Taking Chances (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 5
Kabanata 5
Mainit
"Miss Madlang-Awa, how was the proposal going?" nakangiting tanong sa akin ni Sir. Kasalukuyang nasa opisina niya ako para i-report ang nangyari sa dinner kuno namin no'ng gwapong manyakis.
"It's fine, Sir," mahinang sagot ko at nag-iwas ng tingin.
"Good to hear that. Tell me kung anong pinag-usapan n'yo. Is he good to you?"
Dahil sa tanong na iyon ay biglang sumagi sa utak ko ang nangyari nitong mga nakaraang araw...
Pagkalapat ng labi sa akin ni Greg ay totoong nawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin para mahikayat na halikan siya pabalik at inikot ko pa ang kamay ko sa leeg niya!
The heck! I shouldn't have done that!
Mabilis ko rin siyang naitulak pagkatapos noon at parang baliw na nagtatatakbo palayo kahit na naiiskandalo ako sa pagtawag niya sa pangalan ko.
I wan to punch myself for that!
Wrong move, Allison!
Bakit ko siya hinalikan pabalik?! As if namang gusto ko! Well, gusto ko talaga!
Napangiwi ako sa naalala. Hindi na rin ako magsisinungaling sa sarili ko na aminin na nakakawala sa sarili ang halik niya. Iyong pagtama pa nga lang ng hininga niya sa labi ko, nagkukumbulsyon na ako, eh! Partida, paano pa kaya kapag lumapat na?
Damn! Get rid of your nasty thoughts, Allison!
"Allison?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa harapan ko at napaayos ako ng upo.
"Sir?" Nangunot ang noo niya at mukha siyang na-we-weird-uhan sa nangyayari sa akin.
"Are you fine? You seem preoccupied," sabi niya.
"Ah, yes, Sir. Medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko," palusot ko. Tumango naman siya at tumayo sa upuan niya.
"Rest, Miss Madlang-Awa. Mag half day ka na lang. You did a good job at na-impress daw si Mr. Salcedo sa proposal," natutuwa niyang sabi kaya kitang-kita ko na ang kulubot sa mukha niya na senyales ng katandaan.
Napaismid ako. Impress? Talaga? Eh, hindi naman nakinig iyon, eh!
Nagpasalamat ako bago nagpaalam palabas. Agad kong inayos ang gamit ko at umuwi sa bahay na inuupahan namin.
Mabilis akong nakauwi at agad na sinundo si Chance sa tindahan nina Manang Elsa. Naabutan ko silang nanonood ng isang sikat na noon time show at nagtitilian dahil sa nag-date ang love team na naroon.
"Ang dimples ni Alden!" Natawa ako nang marinig kong nagsalita si Manang na napaghahalataang kinikilig.
May edad na, kinikilig pa? Well, wala namang limitasyon ang kiligin.
Katabi nito ang anak niya at si Chance na nakikinood din at nakangiti.
Agad akong lumapit at hinalikan sa pisngi ang anak ko na agad din akong nilingon.
"Mama ko!" sigaw niya at natawa ako nang agad niya akong dambahin ng yakap. Muntik pa nga akong matumba pero mabuti na lang at nakabalanse ako kaya niyakap ko siya pabalik. Inilapag ko ang dala ko at kinarga siya.
"Bigat na ng baby boy ko," I teased him. Napalabi siya. Sa ginawa niyang iyon ay lumubog ang biloy niya kaya kinurot ko nang marahan ang pisngi niya.
"Bad si Mama!" Natawa ako nang sumiksik siya sa leeg ko at mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. Nagpasalamat muna ako kina Manang Elsa at sa mga kasamahan niya roon bago kami umuwi ni Chance sa bahay.
"Mama, bakit ang aga mo po?" Kumurap si Chance pagkasabi no'n na mas nagpalawak ng ngiti ko. He has this deep set of brown eyes at mahaba ang pilikmata niya kumpara sa iba.
Kamukhang-kamukha niya ang...
Ipinaling ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang hindi dapat maisip. Sa halip ay binuhat ko si Chance paupo sa kandungan ko.
"Kasi namiss ko ang Chance ko," malambing kong sabi bago ko siya hinalikan siya sa pisngi. Niyakap naman niya ang leeg ko at mahinang bumulong.
"Mama, aalis ka mamaya?"
Napabuntonghininga ako at inilayo siya sa akin at tiningnan ang mukha niya.
"Sorry Chance," malungkot kong sabi. Hinawi ko ang buhok niya sa may noo niya.
"Kailangan kasing magtrabaho ni Mama kasi mag-aaral na ang baby niya sa pasukan." Hinintay ko ang pagpapalit ng reaksyon niya at napangiti ako nang makita ang panlalaki ng mata niya.
"P-Papasok na po ako?" Tumango ako. Mabilis siyang umalis sa kandungan ko para tumalon-talon.
Habang nakikita ang kasiyahan niya sa mga mata ay tumatalon din ang puso ko. Pakiramdam ko ay kumpleto na ako dahil nandito ang biyaya ko.
"S-Salamat, Ma!" Niyakap niya ulit ako at niyakap ko siya pabalik. Kwento siya nang kwento sa akin tungkol sa gusto na niyang pumasok at gagalingan daw niya sa pasukan.
I can't help but to feel proud of my so. He is really a gift for me.
***
"Mare, pakialagaan na muna si Chance ha? Kailangan ko kasing pumasok. I-lock mo ang pinto kapag umalis ako at 'wag kang magpapapasok ng hindi kilala," bilin ko kay Mare, anak ni Manang Elsa. May asawa na ito pero nagtatrabaho sa ibang bansa at wala siyang anak.
Siya ang madalas kong pagbilinan kapag may pasok ako ng Sabado ng gabi at inaabutan ko rin pagkatapos. Wala naman kasi siyang ginagawa sa kanila kaya ayos lang daw na bantayan niya ang anak ko. Malapit din naman ang dalawa sa isa't isa kaya walang problema.
"Sige, ate," nakangiting sabi niya.
"Salamat."
Hinalikan ko ang natutulog kong anak bago bumaba at lumabas. Sinigurado ko namang naka-lock ang pinto ng bahay bago ako tuluyang umalis at pumara ng jeep.
Sabado kasi ngayon at may trabaho ako. Bukod kasi sa pagiging secretary mula Lunes hanggang Biyernes ay waitress ako sa isang sikat na bar tuwing Sabado ng gabi. Sideline lang ito dahil wala naman akong pasok kapag Linggo at sayang din ang kikitain.
Malaki-laki naman ang sahod ko kahit isang beses lang sa isang linggo akong pumapasok. Mababait din naman ang mga kasamahan ko roon kaya walang problema.
"Late ka," nakangising baling sa akin ni Lira, kasamahan ko, habang inaayos ang hapit niyang damit na hanggang hita. Regular waitress siya rito at hindi katulad ko na pasulpot-sulpot lang.
"Nag-bonding kami ng anak ko," sagot ko at inayos din ang suot ko. Katulad din niya ay hapit sa katawan ko ang uniporme pero hindi gaanong kaiklian. Kumpara sa kanya ay mas mahaba ang sa akin.
"Sus, namiss ko ang batang iyon. Punta ako minsan sa inyo ha?" sabi niya kaya agad akong pumayag.
"Tequila sa akin, miss." Mabilis akong tumango at agad na pumunta sa counter para kumuha ng order ng lalaki.
Kinuha ko sa bartender ang order nito. Binilisan ko ang lakad pabalik pero napapatigil ako sa bawat pag-akyat ng uniporme ko sa hita ko.
"Tsk! Bakit ba gan'to ito?" naiirita kong sabi at bumalik sa paglalakad. Hinawi ko sa may leeg ang buhok kong humaharang sa mukha ko at mabilis na nakapunta sa lalaki.
"Sir, ito na po." Ngumiti ako at ganoon din ito.
"Thanks, Miss." Tumango ako at akmang tatalikod nang tawagin niya ako kaya bumaling akong muli sa kanya.
"Sir?"
"Bago ka ba rito? Ngayon lang kita nakita rito, eh."
Umiling naman ako agad bilang tugon.
"Ay, hindi po. Tuwing Sabado lang po talaga ako pumapasok dito kaya siguro ngayon n'yo lang ako nakita," magalang kong sabi at aalis na sana pero nagsalita ulit ito.
"I'm Walter." Ngumiti ito at wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang kanyang kamay.
"Allison," sagot ko. Magsasalita pa sana ang lalaki pero naputol ng may matigas at baritonong boses ang pumailanlang sa ere.
"Bitiwan mo 'yan!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naiwan sa ere ang ngiti ko nang masalubong ang mga mata ng lalaking pilit kong tinatanggal sa isip ko.
Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay naming magkahugapos at umigting ang panga niya. Napasinghap pa ako sa gulat ng siya pa mismo ang maghiwalay sa kamay namin at hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Dude? What's up?" Walter greeted him at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Greg sa pulso ko.
"What's up your face! 'Wag mo 'kong kausapin kung gusto mo pang manatiling kumpleto ang parte ng katawan mo," matigas niyang sagot kaya nakagat ko ang labi ko at hinila ang kamay ko mula sa kanya.
"E-Excuse me," mabilis kong sabi at tumalilis paalis. Hindi ko na nadinig ang tawag niya kaya dire-diretso akong naglalakad at kung saan-saan napupunta.
Ano bang ginagawa ng Greg na iyon dito?! Wrong timing!
Sa bawat galaw ko at pagpunta sa mga customer ay naiilang ako. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin at hindi ako mapakali. Iniikot ko ang paningin pero wala akong mahagilap na kung sino.
Pinipilit kong umiwas sa table nila para hindi ko ulit siya makita hanggang mga matapos ang gabing ito.
"Miss!" Napaayos ako ng tayo at ibinababa nang maayos ang umaakyat kong damit at agad na lumapit sa grupo ng kalalakihan sa di-kalayuan.
"Y-Yes?" Lumunok ako nang makita ang tingin nila sa akin. I suddenly feel like was some kind of a meat na pwede nilang sunggaban anumang oras.
"Are you new here?" tanong ng lalaking mataas ang buhok.
"Hindi po," malakas kong sagot ko dahil sa malakas ding tugtog sa loob ng bar. Nag-order sila na agad ko namang sinunod at hindi ako makaalis-alis dahil sa pangungulit nila.
"Sige na, miss, isa lang," sabi nila at iniabot sa akin ang baso na may alak pero iniilingan ko.
"Hindi po pwede. Bawal kaming uminom." Kulang na lang ay sigawan ko sila sa inis.
They were obviously flirting na ikinaiinis ko! Hindi talaga maiiwasan ang ganitong customers at ngayon ko lang naranasan ang ganitong sobrang kulit na gusto ko nang bangasan ang pagmumukha!
"Sige na, miss! Parang hindi naman kami customer." Napaismid ako at kating-kati na akong hubarin ang sandals at ipakain sa kanila.
"Hindi po talaga pwede—"
Nakalimutan ko na ang sasabihin ko nang paglingon ko sa bar counter ay nakaupo roon si Greg habang mga matamang nakatingin sa pwesto ko. Kahit sa dim na ilaw ay nakita ko ang pagkakaigting ng panga niya habang sumisimsim ng alak sa baso.
Naka-longsleeves siyang damit na nakatupi hanggang siko at umangat ang sulok ng labi niya nang mapansin ang gulat kong itsura.
Marahas akong napaiwas at wala sa sariling iniabot ang ibinibigay nilang baso ng alak at dire-diretso iyong nilagok.
"Ohhh!" gulat nilang sabi at pagkatapos ay nag-usap pero hindi ko maintindihan. Mukhang tuwang-tuwa sila at naramdaman ko ang pait ng alak sa lalamunan ko at halos masuka na ako.
"Salamat!" mabilis kong sabi.
Nagmadali akong naglakad paalis. Umikot bigla ang tiyan ko at parang nakararamdam ako ng hilo kaya tumigil ako saglit bago naglakad ulit.
Nag-serve pa ako sa iba ng inumin pero hindi maiwasan ang paglabo ng paningin ko.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa galaw nang galaw," takang tanong ni Lira nang makasalubong ako.
"Ang init!" reklamo ko at napakagat ng labi. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nito at tinaasan ako ng kilay.
"Ang lamig kaya! Ikaw lang naiinitan d'yan!" sabi niya pero umiling ako.
"Mainit talaga, shit." I heaved a deep sigh at pinaypayan ang sarili ko. Hindi ako mapakali at gustong-gusto ko nang magbabad sa malamig na tubig.
Idagdag pa ang pag-iiba ng pakiramdam ko. It's really unusual. I'm not like this!
Umikot ang paningin ko at ang buong akala ko ay mahuhulog ako pero nagulat na lang ako nang may sumalo sa baywang ko.
"Careful!" Someone hissed at pilit kong iniangat ang paningin ko. Nakita ko si Greg na salubong ang kilay.
"M-Mr. Salcedo!" I greeted him but my voice became unusually weird.
"Ayos ka lang? You keep on walking back and forth." Inalalayan niya ako patayo at wala sa sariling inikot ko ang kamay ko sa baywang niya.
"Allison!" gulat niyang sabi pero sumubsob ako sa dibdib niya.
"M-Mainit..." ani ko. Bumilis ang paghinga niya at hinawakan niya ang baywang ko.
"Shit, Ally. W-What are you doing?" Lumalim ang paghinga ko at iniakyat ang ulo ko pasiksik sa leeg niya.
"M-Mainit...sobrang mainit." His breathing became ragged. Mahigpit na yumapos ang braso niya sa baywang ko.
"Putangina," paos niyang sabi and the heat between my legs is in the blast.
Damn, bakit mas uminit?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store