27
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Natulog ka ba?"
Nilingon ko si Airi na nasa tabi ko at kumakain na rin ng almusal. Nauna akong bumaba sa kanya dahil sa totoo lang ay hindi pa naman ako natutulog magdamag. My mind was busy thinking about Enzo, Leo... the girl he's with, what's my relationship with Enzo...
Parang sa tuwina na lang na pipikit ako ay makikita ko si Leo at ang babaeng kasama nito, kasunod naman noon ay ang mukha ni Enzo habang sinasabi nitong gusto ako nito.
Who would've thought things would be this complicated? Noon naman ay ang laging pinoproblema lang namin kapag magkakasama kami ay kung saan naman kami sunod na pupunta para mamasyal.
Everything was so simple back then.
"I'm okay, masakit lang ang ulo ko," sabi ko naman kay Airi bago nagsimulang kumain.
"Are you sick?" Jahann asked me as he put food on his plate. "What's wrong?" he asked me again and I just shook my head. Kung walang ideya si Jahann sa nangyayari ngayon, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi nagsasabi si Enzo rito ng tungkol sa aming dalawa marahil dahil na rin nahihiya ito kay Jahann.
Well, he's been kissing his best friend's sister for quite some time now.
"Don't tell me it's–"
"Airi," saway ko na kaagad dito dahil alam ko naman na kung ano ang pangalan na babanggitin nito at alam ko na hindi ko rin magugustuhan na marinig na muna ang pangalan ng lalaki.
A part of me wanted to give him the benefit of the doubt since I'm not sure who that girl was, it's possible that it was just a friend, but a part me also wants to ask him what's the real score between us because even though I messaged him yesterday, he didn't reply to my text messages.
Impossible namang hindi nito nakita ang mga mensahe ko sa kanya.
"Who?" Jahann asked us, he even raised a brow. "Saavedra?" he guessed and I just rolled my eyes at him. "Anong meron?" tanong nitong muli sa amin ni Airi.
Nilingon naman ako ni Airi at kinalabit. Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Alyanna," Jahann called me again and I heaved a sigh. I looked at him and then to Airi who's also looking at me.
"Look, I'm fine. Masakit lang ang ulo ko, walang kinalaman ang kahit na sino, so, please, stop mentioning names?" I looked at Airi and she bowed her head and uttered a soft sorry. "I'll just go back to my room to rest," paalam ko sa dalawa bago tumayo at nilisan ang komedor at pumanhik na sa kwarto ko upang magpahinga na muna.
Nahiga na lang muna ako sa kama habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. I breathed heavily and hugged the pillow on my side.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung kanino ba ako pwedeng magsabi... kung paano ko ba sasabihin ang nangyayari.
Wala akong sinagot sa mga manliligaw ko noon dahil wala naman akong magustuhan sa kanila, pero hindi ko naman akalaing magkakagusto ako sa taong hindi naman ako gusto...
Hindi ko rin akalain na magkakagusto sa akin si Enzo, dahil kahit saang anggulo ko tignan, paano? How the fuck he fell in love with me? That's weird, I think?
But even that's weird... I don't want him to like someone else...
"Tangina, Alyanna. Make up your mind!" inis na anas ko habang yakap pa rin ang unan. Alam ko naman na hindi magiging madali ang lahat kung sakali na magdesisyon ako. And what feel is so fucked up.
I groaned in frustration before I decided to just get up and grabbed my keys and went out of my room. Mabilis akong lumabas at sumakay ng sasakyan ko upang hindi na ako makita pa ni Airi at kwestiyunin pa ako kung saan ba ako magpupunta.
Maybe I am impulsive, but whatever! I think I need to talk to him to clear things with him once and for all.
Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang nagmamaneho ako. I know where he will be right now. Sigurado ako na kahit maaga pa, naroon na ito ngayon.
Mariin ang pagkagat ko sa labi ko habang nakatingin sa daan. Marami ang tumatakbo sa isipan ko, kung paano ko ba siya kakausapin, kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang nasa loob ko, kung paano ko itatanong ang mga bagay na natatakot akong itanong ko...
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Ahh! Bahala na!" inalis ko ang seatbelt na suot nang maiparada ko na sa labas ng Blue's Haven ang sasakyan ko. Nakita kong naroon na rin ang sasakyan ng pakay ko kaya naman tumuloy na ako sa loob at dahil kilala naman ako ng mga bantay roon, hindi na nila ako hinarang at hinayaan na lang nila akong makapasok sa loob.
Pagpasok ko pa lang ay naririnig ko na ang boses ng lalaking hinahanap ko kaya naman hindi na ako nagulat nang makita ko ito sa loob. Nakasuot ito ng puting t-shirt habang tumutulong sa ibang naroon na mag-asikaso ng set up nila para ngayong gabi.
"Leo," I called his name.
Lumingon naman ito sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi nito nang makita ako. Kumunot ang noo nito at inilapag ang mga hawak na wires bago naglakad papunta sa kinatatayuan ko.
"You're early, what are you doing here?" he asked me as he stopped in front of me. He looked behind me to see if I was with someone.
"I came alone," sabi ko sa lalaki. Tumingin naman siya sa akin at tumango-tango. "But, what brought you here?" he asked again, it was as if he's innocent about not picking up his phone, or replying to me, or being with someone else last night.
"Can we talk?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mukha niya. Napansin ko ang muling pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. Nilingon nito ang mga kasama at nakita ko ang pagkamot nito ng leeg bago tumingin sa akin.
"Uhh, sure, about what?" he asked as he put his hand on his pockets.
"Not here," hinawakan ko ang braso nito at hinila papalabas upang dalhin sa may likod ng Blue's Haven para makausap ito ng kaming dalawa lang.
"What's the matter, Alyanna?" narinig kong tanong nito bago pa man kami huminto sa paglalakad na dalawa. I didn't say anything. Huminto ako kaya huminto na rin ito sa paglalakad. Ramdam kong nakatingin siya sa akin.
"Anong problema?" tanong muli ni Leo sa akin. Nakatalikod ako sa lalaki kaya naman hindi ko nakikita ang mukha nito. Muli, hindi ako nagsalita sa tanong niya. Hindi ko pa mahanap ang mga tamang salita upang kausapin ito tungkol sa aming dalawa.
"Alyanna? Anong problema mo?" he asked me again and held my arm and made me face him. "What's wrong?" bakas na ang inis sa tinig nito nang muling magtanong sa akin.
I looked at him and I tried to stop myself from crying again.
"What?" kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "This is great, you pulled me here just to cry?" he asked me while looking at me. "I don't know what the hell is your problem but I don't understand it, Alyanna," napapailing na sabi ni Leo.
Kumuyom ang mga kamay ko bago huminga ng malalim at tumingin sa lalaki.
"I love you."
Halatang natigilan ito sa sinabi ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na tila ba tinubuan ako ng isa pang ulo kaya siya namamangha.
"That is the problem," I looked at him and I let my tears flow. "I love you and based on your reaction, you don't feel the same," nag-iwas ako ng tingin sa lalaki dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin nito dahil alam ko na totoo ang sinabi ko at tama iyon.
Wala akong narinig na kahit na ano kay Leo kaya naman muli akong nagsalita. "I was calling you yesterday, I was messaging you, tangina, Leo, alam ko na sinabi mo na hindi naman natin kailangan na laging mag-usap pero gusto nga kasi kita, e. Mahal nga kasi kita, e! Natural gusto kong makausap ka. I wanted to surprise you, but what? You're with someone else!"
Patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nakatingin sa lalaki.
Ganito pala ang pakiramdam na magkagusto ka sa taong hindi ka gusto. Masakit. Para kang sinasaksak dahil parang pinagpipilitan mo 'yung sarili mo sa kanya kahit na alam mo na hindi ka niya mamahalin...
Kahit na ilang beses na akong sinabihan ni Airi na iwasan ko siya, hindi ko ginawa kasi naniniwala ako na mas kilala ko si Leo at may parte sa akin na umaasa na mali sila... na magkakaroon ng kaming dalawa ni Leo.
Pinalis ko ang luha sa mga mata ko habang nakatingin pa rin sa lalaki na nanatiling walang kibo habang nakatingin sa akin.
"What? Magtataka ka kung bakit ako nagkagusto sa'yo? Tangina, kahit napaka gago mo, hindi ka naman mahirap magustuhan, e. Gusto kita, matagal na! Kahit na nga ilang beses mo akong hindi sinipot, ilang beses mo akong pinagmukhang tanga, hindi ko na rin maintindihan kung bakit ba gusto pa rin kita, e," humahagulgol ng sabi ko habang nakatingin pa rin kay Leo.
I never wanted to tell any of these to my siblings and cousins because I know they will hate Leo and I don't want them to hate him. Si Airi pa nga lang ang nagagalit ay ayoko na, paano pa kung lahat sila kaya kahit na may mga pagkakataon na umiiyak ako dahil kay Leo, hindi ko sinasabi sa kanila.
"Alyanna," he called my name and breathed heavily. "You can't like me, whatever you are feeling towards me, or whatever you think you feel, just forget it. We're not gonna happen. We're friends and I am fine with that, I can't give you anything more than that," diretsong sabi nito sa akin na animo ay patalim na tumutusok sa dibdib ko, bawat salita na sinasabi nito ay mariin ang pagbaon sa akin upang mag-iwan ng sugat na alam kong mananatili upang maging paalala sa akin sa pangyayaring iyon.
"How can I just forget it like that? Gusto kita, hindi naman madaling kalimutan ang bagay na iyon!" giit ko sa kanya.
Naihilamos naman nito ang palad sa mukha bago tumingin sa akin. "Alyanna, we're just friends, we're nothing more than that!"
"Just friends? You even went to the beach where we were and asked Lean so we can talk and–"
"If you keep on insisting that, let's just stop talking, then. Don't talk to me again and I will never talk to you," he cut me off and I was too stunned to speak.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Ganoon lang iyon? Ganoon lang kadali sa kanya ang lahat? Ganoon lang kadali sa kanya na sabihin na huwag na kaming mag-usap na dalawa na para bang wala man lang kaming pinagsamahan na dalawa?
Was I that easy to forget?
"Now, what? You'll avoid me because I fell in love with you? That's bullshit! Sana hindi mo na lang ako nilapitan kung napaka duwag mo naman!" puno ng hinanakit na sabi ko bago lumapat ang palad ko sa pisngi ni Leo. "I hate you! I fucking hate you!" I pushed his chest and ran back towards my car and cried my heart out inside my car.
Hindi ko alam na ganoon lang pala kadali para kay Leo ang lahat... napaka tanga ko dahil binibigyan ko pa siya ng chance sa isipan ko na baka hindi lang nila naiintindihan si Leo at baka hindi lang din talaga siya katulad ng mga inaasahan namin na katulad ng kapatid ko o pinsan ko...
I rested my head on the steering wheel as I sobbed. Halos hinahabol ko na ang paghinga ko nang mag-angat ako ng tingin ngunit nahagip ng mga mata ko si Enzo na nakatayo sa labas ng sasakyan ko. He walked towards my side and knocked on my window.
Humihikbi na binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Enzo.
"Enzo..." I called his name and cried again.
"What happened...?" he asked and hugged me back. "What's wrong, baby? Why are you crying?" he asked me again.
Sabay kaming napalingon nang naglakad si Leo pabalik sa loob ng bar. Enzo's jaw tightened as he followed Leo inside the bar.
"Enzo..."
I tripped and fell to the ground. Hindi ko nahabol si Enzo pero naramdaman ko ang hapdi sa bandang palad at tuhod ko dahil sa pagkakadapa dahil kanina pa nanlalambot ang tuhod ko. Marahil ay dahil sa kakulangan sa tulog, sa kain at sa nangyari na rin ngayon.
Nakarinig ako ng malakas na sigaw sa loob ng bar kaya naman pinilit kong magmadali na pumasok sa loob ng bar.
"Just stay the fuck away from her if you will just keep on hurting her!" malakas na sabi ni Enzo bago muling tinulak si Leo.
"You're just fucking mad because she doesn't like you," Leo retorted and it made Enzo clenched his fist and hit him on his face.
Malakas ang naging sigaw ng mga taong naroon habang pilit na pinaghihiwalay ang dalawang lalaki.
"Enzo!" I called him and reached for his hand. "Let's just go..." pilit ko siyang hinihila papalabas. Iniwas ko ang tingin kay Leo hanggang sa makalabas kami ni Enzo ng bar. Ramdam ko pa rin ang galit ni Enzo kaya naman hinawakan ko ang mga kamay nito.
"I'm sorry..." I told him as I squeezed my hand. "I'm sorry that... I'm hurting you..." tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko habang nakatingin kay Enzo. "I know masakit 'yon, and I am really sorry, Enzo..." nagyuko ako habang patuloy ang pag-iyak ko.
He pulled me in a hug and he kissed my head again. "I know you're worth the wait, Alyanna, and I promised you I will wait for your yes, so don't be sorry, okay?" he whispered as he caressed my back.
Hindi naman ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko kay Enzo. Hindi ko alam kung deserve ko ba ang magkaroon ng isang Enzo sa buhay ko...
"Let's leave," maya-maya ay sabi nito sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kumunot ang noo. Nakakaramdam na rin ako ng hilo at panlalabo ng mata dahil ng pag-iyak at puyat na rin.
"Let's just escape from everyone, come with me... I promise, I won't let anyone hurt you anymore," he said as he looked at me. Marahan akong tumango sa kanya kaya naman iginiya niya na ako papunta sa sasakyan niya.
Hindi ko alam kung saan kami pupuntang dalawa pero isa lang tiyak ko, gusto kong makalayo muna sa lahat upang makapag-isip at makapagpahinga...
At magpagaling mula sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store