ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

22

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️

Nakatingin lang ako kay Cherinna at Jahann habang abala ang dalawa sa pagbuo ng sand castle nila. Panay ang tawa ni Cherinna kapag gumuguho iyon dahil uulitin ulit iyon ni Jahann at mukhang nasusubok ang pasensya nito. Si Lean at Theon din ay bumubo sa kabilang side pero hindi nila matayo-tayo iyon dahil sa panggugulo ni Keij.

Kanina ay binato ni Keij iyon ng bola at sinabing hindi nito sinasadya pero bago pa man mabuo ulit ang sand castle nila Theon ay tinamaan ulit iyon ng bola nito.

I smiled a little while looking at Cherinna and Jahann. Who would’ve thought that things will really turn out well for them? That after all the things that happened, they will still be together? Nasa condo na muna ni Jahann si Cherinna hanggang ngayon kahit na nakabalik na mula sa States ang mga magulang nito dahil pinaparenovate nito ang bahay dahil gagawan na si Nikolai ng sariling kwarto. Sa bahay naman namin umuuwi si Jahann dahil hindi ito pinapayagan nila Mommy at Daddy maging ng mga magulang ni Cherinna na magsama sa iisang bahay. Sinusunod naman nila ang bagay na iyon.

Jahann proposed to Cherinna as well, and she said yes. Wala rin kaming ideya sa gagawin nito, nalaman na lang namin iyon nang sumama kami sa Sweet Desire papunta sa Ai’s. Hindi namin akalain na magiging proposal na pala ang gabing iyon. Well, alam ni Enzo, Kol, Airi at Dean iyon pero wala man lang ni isa sa kanila ang nagsabi ng plano ni Jahann.

He told me he didn’t involve me since I might spill it before the proposal date.

Hapon na rin naman noon kaya hindi na mainit ang tama ng araw sa amin. Nakasandal lang ako habang pinapanuod ang mga kasama ko. I am still wearing my two piece swimsuit. Kulay pula iyon kaya naman litaw na litaw ang puti ng balat ko. Kanina pa kami lumalangoy at ako na rin ang nag-aya sa mga ito na magpahinga na muna. May mga nakahanda naman kaming pagkain at inumin doon. It’s like a celebration of Jahann and Cherinna’s engagement.

“Here,” lumapit si Enzo sa akin at naupo sa tabi ko habang hawak ang plato na may laman na mga inihaw na manok, liempo at barbecue. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Simula noong nagpunta kami sa Cyan’s ay parang araw-araw ko ng kasama si Enzo dahil palagi kaming nagkikita lahat.

Hindi ko na nga halos nagagamit ang sasakyan ko dahil dinadaanan niya kami ni Airi. Sabi kasi niya ay may pinuntahan siya sa malapit kaya sinusundo na lang niya kami at dahil susunduin ni Dean si Airi kung nasaan man kami, ako na lang ang hinahatid ni Enzo sa bahay pagtapos.

“Careful, mainit pa,” sabi ni Enzo sa akin bago inihipan ang barbecue. I looked at him and smiled. “Thank you,” sabi kong muli sa kanya nang inabot niya na sa akin iyon at nagsimulang kumain.

Maging si Enzo ay tumingin na rin sa mga kasama namin na abala sa kanya-kanyang ginagawa. Si Kol ay nakaupo lang din sa may hindi kalayuan at kanina ko pa napapansin na tila may kausap ito. Hindi ko naman na siya nilapitan dahil baka sungitan lang ako nito.

“Paano mo nalaman na gusto ni Jahann si Cherinna?” untag ko kay Enzo habang kumakain. Lumingon naman siya sa akin na kunot ang noo. “Hmm?”

I shrugged and offered the barbecue to him. Kumagat naman siya roon at ipinagpatuloy ko na ang pagkain. “Sinabi ba niya sa’yo?” usisa kong muli kay Enzo.

Umiling naman siya sa akin bilang sagot. Mas kumunot ang noo ko dahil napaka obvious naman na alam nito at ni Kol ang tungkol kina Jahann at Cherinna noon pa. Hindi ko lang alam kung paano nila nalaman.

“Kol and I noticed how he looks at Cherinna,” Enzo looked at them who were now helping Theon and Lean with their sand castle. “He’s afraid to admit it because he knows it was a dumb thing, but he really love Cherinna and he waited patiently…” he shrugged and chuckled softly. “Though we can’t fully say that since there’s Nikolai already,” he said and looked at me again.

“How does he look at Cherinna?” tanong ko naman dito na nagtataka. Was I that dumb not to notice it before? Or I just didn’t put any malice on it? Natural lang siguro na hindi ko mahalata ang bagay na iyon.

Hindi ko nga alam ang tungkol kay Lean at Theon, e.

Ngumiti ng tipid si Enzo at umiling na lang sa akin. “We asked him, and he admitted it eventually. He didn’t want anyone else to know about that but you really can’t keep something like that, right?” sabi niya sa akin kaya naman tumango lang ako. Totoo naman din ang bagay na iyon.

Hindi naman talaga maitatago iyon kahit na ano ang mangyari. It’s like Theon and Lean, nalaman din naman naming lahat ang relasyon nilang dalawa.

Nang sa wakas ay mabuo na rin ang sand castle nila Theon at Lean ay lumapit na rin sila sa amin. May bonfire na nakahanda na roon na nagsisilbing liwanag namin. Nakasuot na ako ng shorts habang bikini top ko pa rin ang suot ko. Si Cherinna lang ang nagsuot ng pang-itaas sa amin.

Airi was playing the guitar while she was singing. Nakikisabay naman kami sa pagkanta niya kaya naman tawa rin kami ng tawa nila Lean kapag may mga notes kaming hindi maabot. It was as if we’re back to our usual routine before things happened.

“We used to go out as friends, cousins. Ngayon, tangina niyo, magkakarelasyon na kayo,” sabi ni Keij habang nakatingin kina Jahann at Cherinna, lumingon din ito kay Theon. “Ikaw rin, tangina ka,” sabi nito sa lalaki na masama ang tingin dito.

Natawa naman ako habang nakatingin dito.

“Maybe things that happened were meant to happen. We’ve seen them struggle and fight for the love they had for each other…” sabi ko naman habang nakatingin kay Cherinna. “Maybe, that’s what love is? It will wait, it will make you grow…” I smiled at Cherinna and Lean. “We’re all happy for you. Kahit na may mga hindi magandang nangyari noon, pinatunayan niyo naman sa amin na mahal niyo ang isa’t isa, e. Also, congratulations, Jahann and Cherinna… wag muna kayo magpapakasal agad, ha!” pahabol ko na sabi kaya nagtawanan kaming muli.

“Sagutin mo na kasi si Leo para may boyfriend ka na rin!” sabi naman ni Lean sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata para maitago ang pamumula ng pisngi ko. Halata naman na nagtaka ang mga kasama naming naroon.

“He’s finally courting you na?” tanong naman ni Airi sa akin. Nilingon ko rin ito at natawa na lang din ako.

Hindi pa rin ito nanliligaw sa akin. We’re still in the talking, updating, hanging out exclusively stage. Nagpunta ito sa bahay namin noong araw na hindi ako nakipagkita sa kanya at nag-usap lang kami sa may park hanggang madaling araw.

Ganoon lang kadalasan ang nangyayari sa aming dalawa.

“Napaka bagal, Alyanna!” pang-aasar pa sa akin ni Lean. I rolled my eyes on her. Hindi naman kasi ako nagkukwento sa iba ng tungkol sa nangyayari sa amin ni Leo.

“Diba, he’s an ass?” sabi naman ni Airi sa gilid ko. Nakasimangot ito na parang ayaw na ayaw nito na manligaw si Leo sa akin.

“Drop him if he’s an ass,” sabi naman ni Jahann sa akin na salubong din ang mga kilay. Nakita kong hinawakan ni Cherinna ang kamay nito.

“Si Lean nga hindi nakipag break kay Theon kahit gago siya, e,” sabi ko naman dito. I know that’s what Airi thinks because that’s how she interpreted what I told her about Leo. Pero hindi naman kasi sila ang nakakasama ng lalaki kaya sa palagay ko ay hindi rin okay na husgahan nila si Leo…

“At least, totoong tao ako. ‘Yan bang Leo mo? Baka imagination mo lang ‘yan?” sinundan iyon ni Theon ng malakas na tawa. Napailing na lang ako dahil hindi na natigil ang asaran nila nang magbukas ng ibang topic si Cherinna.

Mabuti na lang at nalihis na nila ang topic kaya hindi na nila ulit nabanggit si Leo. Baka nabilaukan na ang lalaki dahil siya ang naging pulutan sa kwentuhan kanina.

Kol and Enzo were now talking while Airi was still beside me. Kumakain kami habang umiinom sina Keij at Theon. Mamaya lang ay sasama na rin sa inuman ang ibang lalaki na kasama namin habang kami naman ay nagdesisyon lang na kakain lang kami.

Hindi ko naririnig ang usapan ni Kol at Enzo pero mukhang seryoso iyon. Kol even tapped Enzo’s shoulder.

“Are you mad that I think Leo is an ass?” tanong ni Airi sa akin. Umiling naman ako sa kanya pero iniisip ko na rin na ipakilala na si Leo sa kanilang lahat para naman malaman nila na hindi naman sobrang gago nito.

“Sorry if that offended you, I just don’t like what he’s doing to you…” ramdam ko naman ang pag-aalala sa tinig nito habang kinakausap ako. Sino bang matinong tao ang tatagal sa ganoong set-up?

Magkausap lang kami ni Leo, lumalabas kaming dalawa… pero wala kaming relasyon.

I admitted long ago that I like him. Gusto ko siya, pero hindi ko naman alam kung ano ba ang nararamdaman nito para sa akin. Gusto rin ba niya ako? Wala naman akong manliligaw na tinatanggap dahil nga si Leo ang gusto ko…

Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Enzo. I smiled at him a little and he just looked away. Kanina pa biglang nawala ito sa mood habang magkakausap kami. Mamaya ko na lang siguro ito kakausapin kung ano ang problema nito.

Habang kumakain ay tumawag naman si Leo sa akin. Agad ko na ring sinagot ang tawag nito.

“Hello?” I answered his call. Tumingin naman si Airi sa akin pero hindi ito nagsalita.

“Hey, did I disturb you?” tanong niya sa akin. Hindi pa ako nakapagmessage sa kanya ngayon kaya marahil tumawag ito.

“No, no. We’re actually eating. Ikaw, kumain ka na ba?” tanong ko naman dito. Nag-excuse na lang din na muna ako kay Airi bago lumayo ng kaunti sa mga kasama ko upang makausap ko si Leo.

“No, I’m heading out tonight, I just checked on you,” sabi naman nito sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya.

“Where are you going?” tanong ko dahil ang alam ko ay wala naman itong schedule sa Blue’s Haven ngayon. Wala itong nabanggit sa akin.

“I’m having dinner with my friends,” sagot ni Leo sa akin. I bit my lip and stopped the urge of asking who his friends were. Ayoko maging sobrang clingy sa kanya pero parang gusto ko naman itanong dito kung sino ang mga kasama nito.

“Uhm… Leo…”

“Hmm? I have to go, I’m in the parking lot now. I will just call you later, okay?” paalam nito sa akin at ibinaba na ang tawag. Napatingin ako sa phone ko nang ibaba nito ang tawag at napahinga ng malalim.

This is one thing I don’t like with what is happening to me and Leo. Kapag ganitong hindi ko alam kung sino ang kasama niya, may kung ano sa akin na nababagabag. It’s as if they’re gonna steal him or he will like someone else?

It’s crazy.

Huminga na lang ako ng malalim bago humarap pero nabangga ako sa pagharap ko dahil nakatayo roon si Enzo na may dalang t-shirt at nakatingin sa akin.

“It’s getting cold already,” sabi nito sa akin. “Wear this,” bago pa ako nakasagot ay isinusuot na niya sa akin iyon. Hindi naman na ako nagreklamo at isinuot ko na iyon. Pumuwesto naman sa likod ko si Enzo at itinali ang damit ko upang gawin iyon na parang crop top.

I looked at him and smiled. “Thank you…”

He nodded his head and looked at the sea. Pinagmasdan ko naman ito dahil parang may malalim itong iniisip.

“Are you okay? Hindi ka pa babalik sa kanila?” tanong ko sa kanya. Umiling naman si Enzo habang nakatingin pa rin sa malayo. “I’ll stay here for a while.”

I smiled a little and opted to just sit down on the sand. Hinawakan ko ang kamay ni Enzo para maupo na rin ito sa may tabi ko. Hindi naman ako binigo nito dahil tumabi na rin siya sa akin.

“You were quiet earlier, why?” I asked him. Dahil madalas kaming magkasama ni Enzo, mas lumakas na rin naman ang loob ko na kausapin ito, daldalin ito, dahil madalas na itong sumasagot sa akin.

“When?” tanong niya pabalik sa akin. I tried to remember what the topic was when he got up and talked to Kol.

“Hmm…” I cocked my head on the side, still thinking.

“When you were talking about Leo?” si Enzo ang nagsalita. Tumingin ako sa kanya at naalala ko nga na iyon ang pinag-uusapan namin noon nila Keij at Lean.

“Yes? Did the topic bore you? Sorry, hindi ko naman alam na babanggitin ni Lean iyon at–”

“It didn’t,” he cut me off. “I just don’t like the topic,” he said coldly.

“Sorry…” nagyuko ako dahil mukhang nainis si Enzo dahil doon. Kilala naman nito si Leo dahil pinsan nito iyon. Si Lean lang ang hindi makaalala kung sino ang lalaki, e.

“I asked you if you like him, you didn’t say yes, did you?” he glanced at me and I am not sure if that was sadness I saw in his eyes. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita habang nakatingin ako kay Enzo.

“I even told you that I might be jealous, right?” dagdag ni Enzo na sabi sa akin.

I bit my lip and looked at him.

Huminga siya ng malalim bago ngumiti ng tipid at tumingin na muli sa dagat. Maya-maya ay napailing si Enzo.

“Hey…” hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. “Don’t be mad at me…” sabi ko rito habang hawak pa rin ang kamay niya. Nilingon ni Enzo ang kamay naming dalawa at naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko.

“Why is it so hard to say no to you? Pero ikaw…” he chuckled softly and shook his head again. “Damn,” he said, almost a whisper.

“Ano bang problema?” tanong ko ulit sa kanya dahil kahit na papaano ay naguguluhan din ako sa inaasal ngayon ni Enzo.

Enzo looked at me again. “Alyanna, I refuse to believe that you’re that dense, that you are that clueless, but damn…” huminga ito ng malalim at ipinikit ang mga mata.

May kung anong kaba ang sumalakay sa dibdib ko habang nakatingin ako kay Enzo. May pumapasok sa isip ko na posibleng sabihin nito pero pilit ko iyon winawaksi dahil imposible iyon.

Isa pa, hindi ko alam ang gagawin ko kung iyon ang sitwasyon…

“I don’t know what–” natigilan ako nang kabigin ako ni Enzo at muling halikan ang mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa malapit lang ang mga kasama namin at baka makita kami kaya naman itinulak ko ang dibdib ni Enzo at mabilis na lumingon sa mga kasama namin.

Nang lumingon ako kay Enzo ay muli niyang kinabig ang batok ko upang siilin ng malalim na halik ang mga labi ko.

“Enzo…” I managed to say in between his kisses.

Enzo breathed heavily and pressed his forehead on mine and bit his lip.

Damn.

“Fuck, baby. I like you, and I don’t think I can still keep it from you.”

Iyon lang at muli niya akong hinalikan sa mga labi.

He… likes me?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store