Taking Chances (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 12
Kabanata 12
Footlong
"Hatid na nga kita!" narinig kong sigaw niya mula sa likuran ko pero hindi ako lumingon. Nagdire-diretso ako sa paglalakad habang mahigpit ang hawak sa bag ko, diretso rin ang tingin sa daan.
"Allison!" sigaw niya pa at hindi na ako nagulat nang wala pang ilang segundo ay nasa balikat ko na naman ang kamay niya at pinigilan ako sa paglalalakad.
Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kanya pero napamura naman ako nang mahina nang sobrang lapit na ng mukha naming! Napapasong lumayo ako sa kanya at tumikhim.
"Look, Mr. Salcedo, I can go home with my own," mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya na salubong na ang kilay. Ipinaling niya ang ulo niya at napapalatak ako nang humalukipkip siya dahil parang nahubog nang husto ang braso niya at tumabingi ang suot na necktie.
"I'm Mr. Salcedo again?" He sighed. "It's Greg for you, baby," maamong sabi niya habang nakatitig sa akin.
"Whatever! I just need to go home. Someone's waiting for me," tipid kong sabi at noong lingunin ko siya ay nakita ko ang pagkaka-igting ng panga niya na parang may nasabi akong mali.
"Then I should really take you home."
Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis siyang naglakad at hinagilap ang kamay ko. Hinila niya ako paalis sa pwesto namin.
Nakatulala lang ako sa matipuno niyang likod habang naglalakad kami at sumasagi na naman sa utak ko ang mga bagay na hindi ko dapat isipin. Naiisip ko kasi bigla...kung ano kaya ang pakiramdam na mahawakan ang likod niyang iyan na nasa huwisyo ako—iyong hindi ako lasing?
"Keys."
Natauhan lang ako nang magsalita siyang muli. Nakita kong kausap niya ang guard na iniaabot sa kanya ang susi ng kotse. Bakas din ang pagtataka sa mukha ng guard nang mapansin ako pero nag-iwas na lang ako ng tingin.
Pinatunog ni Greg ang sasakyan at marahan akong ipinasok sa loob. Marahan niya rin itong isinara bago patakbong pumasok sa kabilang pintuan ng sasakyan. Pagkapasok pa lang niya ay nalanghap ko agad ang panlalaking amoy ng sasakyan. I'm not into male perfumes but this scent is really intoxicating and addicting. Makabili nga ng ganitong pabango sa susunod.
"Ay!" Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at halos magkanda-duling na naman ako sa lapit ng mukha niya. Naamoy ko na naman ang mabango niyang hininga at parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang malapit siya at nang may tumunog ay saka ko lang napagtantong inayos pala niya ang seatbelt ko. Nakita ko rin ang pagkabit niya ng sa kanya bago pasibatin ang sasakyan.
Napasandal ako sa upuan at napatitig sa dashboard. Bigla kong naalala ang unang beses na nakasakay ako rito. I know I was drunk pero hindi ko malilimutan ang amoy ng kotse na ito. It smells like him.
"Hungry?"
Bumaling ako sa kanya nang magsalita siya at napatango ako. Doon ko na rin naramdaman ang bahagyang pagkalam ng sikmura ko. Mag-a-alas-otso na kasi ng gabi kaya siguro ako gutom. Hindi rin ako nakapananghalian kanina.
"Then, let's eat," sagot niya pero agad akong tumutol.
"'Wag na! Gabi na, oh. Bili na lang tayo sa may convenient store," sagot ko. Bahagya naman siyang tumango at saglit na sumulyap bago iniliko ang sasakyan.
Tahimik lang akong nagmamasid sa madilim na langit. Nakita ko ang mga bituin, maging ang bilog na buwang napakaliwanag kaya gumanda ang pakiramdam ko. I always loved nights. Pakiramdam ko kasi ay nagiging payapa ako dahil nakikita ko tuwing gabi ang kasiyahan ko—ang anak ko.
He's the only one I have at siya ang nagiging inspirasyon ko sa bawat araw. He makes my sad life happy nang dumating siya.
Napalingon ako kay Greg na seryoso sa pagmamaneho. Napakagat ako ng labi. I never thought I will be near him again...like this.
Bahagyang nadadaanan ng ilaw ang mukha niya na galing sa mga poste sa labas at sa paningin ko talaga ay nagliliwanag siya. Well, it sounds crazy pero nagliliwanag talaga siya sa paningin ko and I wonder why.
"I can't blame girls kung bakit sila ganyan sa akin makatitig." Napaayos bigla ako ng upo nang bigla siyang magsalita habang nakatitig sa daanan. May pilyong ngisi ang labi niya at sumulyap pa siya sa akin at iginalaw ang kilay niya.
"Yabang mo!" sikmat ko at tumawa naman siya.
"Crush mo naman," sagot niya at mabilis kong hinampas ang kamay niya nang lumapat ito sa hita ko. Lumayo ako sa kaya.
"Gagong 'to!" Humagalpak siya at ibinalik ang kamay sa manibela bago inihinto ang sasakyan sa gilid ng convenient store. Tumingin siya sa akin at kinalabit ang seatbelt ko.
"Look at that, napapamura ka na lang sa sobrang kagwapuhan ko," sagot niya at mabilis na lumabas ng sasakyan bago ko pa siya mabigwasan.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inilahad ang kamay niya—na hindi ko tinanggap—at diretso lang akong lumabas ng sasakyan. Nagmadali rin akong pumasok sa convenient store. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin pero hindi ko na siya nagawang lingunin. Dumiretso ako sa stall na may sandwich at agad na kumuha roon.
"What's that, baby?" Muntik ko nang mapukpok sa mukha niya ang pangkuha ng tinapay nang magsalita siya sa may bandang tainga ko! Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pwede ba, Gregorio, 'wag kang manggulat ng gano'n!" Ngumiwi siya sa lakas ng boses ko at tumabi sa akin sabay sulyap sa hawak ko.
"Ano 'yan?" tanong niya at tinuro ang footlong na hawak ko.
"Footlong," sagot ko at nilagyan ang hotdog sa sandwich. Narinig ko naman ang pagbulong-bulong niya sa tabi ko kaya bumaling ako sa kanya. "Anong sabi mo?"
"Wala! Sabi ko, bakit footlong, eh, hindi naman mahaba?" tanong niya at tinutukoy ang hawak ko.
"Ewan ko. Tanunging mo siya." Tinuro ko ang tinapay at napalabi siya.
"Footlong? Eh mas mahaba pa iyong ano ko d'yan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napaatras din ako! Tumawa naman siya at napahawak pa siya sa tiyan niya. Lumulubog ang dimples niya sa bawat pagtawa at sumasabay rin sa pagngiti ang mga mata niya.
"Just kidding!" Natatawa niyang sabi at pinulupot ang kamay sa balikat ko. "Pero totoo naman, eh, 'di ba, baby? Nakita mo na 'di ba?" bulong pa niya kaya tinanggal ko agad ang kamay niya sa balikat ko.
"'Wag mo akong kausapin kung puro kahalayan lang ang lalabas sa bibig mo!" saway ko sa kanya bago tumungo para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.
"Miss..." Dumiretso ako sa cashier para magbayad pero ilang segundo na akong nakatayo sa harapan niya ay hindi siya sumasagot sa akin. "Miss?" ulit ko pero para pa rin siyang na-engkanto habang nakatulala. Nang sundan ko ang tinitingnan niya ay nagsalubong ang kilay ko nang makitang si Greg ang pinagpapantasyahan niya.
Nakasandal ang loko sa may gilid, hindi kalayuan sa may pintuan habang tinatanggal ang coat niya at niluluwagan ang tie niya. I cursed silently.
"Greg!" naiinis kong tawag sa kanya at agad niya akong nilingon nang tuluyan nang matanggal ang coat niya.
"Yes?" he asked me smiling bago mala-ramp model na pumunta sa harapan ko.
"Hindi ka bibili?" tanong ko na lang dahil hindi ko naman alam kung bakit ko siya tinawag. Bumaling ako sa cashier na inilagay ang buhok sa likod ng tainga nito sabay ayos ng uniporme nito kaya lalong sumambakol ang mukha ko.
Is she trying to impress Greg?
"Nope," swabeng sagot ni Greg na umiling-iling pa habang nakangiti. Gusto ko biglang upakan ang mukha niya dahil sa pagngiti niya. Mukha tuloy mababaliw na ang kahera!
Pasimpleng siniko ko naman si Greg na sumiksik sa tabi ko na animo'y tuko bago ipinatong pa ang hinubad na coat sa ulo ko na agad kong kinuha at inilagay sa braso ko.
"Miss, magbabayad na ako," tawag ko sa atensyon ng babae. Kumaway pa ako sa harapan nito para lang makita nito ako.
"Ay, sorry!" gulat nitong sabi at lumingon sa akin bago kunin ang binili ko. Narinig ko ang tawa ni Greg sa tabi ko at hindi ko na siya nasita nang ipaikot niya ang braso sa baywang ko.
"May band aid kayo?" I asked her na nakangiti pa rin sa katabi ko. Wala sa sarili itong tumango.
"Para po ba sa sugat ni sir? Meron po!" Halos mapunit na ang ngiti ng babae at kumuha ng box ng maliit na band aid sa stall saka mabilis na nilagay iyon sa plastic.
Iniabot ko ang pera ko pero agad ding napalitan ng card ni Greg na inilahad niya.
"Ano 'yan?" tanong ko at tiningnan ang iniabot niya.
"Credit card?" patanong niyang sagot.
"I can pay, you know," sambit ko pero nagkibit-balikat lang siya.
"I can pay, too," sabi niya bago abutin ang credit card niya at ang plastic ng pinamili naming. Hinila niya ang kamay ko palabas.
Pagkapasok ng sasakyan ay agad ko siyang nilingon at inutusan na buksan ang ilaw ng kotse niya na agad niyang ginawa.
"Bakit?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot at kumuha ng isang band aid sa plastic at tinanggal sa lagayan.
"Look at me," tawag ko sa kanya. Nagtataka niya lang akong tiningnan.
"Anong gagawin mo d'yan?" tanong niya, tinutukoy ang hawak ko.
"Sa sugat mo," sagot ko at iniangat ang baba niya. Gumuhit naman ang ngiti sa labi niya at lumamlam ang mga mata niya.
"Yie, concern siya," panunukso niya kaya diniin ko ang pagkakalapat ng band aid sa ilong niya. Napangiwi tuloy siya.
"Why are you so brutal?" nakangusong tanong niya at inilapit ang mukha niya sa akin kaya tinampal ko ito.
"Kapag ako talaga nainis sa kalokohan mo, Gregorio, sasapakin ko 'yang pisngi mo," pagbabanta ko at bumalik sa maayos na upo. Inayos ko ang seatbelt at siya naman ay nakatingin lang sa akin habang nakangisi kaya sinipa ko ang paa niya.
"Drive na. Gagabihin na tayo." Tumango-tango naman siya at inayos ang seatbelt bago pinaandar ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa kalsada habang nagdadrive siya at napakamot ako ng ulo na makitang traffic na naman.
"You want?" tanong ko pero nang lingunin ko si Greg ay nakita kong nakapikit siya habang ang kamay sa manibela. He seemed so stress and tired at nakaramdam naman ako ng awa kaya kinalabit ko siya.
"You want me to drive?" Nagulat siya sa sinabi ko at napapantiskuhan akong tiningnan.
"Marunong ka?"
Tumango ako. "Oo naman," sagot ko at napangiti siya pero maya-maya ay inilingan din niya ako.
"Next time, ikaw ang mag-drive pero sa ngayon, ako na muna. I can't let you drive now dahil pagod ka," sagot niya at ngumuso ako at napakagat na lamang sa kinakain ko.
"Pagod? Eh, ikaw nga ang mukhang pagod d'yan, eh," sabiko naman. Bumuntonghininga siya.
"Ayos lang, baby. Let me. Subuan mo na lang ako ng kinakain mo." Nguso niya sa pagkain ko.
"Ayos ka lang? May laway ko na ito, oy!" sabi ko at tinuro ang pagkain ko pero tinawanan niya lang ako. He looked cute with his band aid in his nose.
"Nah, parang hindi naman tayo naghalikan kanina," pang-aasar naman niya at kinindatan ako kaya sumeryoso ang mukha ko at sinimangutan siya.
"Oh! Kumain ka na!" Inilapit ko ang pagkain sa tapat ng bibig niya na agad niyang kinagat bago siya nagpatuloy sa pag-dri-drive.
Hindi ko naman na naalintanang mailang sa pagsubo sa kanya dahil sabi nga niya ay naghalikan na kami, We have actually done something more than that.
Gosh! My mind's really corrupted with dirty thoughts!
Nakarating kami sa tapat ng apartment ko at lumingon ako sa kanya na agad na lumabas para pagbuksan ako ng pintuan.
"Salamat." Ngumiti ako. Sumulyap ako sa apartment namin na may ilaw na sa loob.
"No problem," sagot niya at ngumiti sa akin. Nagulat ako nang hapitin niya ang baywang ko palapit sa kanya at hinagkan ang noo ko.
Ang mga alaga ko sa tiyan ay nagwawala na at nagpa-party sa loob na parang mga tanga.
"Now, you can't run away, baby. Alam ko na kung saan ka nakatira," bulong niya bago ngumisi at tumakbo sa sasakyan niya at agad na umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store