32
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
“I still can’t believe it…” nakangiting sabi sa akin ni Airi habang nasa may entertainment room kaming tatlo nila Cherinna. Kakabalik lang ni Cherinna dahil ito ang kumuha ng mga chips at inumin namin dahil plano naming manuod ngayong gabi ng kung anong movie ang matipuhan namin.
Kanina pa rin nakauwi si Enzo matapos ang hapunan namin at kanina pa rin ako inaasar ni Airi tungkol sa nangyari habang kumakain kami.
Wala naman akong ideya na magpapaalam si Enzo sa mga magulang ko! Wala naman siyang sinabi na kahit na ano sa akin, basta lang ito nag-aya na umuwi tapos ay iyon na pala ang plano nito. Hindi ko pa nakakausap ang mga magulang ko tungkol doon pero sa tingin ko ay bukas nila ako tatanungin bago kami makipag-dinner sa mga De Guzman.
“I mean, how did that happen?” tanong ulit ni Airi sa akin habang nakangiti. Nilingon nito si Cherinna na nakangiti lang din. “Yeah, Alyanna. Paano nangyari?” nakisali na rin ito sa pang-aasar sa akin kaya napairap na lang ako.
“Alam mo, patulugin mo na lang kaya muna si Nikolai, no? Kagatin ko ‘yang anak mo, e,” sabi ko sa kanya na mas ikinatawa niya.
“He’s with Jahann. Nilalaro ni Jahann para tulog na tulog daw mamaya,” sabi naman nito sa akin. Napairap na lang ako dahil ibig sabihin talaga no’n ay hindi ako tatantanan ng dalawang babaeng ito.
“Hey, don’t divert the topic!” hinampas ako ni Airi sa braso. “Paanong nagkagustuhan kayo ni Enzo?” diretsong tanong niya sa akin. Napasimangot naman ako bago humarap sa malaking screen upang maghanap ng mapapanuod.
“What’s wrong?” Cherinna asked me. She handed me the chips she just opened. “Hindi ba kayo okay ni Enzo?” tanong niyang muli.
I heaved a sigh and leaned on her. “We’re okay, we’re fine…” natigilan ako nang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa. Wala naman akong balak na sabihin sa mga kasama ko ang tungkol doon dahil alam kong hindi naman dapat pinagsasabi ang ganoong bagay.
Siguro noon ay grabe ako makialam at magtanong kina Cherinna at Lean pero iba pala kapag ikaw na ang nasa sitwasyon. Kahit papaano ay naiintindihan ko kung bakit nila tinago sa amin ang totoo. Hindi pala madali kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, mas madali lang magkumento o magbigay ng payo.
“Alam ni Lean?” tanong ni Cherinna sa akin. Nilingon ko siya at umiling. Kahit naman nalaman na naming lahat na hindi ko kakambal si Cherinna, bumalik pa rin naman ang closeness namin nang maayos na namin ang gusot sa amin.
Airi is okay with that, too. Sabi nga niya ay mas mabuti pa ang nangyari dahil parang dalawa ang naging kapatid na babae niya dahil lumaki siyang walang kapatid.
“What’s bothering you? Si Leo?” tanong ni Airi na nakakunot ang noo. Kahit yata si Leo na lang ang tao sa mundo, hinding-hindi magiging okay para kay Airi ang lalaki. I can’t blame her, though.
“We all grew up together…” I looked at Cherinna then Airi. “Naiisip ko lang na kung sakaling may magiging kaming dalawa ni Enzo, what if we break up? Affected lahat dahil doon. Hindi naman pwedeng balewalain iyon kapag nangyari.”
“Enzo is Jahann’s best friend, he’s also Keij and Kol’s cousin. Paano kung makaapekto rin iyon sa relasyon nila Theon at Lean?” sabi ko sa kanila. Nakatingin lang sa akin si Airi na para bang nonsense ang sinasabi ko sa kanya.
“Do you get me? It’s kind of complicated because we’re friends!” sabi ko na ikinatawa naman ni Cherinna.
“Alyanna, if you think that’s complicated, ano pala ang sa amin ni Jahann noon?” sabi nito sa akin bago hinawakan ang kamay ko. “I understand that you’re considering a lot of things, but try to listen to your heart. Ano ba talaga ang gusto mo? Kasi kahit naman gusto namin si Enzo para sa iyo, kung hindi iyon ang gusto mo, wala naman kaming magagawa…”
“Yeah, but please, ha. Huwag naman si Leo ang piliin mo over Enzo!” sabi ni Airi sa akin. Napailing na lang ako sa kanya at natawa.
“I don’t know… with Enzo, I feel safe. I feel like I can be me and it’s okay with him. I can talk nonstop and talk nonsense with him and it’s still okay…” huminga ako ng malalim bago tumingin kay Cherinna. “Do you also feel that with Jahann?” I asked her.
Day by day, nababawasan naman na ang awkwardness namin nila Cherinna tungkol sa topic tungkol sa kanila ni Jahann. Kahit naman ang mga magulang namin nila Airi ay nag-aadjust pero iniisip na lang din namin na magiging maayos din naman ang lahat sa huli.
She smiled and nodded her head. “He always makes sure that I am okay, we’re okay. He’s making us his priorities… and I can be me, too, with him.”
Napatango ako sa sinabi ni Cherinna. Nakikita ko naman ang bagay na iyon at alam naman naming lahat kung gaano ba kamahal ni Jahann si Cherinna… I just don’t know if Enzo and I could be like that, too.
“And Alyanna, why are you jumping to the conclusion that you and Enzo will eventually break up? Sagutin mo kaya muna siya bago mo isipin ang bagay na iyon?” tanong sa akin ni Airi. Sinamaan ko naman ito ng tingin. She smiled sweetly and hugged my arm. “I’m just saying, you’re thinking about something that is not within your control. Also, why are you thinking that way? Why are you thinking that you and Enzo will not end up together? Hindi mo pa naman alam ang mangyayari sa inyong dalawa kung magiging kayo, e. Huwag mo munang isipin na maghihiwalay kayo, hindi pa nga kayo, e,” sabi niya sa akin bago ngumiti.
“I agree,” sabi naman ni Cherinna. “Enzo will court you and you have your time to say yes to him or reject him. I am sure Enzo will understand if you do the latter, but if he really loves you, he will understand and accept that you really don’t want him,” dagdag nito.
Huminga ako ng malalim at itinuon na lang ang atensyon ko sa pinapanuod namin na napili ni Airi.
Hindi naman mahirap para sa akin mag-reject ng manliligaw dahil wala naman akong sinagot sa mga nanligaw sa akin mula high school kami ni Cherinna hanggang magcollege kami. Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon.
It’s Enzo.
Nang sa wakas ay tinigilan na ng mga kasama ko ang kakatanong sa akin tungkol kay Enzo ay nagpaalam ako sa kanilang dalawa na kukuha na lang muna ng ice cream sa kitchen namin. Nagbilin pa sila sa akin na sila rin daw ay kuhanan ko kaya naman bumaba na lang na ako.
Naabutan ko si Jahann na nasa kusina at nagtitimpla ng kape. Para namang gusto kong umatras pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. Wala na akong nagawa kundi maglakad palapit sa kanya at gawin ang pakay ko.
“Hey. Magkakape ka? Baka hindi ka makatulog,” sabi ko sa kanya bago kumuha ng tatlong mangkok para sa ice cream. Kinuha ko na rin ang pang scoop at ang ice cream tub sa freezer. Ramdam ko ang pagtitig ni Jahann sa akin kaya naman nagmamadali akong kumilos para makaiwas na lang sa lalaking ito.
“I didn’t expect Enzo would drop that earlier,” sabi ni Jahann sa akin. Nakatalikod ako sa kanya kaya naman hindi ko alam kung ano ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi na lang ako kumibo sa kanya.
“But I know what he’s planning,” sabi nito na nagpakunot sa noo ko. Nilingon ko siya nang salubong ang mga kilay.
“What do you mean you know what he’s planning?” I asked him. Sumimsim naman muna si Jahann sa kape nito bago tumingin sa akin.
“Alyanna, I've known that guy since we’re kids. If they noticed how much I love Cherinna, do you think I’m that blind to see that Enzo likes you?” tanong ni Jahann sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.
“I am in no position to stop you or Enzo from liking each other. If I were to choose who you should be with, Enzo will be on the top of the list, nothing will come next to him,” sagot ni Jahann sa akin. He shrugged and cocked his head on the side.
“I told you, I’ve known him since we’re kids, I know he will take care of you,” sabi pa nito bago hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. “Tell Cherinna not to stay up too late,” iyon lang at iniwan na ako nito sa loob ng kusina namin.
Sinundan ko ng tingin ang dinaanan nito at hindi ko naiwasang mapailing. I thought he will be pissed at Enzo because he’ll court his sister. Hindi naman pala.
Mukhang boto pa nga si Jahann kay Enzo.
Umiling na lang akong muli at tinapos na ang ginagawa upang balikan ang dalawang kasama ko sa itaas.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mas maaga pa kung tutuusin sa alarm clock na isinet ko ang oras bago ako natulog. Hindi mawala sa isip ko na mamaya ay magdidinner kami kasama sila Tito Blue.
I am not sure what I am supposed to do. I mean, if that’s Tito Cupid, it’s okay. Pero si Tito Blue iyon, isama pa ang Daddy ko, hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagsasama-sama naming lahat mamaya.
Napalingon ako sa cellphone ko nang magring iyon at makita ko ang pangalan ni Lean. I reached for it and answered her call.
“Why are we going to have dinner earlier? Enzo just told our parents that we’ll have dinner later, anong mayroon?” tanong ni Lean sa akin pagsagot ko pa lang ng tawag niya.
I rolled my eyes heavenward and sighed. “Good morning, too, Lean,” bati ko sa kaibigan.
“Yeah, good morning, too. Pero ano ngang mayroon?” tanong nitong muli sa akin. I am pretty sure once Keij found out that Enzo is courting me, he will laugh out loud while rolling on the freaking floor.
“Alyanna? Hello?” Lean asked me, it’s like her temper worsened since she became Theon’s girlfriend.
“I… I have no idea,” I told her. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya na nagpaalam ang kakambal niyang liligawan ako o hindi. Magkikita naman din kami mamaya, roon ko na lang sasabihin sa kanya ang nangyayari.
“Are you sure? Enzo’s not saying anything to me,” sabi nito sa akin. “Anyway, I have to go. See you later!” sabi ni Lean sa akin at ibinaba na ang tawag.
I checked on my phone and saw my messages to Leo. I scanned it and I couldn’t stop myself from feeling disappointed. It was obvious that he doesn’t like me. Ako lang naman ang nangulit at nag-isip na baka may gusto siya sa akin.
Well, to my defense, we talked for years! Hindi naman ako aasa rin kung hindi niya ako binigyan ng rason pero siguro nga ay masyado lang akong naging tanga para magkagusto sa lalaking iyon.
I looked at my messages to him again and deleted all of it.
Things are complicated now that Enzo asked my parents if he can court me, and me having feelings for someone else is not a good thing.
I will just clear things out with Enzo. Ayoko na rin na maging unfair sa kanya. Hindi deserve ni Enzo ang ganoong bagay.
Bumangon na lang na ako upang maghilamos at mag-almusal. Naabutan ko pa si Jahann at Cherinna na kumakain. Si Nikolai naman ay pinapakain din ni Ate Mildred habang si Airi ay gumagawa ng mango shake niya.
“Good morning,” bati ko sa kanila bago naupo at naglagay ng pagkain sa plato ko. Nikolai looked at me so I smiled at him. Sinimangutan naman ako nito kaya tumaas ang isang kilay ko. “Yang anak mo, mana sa’yo, ah?” I looked at Jahann and rolled my eyes.
“Sa Autumn’s na lang daw tayo mamaya sabi ni Mommy, 6 pm,” sabi ni Airi sa amin. Tumango naman si Cherinna at nakita ko si Jahann na lumingon sa akin.
“What?” I asked him. Alam ko na ang tingin na iyon ng lalaki kaya nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko.
Wala naman kaming ibang pupuntahan kaya naman hanggang sa maghapon na ay naroon lang kami. Sabay-sabay naman na rin kaming pupunta sa Autumn’s ngayon.
“Hopefully Tito Thunder won’t be there,” sabi ni Cherinna sa akin. Siniko ko naman siya dahil alam naman niya na nakakatakot si Tito Thunder kapag nagagalit.
Isa pa, pangatlo na yata kaming Dela Cruz at De Guzman kung sakali! Kahit naman Anderson ang apelyido ko, Dela Cruz pa rin ako.
“Let’s go? Jahann asked us. Tumango naman kami sa kanya. Ito ang magmamaneho ngayon kaya naupo na kami ni Airi sa likod dahil alam naman namin na si Cherinna ang uupo sa tabi ni Jahann.
Habang nasa daan ay nakatingin lang ako sa labas. I wore a simple red dress, I partnered it with flat sandals as well. Si Airi naman ay nakasuot ng blouse na naka-tucked in sa skirt na suot nito. Halata namang terno ang suot ni Jahann at Cherinna dahil pareho silang naka-black and white.
“Okay ka lang?” tanong ni Airi sa akin. Nilingon ko ito at tinanguan.
“Don’t be nervous, our families will just talk. Wala namang sinabi na mamanhikan sila,” pang-aasar ni Airi sa akin. Inirapan ko na lang itong muli at tumingin sa labas.
I received a message from Enzo that they’re also on the way. Nireplyan ko na lang siya at sinabihan na mag-ingat siya.
Ilang sandali pa ay ipinarada na ni Jahann ang sasakyan nito sa tabi ng sasakyan ni Daddy. Lumabas naman na kami at agad na pumasok sa loob. Nakita naman namin agad sila kaya lumapit kami at humalik sa mga pisngi ng mga ito.
Hindi pa kami nakakaupo ay dumating na rin sina Enzo. I looked at him and I saw him smile a little. Lumapit na rin sila sa amin at binati nito ang mga magulang ko.
“Hi, Mika, Kerko!” bati ni Tita Cyan sa mga ito. Maging si Tito Blue ay nakipagbeso kay Mommy at nakipagkamay kay Daddy.
“Take a seat, Blue, Cyan,” sabi ni Daddy sa mga ito. Tumango naman ang mga ito at ipinaghila ni Tito Blue si Tita Cyan ng upuan. Ganoon din naman ang ginawa ni Enzo kay Lean na nakatingin sa akin, it was as if she’s asking me what’s happening.
“Let’s order first,” my dad said and called the waiter. Matapos kaming tanungin at sabihin sa waiter ang order namin ay tumingin sa akin si Daddy. He cleared his throat and looked at Tito Blue.
“Well, I guess I have to thank you for accepting the invitation to talk to you, Blue, Cyan,” simula ni Daddy. Lahat naman kami ay nakatingin sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Enzo sa kamay ko.
“When Enzo told me we should talk to you, I already got an idea why,” he said and looked at me.
“I have nothing against your family, Kuya Blue. You’re my brother’s best friend and I’ve known you since I was a kid. Gusto lang namin ni Mikael na makausap kayo para na rin hindi magkaroon ng gulo kung sakali,” sabi ni Mommy.
“I don’t think there will be a problem, Mika,” sabi naman ni Tito Blue sa kanya.
Nahinto lang sila sa pag-uusap nang dumating ang waiter para ilagay ang mga pagkain namin. Tito Blue looked at me and I gave him a small smile. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi dahil palagi namang seryoso ang mukha nito.
“Anyway, as Blue was saying, we don’t think there will be a problem,” she smiled at Enzo. “Our son said that he likes Alyanna and–”
“What?” Lean gasped and looked at us. “You like Alyanna?” she asked and looked at me. “Bakit hindi ko alam?” tanong nito sa amin at hindi naman ako kaagad nakasagot.
Enzo cleared his throat and looked at Lean. “Yes, Lean. I like Alyanna and the reason for this dinner is because I asked Tito Kerko and Tita Mika to allow me to court Alyanna formally…” he said and squeezed my hand.
Lean looked at me and she’s still surprised by what her brother said. “For real? Oh my gosh!” She smiled and got up from her seat and hugged me tight. Walang nagawa si Enzo kundi bitawan ang kamay ko. “You have some serious explaining to do,” bulong ni Lean sa akin bago bumitaw at bumalik sa upuan nito.
Napalingon naman ako kay Enzo na nakatitig sa akin. Nag-uusap ang mga magulang namin ngunit napako na rin ang tingin ko kay Enzo. He smiled a little and leaned towards me and whispered, “You’re really beautiful.”
Natigilan naman ako at hindi ko napigilan na pamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya. Paglingon ko ay nakatingin sa akin sila Mommy at Daddy.
Napayuko na lang ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.
Siraulo rin ‘to minsan si Enzo, e!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store