40
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
Nakatingin lang ako sa labas ng Sweet Desire habang magkausap si Enzo at si Elisha. Katabi ko si Cherinna na kumakain ng strawberry cheesecake na inorder ni Jahann. Katabi rin nito si Keij na kumakain naman ng sandwich.
"Who's Elisha?" tanong ko kay Lean na katabi naman ni Theon. Maging ito ay kumakain lang din. Ako lang yata ang lingon nang lingon kay Enzo at Elisha na nasa labas. Si Kol at si Jahann ay magkatabi at may kung anong pinag-uusapan ang mga ito.
Si Theon din ay lumingon sa labas. Itinukod nito ang kamay sa may lamesa. "I'm actually curious, too. Who's she, baby?" tanong nito kay Lean.
Umirap naman si Lean sa kasintahan nito bago tumingin sa kakambal nito.
"I don't think I should be the one who introduce her," nagkibit ng balikat si Lean bago muling uminom sa iced coffee nito.
"Baka nabuntis ni Enzo?" kumento ni Keij na agad kong sinamaan ng tingin. "Baka kasi pakipot ka masyado kaya bumuntis ng iba si Enzo," dagdag na pang-aasar nito.
"I don't think Enzo's like that, Keij," sabi naman ni Cherinna. "Hindi pa naman niya sinasabi kung sino si Elisha, e. Let's just wait," dagdag nito. Tumango naman si Jahann sa sinabi nito, mukhang sinasang-ayunan ang sinabi ni Cherinna.
I looked at Kol who's busy with his phone.
"How about you? Do you know her?" tanong ko sa pinsan ko. Nag-angat naman ng tingin si Kol sa akin at kumunot ang noo. Umiling ito sa akin bilang sagot.
Napabuntong-hininga na lang ako bago muling tumingin kay Enzo. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi ko nakikita ang reaksyon nito pero nakikita ko si Elisha na ngumingiti habang kausap ang lalaki.
Gusto kong mainis na sa unang araw pa lang ng pagiging magboyfriend at girlfriend namin ni Enzo, may ganitong problema naman kami agad na kinahaharap. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung sino ba ang babaeng kausap ni Enzo at ano ang koneksyon nito sa lalaki.
I looked at Cherinna when she reached for my hand. Pinisil niya iyon at ngumiti ng tipid. "Don't think too much, Alyanna," sabi niya sa akin. Wala naman na akong ibang nagawa kundi ang tumango rito.
Ni hindi ko man lang nagalaw ang blueberry cheesecake na inorder ko kanina para sa aming dalawa ni Enzo dahil parang kada tatlong minuto ay lilingunin ko ang lalaki at kausap nitong babae.
"Where's Airi?" tanong ni Keij sa akin maya-maya. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit, aasarin mo rin si Airi?" inirapan ko ito. Hindi talaga nabubuo ang araw ni Keij kapag walang nabwisit sa aming mga babae, e.
"I was just planning to buy her a cake since she's not here," he shrugged and leaned on his seat. "You know dad asked us to look after Airi, too, since she missed growing up with us," dagdag na sabi pa nito.
Cherinna smiled at Keij.
"Yeah, dad asked me that, too," sabi naman ni Theon.
Hindi naman nakakapagtaka na ganoon ang gawin nila Tito Thunder at Tito Hunter. They're part of that incident and maybe, gusto nilang makabawi rin kay Airi kahit na paano.
"Baka naman matunaw si Enzo niyan," pagbibiro ni Lean nang sikuhin niya ako dahil nakalingon na naman ako kina Enzo nang mag-usap na ulit sina Keij at Theon.
"I'm just really curious about her," sabi ko bago ko tinignan si Lean. "So, can you please, tell me who she is?" tanong ko sa babae. Iniisip ko kung sasabihin ko na ba kay Lean na sinagot ko na si Enzo para magsalita ito o hindi.
"Alyanna..."
I smiled sadly and heaved a sigh. "Okay, I won't force you to say anything. I will just wait for Enzo," sabi ko naman dito bago pinilit na ang sarili na huwag lingunin ang lalaki. Nakisali na lang ako sa usapan nila para libangin ang sarili ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumapit sa amin si Enzo kasunod si Elisha. Napatingin akong muli sa babae. She smiled at us. "As much as I want to know you all more, I have to go now," sabi nito sa amin. "But, I think we will see each other again, soon," she smiled again and looked at Lean.
Tumango naman si Lean sa babae.
"It's nice meeting you all. Ikaw rin, Alyanna," lumingon siya sa akin. Tipid akong napangiti bago nag-iwas ng tingin at pilit na kumain.
Sinamahan naman ito ni Enzo papalabas dahil susunduin daw ito ng daddy nito. Hindi naman na ako kumibo habang nakikinig sa mga kasama namin.
Maya-maya lang ay bumalik na si Enzo sa lamesa namin at naupo sa may tabi ko. Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ako nagsalita o kumibo man lang. I chose to talk to Cherinna about Nikolai instead.
"Hey, bukas 'yung swimming sa bahay, ah. Ipapahanda ko na rin ang mga guest rooms namin," sabi ni Lean sa amin. Tumango naman ako kahit na hindi ako nakatingin. Wala naman kaming planong ibang gawin kaya hindi na rin ako tumanggi.
Gaya naman din ng sinabi ni Keij, umorder nga ito ng cake para kay Airi para dalhin nito sa may Ai's. Hinayaan ko na lang din siya dahil normal naman na sa amin na biglang nagdadala ng pagkain sa isa't isa.
Naunang umalis si Cherinna at Jahann dahil magpupunta pa raw ang mga ito sa supermarket para mag grocery. Nagpaalam na rin ang ibang kasama namin hanggang sa dalawa na lang kami ni Enzo na naiwan sa may lamesa.
Hindi pa rin ako kumikibo sa kanya hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon. "Baby," untag niya sa akin.
I looked at him. "Hmm?" I asked before I reached for my drink.
Naramdaman ko ang paghalik ni Enzo sa may sentido ko. "Elisha's not my ex girlfriend, she's not pregnant either," sabi nito sa akin bago ngumiti ng tipid.
I looked at him and frowned. "Wala naman akong sinasabi at–"
"But that's what you think, baby," he chuckled and squeezed my hand. "Did you forget that I told you you're my first girlfriend? And I also want you to be my last," dagdag niya pang sabi sa akin.
I stared at Enzo and sighed. Alam kong wala namang dahilan si Enzo para magsinungaling sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Na para bang natatakot ako na may ibang magiging malapit sa kanya at iyon ang magugustuhan niya at hindi na ako...
"She's just a friend, okay? I didn't know she's here, that's why I talked to her. Nothing more, baby."
I looked at him and nodded my head. "I believe you..." sabi ko naman bago isinandal ang ulo ko sa may balikat niya. Kumuha na lang din ako sa cake na nasa harap ko at sinubuan si Enzo. Hindi pa rin namin nasabi sa mga kasama namin kanina ang tungkol sa amin kaya malamang ay bukas na lang namin iyon sasabihin sa kanila.
We stayed for almost half an hour there before we decided to go out. Hindi naman na rin kami nagtagal na magkasama dahil tinawagan ni Tito Blue si Enzo at pinapapunta ito sa opisina nila. Inihatid niya na lang ako ng bahay namin.
"Take care, okay?" sabi ko rito bago ko inalis ang seatbelt ko.
"Was the first day boring?" tanong ni Enzo sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya at hinawakan ang pisngi niya upang humarap siya sa akin. Umiling ako at lumapit upang halikan ng mabilis ang labi niya. "It's not boring," sabi ko rito bago ngumiti.
"Really? Because unlike Theon and Keij, I'm not the fun type of guy, baby. We all know that and–"
"And you're just what I want, Enzo."
Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi ni Enzo kaya naman napangito na rin ako at niyakap ito ng mahigpit. He hugged me back and kissed my shoulder. "I love you..." he whispered.
I smiled a little and nodded my head. "I love you, too," sabi ko bago bumitaw na rin sa pagkakayakap nito at lumabas na ng sasakyan nito. I waved my hand and watched as his car disappeared from my sight.
Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga.
Kinabukasan ay maaga pa lang ay ginugulo na ako ni Airi sa loob ng kwarto ko. "Alam mo, you should really say yes to Enzo na. Imagine, he went here last night kasi you told him you're craving for milk tea! Tapos pati ako binilihan niya," sabi nito sa akin habang nakadapa sa kama ko.
"Mukha ka kasing pagkain," sabi ko naman dito habang namimili ng swimsuit na susuotin ko para mamaya.
"Yes. Pero hindi mo ba nakikita how thoughtful Enzo is, Alyanna? He's so nice and he's caring and he's always putting you first..." she smiled again and hugged my pillow. "Ano pang hinihintay mo, bakit hindi mo pa siya sinasagot?"
I looked at Airi and for a moment, I wanted to tell her the truth. Para na lang din alam nito na kami naman na ni Enzo, pero naisip ko rin na plano namin ni Enzo na mamaya na lang sabihin sa kanila kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko at nagkibit na lang ako ng balikat.
Nang makapili na ako ng swimsuit ay inayos ko na rin ang bag ko upang wala na akong iintindihin mamaya. Si Airi ay kagabi pa nakapag-ayos kaya wala na itong iniitindi ngayong araw.
Sabay na lang din kaming bumaba para kumain.
It was almost lunch time when Kol and Keij came. Sila na lang ang sumundo sa amin dahil na rin sa bahay naman nila Enzo kami pupunta ngayon. Si Kol ang nagmamaneho habang si Keij naman ang nasa tabi nito at namimili ng kanta na pinapatay rin naman ni Kol dahil naiingayan siya.
"Bakit kayong dalawa, wala pang girlfriend?" tanong ni Airi sa kambal habang nasa daan kami. Hindi ko napigilang matawa. "Si Keij? Magkakaroon ng girlfriend? Airi, maawa ka sa kapwa natin babae na masasaktan lang," sabi ko naman.
Nilingon ako ni Keij at sinimangutan.
"Ayoko lang maging kasing baliw niyo," sagot nito sa amin.
"E, si Kol?" nilingon ni Airi ang lalaking nagmamaneho.
Kol just shrugged his shoulders and continued driving.
When we reached De Guzman's residence, Kol parked his car beside Jahann's car. Sinundo nito si Cherinna kanina. Hindi naman na kami masyadong sumasabay ni Airi dahil na rin gusto namin na magkaroon ng privacy ang mga ito.
Si Kol at si Keij lang naman ang single na pwede naming guluhin na dalawa.
Lumabas na rin ako at bitbit ang bag ko ay pumasok na kami sa loob. Nakapaghanda na rin sila ng makakain dahil doon na kami magtatanghalian.
"Our grandparents are coming," sabi ni Lean sa amin habang kumakain kami. Katabi ko si Enzo na hinihimayan ako ng inihaw na isda at nilalagay iyon sa plato ko.
"Is it okay that we're here?" tanong ni Airi sa babae. Tumango naman si Lean sa amin at sinabihan kami na wala namang problema na naroon kami dahil kilala naman kami ng mga ito dahil na rin magkakasama naman kaming lumaki.
Matapos kaming kumain ay nagdecide na rin kaming magswimming. Nagbihis na muna ako at pinauna ko na si Airi at Cherinna kaya ako na lang ang naiwan sa kwarto.
I looked at the door when it opened and I saw Enzo.
Agad nitong pinaglandas sa katawan ko ang mga mata at kahit na sinasabi ko naman noon na hindi ako naiinsecure sa katawan ko dahil alam ko naman na maganda iyon at inaalagaan ko iyon, para akong nailang sa titig ni Enzo. Marahil ay nahihiya akong may maipipintas ito sa akin.
"You looked absolutely gorgeous, baby," sabi ni Enzo sa akin.
Two piece na kulay pula ang dinala ko kaya naman hantad na hantad ang katawan ko. May robe naman din kaming baon para kung sakaling aahon kami sa pool.
I smiled timidly at Enzo.
He walked towards me and cupped my face. "Why?"
I shook my head and held his hand. "Nothing..."
He chuckled and kissed my lips passionately. I wrapped my arms around his neck to kiss him deeper and I could feel the warmth of Enzo's skin against mine. Maging ang pagpisil nito sa bewang ko ay nararamdaman ko kaya naman hindi ko mapigilang mapaungol ng mahina.
Enzo groaned a little when he moved away. "We have to go down or else, I will lose control and something might happen," he said and looked at me.
Pinamulahan naman ako ng pisngi nang maisip ko ang sinasabi nito kaya tumango na lang ako sa kanta. Kinuha ko na rin ang roba at isinuot iyon bago kami lumabas na dalawa.
Magkahawak ang mga kamay namin nang naglakad kami papunta sa mga kasama namin. Nasa may pool na si Keij at Theon kasama si Lean at Airi. Si Cherinna naman ay nakaupo lang sa may gilid at katabi si Jahann. Si Kol ay nasa may reclining outdoor chair na naroon. Nakasuot ito ng shades kaya hindi ko tiyak kung tulog ito.
"Are you going to swim?" tanong ko sa lalaki nang naupo rin ito sa tabi ko. Umiling ito sa akin. "No, if you will stay here," sagot niya. Natawa naman ako kaya hinampas ko ang braso nito.
"I will swim later, okay?" sabi ko na lang na tinanguan ni Enzo.
Dinalhan na rin kami ng kasambahay nila ng juice at snacks na halos wala namang pumapansin dahil nagkukwentuhan ang mga ito.
"Sir, nandyan na po ang Lolo niyo at ang mga bisita nila," sabi ng isang kasambahay nito. Tumango naman si Enzo at tinawag na rin si Lean para salubungin ang mga ito.
Naiwan naman kami roon sa may swimming pool matapos magpaalam sa akin si Enzo. Tanaw mula roon ang living room nila kaya naman nakita ko agad na naroon si Elisha. Kumunot ang noo ko.
What is she doing here?
Bakit narito na naman ang babae?
Hindi ko napigilan ang sarili ko at isinuot kong muli ang roba at pasimpleng naglakad papasok sa loob at magpapanggap na kukuha ng tubig para marinig ko ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nakasandal ako sa may pinto ng kusina upang marinig ang mga ito.
"Dad and mom will be here soon," narinig kong sabi ni Lean sa mga ito.
"That's great, hija. So we can talk about the wedding."
Natigilan ako nang narinig ko ang sinabi ng Lolo nila. I peeked a little to see if it was really him who talked.
"What do you mean wedding?" tanong ni Lean sa mga ito.
Napatingin naman ako kay Enzo na tahimik lang na nakatayo sa gilid.
"Lean, hija. Elisha's grandpa and I were best friends and we made a deal that our first born will get married. It happened that we both had a girl, so we have decided to have our grandkids get married."
"What..." halos pabulong kong sabi.
"What? What do you mean?" narinig kong muling sabi ni Lean sa mga ito.
"Let's just wait for mom and dad so we can all talk about it and–"
"Enzo will marry Elisha, that's it." may diin na sabi ng lolo nila Lean.
Para akong pinanlamigan sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon. Was that the reason why Elisha is here? To fulfill that deal?
And Enzo... pumayag siya?
How about me?
Paano ako?
Mabigat ang loob na bumalik ako sa mga kasama ko habang iniisip kung ano ang sinabi ng lolo nila Lean.
Enzo and Lean went back to the pool and I saw Elisha following them. I looked at Enzo as he sat beside me. Si Elisha naman ay naupo na rin muna dahil wala raw itong dala na pamalit ng damit.
Muli akong napalingon kay Enzo na malalim ang iniisip.
Pumayag ba siya? I hope not... I really hope not.
Dahil hindi ko alam kung kaya kong mawala si Enzo sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store