20
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
Naghihintay lang kami kina Cherinna na dumating dahil magpupunta ito ngayon sa admin office para asikasuhin ang mga papel nito para makapag-enroll. Kasama nito si Jahann kaya alam kong sabay na silang darating.
Kasama ko naman ngayon sina Keij at ang iba pa habang nagkukwentuhan din ang mga ito.
I glanced at Enzo who’s reading something on his iPad. Hindi ko na lang ito nilapitan dahil katabi ko si Airi at may sinasabi ito tungkol kay Dean.
“So, you like him na?” Lean asked her. I looked at Airi and smiled at him. “Buti natitiis mo si Dean, no? Napaka ingay ‘nun, e,” sabi ko naman sa kanya at ngumiti siya sa akin.
“Nakwento niya nga sa akin na lagi raw kayo magkaaway na dalawa kaya baka raw tumutol ka sa panliligaw niya, e,” sabi naman nito na natatawa.
Napailing naman ako sa kanya. Hindi pa niya masyadong sinasabi sa iba ang tungkol sa ginagawa ni Dean dahil ayaw naman daw nitong i-brag ang bagay na iyon.
“Pupunta ba talaga sila Cherinna?” tanong ni Keij sa akin. “HIndi mo siya inaway ulit?” dagdag pa nito kaya tinignan ko siya ng masama.
“Alam mo ikaw? Leche ka,” inirapan ko ito bago inalis ang pagkakahawak nito sa balikat ko. Natatawa naman ito na sumandal habang kausap naman si Theon sa kabilang upuan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Jahann at Cherinna kaya lumapit na rin kami kaagad sa kanila. Ako na rin ang nagprisinta na samahan ito sa pag-aayos ng mga papel nito.
I just think I should start making a move to be really okay with her.
Mukha namang natuwa rin ito kaya magkasama kaming naglakad papunta sa may admin office.
“Are you okay?” tanong ko sa kanya habang naglalakad. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. “Hinahanap ka ni Nikolai…” sabi nito sa akin kaya mas napangiti ako.
We are planning an overnight stay at their place. Hindi pa lang kami nakapagpaalam kina Mommy dahil hindi pa kami nagkaroon ng chance makausap sila.
Mabilis lang naman ang pag-aayos ng papel nila dahil pinalakad naman ni Daddy at ni Tito Hugh ang mga kailangan upang maging Anderson si Airi at Alcantara naman si Cherinna. Nakakalungkot pa ring isipin na lahat kami ay parang nalinlang sa nangyari pero hindi ko na rin gustong manisi pa ng iba.
I saw how hard things were for my parents.
Nakita ko kung paanong hindi kinakausap ni Mommy si Daddy, kung paanong pinilit nitong kausapin siya nito dahil sa nangyari. Hindi pa man kami maayos na maayos katulad noon, unti-unti namang nagkakasundo na ang lahat.
I am just hoping magtuloy-tuloy na talaga ito.
Napalingon ako sa phone ko nang tumawag si Leo. Mabilis ko namang sinagot iyon bago nagpaalam kina Cherinna para makausap ko ang lalaki.
“Why…?” I asked him when he asked me if I am free tonight. “May gig ka?” tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti ako at sumandal habang kausap ang lalaki. Nilingon ko sina Airi at Cherinna na kasalukuyang nag-uusap.
“Yeah, I want to invite you,” sabi ni Leo sa akin. “Or you’re busy today?”
“Hmm. I am with Airi and Cherinna now. Inayos namin ang papers nila. Wala naman silang sinabi na aalis kami ngayon,” sabi ko sa kanya. “I will check my schedule kung mag-aaya sila, then, I will just message you? Is that okay…?” I bit my lip after. Ayoko naman na mainis si Leo sa akin dahil ngayon pa nga lang mas nagiging maayos ang relasyon namin.
If this is a relationship.
Nag-iimprove na lalo ang lalaki dahil madalas na itong tumatawag o kaya ay nag-uupdate sa akin kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa nito.
“We can see each other now, though…” sabi ko pa nang hindi pa rin magsalita si Leo. I just don’t like him to get mad at me. Iniisip kong magsasabi na lang siguro ako sa kanila na may pupuntahan ako.
Wala naman talaga silang sinabi sa akin na may pupuntahan kami mamaya kaya pwede naman siguro akong umalis. Isa pa, wala naman din akong shoot ngayon sa Ai’s. Hindi nila ako binibigyan ng schedule.
Nang matapos na kami ay pinuntahan naman na kami ni Jahann at nagsabi ito na pupunta pa sa Ai’s kaya si Enzo na ang maghahatid kay Cherinna pauwi.
Nagpaalam na rin ako sa kanila na aalis na kaya nagkanya-kanya na kami ng alis. I called Leo again but since he wasn’t picking up, I just sent him a message.
Mabilis lang naman ang naging biyahe ko dahil nalaman ko na ang mga shortcuts sa tuwing pupunta ako sa school nila Leo.
Napangiti ako nang makita ko siyang nasa labas ng school na tila naghihintay sa akin. He cocked his head on the side and smiled at me.
“You really went here, huh?” he said as he opened the door on my side. I chuckled and nodded my head. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan ko kapag magkasama kami o kaya ay pumupunta ako sa school nila. Nasa loob ang sasakyan nito at hindi naman maganda kung hiwalay pa kami ng sasakyan.
“So, you and Cherinna are okay now?” he asked while driving. He looked at me and smiled a little. “That’s why you are smiling, ‘Ly?” he asked me again.
Isinandal ko ang ulo sa upuan ko at tumingin sa kanya. “That, and of course because I am with you…” sabi ko rito. I watched his reaction and I saw him smile.
“You’re happy you’re with me?” tanong nito sa akin habang nakangiti. Hindi ko talaga mapigilan na hindi makaramdam ng kilig kapag ganyan ang mga ngiti ni Leo.
“Why? Aren’t you happy when you’re with me?” balik kong tanong sa kanya. Natawa naman ito at muling tumingin sa akin. “I am happy,” he said and winked at me.
Para naman akong nakaramdam ng mga paruparo sa sikmura ko dahil doon. Alam ko naman na marami ang may gusto sa lalaki at marami ang gustong mapansin nito kaya iniisip ko rin na maswerte ako na nasa ganito kaming estado.
I am just wondering when is he going to ask me to be his girlfriend.
“Is it okay with you to eat here?” tanong nito sa akin bago ipinarada ang sasakyan ko sa isang food park. Tumingin ako sa labas bago tumingin kay Leo at tumango naman dito. Lumabas na rin kami ng sasakyan ko at naglakad papasok sa loob.
Nakasunod lang ako sa lalaki habang nagtitingin ito ng pwede naming makain.
“Aray,” napa-igik ako nang matulak ako ng nakasalubong ko at hindi man lang lumingon sa akin para humingi ng sorry. Hawak ang braso na nilingon ko si Leo na medyo malayo na sa akin.
Hindi ko mapigilang mapanguso.
If Enzo is here, he’d probably hold my waist and make sure no one will touch me.
Huminga ako ng malalim bago sumunod na lang sa lalaki. Kumunot ang noo niya ng makita ako. “What happened?” he asked me and reached for my arm. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot.
Ito na ang namili ng kakainin namin at gusto kong malula sa dami ng inorder nitong pagkain samantalang dalawa lang naman kami.
Mga inihaw iyon na seafoods, manok, at baboy, may kasama pang kanin!
“Are you trying to make me fat?” I asked him while looking at the food. Lahat naman mukhang masarap pero dalawa lang kasi kaming kakain!
He chuckled and looked at me. “Kaya natin ‘yan,” ngumiti si Leo sa akin at muling kumindat. Nagsimula naman na kaming kumain na dalawa.
“You’re not close with your cousins?” I asked him while eating. Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat. “Nakikita ko sila sa school noon, huling family gathering na nagkasama kami, we’re like 10 years old? After that, I never got the chance to talk to them. Besides, they grew up having all of you,” ngumiti ito sa akin.
“Bakit kasi hindi ka pinakilala sa amin ni Tito Lance? Para sana naging close tayong lahat at nakasama mo sila rin,” sabi ko naman dito.
“Maybe it was not meant to happen, that is why,” he said and continued to eat. I looked at him and nodded my head. Iniisip ko rin na usisain si Lean minsan tungkol sa pinsan nito. Nababanggit ko si Leo sa babae pero mukhang hindi nito naaalala ang lalaki kaya hindi nito naiisip na pinsan nito ang binabanggit ko.
Gaya ng inaasahan ko, hindi na nga namin naubos ni Leo ang inorder nito kaya pina-take out na lang iyon ng lalaki at sabi nito ay ibibigay na lang sa mga batang madaraanan nila sa daan.
He paid for the food and we walked back towards the car after. “So, are you going later?” he asked me again. I looked at him and smiled a little. “I’ll message you if I can…” sabi ko rito.
Tumango-tangon naman siya sa akin bago nagsimula na ring magmaneho pabalik sa school nito para makuha nito ang sariling sasakyan.
Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay nakita ko na agad ang mga babaeng nakatingin kay Leo.
“Hi, Leo,” sabi ng isa na kumaway pa rito. Nakita ko naman ang lalaki na tumango habang nakangiti sa mga ito. Tumaas naman din ang kilay ng mga ito sa akin pero hindi ko na lang na pinansin.
“I’ll just message you later,” sabi ko sa kanya bago pumasok sa loob ng sasakyan ko. Yumuko naman si Leo kaya binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko.
“Take care, okay?” sabi nito bago ngumiti at nagpaalam na rin sa akin. Pumasok na ito sa loob ng gate kaya naman nagmaneho na lang na paalis. Ang alam ko ay didiretso na rin si Leo sa bar ngayon kaya iniisip ko kung uuwi na ba ako o kung dididretso na lang ako sa bar.
Bago pa man ako makapagdesisyon ay tinawagan na ako ni Mommy at pinapauwi ako dahil may sasabihin daw ito sa akin. Sumunod na lang ako rito at nagmaneho pauwi para alamin kung ano iyon.
I saw Cherinna when I got home. Iyon pala ang sinasabi ni Mommy. Hindi ko alam na sa bahay pala namin inihatid ni Enzo si Cherinna. I asked her if she could stay for the night but she declined since Nikolai might look for her.
Hindi naman na ako nakapunta sa bar kaya nagpadala na lang ako ng mensahe kay Leo. Alam ko naman na gagalingan nito ang performance nito ngayon.
We had dinner together and Jahann drove Cherinna home. Masaya ako na nagiging maayos ang relasyon naming lahat sa kabila ng nangyari. Lahat naman kami ay namimiss si Cherinna. Alam ko na si Airi rin naman ay namimiss ang mga kinagisnan na magulang nito kaya hindi rin naghihigpit sina Mommy na dumalaw si Airi sa mga ito.
Nakaligo na ako nang magring ang phone ko at makita ko ang pangalan ni Enzo. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok ko habang nakasuot na lang ako ng isang oversized shirt at maiksing shorts at naghahanda na talaga ako na matulog.
Naupo ako sa kama nang sagutin ko ang tawag ni Enzo.
“Hello, Enzo?”
Kumunot ang noo ko nang hindi ito magsalita. Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko para tignan ang screen kung si Enzo ba talaga ang tumawag pero nakumpirma ko naman iyon base sa pangalan na nasa screen.
“Enrico Lorenzo,” I called his name and smiled. Alam ko na ayaw nito na tinatawag ito sa ganoong paraan kaya sa palagay ko ay sasagot ito sa akin.
Nagtataka na ako na hindi pa rin siya sumasagot sa akin. “Napindot mo lang ba?” natawa ako at napailing na lang. “Ibababa ko na lang na. Goodnight, Enzo,” paalam ko sa lalaki.
“Alyanna,” he said on the other line.
“Hmm?” I asked him. Sumandal na lang na muna ako sa may headboard ng kama ko. “Why? What is it?” tanong kong muli kay Enzo.
“I am outside your house,” sabi nito sa akin. Napalingon ako sa bintana ng kwarto ko at agad ko iyong tinungo para dumungaw.
“What are you doing there?” I asked him while looking at his car. “Gabi na kaya, Enzo,” tinignan ko ang orasan at halos alas-dose na ng gabi. Malamang ay gising pa rin naman si Airi at si Daddy pero hindi ko malaman kung bakit nandito si Enzo ngayon.
“Wait, I’ll go out,” sabi ko rito bago inalis ang tuwalya sa ulo ko at mabilis na sinuklay ang buhok ko. Kinuha ko rin ang pabango ko at mabilis na nagwisik s sarili ko bago mabilis na bumaba ng bahay namin at tinakbo ang papunta sa may sasakyan ni Enzo. Nakabukas naman iyon kaya hindi ako nahirapan na pumasok.
“Why are you here?” I asked him when I looked at him.
Nakasandal lang ito sa may upuan nito habang nakatingin sa akin.
Ikinaway ko ang kamay sa may harap nito dahil hindi ko alam kung parang natutulala ba si Enzo o ano. “Are you okay?” I asked him again. “Why are you here?” tanong ko ulit sa kanya.
“I want to see you.”
Natigilan ako sa sinabi nito at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito sa akin.
“I made you blush?” he said while still looking at me.
“You’re ignoring me when we’re all together and now you’re saying things like that?” nakasimangot na sabi ko sa kanya. “Nahahawa ka na sa kaabnormalan ni Keij at Theon,” dagdag ko pang sabi na nagsusungit.
He chuckled.
“What’s funny, Enzo?” I asked him while looking at him.
Inayos nito ang suot na salamin bago sumulyap sa akin. “I ignored you? I am sorry if you felt I was ignoring you,” he said before reaching my hand. “But you must know that I am not okay with the fact that you went out on a date with Leo Saavedra.”
“What…?” I looked at him again. “How did you…?”
“He’s at Blue’s Haven tonight, he’s the DJ and dad asked me to check on the bar tonight. I saw him and he mentioned you were with him,” sabi ni Enzo sa akin na seryoso ang mukha. Tumingin naman ako sa kanya.
“Yes, I was with him. We went out and eat,” paliwanag ko naman dito. Hindi pa rin nawala ang kunot ng noo nito. “I can’t understand why you’re here just to ask me that. Nagseselos ka ba kay Leo?” tanong ko sa kanya.
I saw his jaw tightened.
I sighed and looked at him. “It’s getting late. You should go home and take some rest. Thank you for bringing Cherinna earlier,” ngumiti ako sa kanya at lumapit para humalik sa pisngi nito ngunit kinabig ako ni Enzo at hinalikan ang mga labi ko.
He pulled me closer and deepened the kiss. I could feel his soft lips against mine, urging me to kiss him back.
I parted my lips and accepted the kiss, Enzo took advantage of that and kissed me deeper.
Hindi ko na rin alam kung bakit ako nagsimulang tumugon sa halik niya at humawak sa balikat niya.
“Hmm…”
Enzo moved a little and looked at me.
“What if I am jealous, what are you going to do?” he asked and my forehead creased.
“What…?”
He smirked and looked at me. “Nevermind,” he said and kissed my lips again.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store