25
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Are you still waiting for Leo's message?" tanong ni Airi sa akin habang nakaupo ito sa couch sa may studio sa Ai's. Naroon kaming dalawa dahil nagyayaya si Dean na kumain sa labas pero sa tingin ko naman ay nagpapalakas lang ito dahil sa ginagawang panliligaw kay Airi.
Though, I doubt if he will have a hard time courting Airi. It looks like she likes him. Wala naman din akong tutol talaga kay Dean dahil alam ko naman na mabuting tao ito, kung minsan lang talaga ay sobrang kulit.
That's what I liked about him before, though. Mabuti na lang pala talaga at hindi ako nagkagusto ng malalim kay Dean at baka nag-away pa kaming dalawa ni Airi.
"Huy, ano?" untag ni Airi sa akin dahil nakita nito na hawak ko ang cellphone ko. Umiling naman ako sa kanya at halata naman na hindi ito naniniwala sa akin dahil sumimangot ito. "Kanina ka pa nakatingin diyan sa phone mo, e," sabi pa nito sa akin. "He's not messaging you?" she asked me again.
I sighed and smiled a little.
Simula nang ihatid kami ni Leo sa bahay namin ay hindi ko pa ito ulit nakikita dahil nabusy rin kami nila Airi, si Leo naman din ay kabi-kabila ang mga gig kaya hindi kami makahanap ng pagkakataon na magkita.
But, he's also not messaging me...
I sent him messages already, asking if he's okay or what, but he's not replying...
"Napaka feeling gwapo ng Leo na 'yan, ha," napapailing na sabi ni Airi. May sasabihin pa sana ito ngunit lumapit na sa amin si Dean.
"Hey, are you both okay here? Sorry, isang scene na lang naman," sabi pa nito sa amin bago naupo sa may arm rest sa tabi ni Airi. "You okay?" he asked him and caressed her hair. Tumango naman si Airi sa lalaki at ngumiti rito.
I stopped myself from rolling my eyes. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa may cellphone ko para tingnan kung may message na mula kay Leo pero wala pa rin na kahit na ano. Muli akong huminga ng malalim.
This is what I hate about my relationship with Leo. One minute he's making me special and he's treating me like his girlfriend, the next minute it was as if I was a stranger... This is frustrating. Noong nasa beach naman kami noong pinuntahan niya ako, akala ko ay magiging ayos na ang lahat sa amin.
I know what's happening in my life is really frustrating and complicated. I like Leo and there's Enzo who kept on telling me he likes me and kissing me. Wala akong sinasabihan ng kahit na ano tungkol sa amin ni Enzo dahil hindi ko alam kung paano ko ba iyon sasbihin sa mga pinsan ko o kay Lean.
They will all be surprised! Ako, gusto ni Enzo? Paano mangyayari 'yon, iyon ang sasabihin nila sa akin, sigurado ako roon.
Kahit ako ay nagugulat at naguguluhan sa sitwasyon ko. It's as if I couldn't just let go of Leo even though Enzo told me he likes me. I like Leo, I am sure of that, kung hindi ko naman siya gusto ay matagal ko na siyang hindi kinausap kahit na nakakainis ang mga ginagawa nito, pero gusto ko talaga siya.
I don't even know why I like that guy so much...
And with Enzo, it's like... I don't want to lose him. I know that's unfair to them.
I heaved a sigh and leaned on the couch while looking at the model. I stopped accepting projects for the meantime. Hindi naman din ako makulit nila Dean dahil kay Daddy ako mismo nagpaalam na hindi muna ako kukuha ng kahit na anong project. The last one was when I was with Enzo, he was pissed because of what happened that day.
"Where are we going to eat later?" I heard Airi asked Dean, I just turned my head to their side to know where we are going later. Sinabi naman nito ang isang restaurant na gustong puntahan nito at sinang-ayunan ito ni Airi.
"We're not gonna invite Jahann?" I asked them. I will look like the third wheel if we don't call Jahann. Actually, kahit na nga si Keij ay ayos lang na sa akin, e.
"I already called him but he said he also had a dinner date with Cherinna," Dean replied. I rolled my eyes at him.
"Why don't you just call En–"
Naputol ang sasabihin nito nang magring ang phone ko at makita ko ang pangalan ni Leo sa screen. "Excuse me," paalam ko sa kanilang dalawa ni Airi bago naglakad papalabas ng studio bago sagutin ang tawag ni Leo.
"Hey..." I answered his call.
"Hey," he said. Paos ang boses nito kaya mukhang kagigising lang ni Leo. Nakagat ko ang labi dahil kahit na iyon pa lang ang sinabi ng lalaki, naramdaman ko na agad ang iritasyon sa boses nito.
"Uhm, sorry... I was just wondering how are you and–"
"I am okay, Alyanna," he cut me off. I also heard him groan.
"Are you okay?" I asked him again. Sumandal na muna ako sa pader habang naghihintay ng sagot mula kay Leo.
"Yeah, I got home around 5 am? I can't remember, and the maid just woke me up," sabi nito sa akin. Napatango naman ako kahit pa hindi naman ako nakikita ng lalaki.
"Damn headache," I heard him say. I heaved a sigh and held my phone tight.
"Are you okay? I was messaging you and I tried calling you but you're not answering and–"
"Do we always have to talk?" He cut me off again. Natigilan naman ako sa sinabi nito. Para akong pinanlamigan sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya sa akin dahil hindi naman ako sinasabihan ng ganoon ni Leo kailanman.
"Do I always have to reply to your messages?" he added. It was as if adding more salt to the wound he first gave me.
"N-no..." I bit my lip hard. I could also feel my eyes heating up because of what he said. Naiiyak ako dahil sa sinabi nito. I understand that we don't have to always talk, but...
"I was busy, you know that, right? Fuck," he hissed and I heard him sighed.
"That was not what I meant, I just want to know if you are okay. I am sorry..." nagyuko ako dahil sa bigat ng loob ko dahil sa nangyari. I was fucking excited to talk to him when he called me, only to find out that he's pissed...
"I have to go, Dad's calling me. I will just call you again," iyon lang at ibinaba na nito ang tawag.
"Leo..." I sighed in defeat. Ibinaba na talaga nito ang tawag nang tignan ko ang phone ko. Mas mariin pa ang naging pagkagat ko sa labi ko upang pigilan ang sarili ko na mapaluha dahil sa nangyari. I have been wanting to talk to him for the obvious reason–I miss him...
Pero ganoon ang sasabihin nito sa akin? I looked away when the door beside me opened. Mabilis kong pinalis ang luha sa pisngi ko bago humarap kay Dean na lumabas ng studio.
"What happened to you?" he asked me. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "What happened?" he asked again and I shook my head as a reply.
"I am okay," I told him and smiled a little. "Tapos na ba ang shoot?" tanong ko naman kay Dean para ibahin ang topic.
Umiling naman siya sa akin. "May kukunin lang ako sa office ni Dad, hinahanap ka na ni Airi," sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya at pumasok na ulit sa loob. Nilapitan ko naman si Airi at naupo na sa tabi nito.
I tried not to make her see that I cried because I know she will be mad at Leo again. It was my fault, I guess. Maybe he was really busy and I was bugging him so he got annoyed...
"You talked to him na?" tanong ni Airi sa akin, tumango naman ako sa kanya. "Magkikita kami bukas..." sabi ko na lang sa kanya para hindi ito maghinala ng kung ano pa man. Tumango naman siya sa akin tsaka sumandal sa braso ko.
"That's good... he should make a move, you know? Kung hindi, just drop him, Alyanna..." sabi pa nito sa akin. Hindi naman na ako kumibo at hinintay ko na lang na matapos na ang shoot para makalabas na kami at makakain.
We waited for almost an hour before we finally went out to eat. Nagpa deliver na kanina si Tito Dale ng makakain para sa mga staffs pero hindi na kami kumain ni Airi dahil hindi kami makakakin sa labas kung busog kami.
Nauna na akong bumaba kina Dean at Airi kaya naman ganoon na lang ang kunot ng noo ko nang makita ko si Enzo sa lobby ng Ai's. I walked towards him and when he saw me, he smiled.
"What... are you doing here?" I asked him, surprised. Who wouldn't be? Ang alam ko ay nasa Australia pa ito dahil isang linggo itong magbabakasyon doon kasama si Lean para bisitahin ang Lolo at Lola nila sa side ni Tita Cyan.
"Hi," walked towards me. "Missed me?" he asked softly.
"What are you doing here? You're supposed to be back the next day, right?" I asked him as we walked out of the building.
He nodded and looked at me again. "I asked my grandparents to just go here with us so they could also spend time with my parents," he said and looked at me. "Aren't you happy that I am here?" he raised a brow on me.
I rolled my eyes on him. "Of course, I am happy. Nagulat lang ako," sabi ko naman sa kanya bago nilingon sina Airi at Dean na magkasamang lumabas.
"Hi, Enzo! You're back!" bati ni Airi sa lalaki. Tumango naman si Enzo rito.
"Good thing you made it," tinapik naman ni Dean ang balikat ni Enzo kaya napakunot ang noo ko sa lalaki. "What do you mean?" I asked him. Lumipat ang tingin ko kay Enzo.
"I called him since maybe you're thinking you'll be the third wheel," he shrugged. It was as if he read my mind earlier. "Good thing was, they just landed. I saw Lean's post," he said and smiled. "Hindi ko masyadong nakakausap si Keij kaya si Enzo na lang ang tinawagan ko para sumama sa atin, umoo naman siya," sabi pa nito.
"Really? So kararating niyo pa lang pala talaga," si Airi ang nagsalita. Tumango naman si Enzo rito. "You brought your car?" Dean asked Enzo. Muli namang tumango si Enzo sa lalaki at itinuro ang sasakyan nito.
"Good, Alyanna, sabay ka na lang kay Enzo," sabi ni Dean pagkatapos ay sinabi na lang nito kay Enzo kung saang restaurant kami magkikita. Nang magkasundo na sila ay sumakay na si Airi at Dean sa sasakyan ng lalaki habang nakatingin naman ako sa mga ito.
"Let's go?" Enzo asked me and held my hand.
"You really just got landed? Why you said yes? Dapat nagpahinga ka na muna, e," sabi ko rito bago nito binuksan ang pinto ng sasakyan nito. He chuckled and cocked his head on the side.
"I was planning to go to your house tonight to see you, though. Dean just made it earlier," he shrugged and guided me to go inside his car. Hindi naman na ako ako nagreklamo pa at hinintay na lang si Enzo na sumakay sa sasakyan nito.
"How was your trip?" I asked Enzo while he's driving. I am pretty sure that Lean will message me later about their trip but I want to hear Enzo's side.
"It was okay," he shrugged. I almost rolled my eyes when he said those words. Kahit kailan talaga, e. "Lola was thrilled to know that Theon is Lean's boyfriend so they're setting up a dinner for them so they can talk to Theon," he added.
Natawa naman ako sa sinabi nito. Naiisip ko na agad na napapamura si Theon sa kaba dahil doon, well, he survived Tito Blue and Tita Cyan's wrath, I think he will be okay.
"I am sure if you told them you have a girlfriend, they will also be thrilled to meet the girl," sabi ko naman kay Enzo.
"Say yes to me, and I will introduce you to them tonight," kaswal na sabi nito sa akin kaya naman nahampas ko ang braso nito.
"Enzo!" pinanlakihan ko pa siya ng mata pero hindi man lang natinag si Enzo. Sa halip ay lumingon lang siya sa akin at nagkibit ng balikat na para bang sinasabi sa sakin na iyon naman talaga ang kailangan.
"Ewan ko sa'yo," I rolled my eyes and looked outside the window. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang daang tinatahak nito. Mabilis akong lumingon sa katabi kong nagmamaneho.
"Where are we going?" I asked him and he shrugged again. Hinayaan ko lang ito at tama nga ang hinala ko nang makita ko ang building kung saan naroon ang condo ni Theon.
"What are we doing here?" I asked him again. Muli, hindi naman ako sinagot ni Enzo hanggang sa makapag park na ito ng sasakyan. Nauna itong lumabas sa akin at pinagbuksan ako ng pinto, hinawakan din nito ang ulo ko upang hindi ako mauntog.
Nang makalabas na ako ay may kinuha naman ito sa likod na isang bag at mas nangunot ang noo ko nang makita na may mga pagkain na laman iyon.
"What's that?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Let's go," aya niya sa akin at hinawakan ang kamay ko tsaka ako hinigit papasok sa loob ng elevator. Nakatingin pa rin ako kay Enzo at nagtataka pa rin ako dahil wala naman itong sinasabing kung ano sa akin kung bakit kami naroong dalawa.
"Enrico Lorenzo," I called his name.
Lumingon lang siya sa akin. "Hmm?" he hummed and held my hand and went out the elevator when it opened. Tama nga ang hinala ko at nagpunta kami sa may condo ni Theon.
"We're supposed to have dinner with Dean and Airi..." sabi ko sa kanya nang buksan nito ang pinto.
"Let them enjoy their date," sagot nito bago ako hinila papasok. Napailing na lang ako.
"Alam ba ni Theon na nandito tayo?" tanong ko kay Enzo. "Wait, you told him we're together?" I looked at him.
Umiling ito at inilagay na ang pagkain sa may lamesa. Nilabas nito ang mga iyon at mukhang magluluto ito.
"What do you mean...?" I asked him again.
"I told him he can go out with my sister without asking me for a week, in exchange of borrowing his condo," he shrugged. "I didn't tell him I will bring you here because I know you don't want them to know about... us."
Pumasok na ito sa kusina matapos sabihin sa akin na magpahinga na muna sa may couch. Sinundan ko naman ito at sumandal sa posteng naroon habang nakatingin sa likod nito.
"I'm sorry..." hinging paumanhin ko rito. Lumingon naman si Enzo sa akin at ngumiti ng tipid. "It's okay, I won't take it against you. I told you, I will wait."
Pinagpatuloy na nito ang ginagawa at pinanuod ko lang siya. I offered some help but he refused it, he told me to just watch him.
"Airi will surely ask me where did we go," sabi ko habang nakaupo at nakatingin kay Enzo. Iniisip ko na ang mga pwede kong maging alibi.
Inilapag naman ni Enzo ang seafood pasta na niluto nito sa may lamesa at tumingin sa akin. "Can you not think of anyone else for the meantime? You're with me."
I bit my lip and nodded. I also said sorry to him.
"Taste this first," sabi nito sa akin bago ako sinubuan, saktong nasa bibig ko na ang pasta nang halikan naman niya akong muli.
"Enzo!" I blushed when he looked at me.
He chuckled and moved his face closer to mine again.
"I miss you," he whispered before claiming my lips again.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store