43
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Where are you planning to take me?"
Nilingon ko si Kol na tahimik lang habang nagmamaneho. May twenty minutes na rin siguro kaming nasa daan na dalawa. Kanina ko pa rin naman siya tinatanong kung saan niya ba ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot ng diretso. He's just telling me to wait and calm myself. Wala naman akong magawa dahil ito ang nagmamaneho. Sumama ako sa kanya dahil sabi niya sa akin ay pag-uusapan namin ang tungkol kay Enzo.
Airi was also calling me but I kept on declining it. I know that she's worried about where I went. Hindi ako nagpaalam sa kanilang dalawa ni Cherinna. Hindi rin ako nagpadala ng kahit na anong mensahe sa kanila nang sumama ako kay Kol. Iniwan ko rin ang sasakyan ko sa may Sweet Desire. Bigla na lang akong nawala.
Hindi ko alam kung nakita ba nito at ni Cherinna si Enzo sa loob ng Sweet Desire kasama si Elisha... kung nakita man nila, sa palagay ko ay may ideya naman sila bakit ako nawala bigla.
"They were together. That means, they're okay, right?" sabi ko kay Kol habang nakatingin sa labas. "It means they're fine... and after Enzo's graduation, he will marry her... Enzo will marry her and everything will be fine again..." parang may kung anong patalim ang unti-unting gumuguhit sa may dibdib ko dahil nararamdaman ko ang sakit sa kaisipan na talagang wala na kaming pag-asa ni Enzo.
Not everything will be fine. Hindi ko magagawang tignan si Enzo ng hindi ako nasasaktan.
"I was the one who ignored him, though..." sabi kong muli. It was more for me than for Kol. Ako naman talaga ang umiwas kay Enzo. We never had a proper breakup but he's smart enough to know that's considered a breakup. I never talked to anyone, either. Wala akong pinagsasabihan ng kahit na anong nararamdaman at naiisip ko dahil alam ko naman na mahihirapan silang maintindihan ako.
How can they understand me if I am confused as well?
"He went to our house countless times. Waiting for me, trying to talk to me, but I was too scared to see him because I might ask him to choose me instead of his family..." hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Mabilis kong pinalis iyon at tumikhim upang pigilan ang sarili na mas lalong mapaiyak pa. "Natatakot ako na baka pilitin ko siya na ako na lang ang piliin. Susuwayin niya ang lolo niya. Magagalit sila kay Enzo and knowing their family, they all want the best for Enzo. They will be mad at him if he does not follow them. Magagalit sila, madidisappoint sila kay Enzo..."
Wala akong dapat na ibang sisihin dito kung hindi ang sarili ko. Maybe Enzo realized Elisha is better and she's someone he will be proud to be seen with. Hindi rin ito mahihirapan pa dahil mas gusto naman ng pamilya nito ang babae kaysa sa akin.
"You crafted everything in your mind already, huh?" Kol commented while driving. Napakunot lang ang noo ko sa kanya.
"Why are you jumping into conclusion, Alyanna? Don't you trust Enzo?" Kol asked me. Napalingon ako sa kanya at seryoso pa rin ang mukha nito habang nagmamaneho.
"What...?"
"I think you're jumping to conclusions. We all know Enzo and he's not someone that could easily forget a person he had feelings with. He's not like that and we know how much he loves you."
Lumingon siya sa akin at nagkibit ng balikat. "He's serious about you and I don't think there's a zero percent chance for you to be together again. It's just, you have to trust and believe in Enzo."
I stared at my cousin and leaned on my seat. "I do trust him..." I said defensively.
"It's not enough for you to believe him that he will do something to fight for you."
Natigilan ako sa sinabi ni Kol at napatitig lang sa kanya. Iniisip ko ang mga sinabi niya sa akin at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatango dahil alam ko na iyon naman talaga ang nangyayari. Iyon ang ginagawa ko.
"I am being unfair to him," sabi ko bago muling tumingin sa labas at huminga ng malalim. "I... I thought I was doing this for him, but it turned out that... I was just hurting Enzo. I was just hurting myself, too..."
Kol chuckled so I creased my forehead and looked at him. "You know, your family has an attitude of doing those things. From Tito Kerko, to Jahann, and now you. I just hope Airi won't be like that, too..."
I rolled my eyes. Malakas ko ring hinampas ang braso nito habang nagmamaneho. Natawa lang ng bahagya si Kol sa akin bago inihinto ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Nagtataka naman akong muling lumingon sa kanya.
"Why are we stopping?" tanong ko kay Kol nang pinatay nito ang makina ng sasakyan nito. Nilingon ko si Kol na nakatingin din sa akin.
He looked at his watch and heaved a sigh. "You have 3 more hours more or less to stop Enzo from leaving and–"
"He's what?" nanlaki ang mga mata ko nang tignan ko si Kol. "He's leaving? That's not possible! Kasama nga niya si Elisha, e. Paanong aalis siya?" tanong ko sa lalaki.
Kol shrugged and leaned on his seat. "Yes, they went to Sweet Desire, but Enzo's flight is tonight. He just bought a cake for his mom before flying to Australia, probably for good since his grandfather is asking him to accompany him."
"No! Kung aalis si Enzo, nagsabi siya dapat sa akin. Nagpaalam siya. Nagpunta siya sa bahay at–"
"You're ignoring him, remember?" sabi ni Kol sa akin. "You said it yourself, he visited you countless times. Hindi mo siya pinapansin."
Mabilis na nag-init ang mga mata ko dahil sa realizations ng mga ginawa ko. I was damn scared to lose Enzo, now... I will really lose him. Mawawala na talaga siya...
Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko habang tumatakbo sa isip ko ang possibleng mangyari sa pag-alis ni Enzo.
"I was ignoring him because I thought that... that I was doing him a favor... but...I never thought he would leave..." I started crying while clenching my fist. "I never thought he would leave and..." napayuko na lang ako at napatakip sa mukha ko habang patuloy ang pag-iyak ko.
Regrets are flashing through my mind like a sharp bullet.
Pagsisisi na sana pala ay noon ko pa napansin si Enzo.
Pagsisisi na sana pala ay hindi ako nagsayang ng oras sa ibang bagay.
Pagsisisi na sana pala ay hindi ko siya iniwasan at kinausap ko siya...
Now, I am too late!
"I love him... so much..." I bit my lip hard. "I thought what I felt for Leo was love, but what I felt for Enzo, it's something more than that. I love him that I am willing to let him go, because I want to be selfless with him, but I also love him that I want to keep him for me, because I am fucking selfish!" I continued sobbing. "Ngayon... ngayon aalis na siya..."
Naramdaman ko ang kamay ni Kol sa balikat ko. "You can still talk to him, Alyanna. I can drive now and go there for you to talk, or you can choose what you started. Ignoring him and letting him go," I heard him say.
Hilam ang mga mata na tinignan ko ang lalaki. Humihikbi ako habang nakatitig sa kanya.
"This is actually your chance, Alyanna. Either fight for Enzo, too, or just let him go and deal with your decision for the rest of your life," he looked at me and I nodded my head.
The past days were tough and confusing and complicated. Naunahan ako ng takot ko, naunahan ako ng pag-aalinlangan kung ano ang mangyayari sa amin ni Enzo.
I thought I was doing the right thing...
But I was wrong...
"I..." I bit my lip hard as I felt my tears on my cheeks again. "I want to see him, Kol..." sabi ko sa lalaki. I saw him smile a little and nodded his head to me. He handed me some tissue paper and patted my shoulder.
"Sometimes, you have to face your fears in order to grow, Alyanna. You're scared that Enzo will not choose you and he will choose his family? That's okay. At least, you gave your all, right? It will be his loss now," he said, comforting me.
Huminga siya ng malalim bago muling binuhay ang makina ng sasakyan nito. Nilingon niya muna akong muli. "Take some rest first, I will just wake you up later," he said before stepping on the gas.
Hindi naman ako kumibo at tumingin lang ako sa labas habang tahimik na nagdadasal na sana ay maabutan ko pa si Enzo at makapag-usap kami. Marami akong gustong ipaliwanag sa kanya. Marami akong gustong sabihin...
Ihingi ng tawad.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Enzo pero hindi ko na rin siya macontact ngayon. Hindi ko alam kung aabot pa ba ako at makikita ko pa siya pero sana... sana ay maabutan ko pa siya.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang tahimik akong nagdarasal na sa kabila ng mga ginawa ko, mga naging desisyon ko, sana ay magkaroon pa ng chance na maayos ang sa aming dalawa ni Enzo.
Hinayaan ko lang si Kol na magmaneho. Inabot niya sa akin ang isang bote ng tubig na agad ko rin namang ininom dahil na rin sa sakit ng lalamunan ko sa pag-iyak.
Sumandal lang ako sa may upuan ko hanggang sa unti-unti akong napapapikit at nakatulog habang nasa daan kami papunta kay Enzo.
Kumunot ang noo ko nang bahagya akong gumalaw sa pwesto ko. I slowly opened my eyes and noticed that the car had stopped already. Nilingon ko agad ang upuan ni Kol pero laking pagtataka ko rin ng mapansin na wala roon ang lalaki. Mabilis kong inalis ang seat belt ko at inabot ang cellphone ko sa may bag ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na halos limang oras na ang nakalipas mula ng sabihin ko kay Kol na puntahan namin si Enzo.
"What..."
"Oh my God..." does that mean we didn't make it?
Mabilis akong bumaba ng sasakyan upang tawagin si Kol. Hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan kami. It was cold and dark, though I could see some lights from the houses nearby.
"Kol?" I looked around. "Kol!" I shouted his name.
Nakailang tawag ako sa pinsan ko pero walang lumapit sa akin. Unti-unting pumapatak ang luha ko habang lumilinga-linga ako sa paligid.
I ended up sitting on the side and hugged my knees. "Hindi natin siya naabutan..." Ipinatong ko ang noo sa mg tuhod ko. "Hindi natin naabutan si Enzo... he left already..." mas lumalakas ang pag-iyak ko habang naiisip na hindi ko man lang nakita si Enzo at nakausap.
Hindi ko man lang nasabi kay Enzo kung gaano ko siya kamahal...
Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya sa lahat ng sakit na naibigay ko...
"Enzo..." I sobbed while calling his name. "I thought when I said yes to you, everything will be okay... I got scared when I found out about her... because I don't think I am better than her and... siya yung gusto ng pamilya mo..." mas lumakas pa ang pag-iyak ko habang yakap ang tuhod ko.
"It was Kol who made me realize that I was so unfair... but now... kahit anong realization pa 'yun, wala na... kasi wala ka na..." I sobbed. I was sniffing and crying while hugging my knees tight.
"We never had a proper date, you know?" malungkot na sabi ko. "Hindi pa kita napakilala kina Mommy at Daddy na boyfriend ko, kina Airi, Cherinna... tapos wala na agad tayo..." dagdag ko pa habang umiiyak pa rin.
"I was too late to follow you... Kol and I tried to catch up with you, kaso..." I shook my head. "Hindi ka namin inabutan..."
"Tapos iniwan din ako ni Kol..." pagmamaktol ko kahit na alam kong wala naman akong kasama at hindi ko alam kung saan pa nagpunta ang lalaking iyon.
I wiped my tears and took my phone from my pocket. I tried calling Kol but he's not answering his phone. Sa palagay ko naman ay hindi ako iiwan basta ni Kol dahil nandoon pa ang sasakyan ng lalaki.
Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako tumayo at luminga-linga sa paligid. I should probably just call Jahann to pick me up, but we still need to find Kol. Hindi ko alam kung saan ba nagpunta ang pinsan ko na iyon.
Naglakad na lang ako pabalik sa sasakyan ni Kol nang mapansin na ibang sasakyan iyon.
Natigilan ako ng mapansin kung kaninong sasakyan iyon.
I looked around and looked back at the Audi in front of me.
It's not possible... is it?
I dialed Kol's number again. Nagriring lang iyon pero hindi nito sinasagot. "Damn it, Zeath Kol!" Sumisinghot ako habang nakatingin sa paligid.
"Keij? Is this you? Did you borrow Enzo's car?" malakas na sabi ko habang lumilinga-linga pa rin. I bit my lip hard while looking around.
"What made you think I will let Keij drive my car?"
Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Enzo. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko pero pilit akong humarap para tignan kung totoo nga na naroon ito.
I turned around and I saw Enzo standing in front of me, looking at me.
"Enzo..."
He smiled at me and cupped my cheeks to wipe my tears. "Yes, baby?"
I stared at him and I couldn't stop my tears from falling. "Enzo!" I wrapped my arms around his neck and hugged him tight. "I thought you left already. I thought I would never see you again..." patuloy kong sabi habang niyayakap ng mahigpit ang lalaki.
I felt him hugging me tight as well. Yakap na para bang hindi na ako nito pakakawalan pa kahit na kailan.
"I'm sorry... I'm sorry..." I looked at him and cupped my face. "I'm sorry, I know that I was such a brat for ignoring you that's why you decided to go to Australia for good and–"
"What? Who told you that?" kumunot ang noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. "Who told you I will leave?"
Natigilan ako sa tanong nito sa akin. "Hindi ka aalis...?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya sa akin.
"What the... Kol!" sabi ko sa kanya. It was Kol who deceived me! Sinabi nito na aalis si Enzo kaya naman sumama ako sa kanya...
Enzo chuckled and looked at me. "That explains what I heard..."
Pinamulahan ako ng pisngi nang tumingin siya sa akin. "I thought you would leave and... you'll leave me, too. I told Kol to follow you because I want to talk to you and say sorry for what I did... and to tell you how much I love you and–"
Enzo cut me off by claiming my lips in a passionate kiss.
Hinawakan niya ang bewang ko at ang batok ko habang pinapalalim ang halik. Ikinawit ko namang muli ang mga braso sa leeg nito at hinila ito upang gantihan ang mga halik nito.
I felt him smile against my lips.
I missed this...
I missed him...
We will talk about what happened later, for now, I will kiss him and focus on him.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store