49
Leave a comment! :)
Last 1 chap na lang remaining. Ang POV ni Enzo ay sa Patreon ko lamang po ipopost. :)
====
“Lorenzo, come here!” Masayang tawag ko rito nang makita ko itong nasa may garden. Masigla naman itong tumakbo papalapit sa akin kaya mas napangiti ako sa inasal nito. I patted his head and smiled at him. “What are you doing there?” I asked him and he just wiggled his tail.
“I still hate the fact that you named him after me,” lumapit naman sa akin si Enzo na may dalang bulaklak at hinalikan ako sa noo.
I smiled widely as I carried the dog.
Iyon ang pinunta namin noong nagtungo kami sa bahay nila Kol. He asked Kol to keep it so he could surprise me. It was a shih tzu and I named him Lorenzo when I found out it was a male. I was planning to name it Francesca if it was a girl, actually.
Para lang mabwisit ko rin si Airi paminsan-minsan.
“Why? It’s cute! And I love your name,” I smiled at him and pecked on his lips. “Your practice is done?” tanong ko rito bago inaya ito na pumasok na sa loob ng bahay namin. Nagsisimula na ang rehearsals nila sa graduation kaya sa hapon na lang kami nagkikita ni Enzo.
Tumango naman ito sa akin bago hinawakan ang bewang ko habang naglalakad kaming dalawa. Naabutan ko pa si Airi na nasa may living room at may kung anong kinakalikot sa phone nito.
“Aalis ka?” tanong ko sa kanya na sinagot ako ng tango. “Okay, make sure to tell mom and dad where you and Dean are going,” bilin ko rito na kinunutan naman ako ng noo. “You don’t want dad to ground you, trust me,” dagdag ko pa na ikinairap ni Airi. Lumingon ito kay Enzo na para bang plano nitong manghingi ng tulong sa lalaki. “When did Alyanna become like you?” tanong nito sa lalaki.
Natawa naman ako at napailing dito. Nirereklamo nito sa akin na naging medyo strict na rin ako sa kanya pero sabi ko naman ay hindi ko napapansin na ganoon na ang nangyayari. Maybe I just don’t want to disobey mom and dad more nowadays? Hindi ko rin sigurado.
“Anyway, I have to go. I’ll just buy you pasalubong later,” paalam nito sa akin bago hinalikan din si Lorenzo sa noo at kumaway sa amin at lumabas na rin ng bahay.
“Nagmerienda ka na ba?” tanong ko kay Enzo nang maupo ito. Inilapag ko na rin si Lorenzo para makahiga ito dahil hindi ito pwede sa may couch maupo. Hindi pumapayag si Mommy dahil na rin inuubo si Nikolai. When Enzo found that out, he bought Lorenzo his own bed. Doon na ito madalas nagpupunta.
“I am good, baby. Why, are you hungry?” tanong nito sa akin na sinagot ko naman ng iling. Umupo na rin ako sa tabi ni Enzo at isiniksik ang sarili sa lalaki. Naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko habang nilalaro-laro ko naman ang kamay nito.
“You’re ready to graduate?” nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan si Enzo na kumunot ng bahagya ang noo. Pinagmasdan ko ang mukha nito at hindi ko talaga maiwasan na hindi makaramdam ng paghanga dahil talagang napaka gwapo nito.
He looks good when he’s smiling but he’s so damn hot when he’s serious. Kaya kahit na masungit ito sa school, marami pa rin talaga ang nagkakagusto rito dahil hindi naman mahirap na hindi magustuhan ito.
“Baby, I have four job offers already, remember? After graduation I will formalize everything, and of course, I am still studying the companies that offered me a job.”
Tumango ako sa kanya. Nabanggit niya sa akin noong nakaraan na may mga kumukuha na sa kanya para magtrabaho sa kumpanya ng mga ito pero wala pang tinatanggap si Enzo. Gaya ng sabi nito, hinihintay pa nito ang graduation.
“Tito Blue will check it, too, right?” I asked him.
He chuckled softly.
“Hmm? Why?” Muli ko siyang tinignan nang tumawa siya.
“I don’t want him to check it since even though I said I won’t use any connections, he might call the CEO,” he shrugged and hugged me tight. “I want to do things on my own, I don’t want to be dependent on my parents. I don’t want to have a married life with you and still be dependent on them.”
Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa sinabi nito. Napaka kaswal kay Enzo magsabi ng mga ganoong bagay. Sinasabi nito kung ano ba ang plano nito para sa aming dalawa. Wala namang kaso sa akin iyon dahil wala naman din akong ibang nakikita na makakasama ko sa buhay kundi si Enzo…
“You will marry me?” I asked him. Pilit kong itinatago ang pamumula ng pisngi ko at maging ang kilig ko na rin habang nakatingin kay Enzo.
Marahan naman nitong pinitik ang ilong ko bago dinampian iyon ng mabining halik. “I courted you not to just break up with you. I courted you because I want to spend the rest of my life with you. Napaka slow mo yata ngayon, Alyanna Samantha?” pang-aasar na sabi nito sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.
Mas pinagtuunan ko ng atensyon ang sinabi nito na kaya ako niligawan ay dahil ako ang gusto nitong makasama balang araw.
“Don’t smile like that, I don’t have plans to propose today,” he chuckled and pecked on my lips. “I love you,” bulong naman nito sa akin matapos ko siyang hampasin ng mahina sa tiyan dahil sa sinabi na naman nitong pang-aasar.
“I love you, too…” sagot ko naman sa kanya bago isandal ang pisngi sa dibdib nito. We just stayed there for almost an hour. We’re just talking random things and most of the time, he’s just letting me talk about what happened to my day.
Simula nang naging kami ni Enzo, mas madalas na sa bahay kami nagkikita na dalawa. I know he’s not very comfortable in public that’s why I also adjust to him. Lumalabas naman din kami kapag kasama namin ang mga pinsan namin at kapatid, pero kapag kami lang ni Enzo, madalas ay kakain lang kami sa labas at sa bahay na namin o kaya nila kami pupunta para mag-usap.
Some days, I am just watching Enzo read. Noon ay akala ko sobrang nakaka bored gawin iyon dahil magmimistula lang akong nakatanga kay Enzo pero hindi ganoon ang nararamdaman ko. I enjoy watching him read, play the piano, and sometimes cook. Madalas naman din ay dala ko ang sketch pad ko at iginuguhit ko ito.
“What do you want for your graduation?” tanong ko sa kanya. Nag-iisip ako ng pwede kong maibigay kay Enzo pero napaka hirap magbigay ng regalo sa isang taong parang nasa kanya naman na ang lahat; tulad ni Enzo.
“Why does it feel like you're always having a hard time thinking what gift you should give me?” tanong nito pabalik sa akin. Hindi ko napigilan na hindi mapalabi dahil imbes na sabihin na lang nito sa akin kung ano ang gusto nito, kinuwestiyon niya pa ako.
“Dali na kasi,” sabi ko sabay hampas sa may hita nito. “What do you want?” tanong kong muli sa kanya pero hindi naman niya ako sinagot. Sa halip ay sumipol lang ito para tawagin si Lorenzo na mabilis naman ding tumakbo papalapit kay Enzo. Napasimangot na lang ako pero wala naman din akong magagawa kaya hinayaan ko na lang siya.
Nagpaalam na lang muna ako sa kanya na kukuha lang ng merienda para kung sakaling nagugutom ito. Dahil abala ito kay Loreno ay tumayo na ako at nagpunta sa kusina namin at naghanda ng makakain.
I opted to just prepare popcorn and juice. Habang hinihintay ko rin na maluto iyon ay naghanap na lang ako ng movie na pwede naming mapanuod mamaya. Enzo doesn’t like romance movies. Mas madalas na napipilitan lang ito na manuod kasama namin at pinagbibigyan lang kami.
I checked some educational movies. Iniisip ko kung may magugustuhan si Enzo roon pero napapangiwi ako habang tinitignan ang mga iyon dahil pakiramdam ko ay kahit na kapupulutan ko ng aral ang mga iyon, malaki rin ang tsansa na matutulog ako kaysa manuod.
“What’s taking you so long?”
Napapitlag ako nang magsalita si Enzo. Karga nito si Lorenzo na nakatingin din sa akin. Inilapag ko na lang ang phone ko sa may lamesa.
“I was waiting for the popcorn to–” I looked at our microwave and it looked like it was already done. “Oh, it’s done,” ngumiti ako bago kinuha iyon at inilagay sa isang bowl.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. “Do you need help?” he asked me and I shook my head to reply. “You have no plans today, right? We can watch a movie, right?” alanganing tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung may lakad pa si Enzo ngayon.
“The only plan I have this afternoon is to spend my time with you.”
Napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi nito. May ugali talaga si Enzo na bumabanat na lang bigla at hindi ko mapigilang hindi kiligin sa tuwing ginagawa iyon ng lalaki.
Sabay na kaming nagpunta sa may entertainment room namin at naghanap ng movie na pwede naming mapanuod. Kahit pa gusto kong pagbigyan si Enzo, mukhang ito pa rin ang nag-adjust para sa akin at kahit na ganoon, hindi ito nagreklamo o ano man.
We’re just quietly watching while I was feeding him with popcorn.
“Here,” sabi niya sa akin nang turn niya na para subuan ako. Lumingon naman ako rito at nanlaki ang mga mata ko nang ibigay sa akin ni Enzo iyon gamit ang bibig nito.
He fed me the popcorn with his mouth, he didn’t move away after. Instead, he kissed my lips and held me by my nape.
Mas pinalalim pa nito ang halik sa akin na ginantihan ko rin naman ng halik. He feasted on my lips while pillong me closer to him.
Ngumiti siya sa pagitan ng halik naming dalawa bago maingat na lumayo at hinaplos ang magkabilang pisngi ko. “I love you…” masuyong bulong nito sa akin. Maging ako ay ngumiti dahil sa sinabi nito.
“I love you, too, Enzo…” I pecked on his lips and smiled. Inakbayan niya ako at pinatuloy na namin ang panonood ng movie.
Hindi na nakapag dinner sa bahay namin si Enzo dahil na rin may dinner sa kankanila dahil na rin sa nalalapit na graduation nilang magkapatid.
“Let’s have dinner together, soon?” sabi nito sa akin nang ihatid ko na siya sa may sasakyan niya. Tumango naman ako rito at niyakap ito. “Take care, okay?” bilin ko rito na tinanguan naman din ako bago sinulyapan si Lorenzo.
“Hey, be good to Mommy, okay?” bilin nito sa aso bago tumingin sa akin. “I love you,” muling sabi nito bago pumasok sa loob ng sasakyan nito. Kinarga ko naman si Lorenzo at nagpaalam na sa lalaki bago kami pumasok sa loob ng bahay.
Days passed and it was already their graduation day. Nakapasok kaming lahat sa venue kaya naman nakasuporta kami sa mga kaibigan at pinsan namin na magtatapos na. Kanina noong hindi pa kami pumapasok ay nag-aasaran na sila kung paanong kukuhanin daw sila ng mga tatay nila para hindi na sila maghasik ng lagim sa ibang kumpanya.
Enzo just shrugged at them.
We had breakfast together earlier. Magkakasabay naman kaming nagpunta kanina at sumunod lang ang mga magulang nila rito. We even teased them that even the students are admiring them.
“Are you okay?” tanong ko kay Enzo na para bang mas tahimik ngayong araw. “Do you want water?” I added. Umiling naman siya sa akin. Lumapit naman sa amin si Kol at tinapik ang balikat nito. “Everything is set already,” sabi nito sa lalaki na ipinagtaka ko.
“What is ready?” I asked him. Kol looked at me and shrugged. Tinignan ko ito ng masama pero wala naman din akong nakuha na sagot.
“It was nothing…” hinawakan ni Enzo ang kamay ko at pinisil iyon. Hindi ko naman na siya pinilit at tumango na lang ako sa kanya.
Pumasok na kami sa loob at magkakatabi kami nila Jahann. Pinapanuod ko lang si Enzo na hindi man lang kinakausap ang mga katabi nito. Natatawa na lang ako dahil napaka sungit nito.
Nang magsimula na ang seremonya ay nakinig na kami sa nagsasalita at sa mga professors na nagbibigay ng mga mensahe nila para sa mga gagraduate.
“Dapat kapag tayo ang nag graduate, pumunta rin sila, a,” sabi ni Keij na nakaupo sa may bandang likuran ko. Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, e!
I looked back at the stage again. Nagsisimula na ang pagtawag sa mga estudyante at ngayon ko lang yata naramdaman na parang napaka tagal ng D sa alphabet! I was watching Enzo while he was walking.
“Enrico Lorenzo De Guzman, Summa Cum Laude.”
Nagpalakpakan ang mga tao sa venue at hindi ko napigilan ang pagtayo at pagpalakpak habang nakatingin kay Enzo. “I’m proud of you, baby!” malakas na sabi ko dahilan para tumingin ang lahat sa pwesto ko.
Pinamulahan naman ako ng pisngi at mabilis na naupo at tinago ang mukha sa likod ni Airi.
“Nakakahiya ka maging pinsan, alam mo ‘yon?” sabi ni Keij sa akin na tinignan ko naman ng masama. “Leche ka!”
“Uh, I actually want to take this opportunity…” natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Enzo. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nasa stage pa rin ito. Nasa may gilid pa rin ang ilang estudyante at ang mga professors.
“That girl is actually my girlfriend. She’s Alyanna Anderson…”
Pinanlakihan ko siya ng mata. “What are you doing?” I mouthed. He smiled a little at me.
“I want to take this opportunity to just say something…” he looked at the professors and they all nodded at him. They like him, that is why!
“What is he doing, Kol?” nilingon ko ang pinsan ko pero nagkibit lang ng balikat ito. Lahat kami ay nakatingin kay Enzo maging ang mga magulang nito.
“It’s not everyday that you will meet someone who you think you can share the rest of your life with. It’s not everyday that you will feel that you have fallen in love with someone… Isn't it sad when they find comfort in someone else?” he chuckled a little. “But then again, why waste it on being sad? Why not fight for the one you love?” muli siyang lumingon sa akin.
“Alyanna Samantha Anderson, I know you’re probably blushing hard right now, but I want you to know that meeting you, getting to know you, and falling in love with you is something I will never regret. I love you and… it’s like a once in a lifetime chance of falling in love with someone who loves hard as much as you do… You are my once in a lifetime, baby…”
Hindi ko napansin ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko habang nakatingin sa lalaki. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin ko habang ang mga mata ko ay napako na rin kay Enzo.
“I…”
I heard almost everyone gasping when Enzo kneeled and looked at me.
“What…”
He was freaking kneeling on the stage! Nakasuot pa ito ng toga habang may hawak na singsing at nakatingin sa akin.
What the hell?
“Enzo…”
“Alyanna Samantha, will you marry me?” tanong niya sa akin at pakiramdam ko ay lahat ng mata ay nakatingin sa akin.
Is this serious?
He’s really proposing now?! Ngayon talaga?
I looked at Enzo and smiled a little.
He smiled at me and I nodded my head.
Well, of course!
The answer is yes.
Yes.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store