33
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
Kumakain kami ng almusal ni Airi nang lumapit sa akin ang kasambahay namin para sabihin na nasa labas na si Enzo at naghihintay. Naramdaman ko ang pagsiko ni Airi sa akin kaya naman nilingon ko siya bago inirapan.
“Tell him to come inside,” sabi ko na lang sa kasambahay namin bago tinapos ang pagkain. Inabot ko na lang ang mango juice na naroon bago muling sumulyap kay Airi. “You’re not yet done?”
“I’m good here,” she smiled at me again. “Enzo is here, you should go now,” sabi nitong muli pero bakas na bakas sa mukha ni Airi na nang-aasar ito. Napailing na lang ako sa kanya.
What happened to the dinner was actually surprising. Sinabi ko rin naman kay Airi ang bagay na iyon dahil hindi ko naman aakalain na magiging okay lang sa mga magulang namin ang plano ni Enzo. It was okay with Jahann, too! And it also looks like he likes Enzo for me!
“Not because I am telling you things, you can use those to torture me, okay?” sinimangutan ko naman si Airi. She laughed again and looked at me. “I am not doing anything, though?” ani Airi sa akin. Lumingon ito sa may pinto ng dining room namin kaya napatingin din ako roon.
Nakita ko si Enzo na nakatayo roon. He was wearing his white polo shirt and partnered it with his black pants. He’s also wearing a white sneakers. Hindi rin nawala ang salamin na suot ni Enzo.
“Hey, good morning,” bati niya sa amin ni Airi.
Airi waved her hand to him. “Good morning, Enzo,” sabi nito sa lalaki.
He smiled a little at her before looking at me. “Are you ready?” he asked me. I nodded my head and looked at Airi. “Are you sure you’re not going with us? Baka malate ka,” sabi ko rito pero nagkibit-balikat lang si Airi sa akin.
“Airi Francesca,” tawag ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin.
“I’ll go with Jahann and Cherinna. They will pick me up,” sabi nito sa akin. Pinaliit ko ang mga mata para suriin si Airi pero inirapan lang ako nito. “Enzo, isama mo na nga si Alyanna!” sabi nito bago ako itinulak.
“What the…”
She smiled sweetly at me and looked at Enzo. “See you later!”
Muli ko siyang tinignan bago inirapan. Naglakad na kami palabas ni Enzo kaya kinuha ko na rin ang bag ko na inilagay ko sa may sala kanina.
“Are you okay?” Enzo asked me. Hinawakan niya ang likod ng siko ko habang naglalakad kaming dalawa palabas sa bahay namin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
He messaged me last night that he will pick me up so we can go to school together. Hindi naman na ako nagreklamo dahil alam ko naman na kung gusto ni Enzo, pupunta pa rin ito kahit na pigilan ko.
Wala rin namang kaso sa mga magulang ko dahil mas gusto pa nga nila ang ginawa ni Enzo na nagpaalam ito sa kanila. Kahit naman siguro sinong magulang, mas gugustuhin na makilala ang taong makakasama ng anak nila habambuhay kung sakali.
Inalalayan na ako ni Enzo na makapasok sa loob ng sasakyan nito bago ito nagtungo sa kabilang side para sumakay na rin. Isinuot ko na rin ang seatbelt ko nang makapasok na siya.
“Kumain ka na ba?” tanong ko kay Enzo. Tumingin siya sa akin at tumango. “I ate before I left,” he simply said. Tinanguan ko naman siya at sumandal na rin nang paandarin na nito ang sasakyan.
“Have you talked to Lean?” tanong ni Enzo sa akin maya-maya. Kumunot ang noo ko bago nilingon ang lalaki. Umiling ako sa kanya dahil hindi ko pa naman talaga nakakausap si Lean tungkol sa nangyayari ngayon. Not that I am planning not to talk to her about it, it’s just I don’t know where to start?
Besides, she knows what I felt for Leo. I don’t think she will approve of whatever it is that is happening between me and Enzo.
“Why? Is she mad at me?” tanong ko kay Enzo. Hindi ko mapigilang mag-alala kung ganoon nga ang nangyayari. Iilan lang naman silang ka-close ko kaya naman kung galit sa akin si Lean ay siguradong malulungkot ako.
“I don’t think so. She’s just surprised because I never told her about what I feel towards you,” sagot ni Enzo bago bumaling sa akin at hinawakan ang kamay ko habang nagmamaneho ito.
I got the chance again to stare at him. Kung minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala na gusto ako ni Enzo. Kung minsan ay pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat at magigising ako na masungit pa rin si Enzo, na hindi pa rin ako pinapansin ni Enzo.
“You’re staring, baby,” he squeezed my hand and a small smile appeared on his face. I rolled my eyes and looked outside again. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko habang magmaneho kaya naman hanggang sa makapag-park ito ng sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Kol ay magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa.
I saw our cousins and Lean on the bench, waiting for us most probably.
Nauna na si Enzo na bumaba at tinungo ang pwesto ko upang pagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niyang muli ang kamay ko bago bumaba. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Keij dahil sa nakita.
Bitbit ang gamit ko ay lumapit na rin kaming dalawa ni Enzo sa kanila. Nakaupo si Lean sa tabi ni Theon at Kol habang si Keij ay nakatayo sa gilid.
“Bakit magkasabay kayo?” tanong ni Keij sa aming dalawa ni Enzo.
“Bawal ba?” tanong naman ni Enzo rito. Sumimangot si Keij bago tumingin sa akin. “Anong meron?” pangungulit nito.
“Enzo is courting Alyanna,” sabi ni Lean sa lalaki. Halatang nagulat si Keij sa sinabi nito dahil natigilan ito bago tumingin sa amin ni Enzo. Naglilipat-lipat ang tingin nito sa amin.
“Tangina, hindi nga?” kunot pa rin ang noo nitong tanong sa amin.
I rolled my eyes on him. Tumayo naman si Kol para paupuin ako.
“Nililigawan mo si Alyanna?” bumaling naman si Keij kay Enzo. Enzo looked at him and raised a brow. “Why, what’s wrong with that?” he asked her.
Napalingon naman ako kay Keij nang bigla itong tumawa. Sumiksik pa ito ng upo sa tabi ko bago ako inakbayan at tinignan. “Magkano binayad mo kay Enzo?” pang-aasar niya sa akin.
I glared at him and nudged him on his stomach. “Gago mo talaga, no?” sabi ko sa kanya at pilit na inaalis ang kamay sa balikat ko.
He was faking a hurt and laughing at the same time. “I was just asking,” he said while laughing. “It’s another Dela Cruz and De Guzman,” he said before looking at Theon. “Pagkakataon mo na sapakin si Enzo, pare,” sabi nito kaya naman tinignan din ito ng masama ni Lean.
Theon chuckled and looked at Enzo.
“Tito Kerko allowed Enzo to court Lean, though,” sabi naman ni Kol. Napailing na lang ako dahil kahit yata hindi ko naman sabihin sa kanila, malalaman at malalaman nila kung ano ang nangyayari sa amin.
“I’m late for class,” paalam ko sa kanila bago tumayo. “See you guys later,” sabi ko bago naglakad papalayo. Sumunod naman si Enzo sa akin at hinawakang muli ang likod ng siko ko.
“Sorry about that,” sabi nito sa akin. I looked at him and raised a brow. “Why are you saying sorry?” I asked him. He shrugged and looked at me. “It’s making you uncomfortable.”
I stopped on my track and faced him. “It’s not making me feel uncomfortable, Enzo. Hindi lang siguro pa ako sanay na sinasabing nanliligaw ka sa akin kasi parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari,” pag-amin ko sa kanya. Nakatingin si Enzo sa akin na para bang hinihintay ang sunod kong sasabihin.
I bit my lip and sighed a little. “I’m gonna go, I’ll see you later,” sabi ko na lang sa kanya bago naglakad papunta sa building namin para pumasok.
Nang matapos na ang klase ko ay agad ko na ring inayos ang mga gamit ko para makalabas na rin. Napansin ko ang pagkukumpulan na naman ng mga kaklase ko habang nakatingin sa labas kaya napailing na lang ako.
Bitbit ang bag ko ay lumabas na ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Enzo na nasa labas, hinihintay ako.
Agad siyang ngumiti ng tipid sa akin bago ito naglakad papalapit sa akin.
“What are you doing here?” I asked him. Kinuha nito ang bag na dala ko at hinawakan na muli ang likod ng siko ko bago kami naglakad.
Nararamdaman ko ang pagtitig ng mga kaklase ko sa aming dalawa ni Enzo. They even called his name but he didn’t turn his head to look at them.
“Bakit mo ako sinundo?” tanong ko sa kanya.
Enzo looked at me and smiled. “Bawal?” tanong niya sa akin. Inirapan ko naman siya at napailing na lang. Sabay na kaming nagpunta sa canteen para kumain dahil sabi nito ay naroon na ang mga kasama namin.
Nakakapanibago ang nangyayari pero hindi ko rin maitanggi na may parte sa akin na natutuwa sa nangyayari. Nakakataba ng puso ang mga ginagawa ni Enzo para sa akin.
Pinaupo na niya ako sa tabi ni Airi na nakangiti naman sa akin. Halatang-halata na mang-aasar na naman ito.
“What do you want to eat?” tanong ni Enzo.
“Libre mo?” tanong ni Keij sa kanya.
“Just tell me what you want to eat,” masungit na sagot nito sa lalaki.
“Be nice to me, Enzo. Alyanna is my cousin,” tila nang-aasar din na sabi nito sa lalaki. Napailing na lang ako rito.
Sinamahan ni Kol si Enzo na bumili ng pagkain namin. Tinawag din ng mga ito si Keij para sumama na magbuhat ng pagkain. Papunta pa lang daw si Theon at si Jahann.
Ako, si Cherinna, si Airi at si Lean lang ang naiwan sa lamesa. Mukha namang naisip ni Cherinna na kailangan naming mag-usap ni Lean kaya inaya nito si Airi na magpunta sa banyo.
Nang kami na lang dalawa ni Lean ay ako na rin ang naglakas ng loob na kausapin ito.
“Lean…” I called her name. Nagtaas naman ito ng tingin at tumingin sa akin. “Hmm?”
I cleared my throat and looked at her. Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob bago nagsimulang magsalita. “Uhm… are you mad at me…?” alanganing tanong ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. “What? Why would I be mad at you?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“Well… Enzo is courting me and–”
“I’m not mad, Alyanna. I was just surprised, but Enzo talked to me already. He told me he really likes you and he said sorry for not telling me that,” she shrugged and smiled at me.
“You’re not mad at me?” I asked her again.
She chuckled and shook her head. “Nagulat lang ako kasi ang alam ko, gusto mo si Leo. I don’t want my brother to get hurt Alyanna. Don’t get me wrong, I love you and I love Enzo, too. Ayoko lang talagang masaktan si Enzo kung sakali na hindi mo siya sasagutin,” diretsong sabi nito sa akin.
Natahimik naman ako sa sinabi niya.
“I hope if ever you will say yes to Enzo, it’s clear for you that you don’t have any feelings towards my cousin. I know what happened in Blue’s Haven and I know that Leo is really an ass… I am really hoping that before you say yes to my brother, you really have feelings for him, Alyanna.”
I looked down and nodded my head. Alam ko naman ang bagay na iyon kaya naman din hindi ko pa sinasagot si Enzo. Ayoko rin na sagutin siya para lang masaktan siya kung sakali na hindi ko pa rin naaayos ang sarili ko.
Enzo deserves better.
“Don’t worry, I am not mad at you, okay?” She smiled at me and reached for my hand. Tinignan ko si Lean at tumango sa kanya ng marahan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga kasama namin. Tumabi sa akin si Enzo at ito na rin ang naglagay ng plato ko sa harap ko.
“What did Tito Blue say after knowing you’re the possible 3rd Dela Cruz and De Guzman couple?” tanong ni Theon sa amin ni Enzo. Tinignan ko naman siya ng masama. “I mean, you saw what happened to me and Lean before, but I am thankful he accepted us already,” sabi pa nito.
“You’re not sure about that,” Enzo said.
Napangiti naman sina Cherinna at Airi sa sinabi ni Enzo.
Sinimangutan ni Theon si Enzo. “My vote matters, too. Paano kung hindi ako boto sa’yo para kay Alyanna?”
“I don’t care, Theon.”
I chuckled and shook my head. Nagsimula na lang kaming kumain at kahit na inaasar ni Keij at Theon si Enzo ay sinusungitan lang niya ang dalawa. Nagkakampihan pa nga ang dalawa at dinadamay si Jahann kaya nang nalaman nila na wala namang problema kay Jahann ay kay Kol naman nagpatulong ang mga ito.
Matapos kaming kumain ay nagpaalam naman na si Jahann at Cherinna dahil uuwi na ang mga ito kay Nikolai. Ihahatid naman ng mga ito si Airi sa Ai’s at si Kol naman ay nagpaalam na rin na uuwi na.
“Let’s go?” aya sa akin ni Enzo at inalok ang kamay niya sa akin. Tumango naman ako at inabot iyon, inalalayan niya akong makatayo.
Ang alam ko ay may pupuntahan pa si Theon at Lean kaya naman humabol na lang si Keij sa kakambal nito para makasabay sa pag-uwi.
Naglalakad kaming dalawa sa parking lot ng magkahawak ang mga kamay. I could feel the warmth of Enzo’s palm and it felt good. It was soothing and calming, it’s making me feel that I don’t have to worry about anything because he got me.
Nang makarating kaming dalawa sa sasakyan nito ay nagulat ako nang pigilan ako ni Enzo na buksan ang pinto. Hinawakan niya ang bewang ko at isinandal ako sa may sasakyan nito.
Tumingin ako sa kanya. “What’s wrong?” I asked him softly.
He was staring at me, as if memorizing my face. I saw his eyes stare at my lip and I unconsciously bit my lower lip. I saw his Adam’s apple move.
He breathed heavily and looked at my eyes again. “I’m just happy, I guess,” panimula ni Enzo habang nakatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. “I don’t have to hide what I feel and I am free to hold your hand without thinking what would they say and what would you think because you know what I feel for you,” he added.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I felt his chin on my shoulder. “I’m sorry if I suck at courting, but I really like you, Alyanna… no, I’m actually in love with you…” he whispered.
“Enzo…”
“I am willing to wait, I won’t get tired, baby. I will wait for you,” he said softly and moved away a little. He cupped my face and kissed my forehead.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Enzo. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sabihin sa kanya pero hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na masaya ako na kasama ko si Enzo ngayon.
I smiled a little to him and wrapped my arms around his neck and kissed his cheek.
“Thank you…” I smiled at him and I saw him smile, too.
Muli niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
“I know you’re worth my wait, baby… I know that,” he whispered softly and hugged me tight.
It made me smile to feel secured around his arms. Alam kong hindi niya ako hahayaang masaktan, hindi niya ako pababayaan.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store