do you want to change your clothes, baka lang gusto mo magpalit?" nag-aalangan tanong niya.
Tiningnan ko ang damit ko, naka-blouse namana ko, I don't need to change at isa pa, ang laki ng damit niya.
Ngumiti ako saka umiling. "No, it's fine."
Sabay kaming lumabas, nakasakay na ang kambal sa sasakyan, habang nasa biyahe ay tinext ko si Mommy na baka umalis na kami kaagad ni Isaiah, kukunin ko lang siya pero hindi naman nagreply si mommy hanggang makarating na kami sa bahay ng mama niya.
Pinagbukasan ako ng pintuan ni Daryl, hindi ko maiwasan maamoy ang kaniyang natural na amoy pagkababa ko ng kotse.
Halos pigilan ko ang aking hininga na mas suminghot pa.
Nang bumaba kami ay kaagad kumapit sa akin si Genesis, nagulat ako doon at mukhang nahalata ni Daryl.
"Gen, come here," tawag niya sa anak pero umiling lang ito saka ako hinila sa bahay papasok.
I feel that I should not be here, bakit ba naman kasi sinama pa ni mommy si Isa rito.
Maraming kotse sa labas, mas lalo akong nahiya nang pumunta kami sa garden sa gilid ay tumingin sa amin mga mata ng nandoon. Hinila pa ako ni Genesis para lumapit sa mga lamesa habang randam ko naman sa likod namin sila Daryl.
'Ano ba naman, Nade? Akala ko ba iiwasan mo na?' sigaw ng isang parte ng utak ko.
Siguro ay kamag-anak nila ang mga nandoon, karaniwan ay matanda. May pamilyar akong nakita, ang ate ni Daryl na nakita ko noon kasal nila Sascha at Sir Travis. Nang mahagip niya ako ng tingin ay ngumiti siya sa akin bago nagpatuloy sa pakikipag-usap sa asawa.
"Happy Birthday po, Tita." I greeted Daryl's mom.
I felt extremely uneasy, I could see them looking at me from the corner of my eyes. They watching us!
"Akala ko'y hindi ka pupunta! Kumain muna kayo, nandoon ang mommy mo." Tinuro niya ang isang lamesa sa gilid, kumaway si Mommy sa akin nagsalubong naman ang aking kilay dahil wala doon ang aking anak.
Ipinakilala ako ng mommy ni Daryl sa ibang nakakasalubong namin na tutor ako nila Rev at Gen, hindi ko na namalayan na nawala na si Genesis at nakihalo na sa mga kamag-anak.
Nang tuluyang makalapit sa lamesa ni Mommy ay iniwan na ako ng Mommy ni Daryl. Pinanlakihan ko ng mata ang aking ina. "Mommy naman! Bakit kayo pumunta rito?" hininaan ko ang boses ko dahil baka may makarinig.
Nagkibit-balikat siya. "Sayang ang foods." Humalakhak siya. "Chill Nade, we need to socialize, Hilda is my friend palibhasa ay wala kang kaibigan," ani Mommy alam kong biro lang iyon pero parang may kumurot sa puso ko.
Yes right, wala akong close friend. Nakiki-sali lang ako sa ibang grupo noon, kung may magsali sa akin ay okay na ako.
"Nasan ang anak ko, ma?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa garden.
Nagtama ang mata namin ni Daryl. I wasn't sure? Is he watching me the whole time?
Kausap niya ang isang babae balingkinitan pero sa akin nakatuon ang kaniyang mata. Iniwas ko ang aking mata doon, who's that girl?
Bimaling ako kay Mommy binigyan siya ng nagtatanong na tingin dahil abala siya sa salad.
"Don't worry about your daughter, kasama siya ni Daddy mo. Dyan lang 'yon, akala mo naman ay papabayaan ng daddy mo 'yon," balewalang wika niya.
Hinilot ko ang aking noo, gosh my mom? What happened to my strict mom?
Tumayo ako para hanapin si Isaiah, wala naman talaga ako planong kumain at magtagal pa rito. Nakarating ako sa may pool area pero wala pa rin sila doon, sinubukan kong pumunta sa dulo kung saan madaming lalaking nag-iihaw nagbabakasaling nandoon si Daddy.
Ang ibang nandoon ay lumingon sa akin, nang masiguradong wala si Daddy sa kumpol ng kalalakihan ay tumalikod na ako para bumalik kung nasaan si Mommy.
Saktong pagharap ko at pagliko ay ang pagbungguan namin ng isang lalaki. Nanlaki ang aking mata ng tumapon sa blouse ko ang dala niyang barbeque sauce.
"Shit, I'm sorry," hingi niya ng tawad.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, sinamaan ko siya ng tingin. He's wearing an eyeglasses, he's tall so I looked up at him. Pakiramdam ko'y halos magkasing tangkad sila ni Daryl.
Lumayo ako habang pinipigilan kumalat ang sauce pababa sa aking damit. Shit naman! Nasa sasakyan pa ni Daryl ang bag ko, wala akong pamunas.
Umalis ang lalaki, akala ko ay babaliwalain na niya ang nangyari pero binaba lang pala niya ang sauce sa mga nag-iihaw saka bumalik.
Narinig ko pa ang pang-aasar ng ilang lalaki sa kaniya, sinasabing lagot siya sa akin.
"Sorry talaga, tara sa loob linisin natin," malumay na wika niya pagkalapit, kumamot pa sa batok.
Hinayaan ko siyang hilahin ako papunta kung saan, ayoko rin naman bumalik doon na nangangamoy sauce.
Pumasok kami sa loob ng bahay, kamag-anak ba siya ni Daryl? Mukhang oo dahil alam niya ang buong bahay.
Hinawakan niya ang braso ko paakyat sa itaas, bahagya akong napa-atras. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
Napangiwi siya sa aking reaksyon.
"Sa kwarto ko, may banyo doon hahanapan kita pamalit na damit. Don't worry I won't do anything stupid if I did, just shout and here..." Inabot niya ang cellphone niya sa akin taka akong napatitig doon. "May police number dyan, kapag may ginawa ako tawagan mo sila."
Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya, saka ang daming tao hindi naman siguro siya gagawa ng katarantaduhan saka nandyan si Daryl sa ibaba, I'm sure he'll help me if I'll shout.
Hinayaan kong hilahin ako ng hindi ko kilalang lalaki sa isang kwarto. Binuksan niya ang ilaw, nagmamadali pa siyang inalis ang mga nakakalat na damit niya sa kama bago ako tuluyan papasukin.
Hindi ko nilock ang pinto, hinayaan din naman niya, tinuro niya ang isang pintuan doon. "That's my bathroom, I have a clean and unused shirt, i-abot ko sa'yo," wika niya.
Mabilis akong pumasok at naglinis. Nangmatapos ako ay saktong kumatok siya. "Miss, here try this. Malinis 'yan," Bahagya kong binuksan ang pintuan at inilabas ang kamay doon para maiabot niya.
Nakuha ko iyon at mabilis na sinuot, plain shirt pero halatang panlalaki halos lamunin ako no'n.
Nang makalabas ako ay naka-upo na siya sa gilid ng kama.
"You look good!" he cheer me up.
I looked at him flatly. "No I don't. Ang laki," reklamo ko.
"I'm sorry, ikaw naman kasi bigla ka lumiliko e," sisi niya sa akin sa huli saka inayos ang salamin, napa-atras pa ako ng ilapit niya ang mukha sa akin. "You have clear skin, short but cute eyelashes, pink lips and pointed nose. Nice," komento niya.
"Lumayo ka nga tatamaan ka talaga sa akin," inis na wika ko.
Lumayo siya saka pero natatawa. "I made you uncomfortable ey?" biro niya.
Nilampasan ko siya para makalabas na, hinabol niya ako palabas. Saktong paglabas namin ng kwarto ay napatigil din ako dahil sa lalaking naglalakad, napatigil din siya nang makita akong lumabas sa kwartong dadaanan niya.
"Uy miss, 'yong phone ko."
Ang gulat na mata ni Daryl ay nauwi sa pagka-inis, matalim niyang tinitigan ang suot ko, kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga.
"Oh, Daryl nandito ka pala," ani ng lalaki sa likod ko, tumuon ang tingin sa kaniya ni Daryl.
Hindi ako nakagalaw, nagsimulang kumabog ang dibdib ko lalo't inilahad ni Daryl ang kamay sa akin harapan habang matalim ang tingin sa lalaking nasa likuran ko.
"Come here, baby." Daryl said in a serious voice.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store