28
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
I was just looking at Enzo when he parked his car outside a resthouse somewhere in Tagaytay. Hindi rin ito nagsasalita habang nasa daan kaming dalawa pero ramdam ko ang pagpipigil ng inis nito marahil ay dahil sa sinabi ni Leo rito.
Hindi ko rin naman magawang tanungin ito dahil alam ko naman na kasalanan ko ang nangyari at ako lang naman ang dapat na sisihin tungkol sa bagay na iyon. Ang ipinagtataka ko ay kung paanong alam ni Leo ang tungkol sa pagkakaroon ng gusto sa akin ni Enzo.
“Let’s go?” untag ni Enzo sa akin nang patayin na nito ang makina. Nilingon ko naman ang mukha nitong muli at nakita ko ang sugat sa gilid ng labi nito. Hindi ko napansin ang sugat nito kanina…
“Are you okay…?” inabot ko ang pisngi ni Enzo ngunit iniiwas nito sa akin iyon at huminga ng malalim. “I am…” sabi lang nito bago naunang lumabas ng sasakyan at pagbuksan ako ng pinto.
Hindi kaagad ako lumabas, sa halip, pinagmasdan ko siya habang nakatayo sa harap ko.
“Are you mad at me?” tanong ko sa kanya habang nakaharap pa rin sa kanya. Tumingin siya sa akin at marahang umiling. “No, I am not, Alyanna,” sabi nito habang sinasalubong ang tingin ko. “Let’s go,” aya niyang muli bago ako hinawakan sa ulo upang alalayan na hindi mauntog.
He held my hand and intertwined it with his as we walked towards the house. Tatlong palapag lang iyon at maraming halaman sa paligid. Katulad iyon ng mga bakasyunan na madalas na pinupuntahan namin noon kapag naiisipan namin na umalis na magkakasama.
“You rented this?” tanong kong muli kay Enzo nang buksan nito ang pinto at pumasok na kami sa loob ng bahay. Maaliwalas doon dahil halos panay salamin ang bintana kaya naman tanaw na tanaw ang magandang tanawin sa labas, may kahirapan nga lang makita ang mga puno at bundok dahil na rin sa kapal ng hamog na naroon. Ayoko naman na hindi kami mag-usap na dalawa lalo pa at dinala niya ako rito kaya ako na lang ang unang nakikipag-usap dito,
“I bought this,” sabi nito sa akin kaya naman napalingon ako rito habang nakasandal sa may bintana.
“What?” I asked him again. Kunot ang noo ko habang nakatingin kay Enzo. He shrugged and looked at me again. “I bought this,” ulit nito sa sinabi na para bang mababago noon ang pagkabigla ko na nakabili na ito ng rest house!
Mababa na yata ang limang milyon at hindi mukhang limang milyon lang ang bahay na iyon. Mas mahal pa, sigurado ako.
“Don’t look at me like that, I was 10 when I started investing my allowance,” he scoffed and walked towards the kitchen. Sinundan ko naman ito at nakita ko na nagtitimpla ito ng kape. Hindi naman na ako nagulat sa sinabi nito pero hindi ko lang talaga akalain na makakabili na ito ng bahay agad agad!
Well Jahann has his own house, too… baka si Kol din ay may bahay na? Baka iyon talaga ang laging pinag-uusapan ng tatlo?
Akala ko ay ibibigay sa akin ni Enzo ang tasa ng kape pero napatingin na lang ako dito nang daanan niya lang ako at tawagin ako nang nasa may sala na ito ng bahay. Sumunod naman ako rito, nailapag na nito sa lamesa ang dalawang tasa na may umuusok na kape.
“That’s all we’re going to eat?” I asked him as I sipped on the coffee.
“Mainit!” mabilis kong inilayo ang tasa sa bibig ko at inilapag iyon sa may lamesa. Ramdam ko ang pagkapaso ng dila ko dahil sa init ng kape. Nakatingin naman si Enzo sa akin na para bang may gusto itong sabihin sa akin.
“What?” I frowned while looking at him.
“You know it’s hot, yet you tried drinking it immediately. Baliw ka ba?” tanong niya sa akin kaya mas napasimangot naman ako rito. He chuckled before getting up and walked back towards the kitchen. Hindi naman na ako sumunod dito at naupo na lang ako.
Pagbalik ni Enzo ay may dala itong isang ice cream cone na nabuksan na rin nito at ibinigay sa akin. “Here, for your tongue,” he told me. Tinanggap ko naman iyon at nagsimulang kainin ang ice cream habang nakatingin kay Enzo.
“You know it will hurt you, yet you still go with it,” sabi nito maya-maya. Napatingin naman ako rito habang hawak ko pa rin ang ice cream.
“Hindi ko naman kaya alam na napaka init pala talaga,” I rolled my eyes and looked away. Mas mainam na ganito kami mag-usap ni Enzo at hindi gaya kanina na halos hindi na kami nagkikibuan na dalawa.
I looked around the house and it’s so manly. Napaka minimal ng designs. Walang mga pictures nila Enzo, panay paintings ang nakita kong naroon.
“How long are we going to stay here?” I asked Enzo while looking around. Ingat na ingat akong hindi tumulo ang ice cream sa puting-puti na sofa ni Enzo.
“Just two nights, Jahann will kill me, you know?” He leaned forward to drink his coffee but he winced as soon as the mug touched his lips.
“Fuck.”
“Are you okay?” I asked him. Tinignan ko ito at nakita ko na naman ang sugat nito sa sulok ng labi nito. I rolled my eyes and reached for his hand. Ibinigay ko rito ang hawak na ice cream bago ako tumayo. “Nasaan ang medicine kit mo?” tanong ko sa kanya bago naglakad papunta sa kusina. Kadalasan kasi na nilalagay iyon ng kasambahay namin sa may storage sa kusina dahil laging nasusugatan si Mommy kapag nagluluto.
“There you are,” I smiled when I saw the medicine kit and walked back towards Enzo. Naupo ako sa may lamesa habang nakatingin sa lalaki. “Magaan lang ako, hindi mababasag ‘yung lamesa mo,” sabi ko sa kanya bago binuksan ang kit at kumuha ng alcohol.
“Do you know what you’re doing?” he asked me and I glared at him. Hindi naman ito nagsalita at hinayaan na lang akong linisin ang sugat nito. Maingat ko lang na idinampi ang bulak roon at nilagyan iyon ng ointment para mabilis na gumaling. Ngumiti ako sa kanya bago tumayo.
“Since, we will be staying here for two nights… wala akong damit na pamalit,” sabi ko sa lalaki bago sinimangutan ito. “Sana man lang kasi sinasabihan mo ako sa plano mo para nakakapaghanda ako at–”
“You’re not going with me if I told you the plan beforehand. You will choose to be with Leo,” he cut me off. Napatingin naman ako kay Enzo na ngumiti ng maliit sa akin.
“You will choose to be with him, right?” sabi nito at kahit na hindi naman nito banggitin sa akin, alam ko na nasasaktan ito dahil doon. Napayuko na lang ako tumingin sa mga paa ko.
I know liking Leo was stupid. Loving him was stupid. I know that now.
I fell in love with someone who doesn’t like me and it sucks. Sana pala noon pa lang ay iniwasan ko na lang si Leo pero ano pa nga ba ang magagawa ng panghihinayang ko? Wala naman na. At least alam ko na rin ang totoo.
Hindi ako mahal ni Leo.
“I have clothes here. You can wear those for the meantime. The fridge is full, you have nothing to worry about,” sabi nitong muli sa akin. Tumango naman ako sa kanya at hindi na kumibo.
I sent Airi a message that I will be gone for two days. Kanina pa siya nagmemessage sa akin kung gaano siya kagalit kay Leo dahil alam nito na si Leo ang dahilan pero hinayaan ko na lang ito. I just sent her a message so she could tell our parents that I will be gone for two days.
Hinatid ako ni Enzo sa kwartong gagamitin ko at hindi ko maiwasang hindi humanga sa mga preferred nitong materyales sa bahay na iyon. Napaka homey ng pakiramdam…
Inabutan niya rin ako ng mga damit na pwede kong magamit. It was all his clothes.
Nang maiwan na ako ni Enzo roon ay gusto kong mapailing dahil may damit at pajama itong pinahiram pero wala naman akong magagamit na damit panloob! Mabilis na lang akong naligo para makapaglinis ng katawan habang nagluluto si Enzo ng makakain naming dalawa.
Hustong kalalabas ko lang ng muling kumatok si Enzo sa kwartong inookupa ko kaya naman lumabas na ako para silipin ito. Nakapaligo na rin ito at hindi ko alam kung sadya bang terno ang suot namin o dalawa lang talaga ang damit na iyon ni Enzo.
Sumunod na lang ako sa kanya sa pagbaba nang ayain niya ako para kumain. He reached for my hand as we walked towards the dining room. Nakahanda na ang lahat nang pumasok kami roon at ipinaghila pa ako ni Enzo ng upuan.
I smiled at him and uttered a soft thank you.
Tahimik lang kaming kumain na dalawa pero kahit na ganoon, magaan ang pakiramdam kong kasama ko si Enzo. Hindi ito masyadong nagsasalita pero sanay naman na ako na ganon ito.
Nagprisinta na ako na maghugas ng pinagkainan namin at hindi naman umalis si Enzo sa tabi ko habang ginagawa ko iyon.
“It’s okay with Tito Blue and Tita Cyan that you have your own house now?” tanong ko sa kanya habang binabanlawan ang mga plato. Tumango naman siya sa akin. Ito ang umaabot ng mga iyon at nagpupunas.
“Eh, diba, ayaw nilang umalis ka agad sa bahay nila kahit pagka graduate mo?” sabi kong muli sa kanya. Well, almost all our parents were like that. Hindi naman din kami nagmamadali na bumukod dahil hindi pa naman namin kaya iyon financially. Ayoko namang aasa ako kina Mommy at Daddy kung sakali.
“I’m still with them, I bought this for future use,” sabi nito sa akin bago inilagay ang plato sa cabinet nito.
“Kapag nag-asawa ka na?” diretsong tanong ko sa kanya.
He looked at me and cocked his head on the side. “Yeah, so say yes so I can prepare for it,” sagot naman nito sa akin.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Enzo kaya naman winisikan ko ito ng tubig para mawala ang tensyon sa aming dalawa.
In all fairness to Enzo, he’s not forcing me to say yes. He said he’s willing to wait and he’s proved that he is really willing to wait. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan…
Matapos akong maghugas ng pinggan ay inaya naman ako ni Enzo sa may balcony ng bahay nito. Nakahawak lang ako sa may railings na naroon habang nakatingin sa labas nang maramdaman ko ang pagyakap ni Enzo sa akin mula sa likod.
“Why?” I asked him as I looked at him, halos magdikit ang ilong ko sa pisngi ito.
“It’s cold in here,” he said. I almost felt his lips on my ear, I looked at him and I smiled a little. “It is,” sagot ko naman sa kanya bago muling tumingin sa mga puno na halos hindi ko naman na talaga matanaw ngayon.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Enzo, huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“I am sorry about what Leo said…” mahinang sabi ko sa kanya. “Hindi ko alam kung paano niyang alam na–”
“It’s okay,” putol ni Enzo sa sasabihin ko. “I am not surprised that you didn’t know I liked you. You’re too slow to get it,” he chuckled and I frowned. Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang munting paghalik ni Enzo sa likod ng ulo ko habang yakap niya ako.
“I know you’re still hurting and I understand that, you love him, and as much as I want to ask you to forget him this instant, I know that’s impossible. I know because I tried, I tried forgetting what I feel towards you because I don’t think we have a chance, but I can’t….” I looked at Enzo and he smiled at me. “Maybe because that’s how love works, Alyanna… that’s why I am praying that, whatever you feel for him, it’s not true love so you’ll be able to move on and forget him… I am hoping you will choose me, but in case you won’t, I hope you’ll end up with someone who’s deserving to have you,” sabi nito sa akin bago ako hinalikan sa noo.
Kumilos ako para humarap sa kanya.
“Why do you love me?” I asked him, still confused. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nagustuhan ni Enzo. Ano bang ginawa ko para magustuhan niya ako?
He smiled again and cupped my face. “I woke up one day that I feel happy whenever I see you. I don’t talk to you often but seeing you makes my day already, it’s enough for me. I never thought that simple happiness could turn into this kind of feeling, but, yeah, what can I do? I have fallen in love with you,” he chuckled and hugged me tight.
“Enzo…” I called his name and looked at him. Nagbaba ito ng tingin sa akin at itinaas ang isang kilay. “Hmm?”
“Thank you, for taking care of me… for being there with me… always,” I smiled at him and hugged him tight. “I’m sorry if what I did caused you pain…” muling sabi ko rito.
Umiling naman si Enzo habang nakatingin sa akin. “Don’t think about that, okay?” sabi nitong muli sa akin bago ako pinatalikod at muling niyakap.
Ipinatong nito ang baba sa balikat ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
“Hmm…” I played with his hand and I felt him kiss my ear. Pinamulahan ako ng pisngi dahil nakaramdam ako ng kiliti nang gawin ni Enzo ang bagay na iyon.
Natawa naman ito ng marahan bago muling hinalikan ang tainga ko at kinagat pa ang puno nito.
“Enzo!” glared at him and looked away to hide my face. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang pisngi ko ngayon dahil sa init na naramdaman ko.
“I’m sorry,” he said softly. Naririnig ko pa rin ang tawa ni Enzo nang muli niya akong yakapin. “Can you forget everyone and everything right now? Let’s just enjoy the two nights that we will be here, just us…” marahang sabi nito sa akin habang hawak ang kamay ko.
Isinandal ko ang katawan sa matigas na dibdib ni Enzo at pinisil ang kamay nitong nilalaro ang mga kamay ko.
“Hmm…?” I smiled a little and nodded my head.
Maybe it’s really better to just forget what happened. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa amin ni Leo dahil sigurado akong iiyak lang ako kaya mas mabuti pa na ituon ko sa ibang bagay ang atensyon ko…
Kay Enzo…
I looked at him and I saw his jaw. I smiled and moved to kiss his jaw. Nagbaba ito ng tingin sa akin na parang nabigla sa ginawa ko.
“What is it?” he asked me.
I shook my head and faced him. “You said forget everything, right?” I asked him as I looked at his lips. I bit mine and looked at him again.
I breathed heavily and wrapped my arms around his neck and pulled him closer to me. Hinawakan naman ni Enzo ang bewang ko at kahit na alam kong hindi tama ang gagawin ko, tinawid ko ang distansya sa pagitan ng mga labi naming dalawa.
I kissed his lips and focused on just him…
Kay Enzo lang.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store