21
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Earth to Alyanna," untag ni Airi sa akin habang kumakain kami ng almusal sa bahay. I was still thinking about what Enzo told me last night. Halos hindi ako pinatulog ng bagay na iyon kagabi kaya naman alam kong medyo madilim ang ilalim ng mata ko ngayong araw.
"Okay ka lang ba?" tanong muli sa akin ni Airi na sinagot ko naman ng isang tango. As usual, wala si Jahann ngayon sa bahay dahil pinuntahan nito si Cherinna ngayon. Hindi naman na namin siya pinipigilan o sinasabihan dahil iyon naman ang gusto nitong gawin.
Hindi man namin pa tanggap ng buo ang nangyari, hindi ko na rin naman gustong humadlang sa kanilang dalawa ni Cherinna. Sometimes I still think what happened shouldn't have happened... but it's done.
May anak na nga rin silang dalawa, mahal din nila ang isa't isa...
"Was Enzo here last night?" tanong ni Airi sa akin na agad nagpatuwid sa likod ko bago lumingon sa babae.
"Ha?" mabilis na rin ang tiboko ng puso ko sa pag-iisip na baka nakita niya kaming dalawa. Heavily tinted naman ang sasakyan ni Enzo pero hindi pa rin ako makasiguro sa bagay na iyon.
I kissed him back!
Hindi ko na nga rin alam kung bakit ba pumapayag akong halikan niya ako at bakit naman din ako tumutugon doon.
Is he attracted to me? Am I attracted to him?
But I like Leo...
Sigurado naman ako sa bagay na iyon...
"Nagising lang kasi ako kagabi tapos pagtingin ko sa bintana, nakita ko ang sasakyan ni Enzo, he's driving an Audi, right?" She asked me again and continued eating.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kubyertos bago tumingin sa babae. "Hindi ko alam... I was in my room last night," sabi ko naman bago nag-iwas ng tingin dito at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakita ko naman sa dulo ng mga mata ko na tumango-tango si Airi.
"Maybe that's someone else..." She shrugged and continued to eat, too. Mabilis lang naman kaming nakakain na dalawa at agad na rin akong umakyat sa kwarto ko para maligo para makaalis na.
Habang nagbibihis ako ay tinawagan ko si Lean. Iniisip ko kung may gagawin ba ito ngayon dahil plano kong magpunta sa Cyan's ngayon. Inaya ko si Airi pero sabi nito ay may aasikasuhin ito sa Ai's kaya naman hindi na ako namilit.
If I know, magkikita lang naman sila ni Dean. Hindi ko rin malaman sa kanila bakit hindi na lang umamin si Airi na nililigawan talaga siya ng lalaki. Madalas na sinasabi niya na kung papayag daw kami na ligawan siya, kung gusto naman siya ni Dean at gusto niya rin si Dean, hindi naman kami hahadlang. She should look at Jahann and Cherinna.
"Hello, Alyanna?" sagot ni Lean sa tawag ko. Hustong nakapagsuot na ako ng shorts nang sumagot ito kaya naman naupo na muna ako sa kama ko.
"I'll go to Cyan's today, are you free?" I asked her. Isa ito sa mga nakakainis kung minsan. Wala akong maaya kapag lahat sila ay may lakad.
Bilang na bilang kasi sa isang kamay ang kaibigan ko at hindi naman ako nakikipagkaibigan sa mga kaklase ko dahil bukod sa ayaw nila sa akin dahil natatarayan daw sa akin, alam ko naman na nakikipaglapit lang sila sa akin para makausap ang kapatid ko o mga pinsan ko at si Enzo.
"Sorry, lalabas kami ni Theon, e," sabi nito sa akin kaya naman napasimangot ako. Of course, uunahin nito si Theon kaysa sa akin. Simula naman nang maging official na ang relasyon nila ay sila ng dalawa ang laging magkasama at wala naman akong magagawa roon.
I mean, that's how love works, I think? Si Airi nga ay pinili na makasama si Dean, e. Si Jahann ay na kay Cherinna. Si Lean ay aalis kasama si Theon.
Should I just go to Leo?
"Enzo! Alyanna is going to Cyan's daw. Can you go with her?" narinig kong sabi ni Lean sa kabilang linya. Nanlaki naman ang mata ko at agad na tinawag ang pangalan nito.
"Lean! I'm okay! I will just go there on my own!" mabilis na sabi ko naman dito. Hindi ko naman malaman kung bakit kailangan niya pa akong pasamahan kay Enzo. Kaya ko namang magpunta mag-isa sa spa ni Tita Cyan!
"She's at their house pa, daanan mo na lang siya?" sabi pa ni Lean na parang hindi ako naririnig sa kabilang linya.
What the hell?
"Alright, I'll tell her," sabi pa nitong muli bago muli akong binalikan sa telepono. "Hello, Alyanna, daanan ka na lang daw ni Enzo. Pupunta naman din siya ng Cyan's ngayon."
"Lean," I sighed and leaned on the headboard. "I'm really okay going alone there, you know? Baka mamaya naistorbo pa si Enzo at–"
"He already said yes," she chuckled. "I have to go, Theon's outside na, bye! See you later!" sabi nito bago pinatay ang tawag kaya naman wala na akong nagawa kundi mapailing na lang. Kinuha ko na lang ang isusuot kong damit at napangiwi nang makitang crop top pala iyon.
Paniguradong sesermunan na naman ako ni Enzo... Naghanap na lang ako ng ibang masusuot at isang white sleeveless top ang napili ko. Tinernuhan ko na lang iyon ng flat sandals at kinuha ko na rin ang bag ko.
I looked at my phone and saw Enzo's message. I groaned in frustration. Kung minsan ay gusto ko na lang sabihin kay Lean ang nangyayari sa amin ng kakambal niya pero hindi ko naman din alam kung paano ko ba ipapaliwanag iyon.
Enzo: I am on my way.
I sighed heavily and replied to his message. I just told him to take care.
Habang naghihintay ay pinatuyo ko na muna ang buhok ko at naglagay ng light make-up. Sanay ang mga kaklase ko na mapula ang labi ko kaya lagi nila akong sinasabihan na mukhang mataray.
Halos may tatlumpung minuto rin akong naghintay bago nakarating si Enzo sa bahay. Hindi na ito pumasok sa loob kaya ako na lang ang lumabas at diretsong sumakay sa sasakyan nito.
He frowned when he saw me.
I looked at him and raised my brow. "Nakasimangot ka diyan?" I asked him as I put my seatbelt on. Sinundan ko ang tingin niya at nakatitig siya sa may legs ko.
Napalagay ako ng kamay ko roon para takpan iyon.
Bakit ba kahit na confident naman ako sa katawan ko, nahihiya na ako kapag tumitingin si Enzo sa akin ng ganoon? I mean, I don't have any scar on my legs, I have minimal stretch marks but it's not that visible unless someone will really stare at me...
"You're wearing short shorts again," he said as he looked at me. "Napaka kulit mo," sabi nito sa akin bago nagsimulang magmaneho. Ako naman ang napasimangot sa kanya.
Hindi ito nagsasalita habang nasa biyahe kami kaya naman tumingin na lang ako sa labas habang nasa daan kami papunta sa Cyan's. Napaka convenient naman kasi talaga na may spa rin sila Lean kaya kung gusto namin na mag relax o kaya naman ay magtanggal ng stress, doon kami nagpupunta.
Hindi nga lang ako nakapunta noong nakaraan dahil masyado akong abala na intindihin ang sarili ko at ang galit ko kina Jahann.
"Buti pupunta ka sa Cyan's," ako ang bumasag sa katahimikan naming dalawa ni Enzo. Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita, muli lang itong bumaling sa daan.
"Alam mo, kung ayaw mo naman pala akong kausap, sana hindi ka na lang nag-oo kay Lean. I mean, I can use my car and just go there alone and–" natigilan ako nang hawakan ni Enzo ang kamay ko.
Agad akong napatingin doon bago nag-angat ng tingin sa lalaki. Hindi naman nakahinto ang sasakyan pero hawak nito ang kamay ko habang ang isang kamay ay nagmamaneho.
Nag-init ang pisngi ko at agad na binawi ang kamay ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil parang hindi nawawala ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawang iyon ni Enzo.
Damn, he just held my hand! Wala namang iba, bakit ba ako parang nahihiya na hindi maintindihan dahil doon?
"I never said I don't want to talk to you," Enzo said while still driving.
Kahit na namumula pa ang mukha ko ay nilingon ko ang lalaki. His eyes were on the road but when he felt I turned on him, he looked at me.
"Is it weird that I like to be with you even though we're not talking?" he asked me. I was out of words because of what he said. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang isasagot ko sa lalaki dahil doon.
Enzo looked at me again and I saw a small smile formed on his lips. "I like being with you, is that wrong?" He asked me again and before I knew it, we're already at the parking lot of Cyan's. Nauna itong bumaba sa akin at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.
Hinawakan nito ang ulo ko para alalayan na hindi ako mauntog at saka kami sabay na naglakad papasok ng spa. Hindi ko pa rin magawang isipin kung ano ba ang dapat na isagot ko sa sinabi ni Enzo.
It's weird, yes? Because... why would he want to be with me? Hindi ko rin alam kung paanong gusto ni Enzo na kasama ako.
Hinawakan niya ang bewang ko at iginiya ako papasok sa loob. Agad naman kaming sinalubong ng mga tao roon at binati ng mga ito si Enzo. Wala si Tita Cyan doon at tanging manager lang ang naroon kaya naman sinabihan na ito ni Enzo na intindihin ako.
"I'll be at my mom's office," sabi ni Enzo sa akin bago ngumiti ng tipid at tinahak na ang daan papunta roon sa opisina ni Tita Cyan.
Tumango lang ako sa kanya bago sumama na sa babaeng naka-assign sa akin at nagsimula na ng mga sessions na gagawin sa akin.
Nang matapos na ako ay nagpunta na ako sa may opisina ni Tita Cyan kung saan naroon si Enzo. Kumatok na muna ako bago pumasok sa loob at nakita ko si Enzo na nakaupo sa may couch at nagbabasa.
"Hey... I am done..." I told him as I walked inside the room. He looked at me and nodded his head. "How was it?" he asked me and tapped the space beside him.
Naglakad naman ako papalapit sa lalaki at naupo sa tabi nito. "It was okay, I was trying to pay but they said you'll get mad if they accept it," sabi ko rito na natatawa.
"They said that?" he chuckled and closed the book he was holding. Inilagay nito iyon sa may lamesa bago tumingin na muli sa akin.
"Are you hungry?" tanong niyang muli sa akin na hinawakan ang kamay ko. "Let's eat," sabi nito bago pa ako makasagot at hinila na ako patayo.
"Enzo!" napailing na lang ako nang maglakad na ito papalabas habang hawak pa rin ang kamay ko. Nagpaalam na kami sa mga staff na naroon bago naglakad pabalik sa sasakyan nito. Ipinagbukas pa niya ako ng pinto.
"I can do that, you know?" I told him as I got inside his car.
"I know, I just want to do it," he said before closing the door and walking towards the other side and getting in. Sinuot ko na lang muli ang seat belt ko at hinayaan na lang si Enzo na mamili ng pupuntahan naming dalawa.
"Buti pala hinatid mo si Cherinna kagabi sa bahay," sabi ko sa kanya habang nasa daan kami. Tumingin naman siya sa akin at tumango. "It was really a good thing. Naging okay sila ni Mommy, nagkausap silang dalawa and I think things will get better anytime soon," sabi kong muli habang nakangiti.
"Maybe," he replied while still driving, kumunot naman ang noo ko dahil parang may alam na iba si Enzo at hindi ko alam ang bagay na iyon. Bago pa man ako makapagsalita ay nagring na ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Leo roon.
I bit my lower lip and looked at Enzo, he glanced at me and creased his forehead. "Why? Who was it?" he asked before looking at the road again.
I bit my lip hard and looked at my phone again. Paglingon ko ay nakita ko na nakatingin na rin si Enzo sa phone ko kaya alam kong nabasa nito ang pangalan ni Leo roon.
"Answer it, maybe it's important," he said as he focused on the road.
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko bago sinagot ang tawag ni Leo. Huminga rin na muna ako ng malalim upang kumuha ng lakas.
"Hello...?" I answered the call.
"Hi, where are you?" he asked me on the other line. Sakto namang may nagbusinang sasakyan kaya tinanong ako ng lalaki kung nasa labas ba ako.
"Uhm, yes... I went to Cyan's..." sabi ko rito. Panakaw akong sumusulyap kay Enzo na seryoso ang mukha habang nagmamaneho.
"You're done, right? Let's have lunch?" he asked me again. Muli akong napatingin kay Enzo,
"Lunch? Uhm..." I stared at Enzo and he looked at me. I heaved a sigh and looked outside. "Sorry, I am not available today," pagtanggi ko kay Leo. Kinagat ko ang labi habang naghihintay ng sagot nito at ilang segundo rin akong walang narinig mula rito.
"Leo...?" I called his name.
I heard him heave a sigh. "Alright, some other time, then?" he asked and I just nodded my head even though he couldn't see me.
"Call me when you're home, okay? Ingat," sabi nito bago pinatay ang tawag. I know he feels bad. Ramdam ko sa boses ni Leo na parang nadismaya itong hindi ako sumama sa kanya pero hindi ko naman basta pwedeng iwan si Enzo para magpunta kay Leo.
Sinamahan ako nito sa Cyan's, nilibre niya pa ako. Nahihiya naman akong biglang umalis na lang.
Ibinalik ko na lang sa bag ko ang cellphone ko at tumingin sa labas.
"Why didn't you go with him?" I heard Enzo asked me. I turned my head on his side and shrugged. "Gusto mo bang sumama ako sa kanya?" tanong ko pabalik sa lalaki. Mas humigpit naman ang hawak nito sa manibela dahil sa sinabi ko.
Sumimangot din ito nang tumingin sa akin kaya napangiti ako. "Ano, ayaw mo akong kasama? Itabi mo na lang para makababa ako at–"
"I told you, I never said I don't want to be with you," he cut me off. Seryoso ang tingin nito sa akin at tila ba naiinis na sinasabi kong ayaw niya akong kasama.
"So, gusto mo akong kasama pala?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.
He looked at me and nodded.
"Yeah, happy?" he said before looking away.
I chuckled and shook my head.
"Tapos mamaya hahalikan mo na naman ako, abnormal ka rin, no?" pang-aasar ko sa kanya at hindi ko na napigilang matawa nang makita ko ang pamumula ng kanyang tainga.
What the hell.
Is he blushing?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store