ZingTruyen.Store

Taking Chances Published Under Flutter Fic

Kabanata 2
Personally

Nagpupuyos ang loob kong nakauwi sa bahay. Naiinis ako dahil pumayag ako sa utos ni boss. I know it's my duty na sundin siya pero sana ay hindi na lang ako tumuloy.

Unang-una, dahil sa nalamang ang Salcedo na iyon pala ang kikitain ko. Ikalawa, ang pagtawag niya sa aking call girl. Ang panghuli at ang pinakanakakainis...ang paghalik at pambabastos niya sa akin.

That manwhore!

Bumuntonghininga muna ako at inayos ang sarili ko bago pumasok sa bahay. Tahimik na naman ito gaya ng kinasanayan ko kapag nauwi. Inilapag ko ang bag at envelope kong hawak bago pumunta sa kusina at uminom ng tubig para mahimasmasan. Kakausapin ko na lang si boss para iba na lang ang magbibigay. Hindi ko kayang makitang muli ang bastos na iyon.

"Tao po? Ally, nand'yan ka na ba?" Mabilis kong inilagay sa lababo ang basong pinag-gamitan ko at inayos ang nahawi kong buhok.

"Nang! Nandito po!" sagot ko. Lumabas ako mula sa kusina at nakita ko si Nang Elsa na nasa pintuan kasama si Chance.

"Mabuti naman at nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap ng batang ito..." Ngumiti ako sa sinabi niya. Nilapitan ko si Chance at kinarga.

"Salamat, Nang, ah? Hayaan n'yo, maghahanap na ako ng magbabantay sa kanya para hindi ko na kayo maabala." Ngumiti ako. Tumango naman ito at gumanti rin ng ngiti.

"Naku, walang problema. Ako'y natutuwa rin sa batang 'yan. Hindi naman siya makulit at nakawawala siya ng pagod, sa totoo lang."

"Salamat ulit, Nang." Tumango siyang muli at nagpaalam palabas kaya hinatid ko siya habang karga si Chance.

"Ma, hungry na 'ko..." Napangisi ako sa tinuran niya at hinagkan ang namumula niyang pisngi.

"Good boy ka ba kina Nang Elsa kanina?" malambing kong tanong bago hinaplos ang buhok niya.

"Opo naman, Ma! Sabi po nila bait ako, eh," bibo niyang sabi habang papasok kami sa loob. Hinalikan ko siya sa pisngi saka ko siya pinaupo sa sofa para mabuksan ko ang TV.

Tahimik lang siyang nanood ng cartoon. Dumiretso na muna ako sa kusina para kunin ang binili kong pagkain.

"Yehey! Jollibee!" Tumalon siya at natawa naman ako nang tumakbo siya patungo sa akin at niyakap ang mga binti ko.

"Kiss!" Umupo ako saglit at inilapit ang pisngi ko sa kanya na agad niyang iniabot at mabilis na hinalikan. "Love you, Mama!" masayang sabi niya at dumiretso sa mesa sa tapat ng maliit na TV.

Nangingiting nakatingin ako sa kanya na bibong-bibo at makalat na kumakain. Inalok niya pa ako ng hawak niyang manok pero nginitian ko lang siya at inilingan.

"No, kainin mo na lang. Prize mo 'yan kasi mabait ka." Lumapit ako at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"'Pag po ba bait ako, may chicken-manok ulit?" Tumango ako bilang sagot kaya hinalik-halikan niya ang pisngi ko.

Nakasandal ako sa sofa habang tinitingnan siya na pinapapak ang spaghetti habang nanonood ng Spongebob sa TV. Lumulubog ang gilid ng labi niya dahil sa dimple at ngumingiti rin ang mga mata niya habang tumatawa dahil kay Patrick na nabagsakan ng bahay nitong bato.

"Shower ka na, baby." Binitiwan ni Chance ang tinidor na hawak at saka mabilis na lumapit sa akin. Kinarga ko siya at dinala sa banyo para hilamusan at linisan.

"Ako na toothbrush! Big boy na 'ko!" Natawa ako nang sabihin niya iyon kaya agad kong ibinigay sa kanya ang toothbrush niya. Nakatingin siya sa salamin habang pilit na nag-to-toothbrush. Iniwan ko siya saglit para kumuha ng damit niya.

Nang balikan ko siya ay nagwiwisik siya ng tubig sa sink at sa salamin kaya kinuha ko ang baso sa kanya.

"Chance Ford..." I warned him. His spoiled side was here again. Agad naman siyang tumigil.

"Sorry, Ma. Mad ka po?" Tinitigan ko siya at noong nakitang lumalamlam na ang mga mata niya ay agad akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi.

"I'm not mad but next time, 'wag maglalaro ng tubig. Mahal 'yan." Tumango naman siya at niyakap ang leeg ko. Abot niya ako dahil nakatayo siya sa isang silya.

"'Di na po..." Nilinis ko siya pagkatapos at hinayaan siyang maglaro ng mga truck at iba pa niyang laruan sa sofa habang nag-aayos ako ng pinagkainan.

"Ayan na si Batman! Bang!" Narinig kong sabi niya sa sala kaya nangiti ako habang sinasabunan ang isang plato. Narinig ko ang mga pinaiba-iba niyang boses habang naglalaro at noong matapos ay nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.

"Ma, kailan ako pasok school?" Natigil ako sa pagngiti at napatingin sa kanya. Bumagsak ang balikat ko at napabuntonghininga.

"Chance, pasensya na, ha? Gipit kasi si Mama." Nakagat niya ang labi niya at napatango pero ngumiti siya at kumandong sa akin.

"Ayos lang, Ma! Basta nand'yan ka, happy na 'ko. Makakahintay pa naman 'yon!" May kung anong kumurot sa dibdib ko nang sabihin niya iyon at pakiramdam ko ay nangilid ang luha ko.

"Chance..." Nanlaki ang mga mata niya at agad akong niyakap.

"Ma, 'wag na iyak!" Natatawang naluluha ako sa sinabi niya at mahigpit siyang niyakap. Mabilis ang tibok ng puso ko at napasinghot ako.

I'm so lucky to have this gift from God.

"Chance, baby ko...Hindi ko pa sigurado ngayon pero hayaan mo, sa sunod na taon, papasok ka na sa school. Promise 'yan." Mas humigpit ang kapit niya sa leeg ko. "Gagawan ko ng paraan. Kapag nagkapera si Mama, makakapasok ka na ngayong taon. Maghahanap ako ng paraan, anak..."

"Okay lang, Ma, kahit hindi pa. Basta rito ka lang sa tabi ko, ayos na." Inilayo ko siya sa akin at hinalikan ang noo niya.

"Love you, Chance ko! Tulog na tayo?"

"Love you, Mama!"

***

"Boss?"

"Allison, Mr. Salcedo's secretary wants to personally meet you again. Pasensya na raw sa nangyari kahapon, pinapasabi ni Mr. Salcedo. What happened, by the way?" Natigilan ako sa tanong niya. Agad na umakyat ang dugo sa pisngi ko.

"Allison?" tawag niya at napakurap ako.

"P-Po? Ah, w-wala po, boss." Umiling-iling ako at nag-iwas ng tingin. Naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon.

Iyong paghalik niya at paghawak niya sa...ah! Tama na, please!

"So, later this afternoon, sa Autumn's. Are you fine with this?" Gusto ko mang umayaw ay hindi ko na nagawa. I'm just an employee here kaya wala akong karapang tumanggi.

"I'm fine with it, boss..." Pilit na lang akong ngumiti.

"Good. I trust you, Miss Madlang-awa." He called me by my surname again. Gah, how I hate this!

Napapabuntonghininga ako at napapailing habang nakasakay sa LRT papunta sa Autumn's restaurant na sinasabi ni boss.

Chill, Ally! Secretary lang naman niya yata ang pupunta 'di ba? Hindi siya kasama! Relax!

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang may umubo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang may matandang babaeng nakatayo roon. Mukhang hirap na hirap siya at ubo nang ubo.

Napatingin ako sa mga katabi ko at nanlumo akong walang pumapansin sa matanda. Halos lalaki ang mga nakaupo at may isa pa sa tabi ko na parang walang nakikita—nakaearphone ito at gumagalaw-galaw ang ulo na parang sumasabay sa pinakikinggan.

Mga gentleman! Napairap ako. Take note of the sarcasm, please!

Napatingin ulit ako sa matanda at mabilis na tumayo.

"'Nay, upo na po kayo," magalang kong sabi. Nagulat siya sa akin pero agad ding ngumiti.

"Naku! Salamat, hija. Bilang na lang ang katulad mo. Pagpalain ka nawa ng Diyos." Ngumiti lang din ako at tumango.

"Walang anuman po."

Malamig na hangin mula sa aircon at ang napakabangong amoy ng pagkain ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa Autumn's. Biglang kumalam ang sikmura ko! Gutom na 'ko!

"Good afternoon, Ma'am! Do you have any reservation?" Natigil ako at napaisip sa sinabi ng waiter.

"Ah, Mr. Salcedo's reservation, please." Napatango ang lalaki at nagtipa sa computer.

"In any case Ma'am, are you Miss Allison Madlang-awa?" Napalunok ako at parang nabagsakan ng matigas na bagay ang ulo ko. So kailangan kasama talaga ang apelyido ko?

"Yes," I answered before smiling.

Ngumiti rin siya sa akin at mas lumapit. "You look lovely, Ma'am," bulong nito. Nagulat ako pero nginitian niya naman ako ulit at inilahad ang daan. "This way, please."

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon dahil sa pagkabog ng dibdib ko habang papalapit na kami.

Oh, come on! Secretary niya iyon! Hindi siya!

Pero nawala ang mga pampalubag-loob ko nang makita ko kung sino ang naghihintay at nakaupo sa mesa na sinabi ng waiter. Napasimangot ako bigla nang makita ko siya at lalong bumilis na kumabog ang dibdib ko.

Akala ko ba secretary niya? Bakit...

"Hi!" Ngumisi siya pero hindi ako nakakibo. Nawala ang waiter sa tabi ko at siya ang pumalit. Napapiksi pa ako sa gulat at sa kuryenteng naramdaman nang humawak ang kamay niya sa braso ko. "Upo ka..."

Mabilis akong umupo nang ipinag-angat niya ako. "Salamat..."

Tumango lang siya pero hindi nawawala ang ngiti sa labi. Matamis iyon. What I mean is...matamis ang ngiti niya. Tss!

Tinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin at maya-maya pa ay ngumuso siya at sumulyap kung saan.

"Bakit doon sa lalaki, nakangiti ka? Tapos kapag sa akin nakasimangot? Nagpap-acute ka ba ro'n?, eh, mas gwapo naman ako sa kanya, ah!"

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store