36
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Are you sure you're okay na? You know you can still tell dad that you're not okay so you can skip school," sabi ni Airi sa akin na naghahanap ng dress sa may closet ko, kanina pa ito naroon at hindi ko na rin alam kung ilang damit na ba ang nilabas at pinasok nitong muli habang namimili ito ng masusuot. Sabi nito sa akin ay may dinner date ito at si Dean mamaya kaya naman naghahanap ito ng mahihiram na damit sa akin.
Mahilig si Airi sa mga skirts at sabi nito sa akin ay gusto nito na magsuot naman ng dress para sa date nila ng boyfriend niya.
Tinitignan nito ang isang itim na dress at isang pulang dress. Napailing na lang ako sa kanya at hinayaan na lang siya sa ginagawa niya. Hindi naman nalalayo ang sukat ng katawan naming dalawa kaya alam kong kakasya sa kanya ang mga damit ko. Nanghihiram din naman ako sa kanya ng damit kapag wala akong mapili sa mga damit ko.
"I'm fine. I think I'm fit to go back to school," sabi ko habang naglalagay ng powder sa mukha. I just put on simple makeup since I am still not in the mood to doll up and put on heavier makeup. Parang mabigat lang sa pakiramdam kaya hindi ko na ginawa.
Napalingon ako sa may gilid ko nang umilaw ang cellphone ko at makita ang mensahe galing kay Enzo. Tipid akong napangiti nang binasa ko ang mensahe nito. Hindi naman talaga mahilig si Enzo na magtext o magchat pero madalas na nagpapadala ito ng mensahe sa akin kapag malapit na itong makarating sa bahay namin. Sa palagay ko nga ay napadalas na rin ang gamit ni Enzo ng cellphone nito dahil sa akin.
Kailanman ay hindi rin ito pumalya sa pagsundo sa akin. Lagi itong dumarating sa bahay namin at hindi kailanman na-late kaya naman sobrang naaappreciate ko ang mga efforts na ginagawa ni Enzo. Kung minsan, napapaisip na rin ako kung deserve ko ba ang mga ginagawa nito sa akin dahil parang wala naman akong naibabalik sa kanya sa lahat ng mga ginagawa niya.
Hindi naman din nito pinapansin si Keij kapag inaasar ito ng lalaki. Hindi kasi maasar ni Theon si Enzo dahil natatakot itong ayawan siya ni Enzo para kay Lean kaya madalas na si Keij lang ang nambubwisit sa aming dalawa ni Enzo.
"I don't know what to wear!" reklamo ni Airi sa akin na lumabas mula sa walk-in closet ko nang nakasimangot. Nilingon ko naman ito at kinunutan ng noo. "Wala kang nagustuhan?" tanong ko sa kanya. Tumayo na rin muna ako para aluhin ito dahil halatang naiinis ito.
"Your clothes are all pretty, I just don't think it will look good on me," sabi nito sa akin. Huminga ito ng malalim bago ngumiti ng maliit. "I'm sorry, I'm bugging you for something that is none of your business and–"
Inabutan ko siya ng isang asul na damit at nginitian. "You have nothing to worry about, Airi. You're already beautiful and whatever you wear, you will always look good on it," ngumiti akong muli sa kanya.
Ngumiti rin si Airi sa akin at pinagmasdan ako. "You know, for someone who just got sick recently, you're blooming," sabi niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano na naman 'yang sinasabi mo?" tanong ko rito.
She shrugged and sat on my bed and looked at me. "I mean, I think Enzo is really good for you, Alyanna. Admit it, he's good and nice and he's caring," ngumiti siyang muli sa akin. Ngiti na alam kong may halong pang-aasar.
"He took care of you, too!" dagdag pa nito. Hindi ko na lang pinansin si Airi at muli akong bumalik sa harap ng vanity mirror ko para maglagay ng lip balm.
"And he kissed you even though you're sick," dagdag nito na ikinalaki ng mga mata ko kaya agad ko itong sinulyapan. "What? What are you saying?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-akyatan na agad sa ulo ko ang dugo ko dahil sa sinabi ni Airi.
Mas ngumisi naman ito sa akin at nagkibit-balikat. "Well, I saw it," sabi nito na para bang nakahanap ito ng bagay na pwede niyang gamitin laban sa akin. "But don't worry. Hindi ko sinabi kay Jahann o kay Daddy dahil mukhang nag-enjoy ka," sinundan iyon ni Airi ng paghagikgik.
"Airi Francesca!" pinanlakihan ko ito ng mga mata. Sumenyas ito na tila nag-zipper ng bibig bago nagpaalam na sa akin at lumabas ng kwarto ko. Napailing na lang ako at naiwang mag-isa sa kwarto ko.
Kinuha ko na rin ang bag ko at ang cellphone ko at lumabas na sa kwarto ko nang macheck ko na maayos naman ang loob nito. Sa ibaba ko na lang aabangan si Enzo para hindi na rin ito maghintay ng matagal sa akin.
"Ma'am, nakahanda na po ang almusal niyo," sabi sa akin ng isang kasambahay namin nang makasalubong ko ito nang bumaba ako. Tumango naman ako sa kanya ng tipid bago nagtungo sa may komedor upang kumain.
Kanina pa nakaalis si Jahann para puntahan si Cherinna, si Airi naman ay malamang na nakakain na kaya mag-isa lang akong nasa may hapag ngayon at kumakain. Hindi pa rin ako maganang kumain tulad ng dati dahil na rin sa pagkakasakit ko pero sinusubukan ko naman ng maubos ang mga inihahanda sa akin sapagkat ayoko naman na maisip nila na binabalewala ko ang mga ginagawa nila para sa akin.
"Ma'am, nandyan na po si Enzo," sabi sa akin ng isang kasambahay namin nang lumapit ito. Inubos ko naman na ang laman ng mango juice bago ako tumayo at nagpasalamat dito.
I carefully wiped the corner of my lips before going out to see Enzo. I smiled when I saw him. He was wearing a light blue long sleeve polo. Nakatupi iyon hanggang sa may malapit sa siko ng lalaki. He's wearing a black pants and a black shoes. Hindi rin nawawala ang salamin sa mata ng lalaki.
"Hi," nakangiting bati ko sa kanya nang lumapit ako sa kanya. Enzo smiled at me and walked towards me. Hinalikan niya ang noo ko bago muling tumingin sa akin. "Are you sure you're good to go now?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. I feel better now and I think it's okay for me to go out.
He stared at me and I couldn't stop myself from blushing! Hindi ko rin alam kung bakit ang simpleng pagtitig na iyon ni Enzo ay sapat na upang pamulahan ako ng pisngi. Pakiramdam ko ay napaka init ng pisngi ko sa mga oras na iyon.
"Okay, but you will call me if you feel anything. Headache, nauseous, anything, okay?" sabi nito habang hawak ang mga kamay ko. Napangiti ako sa kanya at tumango.
"Yes, Dr. De Guzman," pang-aasar ko rito. Mukhang hindi naman naasar si Enzo dahil ngumiti ito ng tipid sa akin at hinalikan ang likod ng kamay ko. Natigilan ako habang napako ang mga mata ko sa kanya.
"I'm really concerned about you, you know? So, please, baby. Call me if anything happens, okay?" sabi niya sa akin bago ngumiting muli sa akin. He rarely smiles but I know that's a genuine one.
Lahat naman ng ginagawa ni Enzo para sa akin ay genuine. Alam ko na nakikita rin ng mga tao sa paligid ko kung paano mag-effort si Enzo para sa akin at hindi naman din ako bulag para hindi makita ang bagay na iyon.
Nasasanay na akong lalo na nasa tabi ko si Enzo. Nasasanay na ako na para bang kahit saan ako magpunta, dapat ay kasama ko siya. Hawak niya ang kamay ko dahil doon ko nararamdaman na secured at safe ako. Na walang makakapanakit sa akin.
He's very patient and sweet and I couldn't stop myself from thinking what if I say yes to him. Gaano ba ako nakakasiguro na hindi ko masasaktan si Enzo dahil ayokong mangyari ang bagay na iyon. Ayokong masaktan si Enzo kung sakali.
Ayoko siyang masaktan pero ayoko rin siyang mawala.
"Why?" tanong niya sa akin habang nagmamaneho. Napansin marahil nito na nakatitig ako sa kanya habang nagmamaneho ito. Napangiti ako ng tipid dito at sumandal ngunit hindi inalis ang tingin sa lalaki.
His side profile looks so good. Ang tangos ng ilong nito, ang ganda ng lips, pati ang panga. Maging ang Adam's apple ni Enzo ay attractive ring tignan.
"Seriously, Alyanna. Your stare is making me blush," sabi ni Enzo sa akin na kinunutan ako ng noo. Hindi ko naman napigilang matawa dahil sa sinabi nito. Parang kahit na kailan ay hindi ko pa narinig na nagsabi ng ganoon si Enzo, ngayon pa lang.
"Really? I have that effect on you?" hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin kay Enzo. Hindi naman ito nag-alinlangan at tumango sa akin.
"Yes. In case you missed it, I am in love with you, Alyanna Samantha."
Ako naman ang pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi ni Enzo. He's very vocal in saying what he feels towards me. Kahit nga na kasama namin sina Kol ay hindi nahihiya si Enzo na ipakita kung gaano niya ako kagusto.
He smirked when it silenced me. "I have that effect on you, too?" tanong ni Enzo sa akin. Inirapan ko naman siya at tumingin na sa labas.
Nakakapagtaka na hindi ko nararamdaman ang parang nagsisirko na kung ano sa sikmura ko kapag kasama ko si Enzo. Panatag ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya o kapag sinasabi nito na gusto niya ako.
Kumakabog ang dibdib ko pero ganoon lang... na sa tingin ko ay normal naman.
Nang makarating na kaming dalawa sa school ay lumabas na rin kaagad si Enzo matapos patayin ang makina upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kamay nito at inalalayan niya akong makababa.
I looked around and creased my forehead when I noticed the students heading out. Maging si Enzo ay napakunot ang noo habang nakatingin sa mga estudyante.
"Hey, what happened?" tanong nito sa isang estudyante na naglalakad. Inawat pa iyon ni Enzo. Mukha namang natulala ang babae nang nag-angat ng tingin kay Enzo.
"Ha? Uhm... Uh..."
I glared at the girl who's stammering while looking at Enzo.
"What?" Enzo asked again.
"Uhm, may fire sa 2nd floor ng building, they announced that we will have no class since they will conduct wiring check up to see if all the wires are safe," sagot naman nito na namumula habang nakatingin pa rin kay Enzo.
Hinawakan ko ang braso ni Enzo at tinignan ito. "What's wrong?" I asked him. Nilingon naman ako nito at umiling bago bumaling sa babaeng nasa harap at nagpasalamat.
He took his phone from his pocket and saw that he messaged Kol and Jahann to tell what happened. Nakasandal lang ako sa sasakyan nito habang naghihintay sa lalaki.
"Looks like your vacation is extended," he chuckled and opened the door of his car again. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "We're going home?" I asked him. Hindi naman sa ayaw kong umuwi pero gusto ko pa na makasama si Enzo...
"Yeah, you don't want to?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang pag-amin. "Uhm, I was in my room for a few days and I just got out. Ayoko pang umuwi..." sabi ko na lang sa kanya. Hindi ko alam kung naniniwala ba si Enzo sa sinabi ko pero tumango siya sa akin.
"Okay... so, where do you want to go?" tanong niya sa akin.
I smiled a little. "I want to spend the day with you," sagot ko sa kanya. "I want to see how your normal day goes," sabi ko rito. Nakita ko naman ang pagngiti ni Enzo dahil sa sinabi ko sa kanya. Tumango-tango ito sa akin at inalalayan akong makapasok sa loob ng sasakyan nito.
"Okay, let's spend the day with each other, then," sabi nito sa akin bago isinara ang pinto. Naglakad na rin ito para makasakay sa sasakyan nito at pinaandar na iyon. Hindi ko alam kung saan ba kadalasan na nagpupunta si Enzo kapag ganitong biglang nawawalan ng klase dahil madalas na magkakasama kami nila Cherinna sa mga ganitong pagkakataon.
"We're going to your house?" tanong ko sa kanya nang mapansin ang daan na tinatahak. Tumango naman siya sa akin at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Ang mga tanong sa isip ko ay inipon ko na lang hanggang sa makapasok na kami sa loob ng malaking gate at iparada ni Enzo ang sasakyan sa likod ng dalawang sasakyan na naroon.
He went out and walked towards my side and opened the door. He reached for my hand and like what he always does, he helped me get out of his car.
Hawak niya ang kamay ko nang pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay nito. Alam na alam ko naman na ang itsura ng bahay nila Enzo dahil maraming beses na akong nakarating doon, nakikitulog pa nga kami kung minsan.
Napansin ko na parang alangan si Enzo habang naroon kaming dalawa kaya naman hinila ko ang kamay niya at pinisil iyon. "What's wrong?" I asked him.
He looked at me and scratched his eyebrow. "I just think you'll get bored," he said and smiled sadly. "Usually, I'll just go to our library, look for a book to read, and–"
"Let's do that," sabi ko sa kanya. Natigilan ito habang nakatingin sa akin na para bang hindi nito narinig ang sinabi ko kaya naman natawa ako sa kanya.
"Let's do that. Come on," aya ko sa kanya bago tinahak ang daan papunta sa library ng bahay nito. Sumunod naman sa akin si Enzo at ito na rin ang nagbukas ng pinto.
"Wow..." napalibot ang tingin ko sa mga librong nakaayos sa shelves. I looked at Enzo and smiled. "Nabasa mo na lahat ng nandito?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito sa akin. Naglakad ito papunta sa isang shelf at may kinuha na libro roon, naupo na rin ito sa may couch kaya naupo na rin ako habang nakatingin sa lalaki.
I watched him while he's reading the book. Walang nagsasalita sa aming dalawa at nakasandal lang ako habang pinapanuod si Enzo na tahimik lang din na nagbabasa. Dinalahan kami kanina ng merienda na ako lang naman din ang nakaubos.
I looked at my watch and it has been almost two hours already. Nakita ko na matatapos na rin si Enzo sa binabasang libro.
"Enzo..." I called him. Nilingon naman ako kaagad ng lalaki. "Hmm?"
I cleared my throat and looked at him. "So, you're okay with this? I mean, you just sit here and read until the sun goes down and–"
"Today is different, though," he cut me off. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan ko lang siya na magpaliwanag sa sinabi nito. "Yes, I read books and it looks boring, I know that, Alyanna. But to be honest, with you here with me, I didn't get bored," he closed the book and looked at me.
"I told you, even though we're not talking, as long as you're with me, I am fine with that already. I'm happy," sabi ni Enzo bago inabot ang kamay ko at pinisil. "Sorry," mahinang sabi ni Enzo sa akin.
Kumunot ang noo ko bago hinawakan ang pisngi nito at pilit na pinatingin sa akin. "Why are you saying sorry?" I asked him and smiled a little. "Hindi naman ako nabobored," sabi ko sa kanya bago lumapit at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Enzo. "This is actually nice. I get to see what you do in your daily life and it's good."
"Really?" he asked me and I nodded my head.
"But you have to take a break, you know?" I smiled a little and looked at his eyes down to his lips. I bit my lip when I stared at his lips. Huminga ako ng malalim bago maliit na ngumiti.
"What's wrong?" tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako ng maliit sa kanya bago mas lumapit pa kay Enzo. Tinitigan naman ako ng lalaki.
"Nothing, I just want to do this," sabi ko bago tinawid ang distansya sa pagitan ng labi naming dalawa. Halatang nabigla si Enzo sa ginawa ko pero mabilis din iyong nawala dahil hinapit niya akong papalapit sa kanya hanggang sa mapaupo na ako sa kandungan niya.
He smiled against my lips and kissed me deeper.
I wrapped my arms around his neck and responded to his kisses.
Bahagyang lumayo si Enzo sa akin para magkaroon ng maliit na distansya ang mga labi namin. "Hmm..." reklamo ko nang tignan ko siya.
He chuckled sexily and hugged me tight. "I like your idea of break, we should do this more often," he said and claimed my lips again.
I smiled and pulled him closer.
Damn.
I think I know what my answer is now.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store