ZingTruyen.Store

Taking Chances (Published Under Flutter Fic)

Kabanata 11

heartlessnostalgia

Kabanata 11

Pasyente

"Hindi mo sinabing boksingera ka pala."

Napalingon ako kay Greg nang magsalita siya mula sa pagkakaupo sa mesa. Nakatingin siya sa akin habang hawak ang ice pack na nakapatong sa may ilong niya.

I smirked. Mabuti nga sa 'yo!

Napatingin ako sa kamay kong namanhid yata sa pagkakasapak sa matigas niyang mukha. Napailing ako nang makita na namumula iyon. Ang sakit kasi ng impact ng pagkakasapak ko sa kanya kaya namanhid ang kamay ko.

Lumingon ako kay Greg nang magmura siya. Nakita kong napahawak siya sa ilong niyang may dugo. I bit my lower lip. Bigla akong nakaramdam ng pagka-guilty.

I shoudn't have done that! Pero kasalanan naman niya, eh! Kung hindi niya sana ginawa ang mga kalokohang ito, eh, 'di sana ay payapa siyang nakakaupo sa swivel chair niya at nagbabasa ng dokumento.

Mabilis akong tumayo sa sofa at lumapit sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya sa ginawa ko at bahagya pang napaatras marahil ay dahil iniisip niyang sasapakin ko ulit ang mukha niya. Well, pwede rin! kapag gumawa na naman ng kalokohan ito ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyon.

Inilahad ko ang kamay ko. I can now read confusion on his face.

"Bakit?" Muntik pa akong matawa sa takot sa boses niya. Namumungay ang mga mata niya at nakita ko ang pula sa may ilong niya.

"Akin na." Tinuro ko ang ice pack pero mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko. Kumurap pa siya.

"Ha?" Tinaasan ko siya ng kilay at inginuso ko ang hawak niya.

"Give that to me," sabi ko at nang hindi siya gumalaw ay ako na mismo ang kumuha sa ice pack.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang sariwang dugo sa may ilalim ng ilong niya. Napabuntonghininga naman ako pagkatapos at umiwas ng tingin nang naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

"Ganda mo." Natigil ako sa ginagawa at sinamaan siya ng tingin.

"Shut up!" I hissed at inayos ang ice pack sa ilong niya. Mabuti na lang din at tumigil na ang pagdugo ng ilong niya pero may naiwang sugat doon at namumula.

"Sorry..." I sighed at sinalubong ang mga mata niya. "Nakakainis ka kasi," pagpapatuloy ko bago tumungo para ayusin ang pagkakadampi ko ng ice pack sa ilong niya. Nakatayo ako ngayon sa harapan niya habang siya naman ay nakaupo sa mesa niya.

Katahimikan ang bumalot sa amin na halos marinig ko na ang pagtunog ng orasan. Nakaramdam ako ng matinding pagkailang kaya umayos ako ng tayo.

"Hey..." Napalingon ako bigla nang magsalita siya. Nagulat ako nang itaas niya ang baba ko paharap sa kanya. Hinuli niya ang mga mata ko at nakita ko agad ang pagkakakunot ng noo niya.

"Hindi naman ito gagaling sa sorry lang." Napalunok ako at bahagyang napaatras pero nahuli niya agad ang baywang ko. Hinapit niya ako palapit sa kanya kaya halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

"A-Anong..."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Gumuhit din ang ngisi sa labi niya. Wala namang nabawas sa kagwapuhan niya pero nakakatawa lang tingnan ang ilong niyang namumula na akala mo ay may sipon.

"Dapat may kiss para mapatawad kita."

Napaawang ang labi ko. Nakuyom ko ang kamay ko. Matalim ko siyang tiningnan at bahagyang lumayo para iangat ang isa kong kamay.

"Maayos pa ang kaliwang kamay ko. Gusto mong makatikim ulit?" matigas kong sabi. Nakita ko ang paglunok niya habang nakatingin sa kamay ko pabalik sa mukha ko. Kinagat niya ang labi niya pero ang mga mata naman niya ay sumasayaw sa kaaliwan.

"I'll deal with the punch later."

Lumubog ang dimple niya sa biglang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Hindi ako nakapag-react nang bigla siyang tumayo sa mesa para hulihin ang baywang ko. Naiwan naman bigla sa ere ang kamao ko na sasalubong dapat sa mukha niya nang masakop niya nang buo ang labi ko.

Impit akong napaungol nang masalubong ko ang mainit niyang labi. Nanlaki ang mga mata ko! Nakapikit naman siya habang humahaplos ang kamay sa baywang ko kasabay ng pagdiin ng sarili niya sa akin.

I pushed him away. I tried pushing him away but I don't know if he was just too strong o dahil sa nadadala na ako sa halik niya kaya ako walang lakas? He groaned when I didn't kiss him back at naging mabagal at mapanuya ang kanyang halik.

Itinutulak niya rin ang leeg ko para halikan siya. Naramdaman ko ang kamay niya na humuli sa nakataas kong kamao at ipinaikot ito sa kanyang leeg. I suddenly closed my eyes when my body burned with electrifying heat and I just found myself kissing him back with the same ferocity.

I should not be kissing him back, right?

Pero mukhang ako ang sumisira ng limitasyon ko sa aking sarili. Hindi ko na alam kung saan na napupunta ang kamay niya. Ang alam ko lang ay malalim na ang halikan naming ito. Para akong sinisilaban ng apoy sa nararamdaman ko.

I pulled away to get some air pero hindi pa man ako nakakailang segundo ay sinalubong niya na naman ang labi ko. I felt him smile against my lips at nasabunutan ko siya.

Bigla kong narinig ang tunog ng pagbukas ng pintuan. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita kong may babaeng kapapasok lang na mukhang nagulat sa amin. Nang akmang tatalikod na siya ay mabilis kong tinulak si Greg.

"What?" Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nang napabaling siya sa kapapasok lang ay ngumisi siya.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at inayos ang skirt ko na umangat sa may hita ako.

Nang lingunin ko si Greg ay palapit na siya sa akin kaya mabilis akong umiwas. Kinuha ko ang bag ko bago nag-umpisang maglakad.

"I'm sorry, miss," mahinang sabi ko sa babaeng nakangiti sa akin. Binigyan ko si Greg ng masamang tingin bago naglakad-takbo palabas.

Shit, Allison! Ano na namang ginawa mo?!

Napapamura ako sa naiisip. Nagpadala na naman ako! Ano ba ito?! Todo iwas ako pero isang halik lang niya ay lumambot ako. Seriously? Am I that soft?

Dumiretso ako sa banyo at inayos ang sarili ko. Nakita ko pa na namumula ang labi ko pati na rin ang pisngi ko. My hair was also a trash at hindi ako mapakali sa kakaayos ko.

Gusto kong umalis na pero hindi ko iyon magawa. I have a purpose in going here. Kalilimutan ko na lang ang nangyaring kababalaghan kanina. Pipilitin kong kalimutan iyon kahit na tumatatak na ito sa kahit saang sulok ng utak ko.

Kailangan ko siyang kausapin ng masinsinan para tigilan na niya ang larong ito. I am not here to play with him. I need to stay away kung ayaw kong magulo ang tahimik ko nang buhay.

Lumabas na ako ng banyo at bumalik sa may labas ng opisina niya. Natagpuan ko roon ang secretary niya na ngayon ay nakaupo sa pwesto niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at mabilis na kumaway.

"Hi, madame!"

Ngumiti rin ako pabalik at lumapit sa kanya.

"M-May tao pa ba sa opisina niya?" alangang tanong ko at saka sumulyap saglit sa pintuan ng opisina ni Greg.

"Yes po. Akala ko nga po kayo pa rin ang nasa loob," sagot niya at may nabakas akong kalokohan sa mga mata niya.

"Ma'am, hindi n'yo naman sinabi sa aking may nangyaring boxing sa loob."

Nanlaki ang mga mata ko at marahas na napaubo. Para yata akong nabulunan sa sariling laway at nag-panic siya patakbo sa akin at inalalayan ako paupo. Inabutan niya rin ako ng tubig na agad kong tinanggap at ininom iyon nang diretso.

"Ma'am! Ayos ka na?" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong at tumango-tango na lang ako.

Boxing talaga? Parang may kung anong bagay ang pumasok sa utak ko at kung ano-ano na ang naiisip ko. God, that man is really making my mind dirty! Mukhang kailangan ko nang lagyan ng Zonrox ang utak ko para mawala ang karumihan doon!

"Ano nga, Ma'am, bakit may boxing do'n?" pangungulit niya at naupo pa sa harapan ko.

"Anong boxing ang pinagsasabi mo d'yan?" tanong ko sabay ngiwi. Tiningnan naman niya ako na parang baliw ako bago siya tumawa.

"Asus naman, Ma'am, pinadala n'yo ako ng ice pack kanina 'di ba?" Doon lang nagproseso sa utak ko ang ibig niyang sabihin sa boxing. Damn, pinadala ko nga pala siya kanina ice pack! Bakit ba iyong halikan ang iniisip ko na boxing?

What the hell!

"Ah, wala lang 'yon. Nauntog kasi siya," sagot ko na lang at nananalanging sana ay kagatin niya ang palusot ko pero dahil sa sadyang matalas ang utak niya ay hindi niya ako pinaniwalaan.

"Hala, nag-joke si Ma'am! Nauntog lang si Sir? Eh, bakit dumudugo ang ilong? Sinuntok n'yo Ma'am?" Nakangiti pa siya at mukhang batang excited sa tanong niya at mukhang wala na akong lusot kaya tumango na lang ako. Narinig ko naman ang tawa niya pagkatapos.

Hindi sana ako tatawa pero nang marinig ko ang tunog ng kakaiba niyang tawa ay napatawa na rin ako.

"Sino iyong pumasok na babae sa opisina niya kanina?" tanong ko kay Misty—nalaman ko na ang pangalan niya dahil sap aga-uusap namin—habang sumusulyap ako sa pintuan ng opisina ni Greg. It's been thirty minutes since pumasok ang babae roon at nakapagtatakang hindi pa rin ito lumalabas.

"Ah, si Ma'am Cailegh po iyon, pasyente ni Sir," sagot niya at kinalikot ang kompyuter niya. Pasyente? Bakit ang tagal naman yata?

I can't help but to think crazy things in my head. Ano kayang ginagawa nila? Is he now kissing her? Nakahawak din ba siya sa baywang nito habang naghahalikan sila? Is he smiling on her lips, too?

Nakuyom ko ang kamay sa naisip pero nang matauhan ay ginulo ko ang buhok ko. Bakit ko ba iniisip ito? Eh, ano naman ngayon kung maghalikan sila? Maghalikan sila kung kailan nila gusto!

Punyeta!

Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto at nangunot ang noo ko nang makita si Greg na akay ang babae na umiiyak palabas. Nakaramdam ako bigla ng mabigat sa dibdib ko. Napalunok ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Greg.

He seems so shocked seeing me here at may kung anong sinasabi ang mga mata niya pero mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumayo para ayusin ang damit ko.

I'm done. Sa susunod ko na lang siguro siya kakausapin. Sinundan ko siya ng tingin na papalayo habang akay iyong Cailegh at nagmartsa na ako paalis.

Nakakainis! Nasayang ang oras ko sa paghihintay! Habang naglalakad paalis ay nakasimangot lang ako. Bakit kaya umiiyak ang babae? Sinabi sa akin ni Misty na pasyente lang daw iyon pero bakit kailangang nakaalalay siya? Siguro girlfriend niya iyon at nag-away sila.

"Kainis!" I silently hissed at ginulo ang buhok ko. Nagmartsa ako paalis at mabilis na pumara ng taxi pero kabubukas ko pa lang ng pintuan nito ay may nagsara niyon mula sa likod ko.

Marahas akong napalingon at handa na sanang bulyawan ang nagpadagdag sa inis ko pero naiwan sa ere ang sasabihin ko nang makita kung sino ito.

"Why did you leave? Hindi mo ako hinintay," parang bata niyang sabi at ngumuso pa.

"Uuwi na ko," sagot ko at lumingon pero wala na ang taxi kaya napailing ako.

"Hatid kita," biglang sabi niya at nagliwanag pa ang mukha pero nakakatawa pa ring tingnan ang namumula niyang ilong. Umiling ako at naglakad na palayo sa kanya.

"Akala ko ba ihahatid mo iyong pasyente mo?" matigas kong sabi. Agad kong nakita sa gilid ng mata ko na sumasabay siya sa akin. "Bakit ka nandito?" tanong ko pero diretso pa rin ang tingin.

Narinig ko ang tawa niya kaya tumigil ako at tinaasan siya ng kilay.

"Tinatawa-tawa mo d'yan?" pagsusungit ko pero nginisian niya lang ako at nagulat ako ng higitin niya ang kamay ko palapit sa kanya bago ipaikot sa baywang ko ang braso niya.

"Hoy! Anong...Get off me, Gregorio!" I hissed. Tinanggal ko ang kamay niya pero naibalik niya ulit.

"Pasyente lang 'yon. My friend is her husband." Natigil ako at parang lumuwang ang paghinga ko. Mas inilapit niya pa ako sa kanya kaya pinalo ko ang kamay niya.

"Bitiwan mo 'ko, Gregorio!" ismid ko.

"Tss, 'wag Gregorio. Baby na lang para kiligin ako," sagot niya sa akin at ninakawan ako ng halik kaya tinapakan ko ang paa niya na nagpatalon sa kanya.

"Ang sweet mo talaga, baby!" sabi niya habang tumatalon-talon at hawak ang paa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store