ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

24

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️

Inaayos ko na ang gamit ko para sa pag-uwi namin mamaya nang pumasok sa loob ng kwarto na inookupa namin si Cherinna at Airi. Kumunot ang noo ko sa kanila nang naupo sila sa kamang dalawa at tumingin sa akin.

“What’s your problem?” I asked them as I zipped my bag. Naupo na rin ako sa tabi nila at nakatingin sa kanila.

“I saw Leo before,” sabi ni Cherinna sa amin ni Airi. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. She probably saw her at the school? Noong hindi pa lumilipat si Leo ng school.

“When?” I asked him. Maging si Airi naman ay nakatingin lang kay Cherinna.

“When my card declined, he paid for what I bought,” she said and looked at me. “Hindi ko alam na siya pala ‘yung Leo na tinutukoy mo…” sabi nito sa akin. “Well, I must admit, he looked good, kamukha niya si Tito Lance,” dagdag pa ni Cherinna rito.

“Gwapo pero mukhang gago, Cherinna,” si Airi ang nagsalita. Napapailing ito habang nakatingin sa akin. “Sorry, Alyanna, ah? I just don’t really like that guy for you,” nakasimangot ito nang magsalita.

I chuckled and leaned on her shoulder. “I know and I understand, Airi, but can you at least give him a chance? You knew him based on my stories,” paliwanag ko namang muli rito. Nagi-guilty ako na masama ang tingin ni Airi kay Leo dahil na rin kapag may mali si Leo ay naglalabas ako ng sama ng loob dito.

I shouldn’t have done that. It’s unfair for Leo to be judged by her without defending himself.

Airi rolled her eyes and shook her head. “Enough with that topic na nga. He’s downstairs and talking to his cousins, mukha namang ayaw ni Enzo sa kanya, e,” she shrugged and looked at me.

I bit my lip when she mentioned Enzo’s name. Hindi ko pa rin nakakausap ulit si Enzo tungkol sa sinabi nito sa akin. Hindi ko tiyak kung may alam ba si Jahann o kaya naman si Kol tungkol sa nararamdaman ni Enzo para sa akin. He probably told him about us, but I’m really not so sure about that.

Hindi naman si Enzo ang tipo ng tao na magsasabi ng mga ganoong bagay sa ibang tao…

We stayed in the room for a few more minutes before we went out and joined the others. Nakahanda naman na rin ang gamit ng iba at nagpapahinga na lang kami bago bumiyahe pauwi sa Manila.

“Sabay ka na kay Leo, Alyanna?” tanong ni Lean sa akin nang maupo ako. Katabi ko si Leo dahil na rin naisip ko na magiging awkward para sa lalaki kung hindi ko ito sasamahan gayong ako naman ang pinunta nito rito.

Napatingin ako kay Enzo na nakatitig sa akin, para bang hinihintay nito ang isasagot ko. I heaved a sigh before I looked away. “Of course,” I replied to Lean. Nakakahiya naman kung hindi ko rin sasamahan si Leo pauwi, ako ang pinunta niya rito.

“Really?” Leo looked at me and smiled. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya at tumango. “Really,” I confirmed.

I saw Enzo smirked and shook his head before he turned to Kol. They were talking and none of us could hear it. Ganoon naman talaga sila mag-usap, hindi na bago sa amin iyon.

Matapos makapag decide ay nagpatulong na kami sa mga kasama namin na kunin ang mga gamit namin para maikarga na ang mga iyon sa sasakyan. Si Jahann ang nagdala ng gamit ni Cherinna, si Keij naman ang kumuha ng gamit ni Airi habang si Enzo naman ang pumanhik para kunin ang gamit ko.

Naiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto dahil nakalimutan ko ang toiletries ko sa may banyo, inayos ko pa muna ito.

“Why are you going with him?” Enzo asked me while leaning on the wall and looking at me. Kumunot ang noo ko sa kanya nang tumingin ako. “He went here to talk to me, nakakahiya naman kung hayaan ko siyang bumalik mag-isa sa Manila, diba?” paliwanag ko rito.

“He went here alone, he can leave alone,” nakasimangot naman na sabi nito sa akin. Lumapit ito at binuhat na ang bag ko. “But, yeah. Whatever,” he said before walking towards the door.

Napailing na lang ako at sinundan si Enzo pababa. Halatang masama ang loob nito nang ilagay ang gamit ko sa sasakyan ni Leo. Ihahatid ako diretso ni Leo sa bahay kaya naman sinabi ni Enzo na isabay na rin namin si Airi.

Hindi naman tumanggi si Leo kaya inilipat na lang din ni Keij ang gamit ng kakambal ko sa sasakyan ni Leo. Nakasimangot din si Airi at mahinang sinuntok ang braso ni Enzo dahil sa naging suhestiyon nito. Hindi naman ito nakatanggi dahil sumang-ayon si Jahann sa sinabi ng kaibigan nito.

I sat on the front seat while Airi settled on the back seat. Sumakay na rin si Leo at isinuot ang seatbelt bago binuhay ang makina ng sasakyan nito.

“Are you okay in there?” he asked Airi. Nilingon ko si Airi na nakasimangot pa rin. Tumingin ito kay Leo. “Yeah,” tipid na sagot nito. Tumango naman ang katabi ko bago nagsimulang magmaneho.

I felt my phone vibrate so I checked it.

From Enzo:

Take care. Remember what I told you.

Napailing na lang ako at ibinalik iyon sa may bag ko at sumandal para makapagpahinga habang nagmamaneho si Leo. Kahit na maraming nakakainis na bagay na ginagawa si Leo, hindi naman maikakaila na may mga nagagawa naman itong okay para sa akin.

Kapag nagkukulang ito, bumabawi ito sa akin. Hindi ko nga inexpect na magpupunta ito sa beach para makita ako, e. Kaya alam ko na hindi naman ito sobrang gago gaya ng sinasabi ni Airi.

Again, what she knew was based on the stories I told her. Hindi dahil kilala nito si Leo. It was partly my fault. Tahimik lang si Airi habang nasa biyahe kaming tatlo. Tumawag lang ako kay Cherinna para sa bihin na mauuna na kami sa pag-uwi at magmemessage na lang ako sa kanila kapag nakauwi na kami ni Airi.

“You don’t want to eat snacks or something?” Leo asked us. Nilingon ko naman si Airi na nasa likod upang tanungin ito kung gusto nitong kumain pero tumanggi na ito. Binanggit nito na magkikita pa ito at si Dean mamaya at gusto na lang nito na magpahinga kaya hindi na rin nagpumilit pa si Leo.

Hinatid niya na lang kami sa bahay namin at ipinarada ang sasakyan sa labas. Nauna na ring bumaba sa sasakyan si Airi at tinulungan kami ng kasambahay namin na ipasok ang mga gamit namin sa loob ng bahay. Pumasok na rin naman agad si Airi sa loob ng bahay namin matapos magpasalamat kay Leo.

Naiwan naman kaming dalawa sa labas habang nakasandal sa sasakyan nito ang lalaki. I looked at Airi before I looked at Leo.

“Thank you for dropping us home,” sabi ko sa lalaki na ngumiti sa akin. “No worries, though I think your sister’s not very pleased?” he chuckled and shoved his hands in his pockets. Napakamot naman ako sa batok ko habang nakatingin sa lalaki.

“Sorry about that, she’s probably tired and wanted to rest,” paliwanag ko na lang sa lalaki. Tumango ito sa akin at naglakad papalapit. “You had fun?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Maganda na rin na nakalabas kami at nakapagpahinga.

“How about you? Though I was surprised you showed up,” I looked at him and he smiled. Nagkibit-balikat naman si Leo. “I guess, it’s about time to know them? Besides, two of them are my cousins,” he answered.

Mukha namang walang problema kay Lean, sa totoo lang. Wala naman din akong narinig na pagtutol kina Keij o kahit na kay Kol.

Though they all thought he’s courting me. Pero hindi kasi ganoon ang sitwasyon. Hindi naman nanliligaw si Leo sa akin. We’ve been talking for so long, we went out, but that was it…

“I have to go,” paalam ni Leo sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Take care, thank you sa paghatid…” sabi kong muli.

Ngumiti naman si Leo at yumuko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na ipinantay nito ang mukha sa akin. I saw the corner of his lips formed a curve and cocked his head on the side.

“You’re welcome,” he said as he moved his face closer to mine. Natigilan ako at buong akala ko ay hahalikan niya ako sa labi ngunit nang gahibla na lang ang layo ng mga labi nito sa labi ko, ngumiti siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

I bit my lower lip as he looked at me and smiled. “Get some rest,” he said before he walked towards his car. Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa pag-aakala na hahalikan niya ako.

Pinagmasdan ko na lang ang papalayong sasakyan ni Leo bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pinaakyat ko na rin ang gamit ko sa kwarto ko at doon ko lang napansin na kulang ang mga bag na nadala ko.

Hindi ko sigurado kung naiwan ko iyon sa sasakyan ni Leo o baka naiwan namin sa may beach house. Tinignan ko rin sa gamit ni Airi kung nahalo roon pero wala.

“Baka nasa sasakyan ni Enzo?” tanong ni Airi sa akin habang nakahiga ito sa kama nito. Napatingin naman ako rito. Paano namang mapupunta roon? Diniretso ni Enzo ang gamit ko sa sasakyan ni Leo.

“Hayaan mo na nga,” nakasimangot na sabi ko bago lumabas na ng kwarto nito para bumalik sa kwarto ko pero hinarang ako ng isang kasambahay namin dahil nasa baba raw si Enzo at hinahanap ako.

Nagtataka man ay bumaba na rin ako kaagad para alamin ang dahilan ng pagpunta nito sa bahay namin. I saw him sitting on the couch while waiting for me.

“Hey…” I called him. I walked towards him and I saw my missing luggage! “Oh, naiwan sa’yo?” tanong ko sa lalaki bago tinignan iyon at inalam kung akin nga ba iyon.

“No,” Enzo replied. Kumunot naman ang noo ko sa kanya habang nakatingin sa kanya. “I took it on purpose so I will have a reason to be here,” he said while looking at me.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi nito. Is he insane or what?

“Why would you do that?” tanong ko rito bago ilagay sa tabi ang bag ko at tignan si Enzo. Hindi naman naalis ang tingin ni Enzo sa akin.

“Because I wanted to see you,” he shrugged and leaned on the couch. He turned his head on my side and smiled a little. “I wanted to be the one who will drive you home, but it didn’t happen, so I had to do something to be here,” he explained.

Napapailing ako sa sinasabi ni Enzo. Hindi ko akalain na gagawin iyon ng lalaki dahil lang sumabay ako kay Leo ng pagbalik sa Manila. I already explained myself to him and I thought we’re okay with that. Hindi pala.

“Alam mo, baka nahahawa ka na kay Theon dahil laging kasama niyo ‘yon at nagkakaganyan ka na,” natatawang sabi ko rito. “Do you want to eat or drink?” alok ko rito dahil malayo naman din ang bahay namin sa kanila at isa pa, alam kong pagod din ito.

“Let’s go out?” aya nito sa akin sa halip na sagutin ang tanong ko. Kumunot ang noo ko sa kanya pero bago pa ako makasagot ay tumayo na ito at nilahad ang kamay sa akin. “Come on,” he smiled a little.

I raised my brow on him, questioning him where we will go.

“Come on, baby,” he said softly. My heart leaped when he said that endearment again. Why do I have to feel this towards Enzo, too? It’s as if I want him beside me and I also don’t want Leo gone.

Why am I like this?

Inangat ko ang kamay ko at inabot ang kamay ni Enzo. Ngumiti naman siya sa akin at hinila akong patayo. Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa sasakyan nito. Ito na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin at inalalayan akong makapasok sa loob. I watched him walk towards the other side of his car and get inside.

“Where are we going?” I asked him as I settled on my seat and put my seatbelt on. Wala akong dalang kahit na ano dahil basta na lang naman ako hinila ni Enzo palabas.

Nagmaneho ito papalabas sa subdivision namin at naghanap kami ng malapit na fast food chain para makakain.

“You have things for burgers and fries?” I teased him and looked at him. He looked at me and smiled a little.

“I have a thing for you.”

Natigilan ako sa sinabi ni Enzo at agad nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Hindi ko alam na marunong si Enzo ng mga ganoong pagbanat kaya naman bago talaga sa akin iyon at hindi maikaila na naaapektuhan ako noon.

Enzo ordered our food and just like before, he parked his car and we ate inside it. I looked at him and wiped the catsup on the corner of his lips.

“You didn’t go out with Leo?” he asked me. Umiling naman ako sa kanya habang kumakain ako. “I am here, so, I think it’s an obvious no?” I told him, chuckling.

“That’s good,” he mumbled as he ate again. I looked at him. “Why? Are you jealous of him?” I teased him. Sinundan ko iyon ng pagtawa pero lumingon sa akin si Enzo na seryoso ang mukha.

“Yes, I am,” diretsong sabi nito kaya natigil ako sa pagtawa. “Hmm?” he hummed while still looking at me.

“Wala,” paiwas kong sabi bago muling kumain. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Enzo.

Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko kay Enzo kapag ganoon ang sinasabi nito. He mentioned he will court me, and I actually don't know what I should do about that. Hindi ko naman kasi akalain na magkakagusto sa akin si Enzo…

“Here,” I heard Enzo’s voice. Humarap naman ako rito at sinubuan ako ng isang french fry. Ibinuka ko ang bibig para kainin iyon, kinagat ko iyon sa bandang gitna at nanlaki ang mata ko nang ilapit ni Enzo ang mukha sa akin at kinagat din iyon dahilan upang magdikit ang mga labi naming dalawa.

“Enzo!” I flushed as I looked at him.

He looked at me and smiled, he looked satisfied on what he did. Sinimangutan ko naman siya bago uminom sa drinks na naroon.

“I told you, I am the only one allowed to kiss you,” he said firmly.

Bumaling naman ako sa kanya at inirapan siya.

Tahimik lang kaming kumakain nang muling magsalita si Enzo.

“I am serious when I told you I like you, Alyanna. I never liked anyone else aside from you, so I am sure as hell I will make you say yes…”

Pinagmasdan ko siya at walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Nararamdaman ko rin ang pagiging sincere ni Enzo, wala naman sa pagkatao nito na magbibiro ng ganoong bagay.

He’s not like Keij or Theon.

He smiled at me and caressed my cheek.

“Don’t worry, I will wait. I know that you are worth the wait,” he said before he pecked on my lips.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store