Taking Chances (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 3
Kabanata 3
Ngiti
"What?" I narrowed my eyes at him. Kinunutan ko rin siya ng noo.
"Kunwari ka pa, eh. Narinig mo naman..." Ngumuso siya. "Gusto mo ba iyon?" Hindi ko siya sinagot at sumulyap sa lalaking tinutukoy niya. Nilingon ko siya at inismiran.
"So? Cute naman siya," sagot ko at nakita ko ang pagkairita sa mukha niya. Nagtaka pa ako nang makita ang pag-igting ng panga niya na parang nagpipigil.
"Mendoza, Frederick," biglang sabi niya na ikinagulat ko.
"Ano?" Tumaas ang sulok ng labi niya at sumulyap sa lalaki kanina. "He'll be fired any minute from now." Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.
"Ano bang sinasabi mo?!" I hissed at him kasabay ng pag-atake ng kaba ko dahil sa sinabi niya pero nginisian niya lang ako at parang batang tiningnan ang kuko niya.
"Mr. Salcedo!" mataas na boses at mariing sabi ko. Mukha naman siyang na-amaze at lumiwanag ang mukha niya.
"Greg na lang. Pormal mo naman masyado, Ally." Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi niya. Seriously? Ally?
"Don't call me that. Hindi tayo close." Umirap ako at inilagay ang kamay ko sa mesa. Kumuha ako ng tissue at ipinamunas sa noo ko dahil sa pawis ko kanina. Nagtaka naman ako nang biglang tumawa ang manyak sa harapan ko habang nakapangalumbabang nakatingin sa akin.
"Close na tayo! Remember our scene sa office?" Agad akong pinamulahan ng pisngi nang tinuro niya ang labi niya bago ang labi ko at pagkatapos ay iminuwestra pa sa kamay niya ang naghahalikan.
"Shut up!" pagpigil ko sa kanya at mukhang mas natuwa pa ang gago.
"Hindi lang iyon. Ang sarap sa feeling ng boobs mo sa—"
"Bastos!" Binilot ko ang tissue na hawak ko at tinapon sa mukha niya. Matutuwa na sana ako nang tumama iyon sa mukha niya mismo pero hindi ko na nagawa dahil sa nasalo niya ang tissue at saka inamoy.
"Ang bango naman ng pawis mo.."
"Argh! Shut up!" Konti na lang ay sasabog na ako sa inis! Nakakuyom na rin ang kamay ko at kaunti na lang talaga ay sasalubong na ito sa mukha niya!
"Bakit ka namumula? You kissed me back... Gusto mo rin 'di ba?" Huminga ako nang malalim at pinigil ang sarili ko. Malamig ko siyang tiningnan at mukhang nahalata niya at napaayos siya ng upo.
"Bakit?" nagtataka niyang sabi. Hindi ako sumagot at nagbuga lang ng hangin.
"I'm not here for your non-sense reminiscing, Mr. Salcedo. I'm here to talk about our company's proposal because Mr. Agoncillo can't make it today." Tumikhim naman siya sa sinabi ko at sumeryoso ang mukha pero nakakunot ang noo.
"Let's order first, shall we?" seryosong sabi niya at tinitigan ako. Hindi naman ako nakapagsalita at parang naputol ang dila ko. Bubbly Greg was handsome but this serious one was intimidating and more freaking hot. "Is that okay with you?"
"Y-Yes..." Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa hindi ko na kaya ang intensidad ng titig niya. Nakakapaso at mapanganib.
Agad ko namang tiningnan ang menu na nasa harapan ko at itinaas hanggang sa mukha ko para hindi na makita ang mukha niya. Kinagat ko ang labi ko at napailing-iling habang nakatitig sa menu na nakatakip sa mukha ko. Parang bumalik sa akin ang mga ala-ala na ilang taon ko nang ibinaon pero nang makita ko siyang muli ay nahukay.
"May order ka na?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang magsalita siya at napakurap-kurap ako. Bahagya akong sumilip sa may menu at tiningnan siya.
"W-Wala pa." Gusto ko biglang busalan ang bibig ko dahil sa pagkautal ko! Kailan pa ako nagkaganito?!
"Paano ka ba naman makaka-order kung baligtad ang binabasa mo?" Halos mapaso ang kamay ko nang pumatong doon ang kamay niya at inayos ang menu na hawak ko. Nang sulyapan ko siya ay may tagong ngiti sa labi niya.
"Skills 'yan," palusot ko but he doesn't seem convinced. Well, sino ba'ng makukumbinsi ng lame kong palusot?
Nang matingnan ko naman ang menu ay halos maglaway ako pero agad ding natuyo nang makita ang mga presyo. Seriously? Para namang ilang pirasong gulay lang ito tapos libo na ang presyo?! Tumingin ako kay Greg na mukhang naghihintay ng sasabihin ko at nakahalukipkip pa siya habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa akin.
"Ah, ano...iyong steak na lang tsaka—"
"No," mariing sabi ng nasa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya, "she'll take my order. Two of that, please?" Matapos sabihin iyon ay parang robot namang umalis ang waiter.
"Bakit katulad ng sa 'yo? I'm fine with—"
"It's not fine. Kumain ka ng marami," seryoso niyang sabi kaya hindi na lang ako umimik. Inilabas ko ang envelope sa handbag ko at iniabot sa kanya.
"What's that?" takang tanong niya saka umayos ng upo para abutin ang hawak ko. Nakita ko ang pagbukas niya roon at ang seryosong pagbabasa ng nilalaman. Hindi naman ako umiimik at tumititig lang sa mukha niya habang nagbabasa ng mga dokumento so I had a chance to check him out.
Wala namang masyadong nagbago sa mukha niya. He still looked exactly like years ago pero mas nadepina ang mukha niya ngayon. Bagay sa kanya ang pagkakaigting ng panga niya. Ang kanyang kilay at ilong ay parang hinulma. Ang mga labi niya ay mapupula at manipis pa rin. Pero ang mas nakakapagpagwapo sa kanya ay ang kanyang kulay brown na mga mata at ang mga dimples sa gilid ng labi niya na lumulubog kahit sa konting pagkibot niya lang.
"Gwapo no?" Parang nagising ako sa panaginip nang magsalita siya. Napalunok ako.
"Hindi kita tinitingnan!" Napaismid ako at pinaseryoso ang mukha pero bumalik lang ang ngisi sa mukha niya at kumislap na naman ang mga mata niya.
"Wala naman akong sinasabi, ah. You're so defensive, baby." Inilapag niya ang envelope sa mesa at nahigit ko ang paghinga ko nang itinukod niya ang kamay sa mesa at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
I held my breathe. Patuloy na bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang sumagi sa utak ko ang mga pangyayari noon—ganito rin iyon kalapit! Gosh, ano ba'ng iniisip ko?!
Mabilis akong natauhan at lumayo sa kanya pero hindi siya nagpatinag at nanatili lang sa pwesto. Tinabingi niya ang ulo niya habang pinag-aaralan ang mukha ko. Naglalaro pa rin ang nakaliliyong ngisi sa labi niya. What is he thinking?
"You're beautiful." Hindi ako nakapagsalita. Bumaba ang tingin ko sa labi niya habang mabagal niyang sinasabi ang mga katagang iyon.
Umangat ang tingin ko sa mga mata niya at nakita ko ring nakatulala siya sa labi ko habang bahagyang nakaawang ang bibig. My stomach cletched nang unti-unting lumapit muli ang mukha niya sa akin. Wala sa sariling napapapikit ako at hinahanda ang sarili sa pagdampi ng labi niya pero naputol ang pagkahibang ko nang may tumikhim sa kung saan.
Naibaling ko ang mukha ko at bigla akong nakaramdam ng kuryente nang tumama ang labi niya sa pisngi ko.
Naitulak ko siya at bumagsak siya sa pagkakaupo pabalik sa upuan niya.
"Fuck! Ano ba'ng kailangan mo?!" singhal niya sa waiter at nagulat ako nang makitang ito iyong lalaking naghatid sa akin kanina.
"Here's your order, Ma'am, Sir." Ngumiti siya at hindi pinansin ang singhal ni Greg na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
Inilapag nito ang plato sa harapan namin at nanatiling nakatingin sa akin. Nangunot naman ang noo ko nang maramdaman kong may sumipa sa akin mula sa ilalim. Bumaling ako sa kaharap ko na madilim ang mukha habang nakatingin sa lalaki.
"Do you need anything else, Ma'am?" Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Greg.
"Ako, I need something," biglang sabi niya at bumaling naman agad ang waiter.
"Sir?"
"I need you to stay the fuck away from here or I'll fucking fire you any minute from now." Nagulat ako sa sinabi niya kaya sinipa ko ang paa niya.
"Mr. Salcedo!" saway ko pero hindi niya ako pinansin at nanatili lang na nakaigting ang panga.
"A-Ah, ano...thanks. Pwede ka nang umalis," pagsingit ko saka pilit na ngumiti sa waiter na mukhang nagtataka sa asal ng lalaking ito.
"Sure, Ma'am. Just call me if you need something." Tumango ako at hindi inalis ang pilit na ngiti sa labi bago siya tumalikod at naglakad palayo.
"Putangina! Ngumiti pa!" Marahas akong napabaling sa kaharap ko nang suminghal siya habang nakasimangot sa akin.
"Ano na naman?!" Sinimangutan ko rin siya at naririnig ko ang mahihina at maririin niyang pagmumura.
"Bakit palagi kang ngumingiti do'n?! Kung ayaw mong masisante ang hinayupak na iyon, 'wag kang ngingiti sa kanya!" parang bata niyang sabi bago muling umigting ang panga.
"Naka-drugs ka ba?! Manahimik ka nga!" ganti ko.
"Ikaw ang manahimik! Nagugutom ako, Allison! Sinasabi ko sa 'yo! Kapag ako hindi nakapagpigil, kakainin kita!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at naramdaman ang pagkapula ng pisngi ko.
"Bastos!" Iniabot ko ang kutsara at iaambang ihahagis sa mukha niya pero pinag-krus niya agad ang kamay niya sa tapat nito.
"H-Hoy! 'wag masakit 'yan!" nagmamadali niyang sabi habang sumisilip sa pagitan ng mga braso niya. Naiiritang ibinaba ko ang kutsara at humalukipkip.
"Ayan, ang bait mo talaga, baby!" Ngumisi siya kaya malakas kong sinipa ang paa niya sa ilalim.
"A-Aray! Brutal ka talaga!"
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store