ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

31

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


I was looking at Enzo while we're still in bed. We're both naked underneath the blanket and as much as I wanted to get up, I can't move since he's hugging me tight. I could smell his scent since we're too close with each other.

May nangyari sa aming dalawa...

And I honestly don't know what I should feel. Bukod sa masakit na katawan ay parang blangko ang isipan ko ngayon dahil sa nangyari sa amin ni Enzo.

I have no idea what's gonna happen next...

Napalingon akong muli kay Enzo nang gumalaw ito at isiniksik ang mukha sa leeg ko. I bit my lower lip when I felt his body against mine again.

"Hmm..." I heard Enzo groan. He nuzzled his head on my neck and I felt him kiss my neck gently. "Why are you quiet?" he asked me.

Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya, bahagya namang lumayo sa akin si Enzo at tinignan ako. "Hmm? Is this the part where you will push me away and scream and say this shouldn't have happened?" he asked me as he caressed my cheek.

Napakunot ang noo ko dail sa sinabi niya. Hindi ko naman naisip na itulak siya at sigawan siya tungkol sa nangyari sa aming dalawa.

I wasn't that drunk so I know what happened and now, I don't know what I should feel about it. Hindi ko alam kung paano ba namin pag-uusapan na dalawa ang nangyari sa amin...

"What is it, baby?" Enzo asked me again. This time, his voice was gentler and softer. Hinahaplos niya rin ang pisngi ko habang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim bago marahang umiling. Tinitigan niya ako bago hinalikan ang noo. "As much as I want to talk about what happened, I can see that you are not ready and–"

"I just don't know what to say, Enzo..." putol ko sa sinasabi niya. Tinignan ko siya bago marahang bumangon at kinipkip ang kumot sa dibdib ko upang takpan ang katawan ko. "I don't know what I should say because... this is my first time and we never thought this would happen and now that it did, I don't know what I should say..." napayuko ako habang hawak ng mahigpit ang kumot.

Ramdam ko ang titig sa akin ni Enzo at hindi ko kayang harapin iyon sa ngayon.

Nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari sa aming dalawa. Parang maging si Enzo ay nawalan din ng salitang sasabihin sa akin ngayon at hindi naman din ako nagtataka dahil nakakabigla naman talaga ang nagyari.

Ganito rin ba ang nangyayari sa ibang tao kapag unang beses nilang ginawa?

"I understand, Alyanna, and you don't have to worry. Whatever happened after this, I will take full responsibility. I will never leave you..." sabi ni Enzo bago inabot ang kamay ko.

Napalingon naman ako sa kanya na nakakunot ang noo. " What happened, I don't see it as a mistake because I think this happened for a reason and I am hoping the reason was because in the end, you will say those two words in front of the altar. But, I can't be selfish and just think of what I want. Your feelings are more important for me, baby," he squeezed my hand and smiled a little.

"I'll just prepare our breakfast," paalam nito sa akin bago tumayo at kinuha ang mga damit nito at nagbihis. Nag-iwas naman ako ng tingin dito hanggang sa marinig ko na ang pagsara ng pinto.

I groaned in frustration when he left the room. Muli kong ibinagsak ang katawan sa kamay at kinuha ang unan upang itakip sa mukha ko bago impit na sumigaw.

I really don't know what I should do now.

Tama ba ang nangyari? No! Alam kong hindi tama ang nangyari lalo pa at hindi naman kaming dalawa ni Enzo...

Isa pa, alam kong unfair kay Enzo ang nangyayari dahil hindi ko kayang suklian ang feelings niya sa akin...

Napailing na lang ako dahil gustong-gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa nangyayari. I should avoid Enzo, I should tell him that whatever feelings he has for me, he should forget it and he should look for someone else...

But I can't do that, either!

Normal bang gusto ko si Leo pero ayaw kong mawala si Enzo? Because that's what's happening. And even though Leo and I ended whatever we have, I can't deny the fact that I have feelings for him...

Nag-iinit ang mga mata ko habang naiisip ko ang posibilidad na lalayo si Enzo sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang bagay na iyon pero kung tutuusin naman ay iyon naman talaga ang tamang gawin dahil alam ko na masasaktan ko lang si Enzo sa huli.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan na ginamit ni Enzo at sinubukan kong supilin ang mga hikbi habang nakabaon ang mukha ko roon ngunit hindi ko pa rin nagawa kaya nauwi lang din ako sa pag-iyak.

"Ugh, Alyanna Samantha! Napapariwara na nga yata talaga ang buhay mo," inis na sabi ko sa sarili ko bago pilit na bumangon at pinalis ang mga luha sa mga mata ko. Huminga rin ako ng malalim bago maingat na bumangon para kunin ang mga damit na suot ko.

Kumikirot ang gitnang parte ng katawan ko pero pilit akong naglakad papuntang banyo upang makapaghilamos at makapaglinis ng katawan.

Hindi ko na alam kung ilang beses akong huminga ng malalim habang nasa ilalim ng shower at sinasabon ang katawan ko, iniisip ko pa rin kung ano ang mangyayari sa aming dalawa ni Enzo.

Kakalimutan na lang ba namin ang nangyaring ito? Ganoon na lang ba ang mangyayari?

Hustong nakapagbihis na ako nang marinig ko ang pagkatok ni Enzo sa pinto ng banyo kaya naman naglakad na ako papunta roon at pinagbuksan ito. Nakaligo na rin ang lalaki at gusto kong magmura dahil naamoy ko na naman ang mabangong amoy ni Enzo. Pinaghalong sabon panligo na gamit nito at ang pabango nitong nanunuot talaga sa ilong ko.

"The food is ready," sabi ni Enzo sa akin. Tumango naman ako ng marahan sa kanya bago naglakad upang lumabas na rin ng kwarto. Sinabayan niya ako sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko.

"Do you feel uncomfortable with me?" he asked me. Lumingon ako sa kanya at umiling. "I just don't know what I should do, but I am comfortable with you," sabi ko sa kanya.

Nakababa na kaming dalawa sa may komedor at nakahain na nga ang pagkain naming dalawa. Ipinaghila niya ako ng upuan bago naglagay ng pagkain sa plato ko tsaka ito naupo sa sariling upuan at naglagay ng pagkain sa sariling plato.

Tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Walang kumikibo sa amin at tanging mga kubyertos at paglapag ng baso ang naririnig ko.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na muna ako sa may balcony ng bahay ni Enzo upang magpahangin. Sigurado ako na tinatawagan ako ni Airi pero pinatay ko ang cellphone ko kagabi para wala muna akong iisipin na kahit na ano.

"I'm sorry," I heard Enzo's voice.

Lumingon ako sa kanya at nakasandal siya sa posteng naroon habang nakatingin sa akin. "I should've controlled myself better, I should've stopped, I'm sorry, Alyanna..." ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Enzo habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid. "It was both our decision, Enzo. Not just yours," sabi ko naman bago muling lumingon sa tanawin sa harapan ko. "I just don't know what I should say because I know, it's unfair to you..." lakas loob kong sabi dahil hindi ko naman maitatago kay Enzo ang totoo. Isa pa, alam kong alam iyon ni Enzo.

"Because you love Leo?" tanong ni Enzo sa akin. Hindi ako nakasagot, hindi rin ako lumingon dahil ayokong makita ang sakit sa mga mata ni Enzo.

Hindi niya deserve na maramdaman iyon.

"Alyanna, I was aware of what you feel towards him and as much as I wanted to forget you, I can't. I have accepted the fact that I am in love with someone who loves someone else, and I made peace with that, as long as I can be with you, too," sabi nito sa akin, dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

"I love you, and I will always love you, no matter what. I don't think I will love anyone else like this, Alyanna," humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti siya sa akin ng tipid at hinalikan ang noo ko. "Damn, I love you so much, it hurts..."

I wrapped my arms around his waist and buried my face on his chest, he hugged me tighter and planted soft kisses on my head.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong ayos nang ipaikot ako ni Enzo upang yakapin ako mula sa likuran.

Magkasaklop ang mga kamay namin sa tiyan ko habang ang baba niya ay nakapatong naman sa balikat ko.

"Are you happy?" I asked him when I turned my head on him. He smiled a little and nodded his head. "If only I could stop the time so we can just stay here, I would. Just you and me, Alyanna," lumingon siya sa akin at mabilis na hinalikan ang labi ko.

Huminga ako ng malalim at sumandal kay Enzo habang nakayakap siya sa akin ng mahigpit.

The plan was to stay for one more night but Enzo said we will go home tonight. Nalabahan naman na ang damit na suot ko nang magpunta kaming dalawa roon kaya iyon na rin ang sinuot ko. Matapos masigurado ni Enzo na lahat ng naroon ay nakapatay na at walang naiwang kahit anong appliance na nakasaksak at nakasarado ang lahat ng bintana at pinto ay sumunod na ito sa akin papalabas ng bahay. Nakasandal ako sa may sasakyan ni Enzo habang binabasa ang mga messages ni Airi, Cherinna at Lean sa akin. Maging si Mommy at Daddy ay nagmessage rin sa akin.

"Let's go?" tanong ni Enzo sa akin nang makalapit na ito. Ibinalik ko naman na ang cellphone ko sa bag bago tumingin sa kanya at tumango. Pinagbuksan niya ko ng pinto bago pumasok na rin at binuhay ang makina.

"I thought we'll go home tomorrow?" I asked him as he drove. He looked at me and smiled a little. "Change of plans?" he shrugged and turned his face on the road again.

Hindi ko na lang siya kinuwestiyon dahil mas mabuti na lang din siguro na umuwi na lang na muna ako upang makapag-isip isip ako.

Tungkol kay Leo, kay Enzo... sa aming lahat.

"Enzo," I called his name and he answered me with a soft hmm. "Have you told Jahann what you... feel?" I asked him, curiously. Naisip ko lang na sinabi ni Jahann dito at kay Kol ang nararamdaman nito kay Cherinna. Ganoon din ba si Enzo? Sinabi rin ba ni Enzo kay Jahann ang tungkol sa feelings nito sa akin?

"I didn't but he knows," sagot nito sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya. "What do you mean he knows? He knows as in he knows?" I asked him again. Ngayon ay mas maraming bagay na ang tumatakbo sa isipan ko dahil sigurado ako na kukuwestiyunin ako ni Jahann kapag nalaman nito na kasama ko si Enzo nang kaming dalawa lang sa bahay nito.

"I think he knows, Jahann is quite observant, too. And I think it's not hard to see that I have feelings for you. Masyado ka lang naka focused kay Leo kaya hindi mo napapansin," sagot naman niya sa akin.

Hindi ko mapigilang mapanguso dahil sa sinabi nito.

Hindi ko na nga binabanggit si Leo para hindi ko na maisip, si Enzo naman ang sabi nang sabi sa pangalan ng walanghiyang lalaki na iyon.

"If Jahann won't like me for you, I don't think that will be enough reason for me to give up," he added as he held the steering wheel tight.

Huminga ako ng malalim bago sumandal at tumingin sa labas. Kung minsan ay hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan na si Leo ang gusto ko kahit na nasa tabi ko naman si Enzo. Sinasabi na mahal ako... gusto ako... inaalagaan ako.

Bakit ba gusto ko ang taong wala namang ibang ginagawa kundi saktan lang ako?

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay dali-dali namang bumaba si Enzo upang pagbuksan ako ng pinto at alalayan akong makababa.

"Yung sasakyan ko, nasa Blue's Haven pa," sabi ko kay Enzo. Kinuha nito sa akin ang susi ng sasakyan ko bago kami umalis noong isang araw.

Ngumiti siya sa akin. "It's already here," sabi ni Enzo sa akin bago ako sinamahan papasok sa bahay namin.

"You should have dinner here with us," alok ko naman sa kanya dahil nakausap ko kanina si Airi kaya alam kong may hapunan kami ngayon.

"Okay," ngumiti siya sa akin.

Nakapasok na kami sa loob at napansin ko na naroon din ang sasakyan ni Jahann kaya tumuloy na kaming dalawa sa loob. Naabutan kong nasa sala si Cherina kasama si Nikolai habang nakaupo sa tabi nito si Jahann.

"Nikolai!" I smiled when I saw him. Agad akong lumapit dito at kinuha ito kay Cherinna. I looked at Enzo. "Upo ka," aya ko sa kanya. Hindi naman ito tumanggi at naupo sa pang-isahang silya.

Sinabi ni Jahann sa akin na pauwi pa lang daw sina Mommy kaya hihintayin na lang namin bago kami kumain. Hindi naman ako nagtanong pa at hinayaan na lang ito.

"How was your trip?" tanong ni Jahann kay Enzo. I looked at him and waited for whatever he's going to say next.

"It was okay, thank you for recommending that place, it's great," sagot naman ni Enzo sa kapatid ko kaya napakunot ako ng noo.

Jahann looked at me but he didn't say anything. Maya-maya lang ay bumaba na rin si Airi at naupo sa tabi ko.

"Alam mo, nabubwisit talaga ako diyan sa Leo na 'yan ha! Ang kapal kapal ng mukha!" inis na sabi nito nang tumingin sa akin.

"Airi," saway naman ni Jahann dito, napanguso si Airi. "Kasi naman, the audacity of that man to say hi to me when he saw me at Sweet Desire? Ang kapal ng mukha!" hindi pa rin naaalis ang inis nito sa lalaki.

"Just ignore him," sabi ko naman dito bago tinignan si Nikolai na nilalaro ang rabbit stuffed toy na bigay ni Keij.

Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Mommy at Daddy kaya agad akong humalik sa pisngi ng mga ito. Ganoon din naman sina Jahann, Cherinna at Airi. Maging si Enzo ay bumati rin sa mga magulang ko.

"Enzo, join us for dinner," aya ni Daddy sa lalaki. Tumango naman si Enzo ng marahan bago tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng tipid.

Matapos maihanda ang hapag ay sabay-sabay na kaming naglakad papunta roon. Si Nikolai ay pinapapakain ni Ate Mildred. Sa tabi ko si Enzo naupo habang katabi ni Jahann si Cherinna at Airi.

"I was surprised when you sent me a message telling me you'll visit us," Dad told Enzo. Napalingon naman ako sa katabi ko dahil hindi ko alam na kinausap pala nito si Daddy. "You said you'll ask me something," Daddy added and Enzo nodded his head.

"What is it?" si Jahann naman ang nagtanonong.

Enzo wiped his lips and cleared his throat. "I know this ain't the right time to talk about this, but I think I should ask you because I really respect you, Tito Kerko," sabi ni Enzo habang nakatingin ng diretso sa daddy ko.

Para namang tinatambol sa kaba ang dibdib ko habang naghihintay ng sunod na sasabihin ni Enzo. Sasabihin ba nito na may nangyari sa aming dalawa? Mapapatay ako ng nanay ko!

Naramdaman ko ang paghawak ni Enzo sa kamay ko kaya muli akong napatingin sa lalaki.

"I would like to ask your permission to court Alyanna, Tito," diretsong sabi ni Enzo. Nakita ko ang pagkabigla sa muukha ni Cherinna at ni Airi. Si Jahann naman ay nakatingin lang kay Enzo, seryoso ang mukha nito kaya hindi ko alam kung nabigla ito sa sinabi ng kaibigan nito.

"What?" Mommy asked Enzo. He squeezed my hand and looked at my mom.

"I like your daughter, Tita Mika, that's why I am asking for your permission to let me court Alyanna," sagot naman nito kay Mommy.

What the hell?

He's really asking my parents so he could court me?

Ano ako, princess?

I looked at my dad and I saw him looking at me. I bit my lip and looked down. I moved my hand but Enzo just squeezed it more.

"You like Alyanna?" Jahann asked Enzo. His voice was serious and I can't tell if he's mad or not.

"Yes, Jahann," he replied. His voice was full and confident.

"Okay," Daddy said after a few minutes. Para kaming iisang ulo na lumingon kay Daddy habang nakatingin ito kay Enzo. "I'll let you court him but I have to talk to your parents first," sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain.

"I'll them, Tito," sagot ni Enzo sa daddy ko.

Lumingon ako kay Enzo at tipid siyang ngumiti sa akin.

Mukhang natutuwa siyang pumayag ang daddy ko.

Napailing na lang ako bago muling kumain habang hawak pa rin ni Enzo ang isang kamay ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store