ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

18

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

You can also be a patron, visit my account.

patreon.com/vampiremims

You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

☀️☀️☀️


I looked at Enzo's message again while I was still sitting on my bed. Noong isang araw pa ang message niya sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapagreply sa kanya dahil hindi ko naman din alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Enzo.

Are you mad? I'm sorry. Talk to me, please?

We made out inside his car. He's my first kiss and I don't have any idea how to kiss! That was the second time he kissed me.

I bit my lip and heaved a sigh.

"Okay ka lang?" tanong ni Airi sa akin habang nakahiga sa kama ko. We have decided to just watch inside my room since we have nowhere to go.

Ang alam ko ay pupunta sina Lean kay Cherinna ngayon pero hindi na ako muna sumama dahil hindi ko pa rin naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa babae kapag nagkita kaming dalawa.

"Yeah, why?" tanong ko naman dito. Kumuha na lang ako sa kinakain nito na pizza bago tumingin sa pinapanuod nito.

"You're spacing out again. Is this about Leo again?" tanong niya naman sa akin. I looked at her and shook my head. Mukha namang nagustuhan nito ang sagot ko dahil alam ko naman na ayaw nito sa lalaki.

"That's good! Don't think about that ass again, okay?" She smiled at me and looked at the screen again. I looked at her and smiled a little. It was a good thing that Airi didn't have a hard time adjusting to us. Alam ko na kahit papaano ay naiilang pa rin si Airi at hinahanap pa rin nito ang nakilalang magulang pero ang nakakatuwa sa kanya ay tinanggap niya rin ang katotohanan na kami ang pamilya niya.

Dad initiated to have both Airi and Cherinna undergo through DNA testing to make sure again. The result came out positive.

Napalingon ako sa cellphone ko nang umilaw ito at mabilis na kinuha iyon sa pag-aakalang nagmessage na muli si Enzo sa akin.

It was Leo, though. My heart skipped a beat when I saw his name on my phone.

Are you busy today?

Muli kong kinagat ang labi ko bago sumagot sa lalaki. Tinignan ko muna si Airi na abala sa panunuod bago ako tumipa ng isasagot sa lalaki.

Not much, why?

Mahigpit ang hawak ko sa phone ko habang naghihintay ng sagot kay Leo. Maybe if I just focus on Leo, I will not think about what Enzo did.

Hindi naman din klaro sa akin kung ano ba ang ginagawa ni Enzo. Para saan ba iyon? Imposibleng gusto niya naman ako kaya hindi ko ine-entertain ang ideya na iyon.

I don't like reading books, Enzo does. Ang gusto ng lalaki na iyon ay sa library nakatira na babae at hindi naman ako iyon.

Maybe he's just playing around? Maybe that's the other side of Enzo since Keij mentioned, too, that Enzo was the first to lose his v card?

Inagaw naman ng muling pag-ilaw ng cellphone ko ang atensyon ko dahil sumagot na si Leo sa mensahe ko.

"What?" kunot ang noo kong sabi nang mabasa iyon. Lumingon naman sa akin si Airi na halatang nagtataka rin dahil hindi naman niya ako kinakausap.

"What is it?" tanong niya sa akin.

I looked at Leo's message again.

I am outside your house. Let's go out?

I bit my lip hard and tried to think fast about what I should do.

Ah, bahala na!

Tumayo naman na ako at kinuha ang jacket ko na nakalagay sa may upuan. Gaya ng inaasahan ko, nagtanong sa akin si Airi kung saan ako pupunta dahil wala naman akong nabanggit sa kanya.

"I will just go out, I want ice cream," pagpapalusot ko kay Airi na mas ikinakunot ng noo nito. Naupo ito at at uminom na muna ng tubig. Kinuha ko na rin muna ang wallet ko para naman magmukhang may bibilihin talaga ako.

I just made a mental note that I should buy an ice cream later.

"May ice cream naman sa baba? Bumili ako kagabi," sabi nito sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya dahil alam ko naman na magtataka talaga ito kung saan ako magpupunta.

"Yeah, but that was a rocky road flavored ice cream, right? I want strawberries and cream and I think mom would like it, too," sabi ko naman sa kanya bago naglakad papunta sa pinto. "You can stay here, okay?" sabi ko pa rito bago mabilis na lumabas bago pa maisipan ni Airi na sabihin na sasama ito sa akin.

Dali-dali na akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay namin.

Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin ang sasakyan ni Leo, hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko ang pag-ilaw nito kaya mabilis akong tumakbo papunta rito.

I was still catching my breath when I turned my head to Leo who's watching me. Ngumiti ako sa kanya.

"Hello..."

"Why are you running?" he chuckled and offered the bottle of water that was there to me. Kinuha ko naman iyon at mabilis na ininom. Nilingon ko ang bahay namin at sa palagay ko naman ay hindi ako nakita ni Airi kung sumilip man ito sa may bintana ng kwarto ko.

"What's wrong?" tanong muli ni Leo sa akin na lumingon din sa bahay namin.

"Nothing, just Airi. I had to make an excuse to go out," sabi ko naman dito bago ngumiti.

Ngumiti naman si Leo sa akin bago inabot ang tissue na naroon sa may sasakyan nito at pinunasan ang noo ko na pinagpawisan. Pigil ang ngiti akong nakatingin sa lalaki habang ginagawa iyon.

"Silly, you should've just told her you will go out with me," pangaral naman nito sa akin bago hinawakan ang pisngi ko at hinaplos iyon. "There."

"I am here now, though," sagot ko naman sa kanya. "Why did you go here?" pag-uusisa ko sa kanya. Hindi naman kasi siya madalas na nagpupunta rito para sunduin ako. Madalas na sa labas na kami nagkikita na dalawa.

He shrugged and looked at me. "I was busy the past weeks and I think you feel bad about that?" sabi naman nito bago may kinuha sa likod. It was a bouquet of red roses and chocolates. "Peace offering?" sabi nito sa akin habang nakangiti.

Pinagmasdan ko ang lalaki na tila nahihiya kung ano ba ang sasabihin pa sa akin. It was so obvious that he doesn't do these things often.

"Ayaw mo?" tanong niya sa akin. Nakita ko ang pagbaba ng mga kamay nito na may hawak na bulaklak at chocolate. Napangiti ako at kinuha iyon sa kanya.

"I liked it!" tinignan ko ang mga bulaklak at inamoy iyon. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Leo..."

He cocked his head on the side and smiled. "It's a relief that you liked it, Alyanna," sagot naman nito sa akin. "Also, since I was busy the past week, let's eat?" aya nito sa akin bago sinimulan na paandarin ang sasakyan.

Tumango ako sa kanya habang nakatingin pa rin sa mga bulaklak. Hindi naman bago sa akin makatanggap ng bulaklak dahil kahit ang ibang nanliligaw sa akin ay binibigyan ako pero madalas na ipinapamigay iyon nila Keij sa mga nakakasalubong namin na ibang estudyante.

Come to think of it, this was the first time Leo gave me flowers. Madalas kasi na pagkain ang dinadala nito kapag nagkikita kami.

"Where do you want to eat?" tanong ni Leo sa akin habang nasa daan kami. "Hmm... I want pasta and chicken."

Ngumiti ito sa akin bago tumango. Mukha namang wala itong reklamo ngayon sa akin dahil gaya nga ng sabi ni Leo kanina, nakikipagbati ito kaya ako ang nasusunod ngayon.

Sumandal ako sa may upuan habang nakaharap kay Leo na nagmamaneho pa rin.

"Hmm? Why?" tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nasa daan pa rin.

He's wearing his usual white shirt and jeans. Mukha itong malinis talagang tignan kaya hindi talaga ako magtataka kung marami ang magkakagusto rito...

Kasama na ako.

"Nothing," umiling ako dahil hindi ko naman kayang sabihin sa lalaki kung ano ang nararamdaman ko o ang nasa isip ko. I can't tell him I like him since I don't know what's the real score between us.

Ito... hindi ko alam kung friendly date lang ba ito...

Pero binigyan niya ako ng bulaklak...

Muli akong nagyuko sa hawak ko.

Sa isang Italian restaurant ako dinala ni Leo. Mabuti na lang at kahit papaano ay maayos naman ang suot kong shorts at blouse. Isinuot ko na lang din ang jacket na kinuha ko kanina.

Nauna na si Leo na pumasok sa loob ng restaurant para magtanong kung may bakanteng mesa. Habang nakatingin sa lalaki, hindi ko mapigilang hindi maisip si Enzo.

He usually walks with me. Hawak ni Enzo ang likod ko at tsaka magtatanong kung may bakanteng lamesa para sa amin.

Napailing ako upang alisin sa isipan ang tungkol sa lalaki. I should not think about Enzo. Si Leo ang kasama ko ngayon...

Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Leo at sabihin na may lamesa na. Ngumiti naman ako sa kanya at sumunod na lang sa paglalakad nito hanggang sa makarating na kami sa lamesa namin.

Ibinigay na rin ng waiter sa amin ang menu at hinintay ang orders namin. Nag-order na si Leo ng para sa aming dalawa at tinanong ako kung may gusto pa ba akong iba. Iling ang naging sagot ko sa kanya dahil okay naman para sa akin ang mga inorder nito.

Hindi nawala ang pasta at chicken na sinabi ko sa kanya kanina.

"Anong pinagkaabalahan mo habang wala ako?" tanong ni Leo sa akin habang nakatingin sa akin. Nakasandal ito at nakangiti sa akin. "No one dared to court you, right?" he asked me again.

Kumunot ang noo ko sa kanya bago umiling. "Takot lang nila kay Theon at Keij, no," sabi ko naman dito. "And of course, I was busy with what's happening to my family. Nabanggit ko sa iyo 'yun, diba?" dagdag kong sabi sa lalaki na tumango naman sa akin.

"Airi is now living with you, right?"

Tumango naman ako bilang sagot.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang order naming dalawa. Si Leo na rin ang naglagay sa plato ko ng pagkain kaya naman pinipilit kong itago ang kilig dito.

"I forgot to mention that I met Cherinna," muling sabi ni Leo habang kumakain kaming dalawa. Kumunot naman ang noo ko dahil wala namang nabanggit sa akin si Cherinna. "Just in a convenient store, but that was it," dagdag nito.

"She's living with her parents now," nagyuko ako dahil wala naman akong ibang masasabi tungkol doon dahil hindi pa naman kami okay ni Cherinna ngayon. HIndi ko pa siya nakakausap ulit.

Mukha namang nakuha ni Leo na hindi pa ako kumportableng pag-usapan ang tungkol doon kaya iniba na lang nito ang pinag-uusapan namin.

"Hindi kita nakikita sa Blue's Haven noong nakaraan..." sabi ko rito dahil hindi naman isang beses kong sinubukang tignan kung naroon ang lalaki upang makausap ito.

Leo chuckled and nodded his head. "My dad talked to his cousin, since I'm still studying, they're not giving me a schedule there," natawa pa ito bago muling nagsalita. "I asked for a car instead, he gave it to me, so I am working at another bar instead," he winked at me.

Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

Natawa ito ng marahan nang makita ang pagtataka marahil sa mukha ko.

"The wife of the owner of Blue's Haven is my dad's cousin," paliwanag ni Leo sa akin. Mas tinitigan ko naman siya dahil hindi ko alam ang bagay na iyon.

"I believe my dad had a thing with your mom before, Alyanna," dagdag pa ni Leo sa akin. Tsaka ko parang naunawaan na ang tinutukoy nito ay si Tito Lance!

"You are Tito Lance's son?!" tanong ko sa kanya na tila napalakas kaya nagtinginan ang lahat sa amin. Pinamulahan naman ako ng pisngi habang natatawa si Leo na nakatingin sa akin.

"Yeah, Leo Saavedra," sabi nitong muli sa pangalan nito. "My dad and your mom lost their communication before and my dad told me he doesn't want to bother Tita Mika and Tito Kerko so he just maintained his space," nagkibit-balikat ito bago uminom ng tubig. "So, it's better if you won't tell them anything about it."

Napatango ako sa kanya. Hindi ko naman din sinasabi ang tungkol kay Leo kina Mommy at Daddy dahil na rin sa nangyari pa kina Cherinna at Jahann. Ayokong makadagdag sa iispin nila.

If he's Tita Cyan's nephew, it means he is Enzo and Lean's cousin.

Ang dami ko pa pala talagang hindi alam tungkol sa lalaking ito... ang alam ko lang sa kanya, panay basic informations pa lang. Pero 'yung mas malalalim pa, ay wala akong ideya.

I was about to say something when someone familiar caught my attention. May kasama itong babae kaya mas kumunot ang noo ko sa kanya.

Hinintay kong humarap ito at tama nga ang hula ko na si Enzo ang lalaking iyon. Nakasuot ito ng itim na polo na itinupi hanggang siko. Tinignan ko ang kasama nitong babae na hanggang balikat ni Enzo ang taas.

She was wearing a yellow dress and flat shoes. Nakalugay lang din ang tuwid na buhok nito.

Nilingon ni Leo ang tinitignan ko at lumingon sa akin. "Enzo's finally dating someone?" tanong nito sa akin. Humigpit ang hawak ko sa baso bago tumingin sa lalaki at nagkibit-balikat.

"I don't know," tipid na sagot ko bago muling kumain. Nakatalikod si Enzo sa akin kaya naman alam kong hindi niya ako nakikita. Nakatingin lang ako sa kanya at sa babaeng kasama nito na kinakausap si Enzo.

Nang matapos na kaming kumain ni Leo ay nagbayad na rin kaagad ito kaya naman tumayo na ako para sumunod sa lalaki papalabas ng restaurant.

Pilit kong hindi pinansin si Enzo hanggang sa makalabas ako at sumakay na rin sa sasakyan ni Leo. Hindi ko maalis sa isip ang itsura ng babae na kasama nito.

Ganoon ba ang type ni Enzo? Modesty aside, I know I look prettier. Mas maganda pa kami kaysa sa babaeng iyon, e.

Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. There's no point in comparing her to me, or us, since Enzo might like her. Hindi naman ako gusto ni Enzo kaya pwedeng mas maganda nga ako, hindi naman ako gusto.

"Let's go?" tanong ni Leo sa akin nang makasakay na rin ito. Tumango naman ako sa kanya at nilisan na ang restaurant na iyon.

Si Enzo ang laman ng isip ko habang nasa daan kaming dalawa ni Leo. Iniisip ko pa rin kung ano ba ang nangyari at may kasama ito. Kung alam ba ni Lean ang tungkol sa bagay na iyon. Ang alam ko kasi ay pupunta ang mga ito kay Cherinna...

"Alyanna," untag ni Leo sa akin. Nilingon ko naman siya at nakita ko na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Are you okay?" tanong niya sa akin.

I bit my lip and nodded my head. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa nangyayari. Bakit ba ako naapektuhan doon? I am with Leo now, I don't know what the hell is happening to me, too!

"We're here..." sabi nito sa akin na ikinagulat ko. Lumingon ako sa labas at nakita ko na naroon na nga kami sa labas ng bahay namin.

I looked at Leo and smiled shyly. "Uhm, sorry..." hinging paumanhin ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at tumango. "It is okay."

"Thank you sa flowers, chocolates and meal," sabi ko bago kinuha ang mga bigay nito.

"So, are we good now?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Tumango naman ako bilang sagot. "Bati na tayo," sabi ko sa kanya bago bumaba ng sasakyan nito. Nagpaalam na rin ito sa akin bago tuluyang umalis at naiwan akong naroon lang sa labas.

Huminga ako ng malalim bago tumingala at ipinikit ang mga mata.

"Oh, shit!" I remember my alibi! Wala akong dalang ice cream at siguradong magtataka si Airi kung bulaklak at chocolates ang magiging dala ko!

Mabilis kong kinuha ang phone ko para umorder na lang ng ice cream at maihatid dito sa bahay. Maghihintay na lang ako dito sa labas hanggang sa dumating ito.

Halos sampung minuto na akong nakaupo sa may gutter nang may makita akong paparating na sasakyan. Kumunot ang noo ko nang huminto ito sa may gilid ko, nakilala ko naman agad ang sasakyan ni Enzo.

Ano namang ginagawa nito rito?

Tumayo ako para maglakad papunta sa side ng pinto nito. Binuksan naman iyon ni Enzo kaya nasa may gilid niya ako.

"What are you doing here?" I asked him and looked inside his car. "Wala kang kasama?" tanong ko dahil hindi ko na nakita ang babaeng kasama nito sa restaurant kanina.

"I thought we were clear regarding possessiveness, Alyanna Samantha?" kumuyom ang kamay ni Enzo na nakahawak pa rin sa manibela bago tumingin sa akin.

"You're with someone, too, though. Anong problema mo?" tanong ko sa kanya bago natigilan. "You saw me there?" I asked him while looking at him. Paano rin na mabilis na nakarating si Enzo rito?

"I was watching you the whole evening," he said while looking at me.

"Yeah, right. You were with someone and--"

"I don't even know her. I just want to see that look on your face," he cut me off. Hindi naman ako nakapagsalita habang nakatingin lang kay Enzo. "You feel jealous, right?" he asked me, still serious.

"I don't know what you are talking about. Papasok na ako sa bahay namin," sabi ko bago naglakad pero hinawakan ni Enzo ang kamay ko.

"That's what I feel whenever you're with Leo and whenever you're talking about him," diretsong sabi ni Enzo sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

His eyes were pleading while looking at me.

"Yes, I am damn jealous, Alyanna," sabi nito bago ako mas hinapit at hinawakan ang batok ko papalapit sa mukha nito.

"Enzo..."

"Damn it," he said before pressing his lips against mine.

Muli kong naramdaman ang init ng mga labi ni Enzo at hindi ko maintindihan kung bakit tila ngayon ay may sariling isip ang kamay ko at iniyakap ang mga iyon sa batok nito at hinayaan ang lalaki na halikan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store