Taking Chances (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 4
Kabanata 4
Formal
This meeting is supposedly formal. Really freaking formal.
"Sir, are you even listening?" Pinanormal ko ang boses ko at hindi ipinakita ang sobrang pagkairita ko.
"Hmm?" Tinaasan niya ako ng kilay at tumango-tango habang nakatitig pa rin sa akin.
"Mr. Salcedo, are you listening?" ulit ko at kinagat ang labi. Nakakainis kasi! Kanina pa ako salita nang salita rito tapos hindi siya sumasagot! Palagi siyang nakatingin sa akin—sa halip na sa proposal—na ikinaiilang ko.
Ngayon lang kasi nangyari ito at hindi ko pa inaasahan. Nagugulo ang sikmura ko sa bawat pagkibot ng labi niya at lalo pa noong ngumiti siya sa akin na nagpalitaw ng biloy niya.
"Yes, I'm listening, baby." Ngumiti lang siya at nagsalubong na ang kilay ko. Nahuli ko ang pagsulyap niya sa dibdib ko kaya napaayos ako ng upo bago itinaas ang neckline ko. Nang sumulyap ako sa kanya ay nakangiwi siya pero ngumisi rin na parang timang.
"Stop calling me that, please? Is this how you treat all your clients? Huh?" sabi ko, kalahati sa nararamdaman ko ay naiinis sa isiping iyon.
Nanlaki naman ang mga mata niya at umiling-iling.
"Hindi, ah! Grabe...I'm formal when talking to my clients," depensa niya pero mas sumimangot ako sa sinabi niya.
"Seriously?, eh ano ito ngayon? I'm your client, Mr. Salcedo, and you're not being formal right now," matigas kong sabi na ikinahaba ng nguso niya. Pumungay ang mga mata niya at parang batang pumangalumbaba sa mesa at isinubo ang salad na nasa platito niya.
"You're not my client, baby. You're my client's secretary so..." Nagkibit-balikat siya at napaismid ako sa ginawa niyang pagkindat.
Sumubo rin ako sa pagkaing nasa platito ko at hindi na muling nagsalita. Amusement was written all over his face nang tingnan ko siya and I wonder why.
"Ano?" Ngumiti siya at iminuwestra ang gilid ng labi niya.
"Ano?" Inulit niya lang ang ginawa niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "You can just tell me kung ano iyon. Ang dami mong alam," reklamo ko at mukhang nakukuha na ang ibig niyang sabihin.
Nahigit ko ang hininga ko sa gulat nang abutin niya ang mukha ko kaya napaatras agad ako at pinunasan ang gilid ng labi ko.
"Ano ba 'yan! Ako ang magpupunas, eh!" He groaned at napabuga ng hangin.
"Ang dami mong pakulo. Sana sinabi mo na lang," sabi ko at nag-iwas ng tingin, nangingiti na rin kahit hindi ko alam kung bakit.
"Tss, you're killing the thrill. Don't you have any sweet bones on your gorgeous body? Gano'n iyong sa napapanood kong mga movies, eh. May kalat sa gilid ng labi tapos pupunasan ng lalaki bago sila magkakatitigan then, boom! Kiss na!" Bigla akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya at hinagisan siya ng tissue na agad din niyang naiwasan.
"You're watching chick flicks?! Oh my!" Tumawa ulit ako at hinayaan ang mukha niya na unti-unting nawala ang liwanag.
"Bakit? Anong masama ro'n? You're so mean, Allison. Halikan kita d'yan, eh!" Nawala ang tawa ko at napakibot ako ng labi.
Ayan na naman kasi siya! Sabi nang sabi na hahalikan ako, hindi naman ginagawa! Paasa!
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa naisip na kahalayan at agad akong kinalabutan.
Shit! Ano'ng naisip ko?! Oh, God, this isn't good.
"Care to share your thoughts, baby?" Kahit na nagwala ang sistema ko sa paggamit niya ng salitang iyon ay pinanatili ko pa rin ang seryosong mukha ko.
"Let's go back to our main agenda, Sir. Let's be formal this time, please. I'm running out of time. Marami pa akong gagawin," mahina pero pormal kong sabi. Tumango naman siya at pinagsalikop ang kamay niya.
"Okay, formal it is," tipid niyang sabi bago tumikhim. Pinasadahan niya ng palad ang buhok niya at inayos ang polo niya.
"Greg Salcedo," pagpapakilala niya at iniabot ang kamay niya sa akin. Nagdadalawang-isip pa ako kung kukunin ko iyon pero naisip kong hindi naman ako ganoon kabastos kaya tinaggap ko iyon.
"Allison Madlang-Awa, secretary of Mr. Agoncillo." Napalunok ako at agad na binitawan ang kamay niya dahil sa kuryente na dumaloy sa sistema ko.
Sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang pakay ng kompanya. Our company sells high quality furnitures na ginagawa pa sa ibang bansa. The Salcedo Group of Companies contacted us to have a meeting dahil interasado sila sa mga furnitures para sa bagong branch ng mga hotel na ipinatayo nila.
Kahit na ayaw ko mang makitang muli ang isang ito ay wala akong magawa dahil sa pinagkakatiwalaan ako ng boss ko. I need to be professional at kailangang ihiwalay ang trabaho sa sariling issues. In fact, he doesn't even remember me.
"I think I have seen you before." Natigil ako sa pagsasalita at nanuyo ang lalamunan ko.
"H-Ha?" Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay lalabas na ito sa dibdib ko. Mabilis kong hinagilap ang baso ng tubig at uminom.
"Parang...matagal na iyon, eh. Nagkita na ba tayo?"
Bigla akong nasamid sa tubig at wala pang ilang segundo ay nasa likod ko na siya, hinahaplos ang likod ko. Muntik na akong mapatalon sa ginawa niya at mabilis na lumayo.
"I-I'm fine," tipid kong sabi at bumalik naman siya sa upuan niya. Iniiwas ko ang mga mata ko sa mapanuring tingin niya.
"Allison?" Sumikip ang dibdib ko.
"A-Ano?" Nanatili ang titig niya sa akin at pagkatapos ay umiling. Napahinga ako nang maluwang nang ngumiti siya.
"I'm impressed." Maluwag akong napangiti at bumalik sa normal ang takbo ng puso ko.
"You smiled! Ngumiti ka sa akin!" biglang sabi niya saka kinagat ang pang-ibabang labi. Nginitian ko siya ulit at napailing.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung para saan ang ngiti kong iyon. Kung para sa hindi pagpilit sa akin sa tanong niya kanina o sa pagpuri niya? I don't know. Basta napangiti na lang ako.
"Salamat," sabi ko at iniabot sa kanya ang ballpen. "Sign it." Pero hindi niya iyon tinanggap.
"Nah, not now. I need a little..." Itinaas niya ang kamay at ipinakita ang daliri na nagsesenyas ng maliit, "little more convincing." Pagkatapos ay ngumisi siya.
Nawala ang nakapaskil na ngiti sa labi ko at nanigas ang katawan ko. Nakaramdam ako ng inis at kulang na lang ay ihagis ko sa kanya itong mesang nasa pagitan namin.
"Are you playing with me?" nagpupuyos sa inis kong sabi.
"Oh no, baby. I can't play with you," pilyo niyang sabi at mahina akong napamura nang paglaruan niya ang pang-ibabang labi niya gamit ang index finger niya. Wala sa sariling binasa ko ang labi ko at natauhan lang nang masalubong ko ang mga mata niya na sumasayaw sa pagkaaliw.
"Natikman mo na 'yan pero natatakam ka pa rin. Gusto mo, isa pa? Don't worry, I won't mind." Mariin kong naipikit ang mga mata ko at sa tingin ko ay umuusok na ang tainga at ilong ko sa inis sa hinayupak na ito!
"Know what? Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. You're not taking this shit seriously at pinagkakatuwaan mo lang ako." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at napaawang ang labi niya nang abutin ko ang bag ko bago bumaling sa kanya.
"Iba na po ang makikipag-meeting sa inyo, Sir. Maybe Mr. Agoncillo can make it to the next meeting. Nice meeting you," sarkastiko kong sabi bago mabilis na pumihit patalikod.
"Miss Madlang-Awa!" Narinig kong pagtawag niya sa akin at mas nadagdagan pa ang inis ko. Bakit kailangan niyang isigaw ang apelyido ko?! Hinayupak talaga!
"Allison!" Nagtitinginan na sa akin ang mga customer sa loob ng resto pero hindi ko na lang binigyang pansin at dumiretso lang ako palabas.
Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makauwi at makita ang anak ko at 'wag nang makita pa ang pagmumukha ng lalaking iyon.
Naririnig ko ang pagtawag niya pero hindi ako lumilingon at napatigil lang ako nang may humaklit sa braso ko mula sa likod.
"Ano na naman?!" Napangiwi siya sa lakas ng sigaw ko pero hindi pa rin binibitawan ang braso ko.
"Hindi naman 'to mabiro. I was just kidding! Masyado kang hot pero kung willing ka, why not?" Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko pero lalo niya lang hinigpitan.
"Sshh, okay. Ayos na?" Bumuntonghininga siya pagkatapos saka unti-unting binitawan ang braso ko.
"I will sign the papers but not now. May iniisip pa ako and remember this, 'wag mong subukang ipasa 'yang mga 'yan sa iba kung hindi, hindi ko talaga pipirmahan 'yan." Napairap ako sa hangin at humalukipkip. Tinitigan ko siya at tiim-bagang na nagtanong.
"Can we be civil and formal for business sake? Why are you making this hard for me?" naiirita kong tanong pero sa halip na sagutin ako nang maayos ay kahalayan na naman ang lumabas sa bibig niya.
"No, baby, you are making me hard." Bumaba ang tingin ko sa slacks niya at napaatras ako nang makita ang hindi ko dapat tinitingnan. Bumilis ang paghinga ko nang marahan niya akong itulak sa isang sasakyan sa may likod ko.
He towered me at iphinintay ang mukha niya sa mukha ko.
"A-Anong...ginagawa mo?"
"Hmm? Sabi mo formal 'di ba?" paos niyang sabi at inilapit ang mukha niya. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa may labi ko.
"This is me, being formal."
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na naituloy dahil sa pagtama ng mainit niyang labi sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store