ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

17

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

You can also be a patron, visit my account.

patreon.com/vampiremims

You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

☀️☀️☀️


Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit nangyari ang bagay na iyon sa aming dalawa ni Enzo. After that kiss, I went out of Blue's Haven. I decided to just go home on my own but he insisted on driving me home.

Walang kumibo sa aming dalawa sa loob ng sasakyan. It was as if we're both in shock of what happened...

That was my first kiss...

I never thought it would be with Enzo. Hindi ko akalain na mahahalikan niya ako, o mahahalikan ko siya. I kissed him on his cheeks, I kissed all of them on the cheeks, but on lips? Never. Even with Leo who tried kissing me but stopped even before our lips touched.

Kay Enzo pa lang talaga...

"Are you okay?" tanong sa akin ni Airi habang nag-aalmusal kaming dalawa. I looked at her and nodded my head a little. "Yes..." halos pabulong kong sabi sa kanya. I was spacing out and I wanted to pull my hair hard because of that. Hindi ko alam na natutulala na rin ako dahil sa pag-iisip ng nangyari.

Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang nangyari. Kung paano niya akong hinila papalapit sa kanya at paano niya akong hinalikan.

I bit my lip.

"Is it Leo again?" sumimangot ito sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na rin kaagad si Airi. "Alyanna, I already told you, he's really not good for you. Hindi ko pa siya nakikita pero napaka-asshole niya na, no," sabi pa nito bago muling kumain.

Of course Airi knew what happened before. Nakuwento ko sa kanya ang tungkol kay Leo at talaga namang ayaw nito sa lalaki dahil napapansin daw nito na parang pinapaasa lang naman ako nito.

Hindi ako kaagad nakapagsalita kaya naman tinitigan ako ni Airi. Ibinaba nito ang hawak na mga kubyertos bago huminga ng malalim. "I am sorry if I said those words, it's just that, I don't want to see you sad, Alyanna. A lot of things have happened already, and the last thing you need is an asshole who will just play with your heart, and I am sorry for thinking that Leo is an asshole..." inabot nito ang kamay ko at pinisil iyon.

I looked at her and smiled a little. "I know, Airi. Thank you..." sabi ko naman dito bago kumain na rin.

Well, I wasn't thinking about Leo at that moment. Enzo was the one occupying my mind but I don't think I will disclose that one. Hindi ko nga alam kung bakit nangyari iyon, at panigurado naman na magiging usapin sa amin kung bakit nangyari iyon.

Maybe they should ask Enzo? Ito naman ang nanghalik kung tutuusin...

Pinilit kong iwaksi na lang sa isipan ko ang nangyari. Maybe it was just an accident? Hindi naman siguro sinadya ni Enzo ang nangyari.

Matapos kaming kumain ay sabay na kaming umalis ni Airi para pumasok. Inayos na nila ang mga papel nila Cherinna at Airi. Hindi na pinalitan ang mga pangalan nila maliban sa mga apelyido.

Airi is now an Anderson, Cherinna is an Alcantara. Nakakapanibago pero iyon naman ang dapat na gawin. Nang sabihin iyon ni Daddy sa akin, may maliit na parte sa akin na ayaw pumayag dahil mula pagkabata, si Cherinna naman na talaga ang kasama ko, pero magiging unfair iyon kay Airi kung hindi ako papayag na mapalitan ang pangalan nito ng sa tunay na pamilya naman talaga nito.

Jahann is always with Cherinna and it's okay. Hindi ko naman din ito pwedeng pagbawalan na magpunta sa kanila dahil naroon si Nikolai. Isa pa, hindi ko naman din talaga mapipigilan si Jahann sa gusto nitong gawin.

I parked my car next to Theon's car. Nakita ko silang naroon sa may benches kaya lumabas na rin kami kaagad ni Airi ng sasakyan at lumapit sa mga ito.

Nakita ko si Enzo na nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin dito at lumapit na lang kay Lean.

"May sumpong ka?" tanong ni Keij sa akin nang nilapitan ako. Kumunot naman lalo ang noo ko sa kanya.

"Ano?"

"Nakasimangot ka na naman, problema mo ba?" tanong ulit ni Keij sa akin. "Kaya sumusuko manliligaw mo sa'yo, e," sabi pa nito na inakbayan ako. "Don't worry, Alyanna. Dela Cruz ka naman din, hindi ka mawawalan," sinundan nito ng tawa iyon.

Siniko ko naman agad ito sa may tiyan. "Excuse me, hindi ko sinasagot ang manliligaw ko, no," sabi ko naman dito bago naupo sa may tabi ni Lean.

"Kasi hinihintay mo si Leo?" pang-aasar ni Lean sa akin. Nilakihan ko naman ito ng mata nang tumingin ako sa kanya. Sila pa lang ang may alam ng tungkol kay Leo kaya naman nagulat ako na sabihin nito iyon sa kanila.

Lalo pa at nandoon si Enzo!

"Who's Leo?" tanong ni Theon sa akin. Napailing na lang ako habang natatawa naman si Lean sa akin. "You know there's no point in hiding him, Alyanna. They will eventually know it," sabi pa nito sa akin na para bang dapat pa akong magpasalamat dahil ito na ang nagsabi sa mga ito ng tungkol kay Leo.

Inirapan ko si Lean bago tinignan si Theon. "None of your business," sabi ko na lang dito bago tinignan ang cellphone ko.

"It will be if that asshole will make you cry," sagot ni Theon sa akin. Nilingon ko naman ito at tinignan ng masama. "You're also an asshole," sabi ko naman dito sa inis na tono.

Keij chuckled and looked at me. He even cocked his head on the side. "It was true, though. If he will make you cry, he will pay for it," he added.

Napailing na lang ako. "Ewan ko sa inyong dalawa."

"But seriously, Alyanna, if you like him, why don't you tell him that?" tanong naman ulit ni Lean sa akin. I frowned again and leaned on the bench.

"You like him, right?" Lean asked me again.

Nahagip ng tingin ko si Kol at si Enzo na nag-uusap. Kol glanced at me but didn't say anything, Enzo on the other hand had a blank face. Hindi ito nakikipag-usap sa amin o nakikisali sa usapan namin.

Tinapik lang nito si Enzo bago nagpaalam ang mga ito na aalis na dahil may gagawin pa. Hindi man lang din nagpaalam sa amin si Enzo, basta na lang ito naglakad papaalis kasunod si Kol.

"May sumpong din kambal mo?" tanong ni Keij kay Lean. Nagkibit-balikat naman ito. "You know Enzo, he's always like that," sabi naman nito bago tumayo na rin.

Nagkanya-kanya na kami ng punta sa mga klase namin ngayon.

I was checking my phone from time to time to see if Leo sent me a message. Hindi pa ito nagpadala ng message sa akin simula noong hindi kami natuloy na magkita.

Siguro ay mas dapat ko na nga lang intindihin kung ano ba ang mayroon sa amin ni Leo kaysa isipin ko ang isang bagay na hindi ko naman din alam kung ano ang magiging sagot.

I bit my lower lip as I immediately put my things in my bag and left the room as soon as my class ended. Iniisip kong puntahan si Leo para na rin malaman ko kung ano ba talaga ang mayroon sa aming dalawa.

He's damn special to me.

He's making me feel the butterflies in my stomach whenever he's with me, he's making me happy, he's making me blush, he's making me like him even when he's not doing anything.

And it's all annoying!

Should I be okay with that set-up? He never told me he likes me. He told me he's enjoying my company, he also likes hanging out with me, pero ganoon lang ba iyon?

Mabilis akong bumaba ng hagdan at sakto namang paakyat si Enzo kaya nagkasalubong kaming dalawa. I stopped on my track and looked at him.

Halatang natigilan din si Enzo nang makita ako.

Napaiwas ako ng tingin sa lalaki at mabilis na nagyuko at naaglakad na ulit pababa. Natigilan ako nang hawakan nito ang kamay ko.

Nilingon ko si Enzo na nakatingin sa akin. "Why...?" I asked him.

"Can we talk?" tanong naman nito sa akin. Napalingon ito sa mga ibang estudyante na tumitingin sa amin kaya naman ito na ang naunang maglakad pababa habang hawak pa rin niya ang braso ko.

Natural na pag-uusapan kami ng mga estudyante kung doon pa kami mag-uusap ni Enzo lalo pa at mukhang seryoso ito base na rin sa tingin nito sa akin.

Hindi naman na muna ako kumibo habang naglalakad. I bit my lower lip as I watched Enzo's back. Are we going to talk about what happened? Is he going to apologize for kissing me?

Nang makarating kaming dalawa sa may sasakyan nito ay agad na pinapasok ako ni Enzo. Wala naman na akong klase ngayon kaya walang kaso kung aalis ako.

"Where are we going? You said you just want to talk."

I looked at Enzo. His jaw tightened as he continue to drive. Mahigpit din ang hawak nito sa manibela.

"Enzo," I called his name. He heaved a sigh and looked at me.

"Are you okay...?" tanong ko nang hawakan ko ang kamay nito. "May nangyari ba?" pinagmasdan ko ang mukha ni Enzo at nakita kong tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

I reluctantly took my hand off him.

"I'm sorry..." nag-iwas ako ng tingin sa lalaki. Dinala niya ako sa may park at hindi naman kami lumabas ng sasakyan nito.

Nakaupo pa rin si Enzo at mukhang malalim ang iniisip.

Napalingon ako sa labas habang iniisip kung ano ba ang una kong sasabihin sa lalaki. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap. Sari-sari ang tumatakbong tanong sa isipan ko...

Or maybe something happened and he just wants to share it with me?

I looked at him and was about to say something when I heard him ask me, "Who's Leo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko akalain na iyon ang sasabihin ni Enzo sa akin. He was listening to us a while ago?

"What...?" takang tanong ko sa kanya. Tahimik ang buong paligid at parang pati paghinga namin ni Enzo ay dinig ko.

Mabilis din ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaki.

"Who's Leo?" he asked me again, this time his jaw tightened as he looked at me. Parang mas kinakabahan ako sa nangyayaring pagtatanong nito ukol sa lalaki. Is he going to tell Jahann?

"Why are you asking?" tanong ko pabalik sa kanya habang nakatingin dito. Para saan ba at inaalam nito ang tungkol kay Leo?

"Just answer me, Alyanna," sabi ni Enzo na tila naiinis na sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya dahil doon. Muli nitong ikinuyom ang kamay.

"What is it to you, Enzo?" I asked him and sighed. "Leo is just a friend," sabi ko sa kanya. That was technically true because Leo is not courting me.

He's just a friend.

"A friend?" he asked me again. "Is he courting you?" he added.

I shook my head. "He's not, I don't know why you're interrogating me about him."

Hindi naman kumibo sa akin si Enzo. I could feel his frustration and I don't know where it is coming from. I thought he would ask me about the kiss, but I was wrong.

"Do you like him?" diretsong tanong sa akin ni Enzo. Matiim siyang nakatingin sa akin na para bang hinihintay niya akong sumagot ng bagay na magugustuhan nito.

Muli akong huminga ng malalim at isinandal ang ulo habang nakatingin kay Enzo.

"You like him, do you?" he asked me again, this time, his voice was soft, and it was almost a whisper. Napayuko ako at pinili ko na lang na hindi kumibo.

Napalingon ako kay Enzo nang hawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "I am sorry if I asked too many questions," sabi nito sa akin.

"Enzo..." umiling ako sa kanya. "It is okay. I just didn't say anything about Leo because everyone is dealing with their own lives, I just thought I would just deal with it on my own..." paliwanag ko sa kanya.

Tumango naman ng marahan si Enzo sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko. "You don't have to explain anything, Alyanna."

"You are not mad at me, right?" tanong kong muli kay Enzo. Tinitigan niya naman ako bago marahang umiling sa akin. "No, I am not."

I smiled a little and looked at him. "He's really just a friend, Enzo..."

Tumango rin sa akin si Enzo bago huminga ng malalim. It was as if he was thinking of something as well. Gustuhin ko mang tanungin, hindi ko alam kung magsasabi ba si Enzo sa akin ng naiisip nito. Hindi naman ako si Kol o si Jahann.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Hindi na ito kumibo mula nang sinabi niya sa akin na ihahatid niya ako sa bahay. Walang kumikibo sa aming dalawa habag nasa loob kami ng sasakyan.

"Enrico Lorenzo," untag ko sa kanya nang iparada nito ang sasakyan sa labas ng bahay namin. Tumingin siya sa akin at hindi naman din nagsalita.

"What's wrong?" I asked him again.

Tinitigan ako ni Enzo bago ito nagsalita. "You told me not to have a girlfriend now, remember?" tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng pisngi nang maalala ko ang nangyari noong gabi na iyon.

"Uhm, yes... why...?"

"Can I ask the same thing to you? Can you not have a boyfriend in the meantime?" napayuko si Enzo nang sabihin niya ang bagay na iyon sa akin.

"What? But, why...?" tanong ko ulit sa kanya.

Enzo smiled a little and looked outside our house.

"I don't want to share you with others, too," diretsong sagot niya sa akin na ikinabigla ko. I know I said the same thing to him because seriously speaking, we don't want other girls hanging around with them and to have their attention divided.

Lalo kay Enzo. I think we became closer so I really don't want him to be with someone who's not worth it. He's too special to have someone who's just gonna hurt him.

"I didn't know you could be so possessive?" pang-aasar ko sa kanya pero hindi tumawa si Enzo at nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"Lalabas na ako para makapagpahinga," sabi ko sa kanya bago binuksan ang pinto. Natigilan naman ako nang hinawakan niyang muli ang kamay ko at hinapit ako.

"Enzo!"

"Yes, I could be possessive," he said and kissed my lips again.

My eyes widened in surprise but Enzo started to deepen the kiss.

What the hell... why does he keep on kissing me?!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store