ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

50

vampiremims

Leave a comment! :)

Ang POV ni Enzo ay sa Patreon ko lamang po ipopost. :)


==


I was leaning on the doorway while watching Enzo put our things inside his car. He fetched me today since we're planning to go North for a vacation. It was also a graduation gift of Tito Hunter to him.

Nagrent ito ng isang villa para sa amin ni Enzo. Of course, the debate was intense since Mommy doesn't want me to go alone with Enzo. She kept telling Tito Hunter that his gift was absurd. Hindi naman nagpatalo si Tito Hunter at sinabihan si Mommy na noon namang kabataan nito ay madalas itong natutulog na sa bahay ni Daddy kaya huwag daw itong matakot sa posibleng mangyari sa amin ni Enzo

Even Keij was teasing us about this vacation. Ilang beses nitong inasar si Enzo na galingan daw nito dahil minsan lang kami makakapag solo na dalawa. Hindi na lang ito pinansin ni Enzo, si Theon at Lean naman ay nag bakasyon din ngayon. Nauna sila ng alis sa aming dalawa.

"You look hot while putting those things in there..." napangiti ako nang kumunot ang noo ni Enzo at tumingin sa akin. Inayos nito ang salamin bago ako pinagmasdan na para bang tinatanong nito kung ano ang sinasabi ko.

"You want me to help you?" tanong ko sa kanya. Sinimangutan naman niya ako na para bang sinasabi niyang kabaliwan ang sinabi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa inaakto ni Enzo.

"I already told you to just stay still. You can go inside the car if you're bored," sabi naman nito sa akin bago binuhat ang isang bag pa na dala ko at ilagay iyon sa may sasakyan nito.

"I'm not bored, baby. I am kind of enjoying the view," sabi ko naman sa kanya. Bago pa man makasagot si Enzo ay lumabas naman na ang kasambahay namin na may dalang isang bag na may laman na pagkain. I helped them prepare those earlier.

Naisip ko rin kasi na kaysa huminto kaming dalawa ni Enzo sa restaurant along the way, pwede naman kami na magbaon na lang ng pagkain.

"Thank you," sabi ko naman dito bago kinuha ang pagkain na binibigay nito. It was just 6 am and Airi's still sleeping. Kagabi pa naman ako nagpaalam dito at alam naman nito na may lakad kami ni Enzo.

Kakuntsaba nga ito ni Keij sa pang-aasar sa aming dalawa. Sinasabihan ako nito na baka raw pagbalik namin ay may pinsan na si Nikolai. Pinagalitan naman ito ni Mommy nang marinig iyon.

"You got everything you'll need?" lumabas si Daddy na nakasuot pa ng pajama nito. Mukhang kagigising lang nito. He looked at Enzo and nodded his head to him.

"Good morning, Tito Kerko," bati ni Enzo sa daddy ko.

"Morning," he replied before looking at me again. "Take care, okay? Call me, or Jahann, or your mom if you need anything," bilin nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. I even hugged his waist and he kissed my head.

Sakto naman na tapos na si Enzo sa paglalagay ng gamit ko kaya lumapit na rin siya sa aming dalawa ni Daddy.

"Make sure you will take care of Alyanna," sabi nito sa lalaki. Napangiti naman ako at napalingon sa singsing sa may daliri ko.

I said yes to Enzo.

I agreed to marry him but we also agreed we will get married once we are stable already. Iyon din ang binilin ng mga magulang ko, pati na rin si Jahann. Katulad nila Jahann at Cherinna, parehong engaged lang kami sa isa't isa pero hindi pa pwede na magpakasal.

It was like we just wanted an assurance that we will get married in time. Hindi naman din kami nagmamadali. Hindi pa rin naman ako nakakagraduate kaya walang problema sa akin. Isa pa, kahit naman si Enzo ay hindi minamadali ang bagay na iyon. \

He still wants to make a name for himself.

"Rest assured that I will, Tito," he replied and my dad nodded his head. Wala naman talagang problema si Daddy kay Enzo dahil na rin simula pa lang ay naging maayos naman ang pagpapaalam ni Enzo rito tungkol sa aming dalawa.

"We'll go now," paalam ko naman dito at muling yumakap dito. Sinabi nito sa akin na natutulog pa si Mommy kaya hindi na namin ito ginising ni Enzo.

Inalalayan naman ako nito na makapasok na sa sasakyan nito bago ito sumakay na rin at pinaandar ang sasakyan.

Nilingon ko si Enzo at nginitian ng matamis.

"You know, Dad really likes you for me," I told him while he's driving. He gave me a fleeting look and smiled at me. "I don't see any reason for him to not like me, baby..."

Tumaas naman ang isang kilay ko at natawa dahil sa sinabi nito.

"Oh, someone's conceited, hm?" pang-aasar ko sa kanya na ikinangiti niya pero agad na umiling naman ito sa akin at hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay nito ay nasa manibela.

"I mean, he knows that I love you so much and I don't have any reason to hurt you," sagot naman niya sa akin. I squeezed his hand and smiled at him.

"Talaga lang, huh?" sabi ko naman dito bago tumingin sa labas.

"Talaga naman."

Napangiti ako dahil sa sinabi nito.

May dalawang oras na si Enzo na nagmamaneho nang tumawag si Keij sa group chat namin na magpipinsan. Nakita ko na sumagot na sila Cherinna at Airi kaya naman sinagot ko na rin ang video call ni Keij.

"Hi, good morning!" bati ko sa mga ito. Kasama ni Cherinna si Jahann habang si Airi naman ay nasa kama pa at yakap ang unan nito. Si Keij naman ay nasa kusina ng bahay ng mga ito at ipinapakita si Kol na nagtitimpla ng kape.

"Mukhang pagod sila Theon, ah?" ani Keij na sinundan ng tawa. "Hindi gayahin sila Cherinna, o. Early birds," dagdag pa nitong sabi.

Napailing na lang si Cherinna sa sinabi ng lalaki.

"Alyanna, you're on your way na?" tanong naman sa akin ni Airi na sinagot ko at ipinakita ko si Enzo na nagmamaneho. He looked at them and gave them a small smile.

"Take care!" sabi ni Cherinna sa amin. Pinakita rin nito si Jahann na tumango sa amin ni Enzo.

"Galingan mo, Enzo! Para may kalaro na si Nikolai, ah?" sabi na naman ni Keij.

Maging si Airi ay natawa sa sinabi nito. "Oo nga, para may baby na aalagaan ulit!" sabi naman nito sa akin.

"You know what, we're so glad you're not with us!" napairap na lang ako sa kanila bago nagpaalam na rin at pinatay ang tawag. I looked at Enzo and leaned my head on my headrest.

"Hmm?" he asked when he noticed that I was staring at him.

Umiling naman ako pero hindi ako nagsalita. Sa halip ay nanatili lang akong nakatitig kay Enzo.

"What is it, baby?" he asked me again. Sakto naman na nagtraffic kaya hininto nito ang sasakyan at sinulyapan ako.

"I love you," I said softly. I held his hand and squeezed it a little.

"I love you, too..." he smiled and leaned towards me to peck on my lips. "Now, behave. I have to drive for 8 more hours," he said before pecking on my lips again. Natawa naman ako ng marahan pero tumango na lang ako sa kanya.

Sinasabihan ko naman si Enzo na kung gusto nito na magpahinga na muna ay ako na lang ang magmamaneho pero hindi ito pumapayag. Sinasabi nito sa akin na kaya naman nito kaya wala naman daw akong dapat na ipag-alala.

"Can we eat first? Sayang naman 'yung hinanda ko..." I looked at the bag at the back and pouted a little. Enzo chuckled and nodded his head.

"I'll just pull over."

Ngumiti naman ako rito at inalis ko na rin kaagad ang seatbelt ko kahit na hindi pa ito humihinto. Naghanap lang si Enzo ng mapaparadahan ng sasakyan nito bago inihinto ito. Hindi na rin nito pinatay ang makina ng sasakyan.

Kinuha ko na lang ang gamit sa likod kaya naman nakadikit ang bewang ko sa may katawan ni Enzo dahil inaabot ko ang nasa likod.

"Baby," he called me, I looked at him.

"Hmm?" I asked him while looking at him.

"You're bending your body," he frowned and looked outside the car.

"Uh? Yeah? Because I am trying to get our food and the utensils and–"

"And you're wearing freaking short shorts," he cut me off. Napalingon ako sa sinasabi nito at napansin ko na hantad na hantad sa paningin ni Enzo ang mga hita ko dahil na rin sa puwesto ko. Pinamulahan ako ng pisngi sa naisip dahil na rin sa puwesto ko.

Parang gusto kong sisihin si Lean dahil sa mga sinabi niya sa akin na panuorin ko!

I once asked Lean about that thing. Hindi ko sinabi rito na may nangyari na sa amin ni Enzo dahil na rin nahihiya ako, hindi ko naman din matatanong si Cherinna dahil malamang ay sasabihin nito kay Jahann na nagtatanong ako.

Lean sent me links to some videos. May mga napanuod ako pero hindi ko naman din natapos dahil na rin hindi ko kayang panuorin ang mga ganoong tagpo.

Enzo and I did it once.

Hindi naman naulit pero naisip ko na dapat ay may alam naman ako kahit na papaano... hindi ko lang alam na may mga ganoong mas intense na ways pala.

"Uhm, sorry..." I could feel my face heating up. Parang pati ang balat ko ay nag-iinit dahil na rin sa tumatakbo sa isipan ko.

"It's okay," ani Enzo na tinulungan na lang din ako na kunin ang pagkain namin. Nagdala naman ako ng utensils kaya walang naging problema. We're just listening to Coldplay songs while we're eating.

"I'm getting better at cooking, right?" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Tumango naman siya sa akin bilang pagsang-ayon. I used to compare my cooking skills with Cherinna before and Enzo kept on telling me he and Jahann had different taste buds. Hindi ko raw dapat din na kinukumpara dahil wala namang kaso kay Enzo kung marunong ako o hindi dahil marunong naman daw siyang magluto.

"We're still 7 hours away?" I asked him while eating. He nodded his head and looked at the map. Bandang Quezon ang villa na nirentahan ni Tito Hunter kaya naman mahabang drive talaga ang gagawin ni Enzo.

"I can drive, you know?" sabi ko rito. "Pwede naman na magpalitan tayo para makapahinga ka," sabi ko pa sa kanya.

He just chuckled and wiped the corner of my lips. "I am okay, baby," he replied. "Just sit there and relax," he added.

I rolled my eyes and looked outside. Napatingin lang ako sa ibang mga sasakyan na naroon din sa may gasoline station na mukhang gaya namin ay nagpapahinga rin, o baka kumakain.

"What's wrong?" he asked me.

I turned my head to Enzo and shook my head. "I just thought about what happened to us..." sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid bago huminga ng malalim. "We both thought that there's no way in hell that we will be together. I once had a crush on you before, but I thought... I am not your type..."

"Who told you that you are not my type?" tanong naman niya sa akin. Nagkibit-balikat ako sa kanya dahil iyon naman talaga ang nasa isip ko noon pa kaya nga kahit na nagkagusto ako noon kay Enzo, pilit kong binalewala iyon.

"Silly. Not because I am quiet and serious, I would like someone who's quiet as well. I liked you, I fell in love with you. It doesn't matter to me if you're quiet or loud, as long as it's you, I will love you. I will always love and choose you."

Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon dahil sa sinasabi ni Enzo sa akin. May mga araw pa rin na kinukurot ko ang sarili ko para matiyak kong hindi ako nananaginip lang at totoo talaga na kaming dalawa ni Enzo...

"I never thought that you were that sweet," pang-aasar ko rito na ikinangiti naman ni Enzo. That's one thing I like about our relationship. Mas nagiging palangiti na si Enzo ngayon kumpara noon. Kahit naman si Jahann noong naging ayos na ang relasyon nito at ni Cherinna ay naging palangiti na rin.

Airi and Keij noticed that, too.

Matapos kaming kumain at magpahinga ay muli na itong nagmaneho. He was holding my hand while driving. Inaasar ko siya na wala namang aagaw sa akin pero inirapan lang ako ni Enzo. Kung minsan, gusto kong matawa na mas topakin pa si Enzo kaysa sa akin.

"It's creepy in here." Napalingon ako sa daan na halos puro puno ang nakikita ko, idagdag pa na madilim ang daanan kaya naman mas nakakadagdag iyon sa takot na nararamdaman ko.

"Hmm?" He looked at me.

"Nakakatakot lang kasi madilim," paliwanag ko naman dito. I took my tumbler and drank from it when someone blew his horn at our back. Napapitlag ako kaya naman natapon sa akin ang tubig na iyon at nabasa ang blouse na suot ko at maging ang bra ko!

"Fuck!" I hissed and looked at the car behind us. Sa inis ko ay ibinaba ko ang salamin sa side ko upang pagmasdan ang driver nang lampasan kami nito pero mabilis na inangat iyon ni Enzo bago ko pa maaway ang kung sinuman na nagmamaneho noon.

"Bakit mo tinaas? Tignan mo, o. I am fucking wet!" inis na sabi ko kay Enzo. Ipinakita ko pa sa kanya ang damit kong nabasa.

Umangat ang isang kilay ni Enzo at nilingon ako. "Yes, but they're not alone," sagot naman nito sa akin. Doon ko napansin na tatlong sasakyan silang magkakasunod kaya naman wala na rin akong nagawa kundi mapasimangot na lang at sumandal.

"I have to change my clothes," sabi ko rito. Inabot ko ang bag kong nasa likod dahil alam ko na may spare shirt ako roon. Ang mga underwear ko naman ay nasa may likod kaya hindi ko rin makukuha.

"Go, change your clothes, baby," Enzo calmly said. I looked at him and cocked my head.

"Here?" I asked him. I looked outside. "Can we stop at a gasoline station so I can change?" pinagmasdan ko rin ang paligid at sa tingin ko ay wala pa kaming madaraanan na pwedeng huminto para magpalit ako ng damit.

I sighed heavily and nodded my head.

"You can change at the back," sabi nito sa akin. I smiled a little and shook my head. Inalis ko ang seatbelt na suot ko at tumalikod na lang kay Enzo upang makapagpalit ako ng damit.

Mabilis kong hinubad ang damit ko kasunod ang bra ko. Tinatakpan ko naman ang dibdib ko gamit ang damit ko. I bit my lip hard as I wore my blouse without a bra.

I cleared my throat as I sat properly and put my seatbelt on. Inilagay ko rin sa likod ang damit ko at ang bra ko.

"You can wear my jacket, baby," sabi ni Enzo sa akin. Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko. I saw him looking down at my chest.

"What the..."

Pinamulahan ako ng pisngi dahil bakat na bakat sa damit ko ang nipples ko! Mabilis kong niyakap ang sarili ko para takpan ang dibdib ko.

"Enzo!" saway ko sa lalaki nang marinig kong tumawa ito. "Stop staring at my boobs!" saway kong muli sa kanya.

"I wasn't meant to stare, I just noticed it, baby," he replied while chuckling.

"Whatever!" I rolled my eyes and reached for his jacket. "If I know, you're imagining it!" pang-aasar kong pabalik kay Enzo nang isuot ko ang jacket nito.

"I'm not denying it, though."

Mas pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi ni Enzo. He just admitted that he's imagining my boobs! What the hell?

I just looked away to hide my face. Hindi ko alam kung paano ko ba sasagutin si Enzo dahil sa sinabi nito sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na iniimagine ko rin siya paminsan at ang nangyari sa aming dalawa...

"I am tempted, baby. But, I have to control myself. As much as possible, what happened to us should happen again once you have my surname already..."

I looked at Enzo and he turned his head to me and smiled sweetly. "I'll marry you soon so we can make love whenever we want."

Napangiti ako dahil sa sinabi nito. I shook my head and pecked on his lips.

"Yeah. You should marry me soon because I want that to happen again..."

Enzo smiled and nodded his head.

Muling umayos na lang ako ng upo at pinisil ang kamay ni Enzo na hawak ang kamay ko.

Maybe not everyone can understand how we fell in love with each other, but like what I have always told Enzo, I will be forever thankful to have him.

And I know... Enzo's my greatest love.

A rare one.

My once in a lifetime.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store