34
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
Maingay na kaagad sa school nang lumabas ako sa sasakyan ni Enzo, kahit nga noong nasa loob ako ng sasakyan nito ay naririnig ko na ang malakas na sounds dahil sa event na nangyayari. Sinundo niya ako sa bahay at hindi naman na sumabay sa amin si Airi. Sabi nito sa akin ay ayaw nitong nakakaistorbo sa aming dalawa ni Enzo kaya sumasabay na lang ito kay Jahann. Kapag hindi naman pwede si Jahann ay sinusundo ito ni Dean na noong isang araw ko lang nalaman na sinagot na pala ni Airi.
Wala namang kaso sa amin iyon at nagpaalam din si Dean kay Mommy, kay Daddy, kay Jahann, sa akin at kay Cherinna. He said he's serious about Airi and we really have nothing against Dean. Bata pa lang naman din ay kilala na namin siya, isa iyon sa sinasabi ni Airi sa akin. Kung kay Dean nga raw ay okay naman kami dahil kilala naman namin mula bata pa, mas dapat na sagutin ko na raw si Enzo dahil magkababata kaming dalawa.
Hindi man lang talaga niya itinatago na boto siya kay Enzo para sa akin.
I looked around and smiled a little. I could hear those girls walking and talking and laughing while others were teasing each other. Nasa labas ang mga estudyante ngayon dahil walang klase dahil may school fair ngayon. May mga naka set-up na mga booths na kung ano-ano. May mga pagkain, bilihan ng kung ano-ano na gawa ng mga students at iba pa.
"Let's go?" hinawakan ni Enzo ang likod ng siko ko at tumango na sa kanya. Kanina pa naroon sina Keij kaya naman sila ang hahanapin namin ngayon. Kasama ni Keij si Theon at Lean at kanina pa ito tumatawag sa akin at nangungulit para naman may kasama naman siya. Nagrereklamo ito na nagmumukha itong third wheel ng dalawang kasama.
"Hi, Enzo!" bati ng mga babae na nakaupo sa kasama ko. Enzo just looked at them and nodded his head. Halata namang kinilig ang mga babaeng bumati kay Enzo dahil sa pagtango ng lalaki sa kanila. Hindi naman ako binitawan ni Enzo, sa halip ay nagpatuloy lang kaming dalawa sa paglalakad.
"You know them?" I asked him and he shook his head. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya habang naglalakad pa rin kaming dalawa. "You don't know them but you nod your head and smile at them?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"It's not polite to just ignore them," he shrugged and looked at me. "I didn't smile, though. I just nodded my head," he added. Napasimangot naman ako sa sinabi niya pero nginitian niya lang ako. "Let's go, they're at the cafeteria," aya nito sa akin bago ako inakay para makasama na namin ang mga pinsan at kapatid niya.
Wala naman na akong sinabi at sumama na lang na kay Enzo sa paglakakad. Hindi nakaligtas sa akin na marami ang tumitingin kay Enzo, lalo na ang mga babae. I know for a fact that a lot of girls like my cousins, Jahann and Enzo. Hindi ko lang alam na marami pala sila na gusto rin si Enzo. Halatang-halata sa mga babaeng iyon na kinikilig sila habang nakatingin kay Enzo. Ang alam ko naman kasi ay kay Keij at kay Theon maraming nagkakagusto dahil part silang dalawa ng varsity.
I just shook my head and rolled my eyes.
Naabutan namin sina Theon na naroon nga, kasama na rin nito sina Jahann, Cherinna, Airi at Kol. Mukhang nauna pa sila sa amin na makarating. Dumaan din naman kasi kami ni Enzo sa isang convenience store kanina nang magsabi ako na parang may gusto akong bilhin doon.
"Napaka tagal," sabi ni Keij na nakasimangot habang nakatingin sa amin. Tinaasan ko naman siya ng kilay bago naupo. "Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Naupo naman si Enzo sa tabi ni Jahann.
"Itong mag-baby na 'to, maglalandian na lang gusto pa may audience, e," sabi nito bago tinignan si Theon at Lean.
"Hey, we told you you can look around, you said you'll just wait for them," inirapan naman ni Lean ang pinsan bago nilingon si Enzo. "What took you so long?" she asked him. Nagkibit-balikat lang si Enzo sa kakambal nito.
"Hi, Keij!" bati ng isang babae na dumaan sa harap namin. Ngumiti pa ito kay Keij na binati naman din ng lalaki.
"Napaka benta niyo sa mga babae rito, no?" sabi ni Airi na katabi si Cherinna. Napangiti ang babae bago lumingon kay Jahann. "Yeah, marami talagang may gusto sa kanila rito," sabi nito bago napailing.
Jahann smirked and shook his head.
"Anyway, let's look around?" aya ni Lean na nauna ng tumayo. Sumunod naman si Theon na hinawakan ang kamay nito. Tumango na lang din ako at sumunod na rin kaya naman sabay-sabay na rin kaming lumabas sa cafeteria para maglibot.
Hawak ni Theon ang kamay ni Lean, nakahawak naman si Jahann kay Cherinna, nakasuot ito ng puting t-shirt habang nakasabit sa leeg ang camera. Airi's with Dean since she invited him and an outsider can come in, too. Gaya ni Jahann ay nakasabit din sa leeg nito ang dalang camera. Keij is holding Kol's arm while Enzo is holding mine.
Magkakasama kaming naglalakad kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na marami ang tumitingin sa amin. Hindi ko pa napigilang matawa nang may humawak kay Keij para sabihin na kailangan nitong sumama sa blind date booth na sinet-up ng mga freshmen. Hindi ito sumama sa mga babaeng humihila sa mga ito.
"You allowed all of those booths?" tanong ni Cherinna kay Enzo. He shrugged and looked at her. "We don't have reasons to decline," he replied. Napangiti na lang si Cherinna rito.
Kumakain kami sa mga food stalls na nadadaanan namin dahil mukha namang masasarap ang mga iyon. May mga nagpapapicture rin sa mga kasama namin na lalaki habang kumakain at hindi naman makatanggi ang mga iyon dahil na rin school fair naman.
"Hi, Enzo! Pwedeng magpapicture?" tanong ng isang babae. May kasama pa itong dalawang babae sa likod nito na namumula ang mga pisngi habang nakatingin kay Enzo.
"Uh, sure..." pagsang-ayon ni Enzo habang nakatingin sa akin. Napangiti naman ako sa kanya.
"Miss, pwede mo kaming kunan ng picture?" kalabit sa akin ng isang babae. Napatingin ako sa kanya. "What...?" I asked her.
I saw Enzo smiled a little and looked at me.
I cleared my throat and tried to smile. "Sure," sabi ko na lang bago kinuha ang cellphone ng babae at kuhanan silang apat ng litrato.
"Oh my gosh! Thank you!" sabi ng mga ito kay Enzo na tumango lang bago lumapit sa akin. Hinawakan ang noo ko at marahang hinaplos. "You're frowning," he said and smiled a little. Inilapit nito ang mukha sa akin at hinalikan ako sa noo.
I looked at him and he smiled at me.
"Kayo na ba?" tanong ni Theon sa amin ni Enzo nang magdesisyon kami na maupo na muna habang si Kol, Jahann at Dean ang magkakasamang bumibili ng pagkain namin.
Lahat naman sila ay tumingin sa aming dalawa ni Enzo. Agad na pinamulahan ako ng mga pisngi sa paraan ng pagtitig nila sa aming dalawa.
"Hindi ka pa natatauhan?" tanong naman ni Keij kay Enzo na kinunutan nito ng noo. "O tinaasan ni Alyanna ang offer?" dagdag na sabi nito na halatang nang-aasar lang.
"Kayong dalawa, nang-aasar na naman kayo," saway ni Cherinna sa mga ito. Malakas namang tumawa si Keij at inakbayan si Enzo. "Ako, concern lang ako sa'yo, ah? Sigurado ka bang gusto mo si Alyanna. Kalabitin mo ako kung napipilitan ka lang," sabi pa nito. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong batukan si Keij.
"Ikaw, ang kapal ng mukha mo, ha. Is it so impossible for Enzo to like me?" sabi ko kay Keij na hawak ang likod ng ulo.
Napangiti naman si Cherinna na nasa harap ko. Patuloy naman ang pang-aasar nila Keij at Theon sa akin kaya pareho silang iniirapan ko na lang. Ako lang naman ang innasar ni Theon dahil sabi nito ay baka magalit si Enzo sa kanya at hadlangan silang dalawa ni Lean kahit na silang dalawa naman na.
"You know what, I think we'll enjoy more if we just chose to go to Sweet Desire," sabi ni Lean habang nakatingin sa mga estudyante na naglalakad.
"Why?" tanong ni Theon sa kasintahan.
She shrugged and looked at us. "We're just here, we're not joining any fun booths or something and we–" natigilan ito nang may kumalabit kay Theon para magpapicture na naman. Napailing na lang ito bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Airi is whispering something to Cherinna. Kumunot ang noo nito na parang nagtataka sa kung anuman ang sinabi ni Airi rito. "Are you sure?" Cherinna asked her, Airi nodded while smiling.
"Okay," sabi ni Cherinna sa babae. Napatingin ito sa akin at ngumiti. "What was that?" I asked her and she shook her head. "Nothing," sabi nito bago kinalabit si Jahann.
"Are you done eating?" tanong ni Enzo sa akin. Hawak pa rin nito ang kamay ko kahit na nakaupo kaming dalawa. Tumango naman ako sa kanya. Si Airi ay nagsisimulang linisin na ang lamesang pinagkainan namin.
May mga sinasabi si Keij na puntahan namin at wala naman na kaming balak na makipagtalo pa kaya sumusunod na lang kami sa kanya.
"We'll just go somewhere, I will message you," paalam ni Airi sa akin bago nagpaalam na rin sa iba at naglakad papalayo kasama si Dean. Hinayaan ko na lang din siya upang makapag-enjoy ito at si Dean.
Lean and Theon went somewhere else, too. Si Keij ay naghanap ng mabibilihan ng soft drinks habang si Kol ay nagpaalam naman din sa amin na pupunta sa sasakyan nito.
"Wag mo na lang masyadong pansinin sila Keij," sabi ni Cherinna sa akin. "I am sure that they're just teasing you. Gusto nila si Enzo para sa iyo," dagdag niya pa. Nauuna kaming maglakad na dalawa kaysa sa mga kasama naming nasa likod.
"Ikaw rin ba?" tanong ko sa kanya. Si Airi, alam na alam kong gusto si Enzo para sa akin. I never got the chance to ask Cherinna about it.
"Yes, but you should not think about what I and Airi want or like. Kasi, Alyanna... kung sasagutin mo si Enzo, ikaw ang makakasama niya. Ikaw ang magsasabi ng oo sa kanya," sabi niya bago pinisil ang kamay ko. "Take your time. Alam ko na hihintayin ka ni Enzo," ngumiti siya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago tumango. Hindi naman ako pinipilit ni Enzo na umoo na sa kanya o ano. Hindi niya ako pinupwersa, hinahayaan niya akong mag-isip kung ano ba ang gusto ko. Inaalagaan niya ako, hindi niya ako pinababayaan, iyon ang ginagawa nito.
Hatid-sundo niya ako sa bahay at kahit naman hindi diretsong sinabi ni Daddy, alam ko na gusto nito si Enzo. He's Jahann's friend, after all. Kilala nito ang lalaki.
"Come on!" aya ni Cherinna bago ako hinila. Napalingon naman ako sa kasunod naming mga lalaki pero ganoon na lang ang kunot ng noo ko nang hindi ko makita si Enzo roon.
"Where are they?" I asked Cherinna. Hindi ako nito sinagot, sa halip ay hinila ako nito papunta sa may isang booth. Nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa gilid ng booth na iyon.
"What are we doing here?" I looked at the booth and I frowned. "Don't tell me you want to marry Jahann here?" I teased her. Alam ko na nagpropose na si Jahann dito at hindi pa sila pinapayagan na dalawa na magpakasal hangga't hindi nakaka graduate. Iyon ang kondisyon na sinabi ni Tito Hugh kay Jahann na sinang-ayunan naman ng mga magulang namin.
She rolled her eyes on me. Nagtingin ito sa mga wedding gowns na naroon. Well, it was actually just some regular white gowns. Mukhang freshmen din ang nag-asikaso ng booth na iyon. May bayad para magpakasal doon at ang nakakatawa, nang makita ko ang listahan ng mga gustong magpakasal ay puro pangalan ni Keij ang nakita ko.
No wonder why Keij is hiding now. Baka naisip nito na kapag magkakasama kami, mas madali siyang makikita ng mga naroon.
"Which one do you want?" tanong ni Cherinna sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngumisi naman siya sa akin. "Ito na lang," sabi nito bago ibinigay sa akin ang white gown.
"What? Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Just trust me!" natatawang sabi nito bago ako napairap at ipinatong na lang sa damit ko ang gown na ibinigay niya sa akin. May isinuot pa ito sa ulo ko bago ako pinapasok sa isang maliit na booth.
"What the..." I saw Enzo on the side and Jahann was behind him. Nilingon ko si Cherinna na natatawa rin sa likod. "You're crazy!" I told her and she just shrugged.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil parang may altar roon at may nakabihis pa na nagsisilbing pari sa gilid namin ni Enzo.
Inabot sa akin ang isang bouquet para mas maging kumpleto ang ayos sa kasal na iyon.
"You agreed to this?" tanong ko kay Enzo na sinagot lang ako ng kibit-balikat.
"Do you, Alyanna Anderson, take Enzo De Guzman as your lawfully wedded husband in sickness and in health..." I was just staring at Enzo who's smiling a little while he's holding my hand. Nakita ko na katabi na rin ni Cherinna si Airi na nagsign pa ng thumbs up sa akin kanina.
Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito.
I looked back at Enzo and stared at his face. Alam ko naman na marami talaga ang kukuwestiyon sa aming dalawa. Marami ang magtataka, magugulat dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaiba naming dalawa ni Enzo at kahit na ako man ay napapaisip kung bakit...
Pero sa kabilang dako ng mga tanong na bakit at paano, naroon ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko naman na nangyari.
I know that Enzo deserves the best...
I smiled at him and said, "I do."
Ganoon din ang sinagot ni Enzo nang siya ang tanungin kaya naman malakas na pumapalakpak si Cherinna at Airi na halatang kinikilig sa kasal-kasalan na pakana ng dalawang ito.
May singsing na ibinigay sa amin at isinuot namin iyon ni Enzo sa isa't isa.
"You may now kiss the bride," sabi ng lalaki sa amin na tinaasan ko ng kilay kaya napaatraas.
"Kiss! Sa lips!" sigaw ni Airi kaya nilingon ko ito. Nakangiti naman ito sa akin. May mga naroon din na pinapanuod kami habang si Dean ay kinukuhanan kami ng litrato ni Enzo. Napailing na lang ako sa kanila.
Muli akong bumaling kay Enzo at ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Hinila niya rin ako para yakapin ng mahigpit. Isinandal ko ang pisngi sa dibdib niya at gumanti ng yakap sa kanya.
"Mrs. De Guzman ka na!" pang-aasar sa akin ni Airi habang naglakakad kami upang kitain naman na sina Keij at Theon.
"Mga siraulo kayo," sabi ko sa kanilang dalawa ni Cherinna. Natatawa naman ang mga ito bago naunang maglakad kaysa sa amin ni Enzo. Kanina niya pa hawak ang kamay ko at kahit na marami ang tumitingin sa aming dalawa, parang wala lang iyon ay Enzo at hindi niya alintana kung pinagmamasdan ng mga ito ang mga kamay naming dalawa.
"Alyanna..." tawag niya sa akin nang huminto siya sa paglalakad. Nilingon ko naman siya at tinignan. "Hmm? Why?" I asked him.
He stared at me and looked at my hand. He touched the ring we got from the booth earlier. He smiled a little.
"What is it?" I asked him again.
Nag-angat ng tingin si Enzo sa akin at ngumiti habang hawak ang kamay ko. "I just want to say something," sabi niya sa akin. Tumango naman ako bago nilingon ang mga kasama namin na malayo na sa amin. I guess, we'll just catch up to them.
"What is it?" I asked him again.
"I just want you to know that you should stop thinking why I love you, how I developed feelings for you, because honestly, I am also clueless about that. I fell in love with you because that's what I feel... you think you're not good enough for me, but honestly, you're all that I want. You're all that I need..." he breathed heavily and smiled at me. "I liked that wedding. I am hoping that someday, we can make a true one," he smiled and lowered his head and kissed my forehead.
"A man can dream, right?" he whispered and hugged me tight.
"Enzo..." I looked at him and I saw him smiling at me.
"God, you have no idea how happy you made me feel with that I do of yours," puno ng emosyon na sabi nito habang yakap pa rin ako.
"I love you, Alyanna..." bulong nito sa akin.
I closed my eyes and hugged him tight. I could feel my own heart beating erratically.
I smiled as I hugged him tight.
Ako rin, masaya sa I do niya.
Masaya ako na ako ang gusto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store