ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

23

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


I was just staring at the sea while watching the sunrise. Halos hindi ako pinatulog ng sinabi sa akin ni Enzo kagabi. Hindi ko alam ang tungkol doon, hindi ko lubos akalain na may ganoon palang nararamdaman si Enzo para sa akin.

Of course, I also had a crush on him before. Lalo kapag palagi silang naroon sa bahay namin dahil nag-aaral ito at si Jahann. Si Enzo lang naman ang hindi namin kamag-anak kaya hindi nakakapagtaka iyon pero sinupil ko agad iyon dahil alam ko naman na malabo niya akong magustuhan.

I moved on with that petty crush, what I thought back then was it's impossible for Enzo to like me back.

I hugged myself as I felt the cold breeze while still facing the sea. I am also wondering if Enzo became sleepless, too, because of that confession.

Wala pa akong nasabihan ng tungkol doon. I should learn from Lean and Cherinna not to keep it and ask for help so I can solve whatever this is immediately, but it was easier said than done. Hindi pala madaling sabihin sa kanila ang tungkol dito.

"Ano ba kasing nagustuhan niya sa akin?" I sighed and hugged myself tighter. Kagabi ko pa rin iniisip kung ano ba ang posibleng nagustuhan ni Enzo sa akin. He said it before, he preferred someone who is bookish, quiet, with the same wavelength as him... hindi naman ako ganoon.

So, paano?

Paano niya ako nagustuhan?

"You didn't sleep?"

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Enzo. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin. He's wearing his blue jacket and a plain white shirt under that, he's also wearing a beach shorts. Suot na rin nito ang salamin nito at may bahagyang kaguluhan ang buhok, marahil ay dahil kababangon lang nito sa kama.

I smiled a little and shook my head as a reply. I looked at the sea again and filled my lungs with air. Hindi ko gusto na para akong naiilang ngayon kay Enzo dahil sa nangyari, hindi ko mapigilan isipin na sana ay hindi na lang siya nagsabi sa akin ng tungkol doon.

"Was it because I said I like you?" he asked me again. I almost groaned when he opened that topic again. I opted not to say anything. Sa palagay ko naman ay wala akong magandang masasabi rin kaya mas mabuti na lang din muna siguro na hindi ako magsalita.

"I'm not expecting you to say yes to me, Alyanna. Not for now, though. I have to court you, ask Jahann's permission, your parents and–"

"Why would you do that?" I looked at him as I cut him off. He looked surprised by my question and creased his forehead.

"That's the right thing to do," he casually said. "I should not court you secretly, I'm done hiding my feelings, Alyanna."

Nakatitig lang ako sa mukha ni Enzo habang nagsasalita ito. Hindi ko maunawaan kung paano nito nasasabi ang mga ganoong bagay na hindi man lang nauutal o nabubulol. Para bang siguradong-sigurado ito sa sinasabi nito sa akin.

"But, Enzo..." I bit my lip and looked down. "I don't want you to court me..." halos bulong lang na sabi ko sa kanya. Kumuyom din ang mga kamay ko dahil hindi ko magawang tignan si Enzo nang sabihin ko iyon sa kanya.

Hindi siya kumibo kaya napilitan akong mag-angat ng tingin sa kanya. He was just staring at me and moments after, I saw him smiled a little.

"I understand."

I was too stunned by his answer to speak. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Naiintindihan niya na ano?

Na hindi niya ako pwedeng ligawan?

Na walang pag-asa na maging kaming dalawa?

Hindi pa ba sapat ang nangyari sa mga pamilya namin para dagdagan pa namin? I don't think mom and dad would disapprove, but knowing what happened to Lean and Theon, I don't think ours will be different if ever.

"It's still cold and you don't have any jacket," lumapit siya sa akin at isinuot sa akin ang suot niyang jacket. Napatitig lang ako kay Enzo dahil hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

Hindi ba dapat ay magalit siya sa akin? Magwalk out siya sa akin dahil binabasted ko siya?

"Enzo..."

He looked at me and raised a brow. "Hmm?" inabot niya ang kamay ko at iginiya na ako papasok sa loob ng bahay. Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad kaming dalawa. He's acting like the pre-feelings admission Enzo. Ganito kaming dalawa bago siya umamin sa akin...

"Are you okay?" I managed to ask while looking at him. We both halted when we reached the kitchen, he looked at me and cocked his head on the side and gave me a crooked smile. "Alyanna, you said no now, it didn't mean you won't say yes someday, I am good," he said and looked at the fridge. "I will cook, what do you want for breakfast?" tanong niya sa akin matapos akong ipaghila ng upuan.

Hindi ako kaagad umimik dahil nakatingin lang ako kay Enzo.

Isinarado naman niya ang pinto ng fridge at lumingon sa akin. "Come on, Alyanna. Don't worry about me," he said and looked at the doorway. Lumingon din ako roon at nakita ko si Jahann na nakatayo roon na nakakunot ang noo.

"You two woke up early?" he asked us and walked towards the fridge. Inabutan naman ito ni Enzo ng bote ng tubig.

"Yeah," sagot ko na lang dito bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko na nakita kung tumingin pa ba sa akin si Jahann dahil nagpaalam na rin ako na aakyat na muna sa kwarto namin nila Cherinna para makapaligo na muna.

Mabilis lang akong naligo at nawala na rin ang antok na nararamdaman ko nang madampian ako ng malamig na tubig.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Airi na nagsusuklay ng buhok habang nakatingin sa akin. "Hindi ka natulog?" dagdag niya pang sabi na nag-aalala sa akin.

I looked at her and smiled a little. "Okay lang ako," sabi ko naman sa kanya pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. I am battling whether I will tell her what happened or I will just keep it.

Kapag kasi nalaman ng iba na hindi ko sinagot si Enzo, baka tudyuhin naman kami nang tudyuhin at mailang si Enzo sa akin.

"Are you sure? Nangingitim ang mga mata mo at–"

Natigilan sa sinasabi ang babae nang magring ang phone ko at nakita nito ang mukha ni Leo na nasa screen. Awtomatiko itong sumimangot at tumingin sa akin, hindi naman na ito nagsalita at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.

"I'll just answer it, excuse me," paalam ko rito bago kinuha ang phone ko at lumabas na ng kwarto namin.

"Hello, Leo?" sagot ko sa tawag nito matapos kong isara ang pinto.

"You messaged me last night? Sorry, I was dead tired, what happened?" tanong nito sa akin. I remember sending him a message because of Enzo's confession. Hindi ko rin malaman sa akin kung bakit ba si Leo ang minessage ko... pero wala naman akong sinabi na kahit ano. I just message his name, as if calling him.

"Uhm, nothing. Nothing happened," sabi ko naman dito bago huminga ng malalim. I don't think I should disclose what happened last night. Hindi naman tama na ipagsabi ko pa iyon lalo pa at hindi naman maganda ang naging resulta nito.

"Are you sure?" he asked me again. Naglakad na lang ako pababa ng bahay at nakasalubong ko naman si Enzo kaya natigilan din ako sa paghakbang.

"Alyanna?" Leo called me again.

"Uhm, yeah, of course, I am sure..." sabi ko na lang bago nagyuko at naglakad na papalabas. Kahit hindi ako lumingon, alam kong nakatingin sa akin si Enzo at wala akong lakas na lumingon upang tignan ito.

"Will it be okay if I gatecrashes your outing?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nito sa akin. "What do you mean?" tanong ko sa lalaki. Napalingon ako sa paligid dahil naisip ko na naroon si Leo dahil sa sinabi nito.

Bumilis ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang lalaki na nakasandal sa sasakyan nito at nakatingin sa akin.

"What the... what are you doing here?" tanong ko sa kanya na hawak pa rin ang cellphone ko. Inalis naman ni Leo ang suot na sunglasses at tumingin sa akin at ngumiti. "I know you're mad at me, so I came here," he walked towards me and I was just looking at him.

Damn it.

I do like Leo. I kept telling that to myself because I always feel those butterflies in my stomach whenever he's near me or we're together. With Enzo, I felt the security and safety, the assurance that nothing bad will happen to me...

And right now, I am fucking confused.

"Hey," Leo chuckled and stopped in front of me.

"H-hey..." I greeted him.

"What the–" napalingon ako nang marinig ko si Airi. Lumabas na rin pala sila kaya ang mga pinsan ko at kapatid ay naroon at nakatingin kay Leo.

Napakamot ako ng batok nang lumapit na rin sina Keij sa amin.

"Sino ka?" tanong nito kay Leo na nakakunot ang noo.

"Leo?" kumunot ang noo ni Lean habang nakatingin sa lalaki. "What the hell? You're the one courting Alyanna?" gulat na sabi nito dahil ngayon lang nito nalaman na pinsan nito ang Leo na tinutukoy ko noon pa man.

"Hi, Lean," he smiled and looked at them. "Good morning, I'm Leo Saavedra, I hope you won't mind me being here, I just want to see Alyanna," diretsong sabi nito kaya naman pinamulahan ako ng pisngi.

"Oh my gosh! Ikaw pala 'yon! Akala ko ibang Leo!" sabi pa ni Lean bago lumapit sa amin. "Guys, Leo is our cousin. Anak siya ni Tito Lance," sabi pa nito para ipakilala si Leo sa mga kasama namin. "And of course, okay lang naman sa amin. Mas better na rin, no. Para makilala ka nila bago ka sagutin ni Alyanna," she chuckled and looked at me.

Napailing na lang ako nang ayain na ni Lean ang lalaki. Wala namang nagawa ang iba dahil nga kamag-anak naman nila Lean si Leo, hindi lang maalis ang pagsimangot ni Airi na naroon ang lalaki.

I will just talk to her later. Hindi ko naman alam na susunod si Leo sa amin. I mentioned our location to him, it didn't cross my mind that he would go here.

Tumulong na ako sa kanila sa pag-ayos ng lamesa nang makita ko si Enzo na pumasok na rin. He has been quiet since Leo came here. I looked at Airi who's also helping us. I was thinking how I could talk to Enzo.

Matapos kami makapag-ayos ng mesa ay lumabas na si Airi dahil tatawagan pa raw nito si Dean. Naiwan naman kaming dalawa ni Enzo roon. He's still quiet and he's not saying anything.

"Enzo," I called him to get his attention. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin. "Yes?"

"About Leo, I didn't know that–"

"It's okay, Alyanna," he said and looked at me again. Hindi pa man kami nakakapag-usap ng matagal ay nagsipasok na rin ang mga kasama namin doon para makapag-almusal. Leo also brought us food so we added that to our breakfast.

Naupo na ako at tumabi sa akin si Leo, nasa may kanan ko naman nakaupo si Enzo habang si Airi ay katabi ni Cherinna.

"Let's eat!" sabi ni Lean sa amin kaya nagsimula na kaming kumain. Napatingin ako kay Enzo nang lagyan nito ng pagkain ang plato ko.

"You should eat," he said casually. Mukha namang wala masyadong nakapansin sa ginawa ni Enzo maliban kay Kol na nakatingin sa akin. I rolled my eyes on him, he chuckled softly.

"So, you're courting Alyanna, huh? Siguraduhin mo lang na wala kang kagaguhan na gagawin, naku!" sabi ni Lean na napapailing. Nabanggit nito kanina na bata pa lang talaga sila, alam na nila na marami ang may gusto kay Leo, hindi lang talaga na sila nagkasamang lumaki dahil umalis sina Tito Lance noon.

"Lean," saway ko rito. She looked at me and grinned.

Hindi naman pa ako nililigawan ni Leo kaya ayoko rin na paulit-ulit niyang sinasabi ang bagay na iyon.

"No offense meant, pare, pero kapag umiyak si Alyanna, wala akong pakialam kung pinsan ka ni Enzo, ah?" sabi ni Keij na ngumisi. "Pangit umiyak 'yan, e," dagdag pa nito.

Tinitigan ko naman ito ng masama. Napaka walanghiya talaga nitong lalaking ito kahit na kailan!

Leo chuckled and looked at them. "You have nothing to worry about," he said before looking at me. "I know Alyanna is important to you, she is to me, too," he added.

"A little competition won't hurt, right?" sabi ni Kol maya-maya. Kumunot ang noo ni Keij sa kakambal nito at lahat naman kami ay tumingin sa lalaki.

"What do you mean?" Jahann asked him.

He looked at me and cocked his head on the side. "Nothing, just curious about what will happen," he said before looking at Enzo.

Biglang parang ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginagawa ni Kol! Walang may alam ng tungkol sa amin ni Enzo, kung mayroon man ay malamang si Kol lang iyon.

"Just eat, Kol," I frowned and continued to eat. Napalingon naman ako nang makita ko na magring ang cellphone ni Leo. Agad naman itong nag-excuse sa amin at lumabas muna ng komedor para sagutin ang tawag nito.

I heaved a sigh and looked down on my plate.

I was about to eat when I felt Enzo's hand holding mine. Napalingon ako sa kanya at hindi man lang ito kumibo. Kausap nito si Lean kaya naman napagdesisyunan kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero hinigpitan ni Enzo ang hawak doon at pinisil pa iyon.

I breathed heavily and tried to act normal.

Matapos kaming kumain ay nagprisinta na rin ako na magligpit noon habang kausap ni Lean si Leo sa may living room. Magpapahinga lang daw muna bago lalangoy na naman mamaya.

I was washing the dishes when I felt someone hugging me from behind. Nilingon ko iyon para makita kung sino iyon at nakita ko si Enzo na nakapatong ang baba sa akin.

"Enzo..."

"Shh..." he whispered and hugged me tight. "I have less than a minute before someone goes in here," he said softly and kissed my shoulder.

"What are you doing...?" I asked him while looking at him.

He chuckled and kissed the back of my head. "In case you missed it, I said it's okay that you said no now, my goal is to hear the yes from you," he replied.

Mas kumunot ang noo ko sa kanya kaya nilingon ko siya pero natigilan ako nang hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.

"Enzo!"

He smiled a little and looked at me.

"Don't let him kiss you, okay? Ako lang pwede," iyon lang at humiwalay na ito sa akin para kumuha ng tubig sa refrigerator.

Hindi nga ito nagkamali dahil maya-maya lang ay pumasok si Cherinna para tawagin ako dahil lalabas na kami.

I looked at Enzo and he smirked at me.

Does that mean he will court me? O pinagdadamot lang niya ako kay Leo?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store