ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

37

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


Hindi ko na mabilang kung ilan na ba ang napuntahan naming shop ni Airi sa paghahahanap ng pwedeng iregalo sa kambal para sa birthday nila. Kanina pa kami naroon sa mall, inaya namin si Cherinna pero ang sabi nito ay sabay na sila ni Jahann na mamimili, hindi naman din ako pwedeng magpasama kay Enzo dahil para nga rito ang regalong ibibigay ko sa kanya.

"This one, ayaw mo?" tanong ni Airi sa akin habang may hawak na isang pares ng sapatos. Tinignan ko iyon at napakunot ang noo ko. Hindi ko naman madalas na nakikitang gumagamit si Enzo ng itim na rubber shoes kapag nagbabasket ball ito at ang mga pinsan ko o kapag nagpupunta sila sa gym. He always uses white rubber shoes. Wala naman din akong makitang magandang disenyo sa mga puting rubbers shoes na naroon kaya wala rin akong mapili.

Umiling ako sa kanya kaya ito naman ang napasimangot sa akin. "Alyanna, hindi naman sa nagrereklamo ako pero we went to clothes shops, watch shops, and now here... pero wala ka pa rin nakikita na para kay Enzo..." sabi nito bago ibinalik sa rack ang hawak nito na sapatos. "Sagutin mo na lang kaya siya? I am sure he will say that's the best gift he will receive," she smiled and looked at me. "Sagutin mo na lang kaya siya?"

I glared at her and looked at the other shoes around us. Nagtingin na lang din ako kung sakali pang may iba pa akong mapili na pangregalo.

Hindi naman isang beses lang sinabi sa akin ni Airi na sagutin ko na si Enzo. In all fairness to her, hindi naman niya ako dinidiktahan ng sobra, ipinapaliwanag niya lang din sa akin na mas gusto nito si Enzo para sa akin lalo pa at nakikita naman ng mga ito kung gaano ako inaalagaan ng lalaki.

I heaved a sigh and called Airi. Sabay na kaming lumabas na dalawa para muling maghanap ng ireregalo kay Enzo. I am not sure what he will like. A book? A wallet? New eyeglasses? Hindi ko alam at hindi ako sigurado.

"May napili ka na?" tanong niya sa akin. Umiling ako at naglakad na lang na. I checked my phone and saw Enzo's message. Tinanong ako nito kung kumain na ba ako dahil sinabihan ko siya kanina na lalabas kami ni Airi ngayon. Hindi naman ito nangulit sa akin. Sinabihan lang kami nito na kung sakaling may kailangan ay tawagan siya para makapunta naman siya agad roon.

"I'm hungry," Airi said while we're walking. Natawa ako sa kanya dahil may hawak pa itong fries na kinakain nito ngunit naghahanap na agad ito ng makakainan naming dalawa. "Kain muna tayo, tapos hanap ulit tayo ng gift mo para kay Enzo?" sabi niya sa akin.

I smiled at her. Alam ko naman na abala talaga kay Airi na magpasama sa kanya ngayon. Mabilis lang naman kasi itong nakapag-isip ng pangregalo sa kambal. She bought them an air humidifier. Pinareho niya na lang daw para walang tampuhan. Nabilihan ko naman na si Lean ng bag panregalo rito. Ang kakambal nito ang nahihirapan akong isipan dahil hindi ko naman kung ano ba ang gusto ni Enzo.

Kung ano ba ang wala ito dahil para naman kasing mayroon na ng lahat ng bagay si Enzo.

Pumasok na lang kami sa unang kainan na nakita namin ni Airi. Hindi naman din mapili si Airi sa pagkain kaya walang problema. Naghanap na lang kaming dalawa ng table at naupo na roon. Umorder naman na muna si Airi ng pagkain naming dalawa.

Nagpadala na lang ako ng mensahe kay Enzo habang hinihintay ko si Airi.

Kumain ka na?

I looked around and I could see couples eating there, too. Simple akong napangiti dahil naisip ko kaming dalawa ni Enzo sa tuwing kumakain kaming dalawa sa labas. Kung paano niya akong asikasuhin kapag magkasama kami, kahit sino ay mapapaisip din na kaming dalawa na.

Mabilis namang umilaw ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Enzo roon.

Yes. You? Eat, okay?

I smiled when I read his message. Hindi niya talaga ako nakakalimutan na pagsabihan na kumain nang minsan akong nagsabi sa kanya na hindi ako nakakain agad dahil may tinatapos akong project.

I was smiling while typing my reply.

Yes, I will. Don't frown na. :)

Bumalik na si Airi sa lamesa namin. Sinabihan niya ako na dadalhin na lang sa lamesa ang pagkain kaya tumango ako sa kanya.

"Dapat pala tinanong ko na lang si Jahann kung ano ang gusto ni Enzo," sabi ko kay Airi. She rolled her eyes on me. "We all know what he wants," she commented. "I mean, who he wants," she shrugged and looked at me.

I rolled my eyes and looked at my phone again. Nakita ko naman na nagreply na si Enzo sa akin.

Still frowning because I miss you. See you later, baby.

Muli akong napangiti nang mabasa ko ang mensahe niya kaya muli rin akong inasar ni Airi dahil napapadalas na raw ang pagngiti ko kapag magkausap kami ni Enzo. Hindi naman ako aware sa bagay na iyon dahil palagay ko naman ay lagi naman akong nakangiti.

Inaasar niya pa rin ako hanggang sa matapos na kaming kumain na dalawa. Wala rin naman akong nabili na pang regalo kay Enzo hanggang sa umuwi na lang kaming dalawa sa bahay.

When I parked my car, I saw Enzo's car on the side. Mukhang naroon na ang binata sa loob ng bahay kaya naman pumasok na rin kami ni Airi. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita kong naroon si Enzo at kausap nito si Jahann.

"Hey..." I smiled at him when I saw him. Mabilis ding ngumiti si Enzo nang tumingin sa akin. Tumayo pa ito para halikan ako sa pisngi. Tumikhim naman si Jahann na agad nilingon ni Enzo.

"I just cleared my throat," sabi ni Jahann sa lalaki.

"And I just looked at you," sagot naman ni Enzo rito.

Napailing na lang ako. Nauna na si Airi na magpunta sa kwarto nito para makapagwash up na ito at makapagpahinga.

"What are you doing here?" tanong ko kay Enzo. Tumayo na rin naman si Jahann para lumapit sa amin. Pinakita sa akin ang invitations na hawak nito. Tinignan ko iyon bago lumingon kay Enzo.

"It was Lean's idea to have an invitation card," he shrugged and looked at me. "I came here to give those and to see you," sabi ni Enzo sa akin. "Did you and Airi have fun?" tanong niya sa akin. Tumango ako ng maliit sa kanya. "Yes, it was okay," sagot ko.

Hindi ko naman sinabi sa kanya na naghanap kami ng regalo dahil pambubunyag iyon ng surprise sa kanilang dalawa ni Lean.

I checked the invitation. Bukas na ang celebration ng dalawa at sa Blue's Haven iyon gaganapin dahil na rin pagmamay-ari naman ng pamilya nila iyon. I looked at Jahann and he smirked at me. Sinimangutan ko siya dahil hindi ko alam kung para saan ang ngisi niya na iyon.

"Dito ka na magdidinner?" tanong ko kay Enzo. He sighed a little and looked at me. Umiling din siya sa akin ng maliit. "I am afraid not, Alyanna. Mom told us to be home tonight for our family dinner. I just really came here to see you," sabi niya sa akin.

Tinapik ni Jahann ang balikat ni Enzo. "So, you're going home now? You saw Alyanna already," sabi nito sa kaibigan. Enzo glared at Jahann, my brother chuckled. "What?" Jahann asked him.

Muling bumaling sa akin si Enzo. "I'll pick you up tomorrow and–"

"We'll just go there together, Enzo," putol naman ni Jahann sa sinasabi ni Enzo. Gusto kong matawa nang sumimangot si Enzo sa sinabi ng kapatid ko.

"I will just go with Jahann, Enzo. It's your birthday, you should be in the venue," sabi ko na lang dito at sinagot ako ng mahinang tango.

"See you tomorrow, then?" I smiled at him, Enzo nodded. Tinapik naman ni Jahann ang balikat ni Enzo at nagsabi na ihahatid na ito sa sasakyan nito. Hindi naman na nagreklamo si Enzo. Nagpaalam na lang din ito sa akin at sinabihan ako na magpahinga na lang na rin.

I was in the kitchen drinking when Jahann went inside the kitchen. I looked at him when he leaned on the counter.

"What?" kunot ang noo kong tanong sa kanya.

"Did you say yes to him already?" diretsong tanong ni Jahann sa akin. Nagulat naman ako sa tanong nito sa akin. "No, hindi ko pa siya sinasagot," sabi ko rito. Hindi naman ito nagsalita at parang pinagdududahan ang sinabi ko sa kanya.

"Oh my gosh, go, ask Enzo. Hindi pa nga!" sabi ko rito bago inilagay ang baso sa may lababo.

"Hindi pa. You'll say yes to him, then?" hinarang ako ni Jahann at tinignan. Hinihintay ang isasagot ko sa kanya.

"Jahann."

"To be clear, I am not against Enzo. I know that guy and I know he will take care of you," he said softly. "Whatever your decision will be, know that I will support you, okay? I will always support you, brat," hinawakan nito ang buhok ko at ginulo iyon. "That's the least that I can do after what I put you through before," he smiled a little.

I sighed and looked at him. "It's okay, Jahann. That happened for a reason, and I will always support you, too, you know?" I smiled a little. "But I really want to rest now," I added and he chuckled. Tumango naman siya sa akin at hinalikan ang ulo ko bago ako hinayaan na makapunta sa kwarto ko.

Mabilis akong naligo para makapagpalit na rin ako ng damit. Habang nasa banyo ako ay nakaisip na ako ng ireregalo ko kay Enzo kaya naman mabilis lang akong naglinis ng katawan at nagbihis. Inihanda ko na rin agad ang kailangan ko para matapos ko iyon dahil bukas na ang birthday nito.

I have decided to give him something more special. Isang bagay na pinaghirapan kong gawin dahil deserve ni Enzo iyon.

Kinabukasan ay halos alas dose na ako bumangon dahil madaling araw na ako natapos sa ginawa kong regalo para kay Enzo. Naibalot ko na rin iyon at nakahanda na. Nakangiti ako habang nakatingin doon.

I am hoping Enzo will like that...

Bumaba na ako matapos akong maghilamos para makakain ng tanghalian. Naabutan kong naroon si Airi at Jahann na hinihintay akong kumain.

"Kanina pa ako katok nang katok sa kwarto mo, himbing ata ng tulong mo?" sabi ni Airi sa akin habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Tumango ako sa kanya dahil talaga namang hindi ko alam na kumakatok pala ito.

"We'll fetch Cherinna around 6 pm, we need to be at Blue's Haven by 7:30 pm," sabi ni Jahann sa amin ni Airi. Tumango naman ako sa kanya, si Airi naman din ay sumang-ayon dahil hindi rin pwede ngayon si Dean. Nabanggit nito na may shoot ito sa may Aklan ngayon.

Matapos kaming kumain ay umakyat lang akong muli sa kwarto ko para maghanap ng masusuot. I am sure Enzo will just scold me if I wear a skirt again. Inihanda ko na lang ang backless top ko at pants na isusuot mamaya.

Mabilis lumipas ang oras at nasa harap na rin ako ng salamin habang nakatingin sa sarili ko. Maayos naman ay satisfied naman na ako sa nakikita ko sa salamin nang kumatok si Airi. Kung ano ang iniwasan kong isuot, iyon naman ang isinuot nito. She's wearing a halter crop top paired with a skirt.

"Mukhang sinusulit mong wala si Dean, ah?" sabi ko sa kanya, ngumisi naman siya sa akin. "Let's go? You look so pretty already, you know? Sigurado ako na hindi ka iiwanan ni Enzo buong gabi," sabi nito sa akin.

I chuckled and reached for my gift for the twins. Kinuha ko lang din ang bag ko at sumunod na kay Airi. Naghihintay na sa amin si Jahann sa sasakyan nito nang makalabas kami. Naupo na muna ako sa harap at lilipat na lang ako kapag nasundo na namin si Cherinna.

"Kinulang na naman mga tela ng damit niyo?" tanong niya sa aming dalawa ni Airi. Natawa naman ang kakambal ko bago tinignan si Jahann. "Hindi ka pa ba sanay?" tanong nito na sinagot lang ni Jahann ng isang irap.

"Kapag si Cherinna nakaganito rin, sermunan mo, ah?" sabi ko sa kanya. Mas sumimangot naman ito sa akin at nagmaneho na para sunduin ang babae. Mabilis lang naman din kaming nakarating sa bahay ng mga Alcantara dahil kabisado na ni Jahann ang mga short cuts papunta roon.

Hindi rin kami naghintay ng matagal dahil lumabas naman agad si Cherinna. Gusto kong tawanan si Jahann nang makita ko ang itsura nito nang makita si Cherinna na nakadress ng sleeveless at backless pa iyon. Lumipat na lang na ako ng upuan sa likod at tinabihan si Airi.

"Pare-pareho kayo, no? Ang conservative niyo nila Enzo," sabi ko kay Jahann nang nagmamaneho na ito papunta sa Blue's Haven. He looked at me through the rearview mirror and raised a brow.

"Masasanay ka rin kapag sinagot mo si Enzo, Alyanna," sabi ni Cherinna sa akin na tumatawa. Maging si Airi ay natawa sa sinabi nito.

Hindi naman na kumibo si Jahann hanggang sa makarating na kami sa Blue's Haven. May mga tao na roon nang makarating kami. Nakita ko ang sasakyan ni Kol at ni Theon na naroon na kaya pumasok na kaming apat sa loob.

Marami na nga ang tao sa loob at malakas na rin ang music sa loob. Nakita ko naman agad si Lean kaya nilapitan ko ito.

"Hey, happy birthday!" sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ngumiti naman si Lean sa akin at ginantihan ako ng yakap. "Thank you! Nasa taas si Enzo, hinihintay ka," sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at nagpaalam na aakyat na muna sa may VIP room para mapuntahan si Enzo.

Naabutan ko roon si Enzo na nakaupo at nakapikit. Lumapit naman ako sa kanya at isinandal ang ulo sa balikat nito.

"Hey..." I softly said. I felt him kissing my head and wrapped his arm around me. "Hey..." he greeted me. "I was waiting for you," he whispered and kissed my head again.

"And I am here now," sabi ko rito bago nag-angat ng tingin at ngumiti sa lalaki. Nakita ko na ang lapit ng mukha niya sa akin. Agad na pinamulahan ako ng pisngi nang halos magdikit na ang mga labi naming dalawa.

"Yes, you're here..." he smiled and pecked on my lips.

I smiled a little and hugged him tight. "Happy birthday, Enzo..." I greeted him while nuzzling on his neck. Ramdam ko ang init ng katawan ni Enzo at kumakapit sa ilong ko ang bango nito. Hindi ko napigilang halikan ang leeg ni Enzo.

I heard him moaning a little. He breathed heavily and looked at me. He cupped my face and pecked on my lips again.

"Baby, I might not control myself if you kiss my neck like that," he said, flushing. I chuckled and hugged him tight.

"Hmm..."

Enzo hugged me tight and kissed my head again. "You know, having you here with me is the best thing happened today," he softly said. Ramdam ko ang init ng palad ni Enzo sa likod ko kaya muli ko siyang nilingon.

"You're teasing me."

He chuckled and looked at me. "You are teasing me, Alyanna. You dared to wear those clothes and kissed my neck," sabi niya sa akin.

Napanguso ako dahil sa sinabi niya kaya naman parang sinamantala iyon ni Enzo at hinalikan ang mga labi ko. I wrapped my arms around his neck and kissed him back. He smiled against my lips and pulled me closer.

This is it...

I'll say yes to him tonight...

But first, I will savor his kisses...

I pulled him closer and deepened the kiss.

I am sure now that I am his... I am Enzo's.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store