39
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
“What are you going to cook?” naglakad ako papasok sa kusina namin bago kumuha ng baso upang uminon ng maligamgam na tubig. Halos alas siyete pa lang ng umaga pero maaga akong nagising ngayon. We went home around 2 in the morning and even though Enzo said he will just drive us home, hindi na ako pumayag para makapagpahinga ito.
Wala pa kaming napagsasabihan ng tungkol sa aming dalawa dahil masyado rin kaming nabigla siguro sa nangyari. After saying yes to Enzo, he never let me out of his sight. Buong magdamag na kaming magkahawak ang mga kamay.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ang nangyari at isipin na totoo na talaga. Boyfriend ko na si Enzo. Kami na ngang dalawa.
“Nagrequest ang mommy niyo ng tapa kaya naman iyon ang lulutuin namin ngayong umaga. May gusto ka bang almusal?” tanong ng kasambahay namin sa akin. I looked at her and smiled sweetly. “Anything is fine with me,” sabi ko sa kanya bago muling kumuha ng tubig at uminom.
“Maaga ka yatang nagising ngayon?” sabi naman ng isa pa. Ngumiti rin ako sa kanya. This is one thing mom taught us while growing up. Dahil nagkaroon si Mommy ng Yaya mula pagkabata, ayaw nito na magsusungit kami o di kaya naman ay aasta ng masamang ugali sa mga kasambahay namin.
“Actually, yes. I don’t know, I feel good,” ngumiti ako sa kanilang dalawa na abala sa pag-aayos ng almusal namin. Mamaya pang mga alas otso kami kakain malamang kaya naman nagpaalam na lang ako sa kanila na papanhik na munang muli sa kwarto ko.
May bitbit akong tubig at isang bowl ng blueberry.
Pumasok na lang akong muli sa kwarto ko at naupo sa may kama ko. Kung tutuusin ay kulang pa ako sa tulog pero hindi naman ako makaramdam pa muli ng antok kaya naman kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan ang mga pictures na kuha namin kagabi sa party nila Enzo.
I smiled when I saw the one he took. Sinabihan ako nito na magpicture kaming dalawa at saktong hinalikan niya ako sa pisngi. I was smiling the whole time I was scrolling on the photos.
Kung siguro ay may nagsabi sa akin noon na magiging kaming dalawa ni Enzo ngayon, pagtatawanan ko iyon at hindi paniniwalaan dahil parang napaka imposible naman ng bagay na iyon.
But it happened…
Mas napangiti naman ako nang makita na tumatawag si Enzo sa akin via video call. Mabilis kong tinignan kung ano ang itsura ko bago ko sinagot ang tawag ni Enzo.
“Hey…” medyo paos na sabi ni Enzo nang sagutin ko ang tawag nito. Nakahiga pa rin ito sa kama habang nakadapa, magulo ang buhok at walang suot na salamin. “Good morning, baby…” muling sabi nito sa paos pa ring tinig.
“Good morning, too,” sabi ko naman sa kanya. Ngumiti siya sa akin at idinilat ang mga mata. “I miss you already,” ani Enzo habang nakatingin sa akin. Natawa naman ako dahil magkasama naman kami kagabi.
“Well, I missed you, too,” sabi ko naman bago nahiga na rin at niyakap ang unan ko habang pinagmamasdan si Enzo. It’s funny that they all know Enzo as someone who’s quiet and snobbish and loves reading books!
Ang hindi nila alam, may kakulitan din si Enzo at ang mas madalas na ginagawa nito kapag magkasama kami ay halikan ako sa mga labi!
“Did you check my gift?” I asked him. Umiling naman si Enzo sa akin. Napakunot ang noo ko dahil nabasa ko kanina na binuksan ni Lean ang mga regalo namin sa kanya kaya nagpasalamat na ito sa amin. Ang akala ko at ganoon din ang ginawa ni Enzo.
“I haven’t checked anything, baby. Maybe later, but I want to open your gift when I’m with you,” sabi nito sa akin. Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil talaga namang nahihiya ako sa regalo ko kay Enzo. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nito iyon o hindi.
“You can open it on your own. Bakit kailangan na kasama mo pa ako?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat naman si Enzo.
Doon ko napansin na wala itong damit pang-itaas.
“Because you gave it to me,” sabi ni Enzo bago ako tinignan. “Do you have any plans today?” tanong niya sa akin. Inabot na rin nito ang salamin na nasa may gilid lang ng kama nito at isinuot iyon. Bumangon na rin si Enzo kaya naman kitang-kita na magulo ang buhok nito.
Wala talaga akong maipipintas kay Enzo dahil napaka gwapo nito. Nakuha nito ang features ni Tito Blue na base naman din sa mga nakita kong pictures ng mga ito, talagang gwapo rin.
“Baby,” Enzo called me and I couldn’t stop myself from blushing. Nakikita ko pati ang paggalaw ng Adam’s apple ni Enzo. He’s so damn hot in the morning!
“Yes, I have no plans,” sabi ko na lang sa kanya bago niyakap ng mahigpit ang unan ko.
“Great, then I will see you later?” hinging permiso niya sa akin kahit na alam ko naman na kahit tumanggi pa ako, magpupunta pa rin si Enzo sa bahay namin. Tumango na lang ako sa kanya dahil gusto ko rin naman siyang makasama.
“Alright…” I smiled and nodded my head. “See you, later… baby…” I chuckled when I saw Enzo stopped and looked at me.
“What was that?” he asked me. Gusto kong matawa habang nakatingin sa kanya na nakangiti siya. He looks good when he’s serious but damn, smiling Enzo looks good, too!
“Nothing…” painosente kong sabi sa kanya kahit pa gusto kong humalakhak dahil namumula ang pisngi ni Enzo.
“You called me baby,” giit naman nito sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya. “I have to go now, see you later!” paalam ko sa kanya. He smirked and shook his head. “Madaya.”
Natawa naman ako nang magmaktol ito. Narinig ko ang pagkatok ni Airi sa pintuan ko kaya naman sinabihan ko na si Enzo na ibababa ko na ang tawag para na rin makapag-almusal na rin siya.
“Alright. I love you,” he said and that made me blush. I looked at the door and smiled a little before looking at Enzo.
“I love you, too,” sabi ko bago kumaway sa kanya at ibinaba na ang tawag. Mabilis naman akong tumayo upang pagbuksan ng pinto si Airi.
“My hand hurts already,” reklamo nito sa akin na nakanguso. “Mom asked me to call you so we can all eat breakfast together,” sabi nito sa akin na humikab pang muli.
“Sorry, I was in the bathroom and–”
Tumaas ang isang kilay ni Airi sa akin tanda na hindi ito naniniwala kaya naman hinawakan ko na lang ang braso nito at hinila na upang makababa na kami at makakain.
“Kausap mo si Enzo, no?” sabi niya sa akin. “Gawain din namin ni Dean kaya ‘wag ka na tumanggi,” pang-aasar niya pa sa akin. I rolled my eyes and walked towards the dining room.
Naabutan namin na naroon na si Jahann at ang mga magulang namin kaya naman humalik na lang ako sa pisngi nila Mommy at Daddy bago naupo na rin.
“How was the celebration of the twins?” tanong ni Mommy sa amin. Hindi naman na ito nagagalit sa mga ganoong bagay, mahalaga lang na nagpapaalam sa kanilang dalawa ni Daddy dahil ayaw ng mga ito na hindi kami nagsasabi.
“It was okay, Mommy. Pero nandoon ang anak ni Tito Lance na sobrang papansin, sobrang kapal ng mukha at–”
“Airi,” saway ni Jahann sa babae. Napayuko naman ito at sumimangot.
“Lance? Saavedra?” tanong ni Daddy sa amin. Napalingon ako kay Airi at pinanlakihan ito ng mga mata dahil naging madaldal na naman ito. It used to be me before. Ako ang madaldal at matabil ang bibig, ngayon ay si Airi na ang gumagawa ng bagay na iyon.
“Yes, Dad. He’s Enzo and Lean’s cousin, that’s why,” si Jahann ang nagsalita. Tumingin naman si Daddy sa amin ni Airi. “Why are you so annoyed with Saavedra’s son, Airi?” tanong ni Daddy sa babae.
Marahan kong sinipa ang paa ni Airi dahil baka magkamali ito ng sasabihin at banggitin pa ang tungkol sa amin ni Leo, alam kong magagalit si Daddy kapag nalaman niya ang bagay na iyon.
“Uhm…” she cleared her throat and looked at Daddy. Maging kay Mommy ay lumingon si Airi bago nagyuko at nagkagat ng labi.
“Airi,” tawag na muli ni Daddy sa kanya.
“He’s just really annoying, dad. Iyon lang…” sabi na lang ni Airi na ipinagpasalamat ko na rin. Jahann shook his head and continued eating. Pupunta ito ngayon kina Cherinna para alagaan si Nikolai.
“You met his son, Ai?” tanong ni Daddy kay Mommy. Sinimangutan naman nito si Daddy. “Wala akong kaalam-alam sa nangyari kay Lance, love,” irap nito bago nagpatuloy sa pagkain.
“Uhm, dad… magpapaalam pala ako. Si Enzo po kasi, pupunta rito mamaya. We’re just going to hang out,” kinakabahan na sabi ko. Kahit na alam ko naman na papayag si Daddy, kinakabahan pa rin ako dahil baka bigla itong magdecline.
“Hmm?” Dad looked at me while he’s eating. “Jahann said you will all go to Sweet Desire later. Hindi kayo kasama ni Enzo?” tanong niya sa akin.
Nilingon ko naman si Jahann dahil wala rin akong kaalam-alam sa plano ng mga ito.
“Uhm, kasama po. Pinapaalam ko lang na susunduin ako ni Enzo…” sabi ko na lang na tinanguan naman ni Daddy. “Of course, you can go,” he smiled at me.
Tumango na lang din ako sa kanya. Maging si Airi rin ay nagpaalam dito na pinayagan naman din ng mga magulang namin.
Matapos kaming kumain ay nagpaalam na rin akong aakyat na sa kwarto ko para magpahinga pa bago magpunta si Enzo mamaya. Nakausap ko na rin si Jahann at alas dos pa naman kami magpupunta sa Sweet Desire. Continuation raw ng celebration ng birthday nila Enzo sabi nito sa amin. Hindi naman na rin ako nagreklamo at nagpahinga na lang na muna.
Habang nakaupo ay naalala ko ang nangyari sa Blue’s Haven.
I saw Leo last night.
He looks the same Leo I met before. The same Leo I liked, but it was different. Akala ko nga rin ay magagalit ako sa kanya. Akala ko noon, kapag nakita ko si Leo, sasampalin ko siya ng paulit-ulit. Hindi pala. Hindi nangyari ang bagay na iyon.
I saw him and that was it. Kahit ako ay nagulat sa nangyari dahil alam ko sa sarili ko na nagkagusto ako kay Leo at malalim ang naging damdamin ko para sa kanya.
Pero kagabi… wala. Wala akong naramdaman na kahit ano.
It was as if he’s just an old friend that I never talked with anymore. Ganoon ang naging tingin ko sa lalaki.
Maybe… maybe I was just in love with the idea of having Leo with me. Sa dami naman kasi talaga ng nanligaw sa akin, walang naging katulad ni Leo. He’s charming, he’s caring, he’s good looking! Kahit sino naman ay magkakagusto talaga sa lalaki… hindi ako exemption doon.
Pero mabuti na rin siguro na hindi niya ako nagustuhan dahil sa pakiwari ko ngayon, hindi rin naman kami magtatagal na dalawa. What I feel for Enzo now, it was nothing compared to what I feel for Leo.
Isa pa, I never experienced those butterflies in the stomach with Enzo and I think it was because he never made me feel nervous about us. He never gave me any reason to doubt.
His love for me is so pure that sometimes, I question myself if I am really worthy of that love.
Mabilis lang lumipas ang oras at tinawag na ako ng kasambahay namin para sabihin sa akin na nasa ibaba na si Enzo. Nakapagbihis na rin naman ako at nakaayos na. Nauna na ring umalis si Airi at Jahann kanina kaya naman walang sasabay sa aming dalawa ni Enzo.
Kinuha ko na lang ang bag ko at nagwisik na rin ng pabango bago ako lumabas ng kwarto matapos kong sulyapan ng isa pang beses ang sarili ko sa salamin.
Agad na tumayo si Enzo nang makita ako at ngumiti sa akin. May dala rin itong bulaklak kaya naman napangiti ako rito. Unang araw pa lang naming dalawa na magkasintahan pero todo effort na agad ang lalaki.
“Hey…” bati ko rito bago hinalikan ang pisngi nito. Ngumiti naman si Enzo at ibinigay sa akin ang bulaklak.
“Thank you…” I smiled at him and looked at the red roses. Hindi naman ako mapili sa mga bulaklak kung tutuusin. I like roses, kahit ano pang kulay ay ayos lang naman sa akin. It was Airi who dislikes roses because she likes tulips and sunflowers.
“Let’s go?” aya ko sa kanya. Tinawagan ko naman na rin siya para sabihin ang plano rito dahil kapag nalaman nila Daddy na hindi kami kasama ni Enzo, tiyak kong pagagalitan kaming dalawa at ayaw naman din ni Enzo na mangyari ang bagay na iyon.
Tumango siya sa akin ay hinawakan na ako sa bewang upang alalayan ako. Pinaiwan ko na rin ang bulaklak at binilinan ang kasambahay namin na ilagay iyon sa vase at ipasok sa kwarto ko.
Inalalayan naman ako ni Enzo na sumakay at sumunod na rin kaagad ito.
“You’re in a good mood,” puna ko sa lalaki habang nagmamaneho ito. Hindi kumukunot ang noo ni Enzo ngayon.
“Hmm?” He looked at me and smiled a little. “That’s a bad thing?” he asked me. Umiling naman ako sa kanya at ngumiti. “I like you either way, you know? Masungit o hindi,” sabi ko naman sa kanya na mas nagpangiti kay Enzo.
Hindi ko napigilan na matawa. “Kinikilig ka, Mr. Enrico Lorenzo De Guzman?” pang-aasar ko sa kanya. Napapailing na lang si Enzo habang nagmamaneho, inabot nito ang kamay ko at hinalikan iyon habang tinatahak namin ang daan papunta sa Sweet Desire.
“They’re there already,” sabi ko kay Enzo na tumango naman sa akin. “Are we going to tell them about us?” tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at tinitigan.
“You don’t want them to know?” he asked me. May lungkot na dumaan sa mga mata ni Enzo kaya ngumiti ako agad sa kanya. “Of course, I want them to know,” sabi ko rito. “I am just sure they will be all surprised,” dagdag ko pa.
Hindi kumibo si Enzo kaya pinisil ko ang kamay niya.
“Hey, I want them to know about us, okay? Don’t fret,” sabi kong muli na tinanguan naman ni Enzo.
He parked his car beside Jahann’s car and he’s still silent. Marahil ay naiisip nito na ayokong ipaalam sa mga kaibigan at pinsan namin ang tungkol sa amin.
“Enzo,” I called him. He looked at me. “Hmm?”
I reached for his face and caressed it. “Don’t be like that. Gusto ko naman talaga na malaman nila, e,” sabi ko sa kanya. “Okay?” I smiled at him. Tumango naman siya sa akin at may inabot sa likod.
Kumunot ang noo ko nang makita ang regalo ko sa kanya na hindi pa rin pala talaga nabubuksan hanggang ngayon. Tinignan ko si Enzo at sinimangutan. “Ikaw na lang magbukas niyan!” sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin at ibinigay ang paper bag sa akin. “Open it for me, baby,” he said.
I rolled my eyes and leaned on my seat. Hindi rin gumalaw si Enzo kaya naman wala akong choice kundi kunin iyon at buksan.
Namumula ang pisngi ko nang mailabas ko na iyon at ipakita sa kanya.
“Here…” halos pabulong na sabi ko. Inabot ko sa kanya iyon nang nakasimangot. “I really don’t know what to get for you. Lahat naman nasa iyo na, e. Ano pang pwede kong iregalo?” sabi ko nang hindi magsalita si Enzo. “I know that’s nothing and you might not like it and–”
Natigilan ako sa pagsasalita nang hilahin ako ni Enzo at halikan ang mga labi ko.
He deepened the kiss and urged me to kiss him back. I didn’t have to think twice before I responded to his kisses. He was holding my nape while kissing me hotly.
“Hmm…” I moaned softly when he tugged my lip.
He reluctantly let me go and looked at me. Hinahabol pa ni Enzo ang hininga nang tignan ako at ngumiti sa akin. “I love this gift,” sabi niya habang nakatingin sa frame na may portrait naming dalawa.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Enzo. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “I am glad you liked it…” sabi ko rito na ginantihan din ako ng yakap.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin kaming dalawa at magkahawak ang kamay na naglakad papunta sa Sweet Desire.
Napakunot ang noo ko nang lumabas si Lean at diretsong lumapit sa amin ni Enzo. “Why aren’t you answering your phone?” tanong nito sa kakambal. She looked at me and heaved a sigh.
“What’s wrong?” Enzo asked Lean. Nasa likod nito si Theon at ang iba pa.
Kumunot ang noo ko sa kanila. “Anong problema niyo?” tanong ko sa mga ito.
“Elisha is here, and she’s looking for you,” sabi ni Lean kay Enzo. Napatingin naman ako sa katabi ko nang kumunot ang noo nito. “What?” he asked his sister.
Who is Elisha?
Napalingon ako nang may lumabas na babae sa my Sweet Desire. She’s wearing a light yellow dress. Nakalugay naman ang buhok nitong kulay brown na bahagyang nakakulot. Kung ako ang tatanungin, napakaganda ng babae.
“Enzo!” tawag nito sa kasama ko. She walked towards us and smiled at Enzo.
Lean shook her head and looked at Enzo as well. I saw him tighten his jaw.
Wait, what’s happening? Sino ba si Elisha? And why did Lean look pissed?
I squeezed his hand.
Who is she?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store