Taking Chances (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 13
Kabanata 13
Miss me?
"Behave ka ro'n, anak, ha?" paalala ko kay Chance na ngayon ay nakabihis ng kanyang uniporme para sa pagpasok. He looked so cute at ang sarap panggigilan ng pisngi niya!
"Opo, Mama."
He smiled and I lightly pinched his chubby cheeks. Pumantay ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.
"Basta, be a good boy, okay? Sunduin ka ni Mama mamaya," sabi ko sa kanya at inayos ang uniporme niya. Tumayo ako pagkatapos at hinawakan ang kamay niya habang dala ko ang bag niya. Sabay kaming naglakad at hinatid ko siya sa classroom niya.
"Pasok ka na, baby," tawag ko sa kanya at ngumiti pero agad iyong napawi dahil sa nakita ko ang takot sa mata niya. Mabilis akong pumantay ulit sa kanya at tinawag ang atensyon niya. Agad naman siyang tumingin sa akin at lumapit.
"M-Mama...uwi na lang tayo..." he said nervously pero nginitian ko lang siya. I'm not surprised na ganito ang reaksyon niya. Today is Chance's first day in school kaya kinakabahan siya. It's his first time being with other kids his age at hindi ko siya masisisi na ganito ang reaksyon niya.
"Hindi ba gusto mo nang pumasok?" He looked at me and nodded. "Eh, bakit ngayon, ayaw mo na?"
"M-Mama, kasi...Dito ka na lang..." Hinila niya ang kamay ko kaya naaawa ako sa boses niya pero kailangan niyang masanay ngayon pa lang na hindi ako pwedeng sumama sa kanya sa loob ng room.
"You'll be fine, Chance," paglalambing ko. Hnalikan ko ang noo niya. "Basta, always keep in mind na dapat maging behave ka ha? Babalik din si Mama. Papasok lang ako pero ako ang susundo sa 'yo mamaya," malumanay kong sabi pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Lumulubog ang dimple sa pisngi dahil sa pagkaka-pout ng labi niya.
"Look, baby." Tumingin siya sa akin at tumango ng malungkot.
"Ikaw susundo sa akin Mama ha?" I smiled sweetly at inilagay sa likod niya ang bag niya.
"Opo, ako ang susundo sa 'yo. Ingat! Love you!" sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang yakapin ang paa ko at ayaw akong pakawalan.
"Chance..." Humiwalay siya at tumango sa akin. Hinila niya ang kamay ko at nagpadala ako roon. Nangiti ako nang halikan niya ang pisngi ko at tumakbo papasok ng classroom niya.
Kinausap ko saglit ang teacher niya bago ako kumaway sa anak ko—na tahimik nang nakaupo sa upuan niya—bago umalis.
I sighed as I took a glance of his room bago ko napagdesisyunang umalis na roon. Mabilis akong pumara ng jeep at sumakay para makapasok sa opisina ko.
Na-enroll ko na kasi siya nitong nakaraang linggo sa day care kaya ngayon ay papasok na siya. Napailing na lang akong muli at tinanggal ang buhok ko na tumabon sa mukha ko dahil sa hangin na galing sa labas ng jeep.
Agad akong pumara nang makita ang building naming at binati agad ako ng guard. "Good morning, Ma'am."
Ngumiti ako at tumango bago ito batiin pabalik. Pumirma ako sa log book. Dumiretso ako para mag-ayos ng sarili sa banyo at tumuloy sa opisina saka sa cubicle ko.
Saglit akong sumandal at tinitigan ang desktop ko bago umayos at nag-umpisa nang magtrabaho. Tiningnan ko ang schedule ng araw ni Mr. Agoncillo at nangunot ang noo ko nang makitang may lunch meeting siya sa isang kliyente na hindi nakalagay kung sino.
Wala naman ito kahapon, ah?
S-in-ave ko muna ang ginagawa ko bago tumayo at dumiretso sa opisina ni boss. Kumatok ako nang mahina at makalipas ng ilang segundo ay pinapasok niya ako.
"Allison? Bakit?" nakangiti niyang sabi sa akin habang nag-aasikaso ng papeles sa harapan niya.
"Sir, may I ask if who's this certain client you'll meet later at lunch?" Nag-angat siya ng mukha at mukhang may naalala.
"Oh, yes." Tumango siya. "May meeting ako mamaya. Ako kasi ang nagschedule niyan and I didn't have a chance to tell you kaya ako na ang naglagay."
Tumango ako. "Sige Sir, anong oras po ba ito exactly?"
"Mga eleven pa 'yan and you'll come with me."
Nagulat ako at napatingin agad.
"Sir?"
"Yes, you'll come with me."
"O-Okay." Tumango ako bago pumihit palabas. Dumiretso ako sa upuan ko at pinagtuunan ng pansin ang sa schedule ni Sir.
Bakit kasama ako? Well, given the fact na secretary niya ako, he's not like this kasi usually ay mas gusto niyang mag-isa siya sa mga meeting niya kaya naninibago ako. This must be a big client.
Nasapo ko ang noo ko nang maalalang hindi ko nga pala natanong ulit kung sino ang ka-meeting niya. Gusto ko mang bumalik ay hindi ko na ginawa. Let's just see later.
"Let's go, Miss Madlang Awa." Nangiwi man ay agad akong tumalima nang tawagin niya ako. Dumiretso kami sa kotse niya at sinabi niya agad sa driver niya ang lokasyon ng restaurant na pupuntahan namin.
Narinig ko ang pag-ring ng telepono ni Sir na kaaagad niyang sinagot, probably one of his clients. He made some calls at nakatingin lang ako sa daan habang papunta kami sa destinasyon.
"We're here." Agad akong tumalima at bumaba ng sasakyan nang sinabi niya iyon at sumunod ako sa kanya pagkapasok sa loob ng restaurant. Nakita ko pa ang malaking logo nito sa itaas pero hindi ko na napagtuunan ng pansin dahil sa masyado na akong kinakabahan.
And I don't know why.
"Reservation for Mr. Salcedo."
Nalaglag ang panga ko at napahigpit ang hawak ko sa bag ko. What the hell!
Magtatanong na sana ako pero hindi ko na nagawa dahil nauna na si Sir na maglakad habang sinusundan ang receptionist na ihahatid sana kami sa lugar ni Mr. Salcedo.
Mr. Salcedo. Shit! Kaya pala ako isinama ni Sir!
Halos hindi ako makahinga habang naglalakad at kulang na lang ay huminto ako para tumakbo palayo. Hindi ko nakita ang lalaking iyon ng halos tatlong araw pagkatapos niya akong ihatid sa bahay tapos bigla ko siyang makikita ngayon?
Tinuro sa amin ang isang private room. Naunang pumasok si Sir kaya halos magtago naman ako sa likod niya nang pumailanlang sa pang-amoy ko ang pabango ni Greg. Alam ko agad na nandito siya.
"Mr. Agoncillo! I'm glad you come." Baritonong boses pa lang niya ang narinig ko pero halos kilabutan na ako.
"Of course, Mr. Salcedo." Sa tingin ko ay nagkamayan sila at maya-maya pa ay narinig ko ang pagtikhim ng boss ko. "I bring my secretary with me."
Halos mapamura ako nang sabihin iyon ni Sir at wala na akong nagawa kung hindi umayos ng tayo.
"G-Good morning," mahinang bati ko. Napaismid ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Greg. He still hasn't change. Nandoon pa rin ang mapaglarong mga mata niya habang inaabot sa akin ang kamay niya.
"Good morning! I'm glad to see you here." Iniabot ko rin ang kamay niya at nakuryente agad ako sa init niyon. Naramdaman ko pa ang paghaplos ng daliri niya sa kamay ko kaya humiwalay agad ako at nag-iwas ng tingin.
I heard him chuckled before clearing his throat. "Let's take a seat, then."
Naglakad kami papunta roon at natigilan pa ako nang ipag-angat niya ako ng upuan. Gusto ko sanang sitahin siya pero hindi ko na ginawa dahil napansin ko ang tingin sa amin ng boss ko.
I swallowed before speaking. "Thanks."
Wala pang ilang saglit ay dumating ang waiter at ibinigay sa amin ang menu. I'm now having struggles in choosing what to eat.
"Ano ang sa 'yo, Allison?" Nagulat ako nang tawagin ako ni Greg at mabilis kong naibaba ang menu na hawak ko.
"H-Huh?"
Tumawa siya at agad akong napalingon sa boss ko na nakangiti lang sa akin. Hindi naman ako makasagot at lumilipad lang sa ere ang gusto kong sabihin.
"She'll take my order, too. Two for that, please," baling niya sa waiter na mabilis na isinulat ang order sa hawak na papel. Nakanganga lang ako hanggang makaalis ang waiter. Nang bumaling ako kay Greg ay nakangisi lang siya sa akin.
Dumating ang order namin at paunti-unti akong kumain. Nakamasid lang ako sa kanila na nag-uusap na rin tungkol sa plano nila sa negosyo gaya ng kung paano ang magiging set-up sa pagpapadala ng furnitures sa bago nitong hotel at iba pa.
Really? What's my purpose here?
Hindi ko maiwasang humanga habang nag-uusap sila. Pasimple lang akong nagmamasid kay Greg na seryoso at pormal na nakikipag-usap sa boss ko. He really looked hot wearing that serious expression in his face.
I unconsciously licked my lip at agad na napaiwas ng tingin nang mapatingin sa akin si Greg. Malaki ang ngiti niya nang mahuli ako at hindi na tinatanggal sa akin ang titig niya kaya halos mabulunan na ako sa kinakain ko.
"What do you think, Mr. Salcedo?" My boss asked him.
"Yeah, that's nice," nakangiti niyang sagot at tumango-tango pa habang nakatitig pa rin sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
Kumindat siya sa akin at muntik na akong malaglag sa upuan ko. That sent chills through my spine.
"Excuse me," biglang sabi ng boss ko. Nagulat ako sa biglaan nitong pagtayo at tinuro ang phone. Nakita ko ang pagtango ni Greg kaya lumabas ito habang may kausap.
"Baby." Napahigpit ang hawak ko sa tinidor nang marinig siyang magsalita kaya napaangat ako ng tingin. Kinunot ko pa ang noo ko para magkunwaring hindi ako naapektuhan ng presensya niya.
"Ano na naman?" Tinaasan ko siya ng kilay at mahina na naman siyang tumawa na parang natatawa siya sa kasungitan ko.
"Meron ka?" pang-aasar niya at pinasadahan ng kamay ang buhok niya na magulo. Muntik na akong mapasinghap sa aksyon niyang iyon.
"Manahimik ka nga! Gusto mo ng sapak?" ani ko pero inilagay niya lang ang magkabilang braso niya sa mesa at tinitigan na naman ako.
"Staring is rude!" I hissed at him at umayos siya ng upo.
Pumangalumbaba siya sa mesa bago paos na nagsalita.
"Miss me?"
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store