35
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Are you okay?" hinawakan ni Airi ang noo ko gamit ang likod ng palad nito at bumakas sa maamong mukha nito ang pag-aalala. "Ang init mo pa rin," sabi nito bago kinuha ang thermometer para tignan ang temperatura ko.
Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakaupo naman si Airi sa may gilid. Natignan na ako ng doctor kagabi nang magsabi ako kina Mommy na masama ang pakiramdam ko dahil nang dinama nito ang noo ko, inaapoy na ako ng lagnat.
Niresetahan naman ako ng gamot ng doctor na kaagad din na binili ni Jahann kagabi. Hindi naman ako iniwan ni Airi mula kagabi hanggang ngayon pero kailangan nitong umalis ngayon dahil na rin may kailangan itong asikasuhin na mga papeles nila ni Cherinna.
"I'll be fine," sabi ko sa kanya. Nakabalot ako ng kumot at tanging ulo ko lang ang nakikita nito. They turned off the air conditioned unit but I still feel so damn cold! Nilalamig ako pero mainit ang pakiramdam ko. Parang may buhangin din sa lalamunan ko kaya masakit ito sa tuwing uubo ako.
Airi looked at me and sighed a little. "I will ask Jahann to keep an eye on you and–" umiling ako sa kanya. Alam ko na sasamahan sila ni Jahann kaya naman inawat ko na lang ito. Alam ko na mahalaga rin ang dapat na lakarin ng mga ito.
Nilingon ni Airi ang kasambahay na naroon. "Fine, but they will keep an eye on you. Don't be stubborn, okay?" sabi nitong muli sa akin. Tumayo na rin ito at lumapit sa kasambahay namin. May hawak itong notepad at may kung anong sinusulat doon.
"Spongebath for 20 minutes, then I will just list down her medicines and the time she needs to take it and–"
"Hey."
I opened my eyes and saw Enzo on the door. Namimigat ang mga mata ko pero pinili kong tignan si Enzo.
"Thank God!" Airi said in relief. "Here, sinulat ko na lahat ng nireseta sa kanya na gamot. She's not allowed to go anywhere so make sure you'll stay with her, okay? Nandito naman sila para tulungan ka kung may kailangan ka," sabi ni Airi na tinutukoy ang kasambahay namin.
Enzo walked towards my side and touched my forehead. "She's still hot," sabi nito habang nakatingin sa akin.
"Yes," Airi nodded and looked at me. "We will be back as soon as possible. I already told mom and dad that you'll be here and they're fine with it. Susunduin din ni Daddy ang doctor ni Alyanna para matignan ulit siya mamaya," paliwanag nito sa lalaki. Enzo was looking at me while listening to Airi.
Tumango naman si Enzo bilang sagot dito. Sinabihan na lang din ni Airi ang kasambahay namin na dalhan na lang kami ng makakain mamaya. Agad naman tumalima ito at lumabas na ng kwarto ko. Naiwan na lang kaming tatlo sa loob.
"I'm fine..." sabi ko kay Enzo kahit na parang magaspang ang lalamunan ko sa tuwing nagsasalita ako. Isa pa ay namimigat din ang ulo ko at ang mga talukap ng mga mata ko kaya naman ipinipikit ko ang mga iyon at pinakikinggan na lang ang nangyayari sa loob ng kwarto ko.
"I'll go now, just call me if you need anything, okay?" boses ni Airi ang narinig ko. Sumagot naman si Enzo rito bago nagpaalam sa akin si Airi. Hindi na ako nagmulat ng mga mata, tumango na lang ako sa kanya hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.
I hugged my pillow tight as I closed my eyes.
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Enzo sa pisngi ko. "Hmm..."
"I'm here... I will take care of you," bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa may sentido ko. Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil nakaramdam na rin ako ng antok dahil sa mga gamot na ininom ko kanina lang.
Nang magmulat ako ng mga mata ay may kung anong malamig ang nasa may noo ko. Marahan kong dinama iyon at napansin kong bimpo iyon. I heaved a sigh and frowned a little. Sa aming tatlo noon, mas madalas na nagkakasakit si Cherinna kaya naman hindi ko maiwasan na mainis na may sakit ako ngayon.
Matapos ng school fair ay kinabukasan sumama ang pakiramdam ko hanggang sa tuluyan na nga akong nilagnat. I just told Enzo that I wasn't feeling well, hindi ko naman akalain na papupuntahin ito ni Airi sa bahay para alagaan ako.
"Alyanna, wag ka munang bumangon," sabi ni Enzo nang lumabas ito mula sa banyo ng kwarto ko. I looked at him and creased my forehead. "I need to pee..." sabi ko naman sa kanya kaya mabilis itong lumapit sa akin para alalayan ako na makatayo. "Here, I'll help you," sabi niya habang hawak ang bewang at isang kamay ko.
Nanghihina naman ang katawan ko kaya nakakapit ako ng mahigpit kay Enzo. Sinamahan niya ako hanggang sa loob ng banyo pero sinabihan ko na rin siya na kaya ko naman dahil hindi ko gustong hanggang sa pagbabawas ko ng tubig sa katawan ay samahan ako ni Enzo.
"Are you done?" he asked me after a few minutes.
I heaved a sigh and gathered my strength to get up. Mabilis kong tinapos ang kailangan na gawin at binuksan na rin ang pinto. Dinaluhan naman ako kaagad ni Enzo at binuhat na lang niya ako upang hindi na ako maglakad pa.
"What are you doing here...?" I asked him while he's walking towards the bed. He smiled a little and looked at me. "I'm taking care of you," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako ng maliit sa kanya at isinandal ang pisngi sa may dibdib niya.
Ibinaba niya ako sa may kama at inalalayan upang makaupo. Napansin ko ang pagkain na nasa may lamesa. Kinuha iyon ni Enzo at inilagay ang tray sa may kama ko, nilagay na rin niya ang pagkain doon. Nakasandal lang ako sa may puno ng kama ko habang pinagmamasdan ko si Enzo.
"You should eat," sabi niya sa akin bago inalis ang takip ng mangkok na naroon. "They made you a porridge," he smiled at looked at me. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Sumandok na ito roon at inihipan iyon bago isinubo sa akin. He was very patient while feeding me. Para bang hindi man lang ito nahihirapan sa ginagawa nito ngayon.
"Seriously, why are you here?" I asked him while still leaning on my headboard. Naligpit na ni Enzo ang pinagkainan ko kaya naman malamang ay aakyat na ang isang kasambahay namin para kunin iyon. Inabot niya sa akin ang mga gamot ko at inalalayan akong inumin iyon.
"Because I want to be here," sagot ni Enzo sa akin. I looked at him and didn't say anything. Pinagmamasdan ko lang siya. Naupo siya sa gilid ng kama ko at inayos ang suot na salamin bago tumingin sa akin at ngumiti ng maliit.
"When you told me you're not feeling well, I told my parents I will visit you, and I did. Last night. You're already asleep so I didn't wake you up. Your dad told me to go home so I could rest and I asked him if I can stay here with you today to look after you and he said yes," he shrugged and fixed my blanket.
"You were here last night?" I asked him again and he nodded his head. He smiled and kissed my hand. "I was worried, you know?" he said softly and caressed my hand. "You should go back to sleep so you'll feel better later," sabi niya sa akin bago ako inalalayan na mahiga. Humikab naman akong muli kaya hindi na rin ako nakipagtalo pa sa kanya at nahiga na lang sa kama ko.
He was about to get up when I stopped him. Hawak ko ang kamay niya kaya pinisil ko iyon. "Don't go..." I told him while looking at him. Pinagmasdan naman ako ni Enzo at ngumiti sa akin. Tumango rin siya bago naupong muli sa kama ko.
Umusod ako para magkaroon siya ng espasyo sa tabi ko. Mukhang naintindihan naman iyon ni Enzo kaya nahiga siya sa tabi ko, agad ko naman siyang niyakap at ipinatong ang ulo ko sa may dibdib niya habang nakayakap sa kanya.
"Mainit ka pa rin," kumento nito habang yakap ako. Hindi naman ako umimik, sa halip ay ipinikit ko na lang ang mga mata habang nararamdaman ko ang paghaplos ni Enzo sa buhok ko.
"Tell me more about you..." halos pabulong na sabi ko habang nakayakap kay Enzo. "I want to know more about you..." dagdag ko pa. Mula pagkabata naman talaga ay kilala ko na si Enzo pero alam kong marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya.
Maybe because most of the time, I talk about myself. I talk about what I want but I never really asked him what he wants, what he likes...
"Hmm...? What do you want to know?" tanong ni Enzo sa akin. Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isang kamay naman niya ay hinahaplos ang buhok ko.
"Anything about you..." sagot ko rito. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang nakikipag-usap sa kanya.
"You know that I love reading books, I am Lean's twin brother and–ouch!" he chuckled and looked at me. "Why?" he asked me while chuckling.
I looked at him and frowned. Binitawan ko rin ang kamay niyang kinurot ko. "I know those things, I want to know the things no one knows..." I told him. He smiled at me and kissed my head.
"I once dreamed about being a doctor," sabi ni Enzo sa akin. Umayos akong muli ng higa at hinawakan ang kamay ni Enzo. "I just thought maybe I'll be a good doctor someday," he added. "Growing up, I saw my dad building businesses, he's opening my eyes to the corporate world, so my dream died. I'm not blaming anyone, though. It was not my dad's fault, too. It was all mine. I never told him what I wanted. He asked me and I said I want to help him manage the business."
"But do you still want to be a doctor?" I asked him.
"I'm fine now, I'm doing good and soon, I will work at our company," sabi ni Enzo sa akin. Hindi ko nakikita ang mukha niya kaya naman hindi ko alam kung ano ang ekspresyon ng mukha nito.
"Doctor De Guzman," I smiled a little.
He chuckled softly and hugged me tight. "Silly."
"Can you tell me again how you fell in love with me?" I asked him while playing with his hand. I smiled a little. I could feel Enzo's heartbeat.
"I already told you, I have no idea how it started," sabi niya sa akin. "I had a crush on you before, but I know you're off limits. You're Jahann's sister," patuloy ni Enzo.
"Hmm...?"
"Years go by, the feelings haven't left. I watched you reject your suitors and I celebrated silently because it means you don't want anyone else..." he confessed. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Enzo. Hindi naman kasi niya ako kinakausap noon kaya hindi ko alam ang mga ganoong bagay.
"Really? Yet you never told Jahann about it?" tanong kong muli sa kanya. Unti-unti ng namimigat ang mga mata ko kaya naman hindi ko na lang na muling idinilat ang mga ito.
"I thought I could keep it, I thought it would be gone," he softly said. I tried to stay awake while he's talking but I couldn't stop myself from falling asleep. Maganda ang boses ni Enzo kaya parang hinehele ako nito.
"As time went by, the simple crush turned into something stronger. I woke up one day thinking about you and how much I love you..." he added. "When I saw you with Leo, I felt scared..."
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Enzo dahil tuluyan na akong iginupo ng antok.
When I woke up again, it was almost 6 in the evening. Nakahiga lang si Enzo sa tabi ko habang may hawak na libro at nagbabasa. Nang mapansin nito na gising na ako ay agad na ibinaba niya ang librong hawak at hinawakan ang noo ko. He smiled a little and looked at me. "Bumaba na ang lagnat mo," sabi niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. Kahit papaano ay magaan ang pakiramdam ko pero masakit pa rin ang katawan ko at sa palagay ko ay hindi ko pa rin kayang maglalalakad o lumabas.
Sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Airi sa loob. Kasunod nito si Jahann at Cherinna.
"Oh..." natigilan ito sa paglalakad at bakas ang pinipigil na ngiti sa mukha nito.
Pinamulahan naman ako ng pisngi kaya maingat akong lumayo kay Enzo upang makatayo ito. Pumasok naman na silang tatlo sa loob ng kwarto ko, bakas sa mukha ni Airi at Cherinna ang mga ngiting mapang-asar habang si Jahann naman ay nakatingin kay Enzo.
"How is she?" tanong ni Airi kay Enzo bago lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko. "You're getting better na," she smiled again. Naupo naman din si Cherinna sa kama ko. "We bought some fruits for you. Iakyat ko mamaya," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya ng tipid.
"How are you feeling, brat?" tanong ni Jahann sa akin. Hindi pwedeng masyadong lumapit si Cherinna sa akin dahil na rin baka magkasakit si Nikolai.
"I'm fine," sagot ko naman sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Did he take care of you?" tanong niya bago tinignan si Enzo.
Enzo smirked at him and Jahann raised a brow on him.
"He did," sagot ko ulit sa kanya. I looked at Enzo and smiled at him. "He's really taking a good care of me..." sabi ko habang nakatitig pa rin kay Enzo. Iyon naman ang totoo. Hindi lang ngayong may sakit ako, kahit noon pa, inaalagaan na ako ni Enzo.
I was just too blind and too shallow to see those things.
"That's good," Jahann smiled at me and looked at Enzo. "You should have dinner with us. Creep and I will cook, you stay here and watch her," sabi nito sa kaibigan. Tumango naman si Enzo sa kanya.
Nagpaalam na ang dalawa na lalabas para makapagluto dahil ihahatid pa ni Jahann si Cherinna sa bahay nito, si Airi naman ay nagpaalam na rin sa akin na maglilinis ng katawan kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Enzo roon.
"Why are you there?" I asked him. He was sitting on the couch while looking at me. "Come here..." I called him. Hindi ko naman kailangan na magdalawang-salita dahil tumayo naman si Enzo at humakbang papalapit sa akin. Hustong nakalapit na ito nang bumukas namang muli ang pinto at pumasok si Theon, Lean at Keij.
"May sakit ka raw? Totoo ba?" sabi ni Keij na agad humiga sa tabi ko kaya hinila ko ang kumot dahil dinaganan nito. Hinawakan nito ang noo ko habang hawak nito ang sariling noo. "Medyo mainit ka lang pero mabubuhay ka pa naman," sabi nito sa akin.
I looked at him and made a face.
"Airi told us you're sick, so we went here and we bought you fruits and some juices that can help you get better soon!" sabi ni Lean habang nakahawak ito sa braso ni Theon. She looked at Enzo and smiled. "I brought you some clothes so you can change," inabot ni Theon ang bag na dala kay Enzo.
"Thanks," he said and looked at me.
"Kol is with Jahann and Cherinna. He said he'll just go here later to check on you," sabi pa ni Lean sa akin tumango naman ako sa kanya.
"Thanks, guys. I don't know why you're all here, but I'm happy..." sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin bago nagpaalam na bababa na muna para tignan kung ano ang lulutuin ni Cherinna dahil doon na rin daw sila maghahapunan.
Naiwan na muli kaming dalawa ni Enzo sa loob ng kwarto ko. He was looking at the door so I called his name to get his attention.
"What's wrong?" I asked him.
He looked at me and to the door again. "I promised your dad I won't lock your door so they can get in here to check on you... on us..." he said and shrugged. He walked towards me and sat on my bed again. "I don't want to lose his trust," he added and helped me sit.
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Enzo. He's so pure and he's so good. I smiled a little.
"I want to kiss you but I am afraid you'll just get sick, too..." I smiled and heaved a sigh. Hindi naman ako nakarinig ng kahit na ano kay Enzo kaya hinila ko na lang ang kumot para takpan ang legs ko nang hawakan ni Enzo ang kamay ko.
I looked at him and he was staring at me.
"Let's be sick together, then?" he said and claimed my lips. I wrapped my arms around his neck and he smiled against my lips.
I don't want to lose you, Enzo... I want to be with you, too.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store