19
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
“Have you talked to Cherinna?” si Enzo ang unang nagsalita sa aming dalawa habang nasa loob kami ng sasakyan nito. We were there for almost an hour already. Nasa may likod ng sasakyan nito ang ice cream na binili ko na malamang ay natunaw na rin.
Nilingon ko siya at umiling. “No,” tipid na sagot ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha ni Enzo at hindi ko mapigilang magkunot ng noo dahil parang nawala na sa isip nito ang ginawang paghapit sa akin at paghalik sa mga labi ko.
Pangatlong beses na niya akong hinalikan at hindi ko naman malaman kung bakit ba siya nanghahalik. Ano ba ang trip nito ngayon?
Was he bored? Was he drunk?
Hindi naman. Wala naman akong nalasahan na alak sa mga labi nito.
Muling parang nakakabinging katahimikan ang ang nangyari sa aming dalawa. It was as if we’re both afraid to talk because we might say something that is not right to say… I don’t really know.
Muli akong tumingin sa labas at huminga ng malalim. Maybe I should go inside now. Naghihintay na rin naman sa akin si Airi at baka magtaka na ito ng tuluyan kung hindi pa ako papasok ng bahay namin samantalang kanina pa ako nagsabi rito na pauwi na ako.
“Enzo, I’ll--”
“Do you really like that guy?” tanong ni Enzo sa akin nang putulin nito ang sasabihin ko. Nakatingin siya sa akin na para bang isa akong kriminal na hindi maaaring magkamali ng isasagot.
“What…?” kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa tanong niya sa akin. “Enzo, we’ve talked about this already and--”
“And it boils down to one thing. You like him, don’t you?” tanong niya sa akin. I saw sadness in his eyes and it vanished immediately when our eyes met. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.
“Enzo…” tawag ko sa kanya. Sumeryoso nang muli ang mukha ni Enzo at inayos ang salamin na suot matapos huminga ng malalim.
“I understand,” sabi nito sa akin at muli nang hindi kumibo. Napalingon ako nang umilaw ang cellphone kong nasa may hita ko at nakita ko ang pangalan ni Leo roon. Maging si Enzo ay tumingin doon at nakita ko ang pag-iting ng panga niya.
I cleared my throat and looked at him. “I’ll go now,” sabi ko sa kanya bago inilagay ang cellphone sa bag ko.
“Talk to Cherinna when you’re ready. I know you miss her and you feel sad that she left. She misses you, Alyanna. You’re just hurt, you’re no longer mad at her,” sabi nito sa akin na ikinalingon ko sa kanya.
I used to confide things with Enzo. Dito ako nagsasabi noon ng nararamdaman ko tungkol sa nangyari kaya naman alam nito kung gaano ako nasaktan noon. Bahagya rin akong lumayo sa kanila dahil hindi ko alam kung paano ko ba sila pakikitunguhan lahat matapos ng nangyaring iyon.
Gustuhin ko mang mainis sa kanila dahil kinakausap nila si Cherinna, alam kong masyadong lousy iyon at hindi ko naman din sila pwedeng diktahan kung sino ang gusto nilang kausapin o hindi. Cherinna is their friend, too.
“I will, thank you,” iyon lang at bumaba na rin ako ng sasakyan ni Enzo at kinuha ang tunaw ng ice cream sa likod. Mabilis namang pinaandar ng lalaki ang sasakyan at hindi ko napigilan na mapahinga ng malalim.
Nakatanaw lang ako sa dinaanan ng sasakyan nito at nagdesisyon lang na pumasok na sa loob nang makita kong nakaalis na ito ng tuluyan.
I don’t understand what is happening to us. We became closer, yes. He kissed me, yes, but what does that mean?
Gusto ba niya ako? That’s really impossible! Ang labong mangyari iyon. Also, I don’t think Enzo is that dumb to fall in love to a Dela Cruz, just like Lean did. Kahit naman Anderson ako ay Dela Cruz pa rin naman ako.
Not that it’s wrong to fall in love with a Dela Cruz, we just know that things will never be that easy. Hindi ko na rin alam kung sumpa na ba iyon o ano pero mula pa noon sa mga tiyuhin ko ay ganoon na ang nangyayari.
Sa palagay ko naman ay nararanasan ko na rin iyon ngayon… kay Leo.
Muli akong napalingon sa bag ko nang marinig ko ang pagring nito kaya naman kinuha ko na iyon at sinagot ang tawag ni Leo.
“Hey…” sagot ko sa tawag niya sa akin.
“Were you in the bathroom? I called a while ago,” sabi naman nito sa akin. Maingat naman akong pumasok sa loob ng bahay namin upang hindi nito malaman na kakapasok ko pa lang sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko gustong malaman ni Leo ang tungkol sa pag-uusap namin ni Enzo… at sa paghalik nito sa akin.
“Yeah, I’m sorry. Bakit ka pala tumawag?” tanong ko rito bago nagtungo sa kusina para mailagay na sa freezer ang binili ko. Naupo na rin muna ako sa upuan na naroon habang nakikipag-usap sa lalaki.
“Nothing, just wanna update you that I am home?” I heard him chuckle. Nabanggit nito sa akin na may sarili na itong condo at bigay iyon ni Tito Lance sa kanya. Gustuhin ko mang sabihin kay Mommy ang tungkol sa bagay na iyon, sa palagay ko ay hindi ko dapat na pakialaman kung anuman ang gusto nito sa buhay.
Nagkikita paminsan sina Mommy, Tita Maha at Tita Cielo pero hindi naman kami madalas na kasama kapag nagkikita sila. May kanya-kanya na rin namang pamilya ang mga ito.
“That’s good to know,” I smiled a little. Kahit na nababagabag ako sa nangyayari sa amin ni Enzo ngayon at dahil alam ko na parang galit ito sa akin, kahit papaano ay nawala iyon sa isip ko dahil na rin kay Leo.
We talked for almost 30 minutes before I told him I’m sleepy. Hindi naman ito nangulit at hinayaan na lang din ako kaya naman nakaakyat na ako sa kwarto ko at nakapaglinis na rin ng katawan. Si Airi naman ay nasa may kwarto na nito kaya nakaligtas naman na rin ako sa isang mahabang paliwanagan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at habang naliligo ako ay naisip ko ang sinabi sa akin ni Enzo tungkol kay Cherinna. Mariin kong ipinikit ang mga mata upang makapag-isip ng maayos kung ano ba ang tama kong gawin sa nangyayari.
Should I talk to her?
Kaso, ano ba ang sasabihin ko sa kanya? I am scared that she’s mad at me…
I am scared that I was too hard on her and she hates me now…
“Oh, fuck. Bahala na.” Napailing na lang ako at mabilis na tinapos ang pagligo ko.
Paglabas ko ng kusina ay naabutan ko si Jahann na umiinom ng kape habang hawak ang cellphone nito. Lumapit ako rito para uminom ng tubig.
Naramdaman ko ang tingin niya sa akin.
“Are you okay?” tanong nito na ikinalingon ko. Napansin ko ang panlalalim din ng mga mata ni Jahann. Marahil ay dahil sa puyat at pagod na rin dahil bukod sa Ai’s ay may inaasikaso pa ito at palaging naroon kina Cherinna.
“I am…” sabi ko naman sa kanya. Tumango lang siya sa akin at mabilis na inubos ang kape na nasa tasa nito. Nakita ko ang paglalakad nito papalabas kaya mabilis ko siyang tinawag.
“Can I… can I…” nagyuko ako dahil hindi ko malaman kung bakit nag-iinit ang mga mata ko sa sasabihin ko sa kanya. “Can I visit Cherinna? I just want to talk to her and--”
“Of course, brat,” sabi ni Jahann sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakangiti siya sa akin. “You should talk to her, you can talk to her all day long,” sabi nito sa akin bago ginulo ang buhok ko. “She misses you, you know?” sabi pa nito sa akin.
“I’m sorry…” sabi ko rito bago ko niyakap ng mahigpit si Jahann. I’ve been thinking about what’s happening lately and I don’t think I should hold grudges against them. I tried to make myself busy the past weeks, but it will never change the fact that I miss them. Hindi ko gusto na hindi kami okay na dalawa ni Cherinna.
He smiled at me and hugged me tight. “Go, talk to her, Alyanna,” sabi nito sa akin na agad ko namang tinanguan.
I was so thankful that things went well with Cherinna when I visited her. Noong huling punta ko sa kanila, alam kong nasaktan ko siya noong parang pinakita ko na masaya naman na ako na kasama ko si Airi. I was still mad back then, or maybe I was still hurt that she left easily… pero narealize ko naman na mali iyon… hindi ko nagawang humingi ng pasensya sa kanya kaya naman masaya akong nakausap ko si Cherinna at naging maayos naman ang pag-uusap naming dalawa.
After talking to her, we’ve decided to go to Sweet Desire. Mukhang alam ni Airi ang nangyari kaya ito ang nagmessage kay Jahann na magpunta kaming lahat doon dahil ngayon na lang din kami ulit makukumpleto matapos ng nangyari sa aming lahat.
I was looking at Kol who looked cool with everything that happened. From Theon and Lean to Cherinna and Jahann, it was like everything was fine with him.
“You’re not surprised about their relationship, why?” hindi ko napigilan na itanong sa lalaki. I get it that he’s friends with Jahann so it’s possible that he knew about it even before, but I am really curious...
“Alyanna,” saway naman sa akin ni Jahann na para bang iniiwasan nito na may masabi akong iba at mag-iba na naman ang mood sa paligid namin.
“Hmm? You might be surprised that I know a lot of things. Right, Enzo?” he tapped Enzo’s shoulder. Enzo glared at him. “Shut up, dela Cruz,” he scoffed and looked back on his phone. Kol just shrugged and checked on his phone again, too.
Napatingin naman ako kina Jahann at Cherinna para iiwas na lang ang tingin sa lalaki. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Kol.
Is it possible that he knew Enzo kissed me?
Sinabi ba ni Enzo ang bagay na iyon?
Or was I just assuming things?
Pinilit ko na lang na huwag makipag-usap sa mga ito at kausapin na lang si Dean na nililigawan na si Airi. Hindi naman ako nagtataka sa bagay na iyon dahil maganda naman talaga si Airi. Dean looks good, too! I had a crush on him before but since he’s always bullying me, that attraction dissolves. Mukha namang bagay ito at si Airi kaya wala naman akong tutol doon.
Bahala na lang si Dean kay Jahann.
Nagkanya-kanya na kaming kain at dahil kausap ni Airi si Dean at kausap naman ni Lean si Theon, wala akong makausap. Si Cherinna at Jahann ay hindi ko rin alam kung saan na ba nagpunta.
Napatingin na lang ako kay Enzo na nasa harap ko at seryoso ang mukha.
May sinasabi si Kol dito na mas ikinakunot ng noo ng lalaki. Nilingon nito si Kol at umiling. Hindi ko naririnig ang sinasabi nilang dalawa ngunit parang seryoso iyon base na rin sa itsura ni Enzo.
Hindi pa niya ako pinapansin simula kanina na dumating kami. Lahat na yata ay nakausap nito maliban sa akin, kahit pagsusungit ay wala.
Baka nga galit talaga siya sa akin?
Mamaya ko na lang siguro mumurahin ang sarili ko kapag hindi ako pinansin ni Enzo sa gagawin ko.
Tumayo na lang ako habang dala ang blueberry cheesecake na inorder ko kanina at tumabi kay Enzo. Ngumiti ako sa kanya nang tumingin siya sa akin.
“Hi!” sabi ko rito bago tumingin kay Kol na nakatingin sa akin.
“Can I sit here? They’re all talking to someone else and Keij is third wheeling Lean and Theon…” paliwanag ko naman sa mga ito. Si Enzo ay nakatingin sa iPad nito at parang walang balak na pansinin ako.
“So, you’ll make me the third wheel now?” kaswal na tanong ni Kol sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.
Nag-angat ng tingin si Enzo sa lalaki. “I was just asking,” sabi ni Kol dito.
I looked at Enzo and moved the plate towards him. “Blueberry cheesecake? Favorite mo ito, diba?” ngumiti akong muli sa kanya.
Nilingon naman ako ni Enzo ngunit hindi ito nagsalita.
I smiled a little. “Bati na tayo?” lakas-loob kong tanong sa kanya kahit na alam ko naman na pwede niya akong sungitan na naman.
“Enzo, ayaw mo? Akin na lang,” naupo si Keij sa tabi ko at kinuha ang blueberry cheesecake at sinimulan kainin ito.
“Keij!” pinanlakihan ko naman ng mata ang pinsan pero ngumiti lang ito sa akin.
Enzo patted his hand and looked at him. “That’s mine.”
“Hindi mo naman kinakain, e,” sabi nito bago nilingon si Kol. “Tumawag si Mommy, tumawag ka raw sa kanya,” sabi nito sa kakambal. Tumango naman si Kol dito bago tumayo.
Tumingin sa akin si Keij at sumimangot bago tumayo para pumasok na sa loob ng Sweet Desire. Naiwan naman kaming dalawa ni Enzo na naroon sa may upuan.
Napalingon ako rito na hawak pa rin ang plato ng cheesecake, hindi ko napigilang matawa dahil nakakunot pa rin ang noo nito.
“Keij went inside already,” sabi ko rito habang natatawa pa rin. Nag-angat naman siya ng tingin bago tumango ng maliit.
“I guess, bati na tayong dalawa?” tanong ko sa kanyang muli. “I am sorry if I made you mad? I don’t know why you got mad, though. Ikaw ang nanghahalik tapos ikaw ang magagalit sa akin, hindi ko nga alam kung bakit ka nanghahalik, e. I mean, why would you do that?” dire-diretso kong tanong bago lumingon kay Enzo na nakatitig sa akin.
Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa titig nito.
“What I mean is… I’m sorry…” napayuko ako at napaiwas ng tingin. Damn! Ang dami ko ng nasabi! Nabanggit ko pa ang tungkol sa halik! Paano kung may nakarinig sa akin?
“Okay,” sabi nito sa akin kaya muli akong napabaling sa lalaki pero nanlaki ang mga mata ko nang lagyan nito ng blueberry syrup ang tungki ng ilong ko.
“What the…?” tinignan ko iyon kaya naman para akong naduling nang gawin ko iyon. “Enzo!” I frowned and reached for the tissue paper on the table.
Mabilis na kinuha ni Enzo iyon kaya naman tinignan ko siya. Malamang ay ito na ang magpupunas noon sa ilong ko kaya hindi na ako nagpumilit na humingi sa kanya.
I looked at him and he cocked his head on the side.
“What? Punasan mo na,” sabi ko sa kanya dahil maglalagkit na iyon sa ilong ko.
Enzo smiled a little and nodded.
“Apology accepted, but I am still pissed,” he said as he moved his face closer to mine. Bago pa man ako makapag-react ay naramdaman ko ang paghalik nito sa tungki ng ilong ko.
Parang lahat ng dugo sa katawan ko ay napunta sa mukha ko dahil sa ginawa nito.
He took the blueberry syrup on the tip of my nose using his lips!
What the hell?!
I looked at Enzo and I saw him smile. I looked around us and no one was looking in our direction. Mabilis akong tumingin muli kay Enzo.
Nakita ko na kumakain na ito sa blueberry cheesecake na ibinigay ko.
“Yeah, this is my favorite,” sabi nito bago muling tumingin sa akin.
Napailing na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store