38
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Happy birthday!" malakas na sabi ni Airi dahil na rin malakas ang tugtog sa loob ng Blue's Haven. Magkakasama na kami ngayon at napagdesisyunan na namin na bumaba na lang muna para na rin makapag-enjoy.
Gaya nga ng sabi ni Keij sa amin kanina, kung doon lang din naman daw pala kami sa loob ng VIP room tatambay, sana ay sa bahay na lang kami nila Enzo nagpunta.
"Happy birthday, Lean, Enzo," bati naman din ni Cherinna. Lahat ng regalo namin ay nasa itaas na at wala pa ni isang binubuksan ang kambal doon. Sabi ng mga ito ay pag-uwi na lang nila titignan ang mga iyon. Theon's gift was a necklace. Noong nakaraan niya pa iyon napakita sa akin dahil ako ang tinanong nito kung magugustuhan ba ni Lean iyon. May pendant iyon na square na may nakalagay na T sa harap at L naman sa likod. I once asked him if that means Theon and Lean and he said it actually means true love. Hinayaan ko na lang siya sa trip niya sa buhay.
Mabilis namang inaya ni Theon si Lean papunta sa may gitna para sumayaw. Ganoon naman din ang ginawa ni Cherinna sa napipilitang si Jahann habang nagkasundo naman si Keij at si Airi na sumayaw. Mabuti na lang din at madali lang talaga nilang naging close si Airi kahit pa hindi naman namin ito kasamang lumaki. Naiwan na kasama namin sa lamesa si Kol na abala sa cellphone nito.
"Hey, happy birthday again," bati ko kay Enzo na nasa tabi ko. Hindi ko sinabi sa kanya kung alin sa mga nasa taas ang regalo ko dahil na rin iniisip ko na surpresahin si Enzo sa ginawa ko.
I stayed up all night making our portrait. It was actually just a sketch. Iginuhit ko ang larawan naming dalawa at naghanap ako ng frame sa kwarto ko na pwede kong magamit para ilagay roon ang ginawa ko. I also added the dried petals from the flowers he gave me before. Alam ko na halos wala akong gastos sa regalo ko kay Enzo pero naisip ko rin kasi na baka hindi rin gustuhin ni Enzo na gumastos ako...
Also, wala talaga akong maisip na pwede kong maibigay sa kanya.
Enzo looked at me and smiled sweetly. "Thank you," tipid na sabi niya sa akin. Inabot niya rin ang isang bote na naroon at uminom. "You don't want to dance?" maya-maya ay tanong niya sa akin. Natigilan naman ako sa tanong niya at napataas ang isang kilay. Parang gusto kong damhin ang noo at leeg ni Enzo para malaman kung mainit ba ito o may masakit dito.
"You're asking me to dance? Are you sick?" hindi ko maiwasang mapangiti dahil parang hindi ko kailanman naringgan si Enzo na nag-aya na sumayaw. Madalas ay nagpapaiwan lang ito sa lamesa namin kasama si Kol o kaya ay si Jahann. Kami nila Keij ang madalas na magkakasamang sumasayaw dahil lagi naming naiisip na pinaglihi sa sama ng loob ang tatlo.
"You should be worried, he's changing," kumento naman ni Kol na tumingin kay Enzo. He smirked at him and reached for the bottle.
I looked at Kol and chuckled. I made peace with the fact that Kol knows everything! Hindi ko na rin minsan alam kung paano niyang nalalaman ang lahat pero si Kol ang madalas na nag-oobserve lang sa amin kaya hindi rin malabo ang bagay na iyon.
Kol is just like Jahann. Very protective and supportive. Hindi siya katulad ng iba na manggagatong pa o kung ano. He'll try to assess the situation and give advice.
"Shut up, Dela Cruz," Enzo snorted. Kol just shrugged and drank from the bottle. Napailing na lang ako sa kanila at muling lumingon kay Enzo. "You wanna dance?" tanong ko rito dahil napansin ko ang pagsimangot nito.
"Only if you will dance with me," sabi nito sa akin kaya mas napangiti naman ako. Tumango ako sa kanya at hinawakan na ang kamay niya. Kahit na hindi naman sweet ang tugtog ay hinawakan ni Enzo ang magkabilang bewang ko at isinayaw ako. I looked at him and I smiled a little.
Hindi ko kailanman inakala na darating kami sa ganoong tagpo. Parang noon ay napakailap ni Enzo sa akin. Naiisip ko pa nga noon ay napipilitan lang itong samahan ako dahil na rin kapatid ko si Jahann at best friend nito ang lalaki.
Ngayon...
I smiled and caressed his hair on the back of his head. Nakita ko naman ang pagngiti ni Enzo sa akin. Days passed by and I could see what he's doing for me.
He's always putting me first, he always makes sure that I am okay, I am safe. Nagpaalam siya sa mga magulang ko, sinabi ni Enzo sa mga ito ang pakay sa akin at hindi ko maitatanggi na malaking bagay iyon sa akin at sa mga magulang ko.
Ipinapakita ni Enzo na seryoso ito sa akin.
Kung minsan ay sinasabi ni Theon na unfair ang nangyari dahil noong siya ang nagkagusto kay Lean, parang labag sa kalooban ng lahat pero ngayong si Enzo ang nanliligaw sa akin, wala man lang itong naririnig na disgusto ng pamilya ko rito.
After everything that has happened, I realized that Enzo was the one who's been there for me. Hindi niya ako pinabayaan noon nang malaman ko ang kina Cherinna at Jahann, hindi niya rin ako hinusgahan. Inintindi niya ako dahil alam niyang iyon ang kailangan ko.
Maybe I was just really blinded by what I felt before. Kaya hindi ko nakikita si Enzo kahit na nasa harap ko lang naman siya. Masyado kong naiisip na wala lang naman ang ginagawa ng lalaki para sa akin.
"Why are you staring?" Enzo moved closer to me and whispered to my ear. Umiling naman ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kung may ibang makakakita sa aming dalawa, iisipin marahil na nababaliw na kami dahil masyadong masaya at upbeat ang tugtog sa loob ng bar pero para kaming sumasayaw sa saliw ng isang romantikong tugtugin.
"I'm just happy," sabi ko naman sa kanya. Naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap ni Enzo sa akin. I could feel the warmth of his body against mine. Ramdam ko rin ang init ng palad nito sa may balat kong nakalabas dahil na rin sa suot ko.
"I am happier, I think?" he whispered again. Parang tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ang labi ni Enzo sa puno ng tainga ko. "You're making me the happiest, Alyanna..." sabi ni Enzo bago hinawakan ang pisngi ko upang iharap ako sa kanya. Sinalubong ko ang tingin ni Enzo at pakiramdam ko ay matutunaw ako dahil sa lalim at matiim nitong tingin sa akin. It was as if he's trying to know what's running inside my head, what I was thinking, what I was feeling...
I looked at his lips and I couldn't stop myself from biting mine. Enzo's lips are so soft! Kahit minsan ay naiisip ko na dapat ay hindi kami naghahalikan na dalawa dahil hindi pa naman kami, hindi ko rin maiwasan dahil hindi ko matanggihan ang labi ng lalaki.
He's a good kisser. Not that I have an experience in kissing but Enzo kissed me passionately and sexily! Kahit hindi ko aminin, natuturn on ako kapag hinahalikan niya ako.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Your brother will kill me if he saw me kissing you," mahinang bulong niya sa akin. "Believe me, baby. I want to," Enzo smiled and kissed the tip of my nose. Nag-init naman ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi nito.
He chuckled and hugged me tight.
"Enzo!" tawag ni Keij sa lalaki. Napalingon naman kami ng sabay rito. Sinabihan kami nito na mukha kaming tanga na magkayakap kaya inaya niya kami na bumalik na sa lamesa namin. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ngumisi lang sa akin si Keij.
Kahit kailan talaga, napaka walanghiya ng gagong 'yon.
Bumalik na lang kami ni Enzo habang ang kamay nito ay nasa likod ko pa rin at inaalalayan ako upang hindi ako mabangga ng mga naroon.
"Ang ganda ng mga mix ng songs, ha. Ang galing ng DJ niyo!" sabi ni Airi bago inabot ang baso at uminom doon. "Who's your DJ? Manghihingi ako ng playlist!" sabi nito bago nilingon ang side kung saan naroon ang pwesto ng DJ.
Maging kami ay napalingon din doon.
"What the fuck?" sabi ni Airi nang makita kung sino ang naroon. Maging ako ay napatingin kay Leo na kasalukuyang busy sa ginagawa nito. He's also smiling and laughing.
"Binabawi ko na. Ang pangit ng mga tugtog! Goodness!" sumimangot si Airi bago sumandal kay Keij. Napangiti ako sa sinabi ni Airi bago bumaling kay Enzo na napansin kong naging seryoso ang itsura.
"I didn't know he's here," sabi naman ni Lean bago lumingon sa akin at kay Enzo. Ngumiti naman ako sa kanya. "It's okay, we're here to celebrate your birthday," sabi ko naman dito dahil alam ko naman na walang kasalanan si Lean. Isa pa, kahit naman anong mangyari, magkukrus ang landas naming dalawa dahil pinsan ni Leo si Enzo at Lean.
"Let's just go upstairs, then?" sabi ni Cherinna na sinang-ayunan naman ng lahat. Hinawakan ko ang kamay ni Enzo at pinisil iyon nang matahimik ito. Tumingin lang siya sa akin at marahang ngumiti.
Sumunod naman na kami sa kanila at naupo na rin ako sa tabi ni Enzo. Katabi ko naman si Airi habang magkatabi si Cherinna at Jahann. We're drinking and talking. Hindi naman na kami naghahanda ngayon kapag birthday namin. Sinabi ni Lean na magkakaroon na lang sila ng dinner dahil pauwi ang Lolo nila sa mga susunod na araw at iyon na lang ang magiging celebration nila ng birthday nila.
They're talking of a possible vacation again. Nakikisali ako kung minsan sa usapan nila pero napapansin ko ang pananahimik ni Enzo. Umiinom lang ito at tumatango kapag kinakausap ito.
Was it because of Leo? Because Leo is here, too?
"Kung sakali, si Alyanna first girlfriend mo, Enzo?" tanong ni Keij sa lalaki. May hawak itong beer habang nakasandal kay Theon.
"Keij, parang gago," saway ko naman sa pinsan naming dalawa. He made a face and looked at Enzo. "Why? I am just curious. Afterall, you're both my cousin," he shrugged and looked at me. "So if you like Enzo, just say yes and we'll all be supportive, Alyanna," sabi nito sa akin.
I saw Cherinna smile because of what he said. Wala naman kaming duda na ganoon talaga si Keij sa amin dahil kahit na gago ito, hindi naman ito nagkukulang din sa pagiging supportive at protective sa amin.
"Wala pa namang pinakilala si Enzo na girlfriend sa amin, e," sabi naman ni Lean na tumingin sa amin ni Enzo. "So, I think, they will be each other's first," sabi nito sa amin habang nakangiti. "Right, Enzo?"
Enzo looked at his twin sister and nodded his head. "Yes, but don't pressure Alyanna. She can decide whenever she wants, I will wait for her..." he looked at me and smiled a little.
"Tangina, ang landi," kumento naman ni Keij.
Napuno naman ng tawanan ang loob ng kwarto dahil doon. Iniba na lang ni Theon ang topic kaya naman may oras na akong muli upang tignan si Enzo. He's been quiet since earlier and I am actually bothered by it.
Iniisip ko na baka may nagawa akong mali kaya naman parang nawala sa mood si Enzo.
Nang magpaalam itong may titignan sa ibaba ay nagsabi akong sasama ako kaya wala itong nagawa kundi hawakan ang kamay ko at akayin na rin akong pababa. Marami pa rin ang tao kaya marami kaming nakakasalubong doon.
"Alyanna?" I heard a familiar voice behind me. Maging si Enzo ay huminto at nilingon si Leo na nakatingin sa aming dalawa.
I looked at him and I can still see the same Leo I remembered. Hindi na ako nagtataka kung bakit marami ang babaeng nagpapapansin dito dahil hindi naman maitatanggi na gwapo talaga ito.
"Hey," bati ko naman sa kanya at ngumiti ng tipid.
"How are you?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"I'm okay. I'm with Enzo," sabi ko naman bago nilingon ang katabi ko. He looked at Leo but didn't say anything.
"Yeah, I saw you two earlier," he chuckled and looked at Enzo. "Happy birthday, I'll just go to Lean to greet her later," sabi naman nito. Tumango lang si Enzo sa lalaki.
"Sige, Leo," paalam ko bago hinila na si Enzo papalayo pero nauna na itong maglakad sa akin kaya naman ako ang sumunod dito papalabas sa Blue's Haven.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya nang makalabas na kami. Pakiramdam ko ay magkakahalo ang amoy ng sigarilyo at vape sa buhok ko dahil sa mga nakasalubong namin na gumagamit noon.
Nakatalikod lang si Enzo sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon nito.
"Enzo..." I called him and he breathed heavily and looked at me. "Damn it. I said I am willing to wait yet I am fucking jealous," he said through his gritted teeth. Nakatayo lang ako sa harap niya habang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry, Alyanna. I know that pressuring you won't do us any good, I'm just really jealous and scared..." pag-amin niya sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko habang nakatingin sa akin.
"You liked him, hell... you fell in love with him..." mahinang sabi ni Enzo habang ang mga mata ay nakatingin sa mga kamay kong hawak niya. "I am scared you will choose him because you don't like me..." huminga ng malalim si Enzo at ipinikit ang mga mata.
"Damn it..."
"Yes, I liked him..." sabi ko habang nakatingin kay Enzo. Iyon naman ang totoo. Nagkagusto naman talaga ako kay Leo noon. He's been very sweet to me, he's nice. Gaya ng sinabi ko, marami rin talaga ang nagkakagusto kay Leo kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na magustuhan din ang lalaki.
"I know..." halos pabulong na sabi ni Enzo sa akin. "I know that..." he added.
"But that was in the past, Enzo..." sabi ko sa kanya at ngumiti ng maliit. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya upang iangat ang tingin nito sa akin. I smiled at him and looked him in the eyes.
"I was scared, too..." mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaki. "I was scared that... if I mess things up, I will lose you. I will lose the friendship, you..." sinubukan kong ngumiti ng maliit habang nakatingin pa rin kay Enzo.
"Day by day, I saw you putting me first, making me feel that I am worth loving, I am worth protecting, I am worth the wait and God knows how thankful I am to have you, Enzo..." I smiled a little. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko habang nakatingin sa lalaki.
"I was scared, too, because I don't want to disappoint you if the time comes that I will not be the Alyanna you're expecting me to be. Ayokong madismaya ka sa akin at iwan mo ako..." hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko.
"Baby..."
"I was scared, too, but I am more scared of not being with you, Enzo..." I tried to smile while crying. Nakatitig lang si Enzo sa akin na para bang inaabsorb pa ang lahat ng sinasabi ko sa kanya ngayon.
"I liked Leo before, yes, I said I fell in love with him..." I caressed his cheek and looked at him. "But you made me realize who I should be with... and that's you..."
Naramdaman ko ang pagpunas ni Enzo ng pisngi ko kaya mas napangiti ako. "Stop crying, baby. I am sorry..."
Umiling ako sa kanya at humakbang paatras upang mas makita si Enzo.
"You don't have to wait for so long, you know?" I smiled at him and I saw confusion on his face. Mas napangiti ako dahil doon.
"I told Airi this is a crazy birthday gift, but..." I heaved a sigh and looked at Enzo. I shrugged and smiled at him. "I guess, I will be your first girlfriend."
"What.." he looked at me, still processing what I said. "You mean..." tumango ako sa kanya at ngumiti. He smiled and pulled me in a hug.
"You're serious, right?" he said while hugging me tight. I nodded my head while I buried my face on his chest.
Marami ring takot at pangamba sa isipan ko dahil sa relasyon namin at dahil sa sitwasyon pero isa lang naman ang nasiguro ko sa sarili ko.
Hindi ko kayang mawala si Enzo...
"I am your first girlfriend..." mahinang bulong ko habang yakap si Enzo.
He kissed my head and hugged me tight.
"First and last, baby. I will marry you someday. I promise you that."
I closed my eyes and nodded my head.
It's official now.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store