ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

42

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


"Alyanna."

I was just sitting in front of my vanity mirror while listening to Airi's voice. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba siyang kumatok sa kwarto ko magmula kanina pero hindi ako tumatayo o kumikilos man lang sa kinakaupuan ko. Tinakasan ako ng lakas na kumilos man lang mula ng makauwi ako sa bahay namin,

I came home alone after I hailed a cab. Sa labas na ako ng subdivision nila Enzo nakahanap ng masasakyan dahil wala naman akong nakikitang pumapasok na taxi sa loob. I also turned off my phone because I know Enzo will call me and look for me. Ganoon naman ang lalaki. Laging ako ang inuuna nito.

Alam ko naman na mahirap para kay Enzo ang sitwasyon naming dalawa at ayoko siyang papiliin sa amin at sa pamilya niya dahil na rin alam kong mas mahalaga ang pamilya. I know that. That's why even though I know that it is hard, I chose to just walk away...

I was hugging my knees when I heard Jahann's voice outside my room. Hindi ko alam na umuwi rin pala ito ngayon. Ang alam ko ay dapat na mag-oovernight sila sa bahay nila Enzo ngayong gabi.

"Alyanna, we know you're there. Open the door," he said. I didn't move an inch. I was just hugging my knees, staring at myself.

Nakapatay rin ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin ko ngayon. I was thinking about what happened. Iniisip ko kung naging impulsive lang ba ako sa desisyon ko, kung tama ba ang ginawa ko...

Pero alam ko na kung ganoon ang sitwasyon namin ni Enzo, walang chance para sa aming dalawa. Walang chance na magiging kaming dalawa rin naman.

"Alyanna, open the door," muling kumatok si Airi sa pinto ng kwarto ko. "Why did you leave? What happened?" sunod-sunod na tanong ni Airi sa akin. "Alyanna, what–"

"Let her rest, Airi," I heard Enzo's voice. Napatuwid ang likod ko nang marinig ang boses ng lalaki. It was deep and sad. Hindi ko alam kung kanina pa ba naroon ang lalaki dahil ngayon ko lang narinig ang boses nito.

"Maybe something came up that's why she left and–"

"That's for sure," Enzo cut her off. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at dahan-dahan na tumayo. Awtomatikong nag-init ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Enzo. "She's probably not feeling well and she wants to be alone now..." I heard him again.

I bit my lip to stop myself from crying.

"You should probably just go home now, then. Just talk to her tomorrow," sabi ni Jahann sa lalaki. I was in front of the door already when I heard the sounds of their footsteps, papalayo mula sa kwarto ko.

Doon ko lang pinawalan ang hikbi na kanina ko pa tinitimpi. Muli akong naupo sa may tabi ng pinto at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Mabigat ang loob ko dahil alam ko na wala naman kaming problema ni Enzo, e. Wala namang problema sa aming dalawa pero kahit na ganoon, kailangan na matigil ang mayroon sa amin dahil na rin sa desisyon ng pamilya ni Enzo.

They said when you fall in love, it's one of the best feelings in the world. I agree with that, but at the same time, if it's true love at the wrong time, it's also the worst.

Bakit kailangan ko na magkagusto kay Enzo kung ganito lang din naman ang mangyayari ngayon? Bakit hindi na lang dumating agad si Elisha noong hindi ko pa sinasagot si Enzo para hindi na lang mas napalalim pa ang nararamdaman ko para sa lalaki.

I sniffed and sobbed while still hugging my knees. Sumasakit na rin ang ulo at mga mata ko dahil sa pag-iyak pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil patuloy ang pagdaloy ng mga tanong sa isipan ko kung bakit kailangan ko na masaktan ng ganito ngayon?

Enzo's probably worried right now because I didn't say anything. I just left. Knowing Enzo, he's direly worried about me right now. He's also probably thinking he did something wrong...

The next morning, I hear Airi's voice again. "Alyanna..." She called my name. I looked at my door but didn't say anything. Nakatingin lang ako roon dahil wala rin akong lakas na tumayo mula sa kama ko.

"I am not sure what happened, but... you know that I am just here, right? No matter what..." sabi nito sa akin. Malambing ang boses ni Airi kaya kahit papaano ay nakagagaan iyon sa kalooban. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyayari.

Hindi ko alam kung nabanggit na rin ba ni Enzo iyon.

I know we should probably talk.

We should communicate.

But I am afraid.

Natatakot akong sasabihin ni Enzo sa akin ng diretso ang mangyayari dahil hindi ko alam kung kaya ko ba na makita si Enzo na sinasabi sa akin na kailangan niya akong bitawan. Last night, I realized how much I love Enzo. I love him to the point that I would rather hurt myself than ask him to choose between me and his family and regret choosing me in the end...

"I am always here, you can talk to me..." Airi added. I wiped my tears and closed my eyes tight. Pinipigilan ko ng umiyak dahil wala namang saysay kung paulit-ulit akong iiyak. It will be hard for Enzo to break up with me, that's why I have to do that for us.

Sa aming dalawa, kung ako ang makikipaghiwalay, mas tatanggapin ng mga pinsan namin dahil alam naman nila na hindi ko gusto si Enzo... if it's Enzo, they will be mad at him...

I tasted the metallic taste of my blood from my lip.

I have to do it. Kung ikakasal naman din si Enzo sa iba, kailangan kong tapusin ito. He's destined to marry someone. Hindi pa kami buhay na dalawa ay naiplano na iyon para sa kanya...

Inipon ko ang lakas ko bago ako tumayo at nagsimulang mag-ayos ng sarili. I took a bath, picked out some nice clothes and put some makeup on. I smiled sarcastically when I managed to hide my dark circles around my eyes. Sinong mag-aakala ngayon na hindi ako halos nakatulog?

Matapos akong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto ko. Diretso akong bumaba ng hagdan at naglakad papalabas ng bahay.

"Alyanna!" tawag ni Airi sa akin na mabilis humabol sa akin at hinawakan ang braso ko. "You just woke up... oh. Ayos na ayos ka, ah? Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang mga noo.

"Mall," sagot ko rito bago mahinang hinila ang braso ko.

"Hey, wait. Enzo called and he said he can't reach you..."

Hindi naman ako kumibo sa sinabi ni Airi. Halatang nagtataka ito habang nananatili ang tingin sa akin. "What happened...?" she asked me again. Umiling ako sa kanya bago nagpatuloy ng paglalakad. "Tell mom I went out if she asked for me," iyon lang at lumabas na lang ako ng bahay at dumiretso na rin sa sasakyan ko.

Plano ko na lumabas na lang muna ngayon para makapag-isip. Wala akong tiyak na destinasyon na pupuntahan. Gusto ko lang na makalayo sa lahat sa ngayon... bago ko gawin ang dapat na gawin ko.

Mariin akong napatapak sa preno nang harangin ng sasakyan ni Enzo ang sasakyan ko. Hindi pa man ako nahihimasmasan sa nangyayari ay nakita ko na agad ang paglabas ni Enzo sa sasakyan nito patungo sa sasakyan ko.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang nakatingin kay Enzo.

Enzo walked towards my side and knocked on my window. "Alyanna, open the door, baby," I heard him say. Heavily tinted din ang sasakyan ko kaya naman alam kong hindi niya ako nakikita. I was just staring at his face while he's knocking on my window.

"Baby, let's talk..." he pleaded.

Bumibigat na muli ang paghinga ko. I was trying to calm myself. Muli akong sumulyap kay Enzo bago ko inapakan muli ang gas ng sasakyan ko dahilan upang mapaatras si Enzo. Mabilis akong nagmaneho papalayo sa kanya. I looked back at him and I saw him standing beside his car while looking at me.

I'm sorry...

Pilit kong iniwasan si Enzo...

It was like that for the past week. Halos araw-araw ay nasa bahay si Enzo. Hindi ako lumalabas ng kwarto ko kapag nasa bahay ang lalaki dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya kakausapin. I was just in my room, crying.

Nalaman na rin nila Airi ang sitwasyon ni Enzo. She once told me when she was in my room. Sinabi nito na naiintindihan ako nito at mabuti na lang din daw at hindi ko pa sinasagot si Enzo dahil malaking problema kung sakali...

I don't know what happened to Jahann and Enzo, though. Hindi ko alam kung galit ba si Jahann kay Enzo pero sana ay hindi. I asked Airi to talk to Jahann about it. Na hindi naman kasalanan ni Enzo ang bagay na iyon.

Isa pa, ang alam naman nila ay hindi ko gusto si Enzo...

"Alyanna, you're avoiding Enzo, not us..." sabi ni Cherinna sa akin nang minsan ay nagpunta rin ito sa bahay namin. Hindi nito kasama si Nikolai dahil si Jahann ang nagbabantay sa anak ng mga ito.

"That's what I told her," gatong naman ni Airi sa babae. "Lahat na lang tayo ay iniiwasan ni Alyanna, e. Hindi kaya kami sanay na ganyan ka..." nag-aalalang sabi nito sa habang nakatingin sa akin.

I stopped sketching and looked at them. "I am not avoiding you," sabi ko bago muling yumuko sa ginagawa ko.

"Yes, you are avoiding us..." sabi ni Cherinna. "Enzo's also avoiding us because he thinks it was his fault..." dagdag pa nito.

Natigilan naman ako at napatingin na lang sa lapis ko nang maputol iyon sa sobrang diin ng hawak ko. Hindi ko alam na hindi rin nakakasama ng mga ito si Enzo.

"He didn't know there was a plan, Alyanna. To be fair with Enzo, I think he's also hurting because we can all see that he really likes you and–"

"And I don't like him," sabi ko habang nakatingin sa papel na nasa harap ko. Mahigpit ang hawak ko sa lapis habang hindi ko magawang ipagpatuloy ang kanina ay ginagawa ko.

"We know he's special to you, and what happened surprised us all... siguro nga dapat ay hindi ka na lang niligawan ni Enzo..." dagdag na sabi ng babae.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa papel na nasa harap ko. Ipinagpapasalamat ko na lang din na nakatalikod ako sa kanila kaya naman hindi nila makita ang sunod-sunod na patak ng luha sa mga mata ko.

"But seriously, if you two are meant for each other, the universe will find a way for you to be together," sabi ni Cherinna sa akin.

Hindi nakuntento ang dalawang kasama ko na guluhin ako sa kwarto ko kaya naman pinilit ako ng mga ito na samahan silang lumabas at magpunta sa Sweet Desire. Sabi ni Cherinna ay gusto ni Nikolai ng cake at dahil ginamit na nito ang anak nito, hindi na ako nakatanggi.

Ako ang nag drive ng sasakyan ko papunta sa Sweet Desire at nagkukwentuhan naman ang dalawang kasama ko, kung minsan ay sumasali ako sa kanila pero mas pinipili kong manahimik na lang. Hindi sila sanay na ganoon ako pero sadyang wala lang akong lakas na makipag-usap ng matagal ngayon.

I just can't force myself to be the same loud Alyanna before. Wala akong lakas na makipagkulitan, makipag-asaran sa kanila. I even blocked Keij because he kept on calling me just to annoy me. Number ni Kol ang ginagamit nito na pantawag sa akin dahil alam nito na hindi ko magagawang i-block ang kakambal nito.

"Do you think Enzo will like that girl?" maya-maya ay tanong ni Airi sa amin ni Cherinna. Napalingon ako ng bahagya sa babae pero hindi ako nagbigay ng komento.

I saw Cherinna look at me. "We have no idea, Airi. But if that happens, we're not in any position to go against them," she added.

Humigpit ang hawak ko sa manibela habang paulit-ulit na naglalaro sa isipa ko ang pinag-uusapan ng dalawang kasama ko. Hindi ko malaman kung kinukunsensya ba nila ako o talagang pinag-uusapan lang nila ang possibleng lovelife ni Enzo na hindi ako involved.

I parked my car when we arrived at Sweet Desire. Nauna na sila sa akin at lumabas na rin ako nang mapatay ko na ang makina ng sasakyan ko. Labag sa kalooban kong magpunta rito pero wala naman na rin akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanila.

Natigilan ako nang makita ko ang papalabas na dalawang tao sa Sweet Desire. It was Enzo and Elisha. Enzo was holding a box of cake while Elisha was smiling at him.

Para akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ko sila. It was as if I was pierced through my heart, too. Alam ko na ako naman ang hindi namamansin kay Enzo pero hindi ko inexpect na ganito pala kasakit na makikita silang dalawa na magkasama.

Makikita si Enzo na masaya sa piling ng iba...

He deserved to be happy, though. Deserve ni Enzo na maging masaya, deserve nito na mahalin ng isang taong hindi siya kailanman sasaktan...

Napatakip ako ng mga mata ko nang umilaw ang sasakyan ni Enzo at sumakto sa akin. Mabilis akong napaatras upang magtago sa gilid ng sasakyan ko kahit na alam ko naman na nakita niya ako.

Halos pigil ko ang hininga ko hanggang sa dumaan ang sasakyan ni Enzo sa harap ko. It stopped in front of me but he didn't roll down his windows. Hindi ko alam kung nakatingin ba ito sa akin o ano pero makalipas lang ang ilang segundo, umalis na rin kaagad ito.

I looked at his car and breathed heavily.

Ginusto ko naman na iwasan si Enzo, e...

Ginusto ko naman ito...

I looked down and closed my eyes tight.

"Why don't you just talk to him instead of ignoring him?"

Napalingon ako at nakita ko si Kol na nakasandal sa may sasakyan ko. Nakakrus ang mga braso nito sa ibabaw ng dibdib nito habang nakatingin sa akin.

"What...?" I asked him.

Kol smirked and shrugged. "Let's talk. I know you're in love with Enzo and maybe there's a way for you to be together again," he said as he walked towards his car.

"What do you mean?" tanong kong muli bago sumunod sa lalaki.

Nagkibit-balikat lang ito at binuksan ang pinto ng sasakyan nito.

Puno man ng pagtataka, sumakay ako sa loob ng sasakyan ni Kol.

I looked at him and he raised a brow on me.

Nakatingin lang ako sa kanya at binuhay na nito ang makina.

Hindi ko alam kung ano ba ang plano ni Kol ngayon pero sa palagay ko, kung may isang tao akong makakausap tungkol sa amin ni Enzo, si Kol na nga iyon... 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store