41
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Alyanna."
I heard Enzo's voice behind me. Matapos kong marinig ang mga sinabi ng Lolo nila Enzo ay tahimik akong lumabas upang samahan ang mga pinsan at kapatid ko na kasalukuyang nasa swimming pool pa rin ngayon. They were having fun and I can't tell them what I heard. Hindi ko magawang sabihin sa kahit na sino sa kanila ang tungkol sa sinabi ng Lolo nila Enzo.
Hindi ko mabilang kung nakailang lunok ba ako bago ako humarap kay Enzo. "Y-yes?" I asked him. Kumuyom ang kamay ko nang tumikhim ako at inulit ang sinabi ng hindi na nauutal. "Yes?" I looked at him.
He stared at me and I could feel my heart beating so fast. I could feel the loud thud of it inside my chest, as if wanting to come out from it. Hindi ko rin alam kung para saan ba ang mabilis na tibok nito.
Kaba sa pwedeng sabihin ni Enzo sa akin ngayon?
Takot sa pwedeng mangyari sa aming dalawa ni Enzo ngayon?
Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, hinaplos niya ang mga iyon at marahan akong hinalikan sa noo. "I love you so much," he whispered. He planted soft kisses on my head while hugging me tight. "I just want to say that," he added.
I nodded my head and wrapped my arms around his waist, too. I know he's worried. Alam ko kahit na hindi sabihin ni Enzo sa akin ang bagay na iyon.
Noong tinanong ko sa kanya kung sino si Elisha, sa palagay ko ay alam na nito kung ano ang papel ng babaeng iyon sa buhay niya pero pinili ni Enzo na hindi sabihin sa akin iyon.
Is he afraid to tell me what happened because I might get hurt? I understand that. Alam ko na mahirap naman talaga dahil alam kong ayaw akong masaktan ni Enzo. He's probably thinking what he can do to stop that from happening.
Whenever he's saying that he loves me, I know that's true because I could feel the love he's giving me. Sa bawat hawak niya sa akin, sa pagtitig niya sa akin, sa pag-aalaga niya sa akin, alam ko na mahal niya ako.
At mahal ko rin si Enzo. We may have had a complicated start, but I do love him. I love him and I am actually praying that whatever that arranged marriage was, it won't happen, but can we really stop it if ever? May kakayahan ba kaming dalawa na maging kasing tapang ng mga kapatid namin?
"Ang lalandi," narinig kong komento ni Keij habang nakasimangot at nakatingin sa amin. Natawa naman si Airi sa sinabi nito kaya sinabuyan ito ng tubig mula sa pool.
I just smiled a little. Hindi naman din ako binitawan ni Enzo, sa halip ay hinawakan niya ang bewang ko habang nakasandal ako sa may balikat niya.
He's quiet, that's why I know he's thinking again.
Probably thinking how to break it to me, how to say it to me...
I smiled sadly and looked at Jahann and Cherinna. Nakaupo sa may balikat ni Jahann si Cherinna habang si Airi naman ay nasa balikat ni Keij. Nagkukulitan sila at masaya akong nakikita kong maayos na ang relasyon naming lahat sa isa't isa.
Cherinna and Jahann went through a lot, now they are happy with each other. I don't think there will be any reason for them to break up again...
Same goes with Theon and Lean, Magmula naman ng maging si Theon at Lean na, wala naman na kaming narinig na kung anong kagaguhan pa ng pinsan namin kaya sigurado naman ako na si Lean lang ang babaeng gusto nito.
I looked at Enzo and smiled at him. Kaya rin ba namin ang bagay na iyon? Kaya niya bang suwayin ang mga magulang niya? Ang lolo niya? For them, Enzo's the perfect son, perfect grandson. I know that because Lean used to be so jealous of Enzo.
Nagbaba naman siya ng tingin sa akin at hinawi ang buhok kong tumakip sa mukha ko. "Hmm?" he asked.
Umiling ako sa kanya at niyakap siya ng mas mahigpit.
Iniisip ko lang na sana pala, sana mas maaga kong nakita si Enzo. Sana mas maaga ko siyang minahal... para may oras pa akong maging masaya kasama niya.
"Are you hungry?" tanong ni Enzo sa akin maya-maya. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. Naramdaman ko ang pagtawa nito kaya lumingon ako sa kanya. "What? Why are you laughing?" I asked him and he looked at me.
"Nothing, I just know that you love eating and–"
"Yes, but I am not hungry yet, that is why," sabi ko naman dito. Inirapan ko pa ito bago ako tumingin na sa mga kasama namin.
"Did I ever tell you that you look pretty when you're angry?" I could feel Enzo's fingers drawing circles on my waist. May mga mumunting kiliting nabubuo mula sa dulo ng daliri niya papunta sa balat ko.
"Hmm?" I looked at him and shook my head. "You never told me that," sabi ko sa kanya.
He chuckled and looked at me. "You're pretty when you're angry," he said softly. Tumaas naman ang isang kilay ko sa kanya.
"Kapag galit lang ako?" tanong ko sa kanya na mas nagpangiti kay Enzo. Muli siyang umiling sa akin habang nakatingin pa rin sa akin. "Let me correct what I said, baby," he reached for my hand and kissed it. "You're always beautiful to me. When you're happy, it's like you're a ray of sunshine that melts my heart. When you're sad, though you're frowning and pouting, it cannot make you less beautiful, and when you're angry..."
I raised my brow again.
He smiled a little. "It turns me on," he said and I felt my face heating up.
"Enzo!" saway ko rito bago tinakpan ang bibig. "They might hear you!" sabi ko sa kanya bago tumingin sa mga kasama namin na abala pa rin naman sa pagkukwentuhan. Si Lean ay hindi pa nakakabalik dahil inaasikaso pa raw nito ang Lolo nila.
Hindi naman na ako nagtanong pa tungkol doon kay Enzo.
Natawa naman si Enzo at niyakap ako ng mahigpit. I saw Airi looking at us and she smiled widely. Ramdam ko ang saya nito na nakikita kami ni Enzo na ganito... pero hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanila ang totoo.
Na... baka hanggang dito lang kami ni Enzo...
Marahan akong umiling para palisin ang anumang nasa isip ko habang nakayakap ako kay Enzo. Ang mahalaga naman sa akin ngayon ay kasama ko siya. Hawak niya ako... yakap niya ako.
Sa palagay ko ay iyon na muna ang dapat na isipin ko sa ngayon.
It was almost dark when we decided to go inside. Magkakasama kami ni Airi at Cherinna sa isang kwarto kaya naman sabay-sabay na kaming umakyat. Pinauna na rin namin ni Cherinna si Airi na makapaligo.
"What's bothering you?" tanong ni Cherinna sa akin. Inilabas na nito ang damit na susuotin nito. Ternong pantulog iyon pero pyjama. Hindi na ako nagtaka dahil ganoon naman si Jahann talaga pagdating kay Cherinna. Hindi nito hinahayaan si Cherinna magsuot ng maiksing damit kahit na sinasabihan namin siya na napaka KJ niya.
"What do you mean?" I asked her. Kinuha ko na lang din ang isusuot kong damit.
"You're with Enzo and you both looked happy, but I think something is bothering you," sabi nitong muli sa akin. "I could be wrong, though," she shrugged and smiled a little. Bumalik na ito sa pag-aayos ng gamit nito kaya naman ibinaba ko na muna ang hawak ko at huminga ng malalim. Maybe we're not really twins but since Cherinna and I grew up together, maybe there's still a connection between us. Alam namin kung may pinagdaraanan ang isa't isa.
I looked at her and smiled a little. "I love Enzo..." halos pabulong na sabi ko kay Cherinna. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at kumunot ang noo. "Okay... I mean, I kind of noticed that already, but what's the problem?" she asked me, confused.
Ngumiti ako ng malungkot. Hindi ko pa naman alam kung ano ba ang plano ni Enzo sa plano ng lolo nito pero hindi ko rin masabi sa sarili ko na kampante akong ipaglalaban ako ni Enzo. I know he's also the type of person who will be obedient and make his family proud...
"Alyanna..." She called me again when I didn't say anything.
Pinili ko na lang umiling kay Cherinna at huwag ng sabihin ang naiisip ko. I know how it will possibly go. Sasabihin ko kay Cherinna, possible na malalaman ni Jahann at sasabihin ni Jahann kay Enzo. Mahihirapan pa si Enzo na kausapin ako.
"I..."
"I'm done! Who's next?" sabi ni Airi na lumabas mula sa banyo. Nasa may ulo rin nito ang tuwalya at tumingin sa amin ni Cherinna para malaman sino ba ang sunod na maliligo.
"Mauna ka na, Cherinna," sabi ko na lang sa babae bago tumalikod at kinuha ang bag ko upang magpanggap na may hinahanap. "May hahanapin pa ako, e," dagdag ko.
Naramdaman ko ang titig ni Cherinna sa akin pero pilit akong hindi na lumingon dito.
"Okay..." sabi naman nito. Narinig ko na lang ang pagbubukas at sara ng pinto kaya alam kong pumasok na sa loob ng banyo ang babae.
Huminga ako ng malalim bago isinara ang bag ko at inilagay iyon sa ibabaw ng kama.
"You and Enzo looked good together," narinig kong sabi ni Airi kaya naman nilingon ko ito. I saw her putting lotion on her skin. "I am sure lahat naman kami ay nakikita iyon, Alyanna," dagdag pa nitong sabi sa akin.
"You think so?"
"I know so!" she smiled widely. "And I am sure kapag nalaman nila Mommy at Daddy ang ginawa ni Leo sa'yo, they will all say it's better to be with Enzo rather than with that ass," she added and rolled her eyes. Mabuti na lang talaga at wala ring sinasabi na kahit ano si Airi sa mga magulang namin tungkol sa lalaki.
Not that something happened to us, but all the damage he did to me, it was enough reason for my parents to hate him.
"You think Enzo and I will make a good pair?" tanong kong muli kay Airi. She nodded her head excitedly. "Oo naman, no! I saw Enzo looked at you. Alyanna, he loves you so much and if I were to choose who you should be with? I think you deserve someone as amazing as Enzo and Enzo deserves someone like you, too," she smiled at me. "Kaya sagutin mo na si Enzo, okay?" natatawang dagdag pa nito.
Ngumiti na lang ako ng maliit dito.
I already did, though.
Hindi naman matagal maligo si Cherinna kaya nakapasok naman na ako agad at nakapaglinis ng katawan. Hindi naman din na ako nagtagal at lumabas na rin kaagad nang matapos ako.
Naglagay lang din ako ng lotion sa katawan ko. Nauna ng bumaba sila Cherinna at Airi sa akin kaya naman ako na lang ang nasa loob ng kwart. Hindi ko mapigilang hindi maisip ang mga bagay-bagay tungkol sa amin.
I stared at myself in the mirror.
Alam ko na mahihirapan si Enzo na makipaghiwalay sa akin dahil ibig sabihin noon ay kakalabanin nito ang desisyon ng lolo nito. Susuwayin nito ang gusto ng mga ito. They will be mad at him and based on what our parents and uncles used to say, it's not a good thing to make a Clemente angry.
I am not sure if we will be like Lean and Theon. Akala ko oo dahil okay naman sa mga magulang namin. Pumayag sila Daddy, okay lang naman din kina Tito Blue...
I just admitted my feelings for Enzo and now this...
Bakit parang ang hirap bigla na sumaya?
I know he's having a hard time choosing between me and what his family wants and I don't want that for him. Ayokong papiliin siya dahil alam ko na mas mahalaga para kay Enzo ang pamilya nito.
"This is so fucked up," I heaved a sigh and I could feel my eyes heating up. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pagsisisi ngayon. Unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko habang nakatingin pa rin sa salamin.
Ngayon ko nararamdaman ang bigat ng dibdib ko dahil sa narinig ko. My head is also filled with what ifs...
Nagsisisi ako na nagsayang ako ng oras sa maling tao imbes na ilaan ko iyon kay Enzo. Nagsisisi ako na hindi ko siya agad nakita, hindi ko siya agad pinaglaanan ng pansin, hindi ko agad siya minahal.
Sana ay mas mahabang oras ang panahon na magkasama kaming dalawa.
Hindi ganito.
I bit my lip as I started sobbing. Why do we have to go through this? Was it because I hated Cherinna and Jahann before? Was it because Enzo didn't approve of Lean and Theon immediately?
Isa lang ang sigurado ako ngayon.
Nahihirapan si Enzo dahil kailangan niyang mamili kung ano ang gagawin. His family is important to him, I am important to him. Kaya alam kong nahihirapan siyang pumili.
Nahihirapan siyang sabihin sa akin ang problema.
Nahihirapan siyang sabihin sa akin na ikakasal siya sa iba.
Pinipigilang kong umiyak ng malakas dahil hindi ko tiyak kung biglang papasok si Enzo sa kwartong ito upang silipin ako. Pinalis ko ang mga luha sa mga mata ko habang pinipigil ko pa ring humagulgol.
Inilagay ko ang lahat ng gamit ko sa bag ko at tahimik na lumabas ng kwarto. Maingat akong naglakad papalabas ng bahay ng mga ito. I was crying while walking because I never got to say goodbye to Enzo.
Maybe it was shallow, but I don't want to break up with him while looking at him. Siguro nga ay mali ang desisyon kong umalis na lang pero... hindi ko gustong magalit ang pamilya ni Enzo sa kanya dahil lang sa akin.
Naupo ako sa may gilid ng kalsada nang masiguro kong malayo na ako sa bahay nila Enzo. Ipinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko at tsaka humagulgol.
I can't tell anyone what happened because it will just give Enzo more pressure. Mahal ko si Enzo, pero ayoko na maramdaman ni Enzo ang naramdaman ni Lean noon.
Ayokong magalit ang pamilya niya sa kanya dahil susuwayin niya ang mga ito.
Narinig ko ang tunog ng cellphone ko at sigurado akong si Enzo ang tumatawag sa akin. I looked at it and sniffed when I saw his name.
I bit my lip hard and turned it off.
I thought when I said yes to him, everything would be fine.
Hindi pala.
Baka hanggang dito lang kami ni Enzo.
I hugged my knees and continued to cry.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store