ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 16

SaviorKitty

I just wanna say thank you for everyone who are reading TMA. Mapa-silent readers man o nagco-comment. Thank you!

Nasa 30-35 chapters lang ito, so magiging mabilis na 'to. Iyon lang talaga plano ko rito. Enjoy Reading!

Kabanata 16:

Napangiti ako nang makita si Daryl na bumaba sa kaniyang kotse upang pagbuksan ako ng pintuan, sa halos dalawang linggo namin magkasintahan ay nakasanayan ko na iyon.

Madilim pa ang pagilid at paalis na kami, mag-aalasingko pa lang ng umaga.

I'm so excited, this will be our first date. Ang totoo ay halos tatlong araw namin itong plinano, bukod sa parehas busy ang schedule namin ay hindi naman pwedeng basta iwan na lang namin ang mga anak namin, we made sure that someone will look for them. Iniwan niya kagabi pa ang kambal sa Mama niya at si Isaiah naman ay nasa bahay pa rin alam ko naman hindi siya pababayaan ni Mommy.

Pinanuod ko siyang patakbong umikot sa harap ng kotse para maka-punta sa driver seat. Nang maka-pasok siya ay kaagad niya akong hinalikan sa noo na kadalasan niyang ginagawa kapag sinusundo ako.

"Sorry natagalan akong lumabas, nagising kasi si Isaiah, hinintay ko pang makatulog ulit bago umalis," sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya saka binuhay ang kotse at pina-usad iyon. "It's okay. Gusto mo bang matulog muna? Medyo matagal pa ang biyahe, gigisingin na lang kita," suwestiyon niya pero umiling ako.

Ayoko naman na magdrive siya habang natutulog ako, baka mamaya pati siya ay antukin, baka pagdilat namin ay papuntang langit na kami.

"I'm not sleepy, nakatulog ka ba ng maayos?" I asked him while fixing my bags.

"Oo naman, pero maaga ako nagising. Alas-dos pa lang ata gising na ako. Honestly, ito ang unang beses na makikipagdate ako." Napangiti ako sa sinabi niya dahil ganoon din naman ako. Sa halos isang taon namin ni Imigo ay hindi ko na maalaa kung nagdate ba kami ng ganito, dahil noong mga panahon na 'yon ay tutok ako kay Isaiah dahil bata pa siya't hindi maiwan sa bahay kaya kapag lalabas kami ay kasama rin ang anak ko.

"Noong kami kasi ni Genvery, hindi siya mahilig lumabas. Sa bahay lang kami tapos magluluto siya." Nakangiting kwento niya.

Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala. This is not the first time, I don't know if I'm just over acting or what, in the past two weeks Daryl always mentioned his ex name.

Genvery, the mother of his child.

Nang lingunin niya ako ay kaagad akong ngumiti para hindi niya mahalata.

He offered me his hand, I accepted it.

"We will tell them this sunday?" tanong niya, parang naninigurado kahit pa napag-usapan na namin ito.

"Mabuti rin siguro malaman na ng mga anak natin kung anong meron, I don't want to hide something to my daughter saka mukhang nahahalata na rin ng kambal." Sumimangot ako nang maalala iyon.

Sa dalawang linggo kasi ay nagtutuloy pa rin naman ako sa pagtutor sa kaniyang anak, hindi pa namin kaagad sinabi sa iba. Ang kaso ay mukhang nahahalata naman dahil panay ang dikit sa akin ni Daryl sa bahay nila.

"Hahaha. Sorry baby. Ayos lang 'yon, they will understand." Hinalikan niya ang aking kamay habang nagda-drive.

Kahit kinilig ako sa galaw niyang iyon ay nagkunwari pa rin akong galit.

"Panay kasi ang akbay at haplos mo sa braso ko, matalino ang mga anak mo at malamang kabisado ka ng mga iyon, alam na nila pero hindi lang sila nagtatanong." I concluded.

Daryl's chuckled filled the car.

"I can't stop my hands, I want to feel your skin and body, sorry," sabi niya pero pakiramdam ko'y hindi naman talaga siya nagsisisi doon.

Pinirmi niya ang magkasaklob na kamay namin sa ibabaw ng aking hita. Even in this cold morning, why I feel so hot? Wala bang aircon 'tong kotse ni Daryl?

"Dax!"

Nanlaki ang aking mata nang bahagya niyang pisilin ang legs ko na kahit naka-suot ako ng jeans ay ramdam ko ang bahagyang magaspang na palad niya.

"What did you called me?" Natatawang wika niya.

I protruded my lips, he looks so fresh and happy while me? Oh nevermind, baka mukha pa akong tilapia na bagong gising, baka nga may muta pa ako.

"Dax, short for Daryl Ajax... Yoshida." hinabol ko pa ang kaniyang apelyido.

Sumulyap siya sa akin sandali bago ibalik ang tingin sa kalsada.

"You know my full name huh?" I can see amusement in his voice, para bang hindi niya inaasahan na alam ko iyon.

"Duh, I have a crush on you since college," I said like it's a matter of fact.

Nagulat ako nang unti-unting bumagal ang kaniyang pagpapatakbo kaya nilingon ko siya, kagat niya ang ibang labi animong nagpipigil ng ngiti pero sa huli ay natawa na siya, mas sumingkit ang kaniyang mata at lumitaw ang biloy sa kaniyang pisngi.

"This is the first time you said that."

"That?"

"That you already like me when we were on college. Wala lang, ang sarap pala sa pakiramdam na sabihin mo iyan," pag-amin niya.

Napabuntong-hininga ako saka hinawakan ang kamay niyang naka-patong sa aking hita.

I'm waiting for your three magic word, Daryl. I'm waiting.

                  HALOS inabot kami ng isang oras at kalahati bago maka-punta sa Subic Zambales. Our first plan was just in a resort inside Pampanga, but after days we decided to change it and go to a beach so we reserved a room in a hotel near in the Subic beach.

Wala naman kasing dagat sa Pampanga at saka isa pa medyo matagal na rin ng mapunta ako sa beach at gano'n din si Daryl, ang sabi niya ay huling punta niya ay dalawang taon pa lang ang mga anak niya.

Hawak kamay kami ni Daryl papunta sa kwarto namin, ang isang kamay niya ay hawak ang mga bag namin.

I can't believe at this age, I will do this kind of stuff. At least bago ako mamatay ay naranasan ko man makapag beach kasama ang boyfriend ko.

I smiled of my thoughts, boyfriend hmm?

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kamay namin magkasaklob. Ganito pala ang pakiramdam na maging kasintahan mo ang taong gustong-gusto mo?

So this is the feeling of naging crush ka ng crush mo.

Nang makapasok kami sa kwarto namin ay talagang namangha ako, nagpati-una ako sa kaniya saka dumeretsyo sa sliding window upang buksan iyon. Suminghap ako nang tumama ang malamig na hangin sa aking mukha, papasikat ang araw na sumisilip sa dagat. Mula sa veranda ng aming kwarto ay tanaw ang payapang dagat.

Ang ganda!

"You like it?"

Dumeretsyo ako ng tayo nang maramdaman ko si Daryl sa aking likuran.

He's not too close but I can feel his breath. I stopped breathing and my heart started pounding so loud.

Act natural, Nade.

"I like it here."

Napahawak ako sa railings ng veranda nang ang malaking braso niya ay tuluyan yumakap sa aking beywang mula sa likuran, ipinag dikit niya ang aming mga pisngi.

"Thank you for trusting me, doll face," he whispered.

Kahit gusto ko siyang lingunin ay hindi ko magawa dahil mas isiniksik niya ang mukha sa aking leeg.

"W-Why are you calling me that?"

"Because you're my doll."

He leaned closer and gently pressed his lips on my shoulder. Hindi ko maiwasan mapa-buga ng hangin, the sensation was so good that I felt my knees go weak.

Hinawakan ko ang kamay niyang naka-yakap sa aking tiyan.

Daryl pulled me closer to him, kung may mas ididikit pa ang likod ko sa kaniya ay baka nagawa na niya. I could feel warmth from his body.

Nang lingunin ko siya ay naka-tingin din siya sa akin.

We didn't need words, we just looked at each other and smiled.

There was no point in denying the facts. I am falling hard for him, again.

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store