16
This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.
Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
☀️☀️☀️
It has been almost half an hour and I was still laying on my bed, looking at the ceiling, thinking what happened to our lives and why we all ended up being like this. I breathed heavily and hugged the pillow again.
It's like one of those days again...
Okay naman ako kahit na papaano, lumalabas naman na ako kasama ang mga pinsan ko, sina Airi, sina Enzo, pero kapag ganitong umaga, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi malungkot kapag naiisip ko ang nangyari sa amin.
I miss Cherinna...
I miss going to her room at night because I can't sleep, I miss hugging her until I fall asleep because she's really the patient one. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba grabeng pagpapasensya ang mayroon si Cherinna para sa akin, e. Samantalang ako... siguro ay iniisip niya na hindi siya mahalaga sa akin.
Muli akong huminga ng malalim. I still can't force myself to talk to her. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Was it fear? Takot ako na galit din siya sa akin matapos lahat ng ginawa ko, mga nagawa ko...
Was it anger? Am I still mad at her? Kaya ba ayoko siyang kausapin ng maayos? Was it pain? Am I hurt that she chose to leave me? Us?
Hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko na nahirapan na rin talaga siya. Mom was mad at her, I was... mad at her...
I know that mom is making an effort for Cherinna. Hindi man sabihin sa akin ni Mommy iyon o ni Daddy, alam ko na may pinagluluto nito si Cherinna at si Daddy ang naghahatid ng mga iyon.
How I wish I can be like that, too... kaso ay hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan iyon.
"Ugh!" itinakip ko na lang sa mukha ko ang unan at ibinaon ang sarili sa kama ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin ko...
Sobrang mabait naman si Airi sa akin sa totoo lang kaya wala naman akong problema sa kanya. Ayoko rin naman na pag-isipan ito ng masama dahil wala naman din itong kasalanan sa nangyari sa pamilya namin.
We lost her and we're actually happy to have her back, though it was like an exchange of losing Cherinna.
Muli akong napaungol bago tumayo na at inayos ang kama ko. Maybe I should go out to clear my mind. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay Leo. I asked him if we could see each other today.
Magkausap kami kagabi dahil wala itong gig. Kahit papaano, nawala naman na ang tampo ko sa lalaki. Maybe it's not appropriate to harbor hate feelings towards him when we actually don't have any relationship, but maybe because I like him, I feel bad sometimes...
Humingi naman din ng paumanhin sa akin si Leo dahil masyado lang itong naging busy sa bagong school nito at pati na rin sa part time job nito. Hindi ko nga maintindihan bakit niya pa ginagawa iyon, alam ko naman na mayaman ito.
I never got the chance to ask him about his personal life, though. Madalas kasi na tungkol lang sa akin ang ikunukwento ko sa kanya. Hindi naman siya nagrereklamo, sabi nga ni Leo sa akin, mas maganda na nakikilala niya ang mga ito kahit sa kwento ko pa lang para kung sakaling makita niya na ang mga ito ng personal, may alam na ito kahit na papaano.
After sending him a message, I went to the bathroom to take a bath. Ever since Cherinna left, I usually wake up earlier than my alarm clock. Kung minsan ay nawawalan na ng silbi ang bagay na iyon dahil pinapatay ko na kaagad bago pa man tumunog.
Everyone around me is moving on from what happened. I know I should do the same, but I just can't be like the same Alyanna like before. I don't know... halo-halo naman din talaga ang nararamdaman ko kaya pinipili ko na lang na hindi pag-usapan kahit pa kanino.
Well, aside from Enzo.
He's the only person I am talking to about what I think and feel. He's the only person who knew how hurt I was... or maybe I am. Nakikinig lang siya sa akin habang naglalabas ako ng saloobin at baka ganoon din naman talaga ang kailangan ko...
Someone who will listen to me.
Someone who will never get tired of me.
Mabilis akong naligo at nagsuot ng roba bago lumabas ng banyo. Napalingon ako kaagad sa may lamesa ko nang umilaw ang cellphone ko at nakita ko pangalan at mukha ni Leo tanda na tumatawag ito sa akin. Kinuha ko naman kaagad ang phone ko at naupo sa kama bago sinagot ang tawag nito.
"Hello?" sabi ko sa lalaki.
"Hi, Alyanna. Are you okay?" tanong nito kaagad sa akin. I tried to hide my smile. I just asked him if we can see each other, and now he's thinking I am not okay. He's really something.
"I am, why?" tanong ko naman dito bago sumandal sa may headboard ng kama ko. One more thing I like about Leo is his voice. It's not that deep but it's sexy...
"Hmm. Just checking," sinundan iyon ng lalaki ng mahinang pagtawa.
"Of course, I am okay. I'm Alyanna Anderson, remember?" I smiled as I looked at my reflection on my vanity mirror. "So... are you free today?" I bit my lip while waiting for his response. I know it's a stupid move!
Parang ako pa ang nanliligaw sa lalaki sa nangyayari pero, naisip ko rin na baka naman kailangan na ako ang gumawa ng first move para sa aming dalawa? Maybe if that happens, we can make progress?
"Ah, yeah. That's why I called, Alyanna," sabi nito na parang bumaba ang tinig. Kumunot naman ang noo ko at tila alam ko na ang sasabihin nitong sunod sa akin. Napahinga ako ng malalim bago napasimangot.
"You're not free today?" I asked him even before he could explain.
"Well, yeah. I have to go with my dad today," sabi naman nito sa akin. "I am really sorry, 'Ly..." mahinang sabi nito sa akin. I leaned my head on the headboard and nodded my head a little.
"It's okay..." sabi ko sa lalaki. "Anyway, I have to go, I think Airi is calling me," paalam ko sa lalaki bago ibinaba ang tawag.
Muli akong napailing dahil sa nangyari. Well, I thought he would go and see me now, but I was wrong... the sad part is I can't really feel bad even if I want to because we're just friends.
Kaibigan ko lang naman talaga si Leo, kaibigan lang niya ako.
Tumayo na lang ako upang maghanap ng damit na maisusuot bago nag-ayos na ng mukha at ng buhok. I dolled up and when I was satisfied with my look, I left my room to go out.
Airi went out last night to visit Tito Hugh and Tita Hannah. Hinayaan na lang namin siya dahil alam naman namin na hindi pa ganoon kabilis itong makakapag-adjust. Kailangan niya pa rin na makasama sila...
It's not the same with Cherinna, though...
Sumakay na rin ako sa sasakyan ko at lumabas na rin ng bahay namin. I actually don't have any place to go right now, I just want to go out, breathe and maybe drink?
Maaga pa para uminom kaya naman hindi ko talaga alam kung saan ba ako pupunta. Should I visit Lean? Ang alam ko ay aalis ito at si Theon. Kina Lola? I remember she's behind what happened.
She said sorry to mom already, though. It was her who told my dad to keep it from mom. Sabi ni Lola ay alam nito na masasaktan si mommy kaya naman hindi nito pinasabi kay daddy ang totoo kahit na gusto ni daddy maging totoo kay mommy...
Now, everything is history.
I opted to just go to SD and asked Tita Cristine if they could teach me how to bake so I can divert my mind into something productive. Tinutulungan ko naman noon si Cherinna pero mas lamang pa rin sa akin na manunuod lang dahil lagi akong nagkakamali ng measurements.
"Sakto, Alyanna, we will make blueberry cheesecake. Favorite ni Enzo," sabi ni Tita Cristine bago inabot sa akin ang apron na naroon. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. May alam na ang mga ito sa nangyari pero nagpapasalamat ako na hindi sila nagtatanong sa akin ng tungkol sa amin.
They respect us, that's why. Ganoon din naman kami sa kanila.
I smiled at her and listened to her instructions. Nabanggit nito sa akin na tumawag kanina si Enzo dahil bibili ng blueberry cheesecake kaya gagawin ito ngayon ni Tita Cristine. Good thing was I came here to help them... not that I am a very much needed help, but it's still a help.
When I placed the cheesecake on the fridge, I smiled happily and looked at Tita Cristine. Hinayaan ako ni Tita Cristine na magtapos noon habang nakabantay siya kaya naman sa tingin ko ay maayos naman iyon.
"Can I stay here muna, Tita Sisiw?" I asked her. She smiled when I called her that. Tawag iyon sa kanya ni Tito Cupid na tinatawag naman naming Tito Itik. I think it's weird and sweet at the same time.
"Sure, wala naman na masyadong tao kapag ganitong oras, mamaya pa ulit after two hours," sabi naman nito sa akin na nakangiti. We're all lucky to have them. Para kaming maraming magulang sa katayuan nilang lahat.
Hindi ko naman sinayang ang oras ko at ako ang tumutulong sa cashier para magbigay ng mga orders ng mga customer. Kahit papaano ay nawala ang isip ko tungkol kay Leo.
It was almost 6 pm when I saw a familiar face enter the shop. I immediately smiled at him. "Enzo!" tawag ko sa lalaki. Agad naman itong lumingon sa akin at kumunot ang noo na marahil ay nagtataka na naroon ako.
"Hi!" bati kong muli sa lalaki. Lumabas na rin muna ako para puntahan ito.
Mas lumalim ang kunot ng noo nito nang makita na may suot akong apron.
"Is that a crop top?" he asked me. Napalingon naman ako sa suot ko at tumingin sa kanya. Ngumiti ako ng matamis. "Tita Cristine said you ordered blueberry cheesecake!" sabi ko na lang sa halip na sagutin ang tanong niya.
Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko. I rolled my eyes and frowned. "Yes, this is a crop top, this is also a skirt," sabi ko sa kanya na pinakita pa ang suot kong damit.
Napasimangot naman si Enzo sa akin dahil doon. "Kulit mo," sabi niya bago bumaling sa babae at sinabi ang order nito.
I made a face but walked towards him and leaned on his side. "I helped Tita Cristine do that!" proud na sabi ko sa lalaki. Tumingin naman ito sa akin at itinaas ang isang kilay na para bang hindi ito naniniwala sa akin.
"Oo nga! Why would I lie?" inirapan ko naman itong muli bago tumingin sa babae na inilalagay na sa box ang order ni Enzo. "Kanino mo ibibigay? May nililigawan ka na?" tanong kong muli kay Enzo nang hindi ito magsalita.
"Aray!"
Napatingin ako kay Enzo nang pitikin nito ang ilong ko. "What was that for?!" I asked him while holding my nose.
"You're talking nonsense," sabi nito sa akin bago inabot ang card nito sa cashier. Inirapan ko naman ito habang hawak pa rin ang ilong ko.
Since it's already 6 pm, maybe I can go somewhere already... and since Enzo is here, maybe we can go to Blue's Haven tonight.
"Masakit?" tanong ni Enzo sa akin bago hinawakan ang pisngi ko at inilapit ang mukha sa akin para tignan ang ilong ko.
Napakurap naman ako habang nakatingin siya sa akin at humakbang paatras habang nakatingin kay Enzo. "N-no..." sabi ko rito bago nag-iwas ng tingin.
"Hmm? Okay. I have to go," sabi nito bago naglakad papunta sa pinto pero maagap kong nahawakan ang jacket na suot nito kaya nilingon niya ako.
"What is it?" tanong niya sa akin.
I bit my lower lip as I looked at him.
"Can we... Can we go to Blue's Haven?" tanong ko sa kanya. Alam ko na normally, magkakasama kaming lahat kapag pupunta roon pero ngayon, gusto ko lang naman na uminom para mabilis na lang din akong makakatulog mamayang gabi.
"Why?" he asked me while he's still looking at me.
"I just want to drink..." pag-amin ko naman. Since he knows what's happening to my family, he didn't bother asking me further. Instead, he nodded his head and told me he would wait for me outside.
Nagpaalam naman na ako kaagad kina Tita Cristine at kinuha ang bag ko tsaka mabilis na lumabas. Iniwan ko na lang din ang sasakyan ko roon dahil may dalang sasakyan si Enzo.
He was waiting for me outside his car and opened the door for me. Ngumiti naman ako sa kanya at pumasok na sa loob at nagsuot na rin ng seatbelt at hinintay na lang si Enzo na makapasok sa loob.
"You like that, huh?" tanong ko sa kanya tungkol sa cheesecake na naroon. Nagkibit-balikat lang ito sa akin. I made a mental note to give him that on his birthday.
Hindi kumikibo si Enzo hanggang sa makarating kami sa Blue's Haven. Suot ko ang jacket niya nang pumasok na kami sa loob habang hawak niya ang likod ko at nakaalalay sa akin paakyat sa VIP room kung saan kami laging nananatili.
Naupo naman ako kaagad at si Enzo na ang nagtawag sa staff na naroon para makaorder ng pagkain at inumin.
Inilabas din nito ang dalang cheesecake para makain naming dalawa. Hindi niya rin ako pinayagan na uminom hangga't hindi ako kumakain kaya wala na akong choice kundi kumain na lang ng mga inorder niya.
"Ayoko na! Ang laki na ng tiyan ko, oh," sabi ko sa kanya na ipinakita pa ang tiyan ko. Tinignan naman iyon ni Enzo bago tumingin sa akin. "Still look good for me, though," sabi nito bago nagsimulang uminom.
"Manang-mana ka kay Jahann, no?" sabi ko sa lalaki bago nagsimula na rin akong uminom. Naroon lang kami sa taas habang pinapanuod ang mga tao na nasa ibaba na sumasayaw. Wala naman din akong balak na bumaba ngayon.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong uminom. Nakasandal lang ako sa may couch na naroon habang nakatingin kay Enzo.
"Why are you all like that?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na may pagtataka. "What?"
"You're leading us on, tapos kapag gusto namin kayo, parang wala lang sa inyo!" sabi ko sa kanya. That's what Leo is doing to me! Siya naman ang lumapit sa akin, e. Nakipagkaibigan. Nakipagkilala... bakit ngayon, parang ako pa ang humahabol?
That's frustrating!
"Who are you talking about?" ibinaba ni Enzo ang baso habang seryosong nakatingin sa akin.
I smirked and shook my head. "Lahat kayo, lahat naman kayo ganoon, e. Lalapitan niyo, makikipag-close kayo, kapag gusto na kayo, tsaka kayo iiwas! That's bullshit!" napailing na lang ako at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.
"Like, I was doing my own thing, then you will bother me, you will make me feel special tapos ano? Biglang hindi na ako mahalaga? Tangina," napailing na lang ako bago inabot ang baso at ininom iyon.
"Who is it, Alyanna?" hinawakan ni Enzo ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.
"Leo Saavedra," I smiled bitterly and chuckled as I felt my tears escaping from my eyes. I must be really drunk now to say his name to Enzo. Si Lean at si Airi pa lang naman ang pinaka pinagsabihan ko ng tungkol sa lalaki.
Enzo creased his forehead while looking at me.
I leaned my head on the couch and caressed his cheek. "But you're actually different..." sabi ko habang nakatingin sa lalaki. "You're thoughtful, you're sweet, you're kind but so snob..." bumaba ang tingin ko sa mga labi ni Enzo.
My hand moved and my thumb brushed his lips. I looked at his face.
I saw his jaw tightened and I smiled a little.
"Don't fall for someone else, Enzo..." I whispered and brushed his lips again. "I don't want to share you," sabi ko pa bago muling ngumiti ng malungkot.
Cherinna doesn't like the idea of sharing Jahann, it's the same for me with Enzo. I know Lean is his twin sister, but I don't want Enzo to have a girlfriend now or anytime soon...
It's weird but I don't want that to happen...
"You're drunk already," sabi ni Enzo na hinawakan ang kamay ko. Sumimangot naman ako sa kanya at inilapat ang daliri ko sa labi niya.
"Shhh..." sabi ko bago lumapit sa kanya at ngumiti.
Seryoso ang tingin niya sa akin habang hawakan niya ang isang kamay ko. Mas inilapit ko pa ang mukha sa kanya at halos madikit na ang ilong naming dalawa.
"Thank you, Enzo..." I whispered softly.
I moved my head to kiss his cheek but he looked at me and my lips touched his.
My eyes widened and I looked at him.
"I... I..." I bit my lip and looked at him. Bumigat ang paghinga ko dahil ramdam ko pa ang labi nito sa akin. Muli akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin.
I was about to say something when he reached for my waist. Enzo's jaw tightened and reached for my nape and kissed my lips again.
What...
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store