ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

14

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims

You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

☀️☀️☀️


It was a good thing that Jahann is now back and he told us he won't leave anytime soon. Nakakatuwa rin na nakumpleto na kaming tatlong magkakapatid. Though, he's always with Airi, the girl he met in New York. Kung minsan ay inaasar ko rin ito kung baka naman may gusto ito sa babae, kung sakali naman ay walang problema sa amin ang bagay na iyon.

Besides, we all want everyone to be happy.

Kung minsan kapag nakikita ko si Theon at Lean na mas malaya na ngayon na ipakita ang relasyon nilang dalawa, hindi ko rin mapigilan na mapaisip kung kailan ko kaya mararansan ang bagay na iyon. Going out as a couple, eating outside as a couple...

I smiled a little when Leo's face popped inside my mind. Hindi naman nawawala sa mga pinagdadasal ko rin tuwing gabi na sana kung may plano si Leo para sa aming dalawa, sana magkaroon na ito ng lakas ng loob para sabihin iyon sa akin.

It's hard to like someone that seems to not like you back.

Hindi ko alam sa amin kung ano ba talaga ang mayroon kami. Mas nagiging madalas nga ang pagkikita namin. Sometimes I go out at night to watch him at his gig. Things I do for him because I know, I am starting to like him.

I just can't show it to everyone since I don't think it matters at the moment. Gusto ko kasi kapag pinakilala ko na sa kanila, kina Mommy at Daddy, sigurado ako sa lalaking iyon. Alam ko na hindi niya ako iiwan...

"You're quiet," sabi ni Airi sa akin habang nasa mall kami para manuod ng movie ngayon. Nilingon ko siya at ngumiti. Unlike Iris, we all like Airi. She's really nice and sweet and caring. Magaan din ang loob ko sa kanya kaya nga noong naisip namin na baka nililigawan ito ni Jahann, walang kaso sa amin ang bagay na iyon.

"Gutom na 'yan kaya ganyan," sabi ni Keij na lumapit sa akin para akbayan ako. "Libre na lang kitang popcorn?" tanong nito sa akin. Tinignan ko ito ng masama bago siniko. "Talagang ikaw manlilibre, no. Mahiya ka naman kay Kol," sabi ko rito na natatawa pa habang nagpapanggap na nasaktan sa pagsiko ko sa kanya.

Sina Enzo at Kol ang bumili ng tickets namin kaya naman naghihintay lang kami sa kanila. Hindi naman na nakakapagtaka na nakatitig ang mga kasunod nila sa dalawang lalaki dahil takaw atensyon naman talaga ang mga itsura at tangkad ng mga ito.

"Are you okay, Alyanna?" tanong ni Cherinna sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Mabuti na lang din at sumama ito sa amin dahil simula nang pinanganak si Nikolai, nabawasan na ang oras na nakakasama namin si Cherinna sa labas. Madalas na ginagawa ng mga kasama namin ay pumupunta ang mga ito sa bahay para makita na rin si Nikolai.

He's our first baby. All of us already promised to spoil that kid.

"Of course!" masayang sabi ko rito bago hinawakan ang braso nito. "Tabi tayo, ah?" sabi ko pa rito bago pumila na para makapasok na kami sa loob. Kahit na sinabi ko na kay Cherinna na tabi kami ay si Jahann pa rin ang umupo sa tabi nito kaya napasimangot na lang ako.

Enzo held my arm and told me to just sit beside him. Hindi naman na ako tumanggi at naupo na ako. Ibinigay pa ni Enzo sa akin ang hawak na popcorn at isinandal na ang sarili para manuod.

I just uttered a small thank you before I looked at the screen.

Nagiging maayos naman na ang lahat sa amin ngayon na nakumpleto na kami. Hindi namin madalas nakakasama sina Ate Caryl, Kuya Kiro at Kuya Cloud dahil busy na ang mga ito ngayong puro sila nakagraduate na. Soon, magiging busy na rin sina Theon, Lean, at Enzo dahil sila na ang mga susunod na gagraduate. Then it will be the Dela Cruz twins and Jahann, tapos ako... since huminto si Cherinna, siya ang huling maggagraduate sa amin dito sa Pilipinas.

"Thank you!" I smiled at Enzo when he handed me the ice cream he bought. Sinamahan niya ako ngayon na mag-jogging dahil hindi ko maaya si Cherinna. Si Theon at Keij lang naman ang maaaya ko pero sinabi ng mga ito na may practice sila ng basketball kaya hindi na nila kailangan mag-jogging pa.

Muli akong ngumiti kay Enzo na nakatingin sa akin at kunot ang noo.

"Why?" I asked as I licked the ice cream. It was in the sugar cone that's why I am eating it happily. Mas gusto ko naman din talaga ang ice cream na nasa cone.

"We just ran and now you're eating ice cream," kumento ni Enzo sa akin habang nakatingin pa rin. Ngumisi naman ako sa kanya. "It's good kaya! Tikman mo," sabi ko sa kanya bago inilapit sa kanya ang ice cream na hawak ko.

"Dali na, huwag kang maarte!" idinikit ko pa sa labi niya iyon bago tumawa. Wala naman nagawa si Enzo kundi tikman ang ice cream tapos ay tinignan ako ng masama.

Nakaupo kaming dalawa sa may gutter sa gilid ng kalsada habang nasa gilid ang sasakyan ni Enzo. Hindi ito nagsasalita habang nakatingin lang sa papalubog na araw.

Hindi man namin makita talaga iyon, kita naman iyon sa nag-iibang kulay ng langit. Napangiti ako bago nilingon si Enzo.

"Thank you..." sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa lalaki. I understand why many girls like him. Gwapo naman din talaga kasi si Enzo, nakuha nito ang tangos ng ilong ni Tito Blue, pati na rin yata ang pagsusungit ay nakuha nito sa Daddy nito.

Lean on the other hand is just like Tita Cyan.

"Hmm? For?" turned his head on me. Inayos pa nito ang suot na salamin habang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat ako sa kanya.

"You're keeping up with me. I know that you, Kol and Jahann prefer to be with Cherinna because you want a peaceful and quiet life, but you... you're keeping up with me. Hindi ko alam kung napipilitan ka na lang ba talaga o ano," sinundan ko iyon ng mahinang tawa.

"But I am really thankful, Enzo," sabi ko pa rito bago isinandal ang ulo sa balikat nito.

Wala naman akong narinig na sagot sa lalaki kaya hindi na lang ako ulit nagsalita hanggang sa maubos ko na ang ice cream na hawak ko. Nilingon ko siyang muli at nakita kong nakatingin pa rin pala siya sa akin.

Halos magtama ang ilong naming dalawa kaya agad akong napaatras. Nakatingin lang siya sa akin bago hinawakan ang gilid ng labi ko at pinunasan iyon.

"What are you, six years old?" sabi nito bago mahinang tumawa habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko naman nagawang ialis ang tingin ko sa kanya habang natatawa si Enzo.

The woman Enzo will love will be lucky to have him. I am just hoping that whoever that person is, she will take care of him and she will not give him any pain.

Ganoon din naman para kay Jahann at sa mga pinsan ko.

Hinatid na ako ni Enzo sa bahay namin nang makapagpahinga kaming dalawa.

It was Saturday morning when I received a message from Leo. Napangiti naman ako kaagad nang makita ko ang mensahe nito sa akin na inaaya akong lumabas ngayong araw. Maybe I am really stupid but I said yes to him.

Isa pa, halos dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita dahil panay ang paggawa ng projects sa amin ngayon, si Leo naman ay halos gabi-gabi na ring may trabaho bilang DJ kaya hindi namin magawang mapagkita ang oras naming dalawa.

Mabilis akong naligo at nagbihis dahil sa mall na lang kami magkikitang dalawa. Iniisip ko rin na huwag ng dalhin ang sasakyan ko at mag-taxi na lang papunta roon.

"Where are you going?" tanong ni Cherinna sa akin habang karga nito si Nikolai. Ngumiti lang ako sa kanya at humalik sa pisngi niya bago naglakad papalabas ng bahay. I sent Leo a message that I am on my way already.

Nakapagpatawag naman na ako ng taxi kanina sa kasambahay namin kaya naman hindi na ako naghintay pa at mabilis na pumasok na sa loob. After telling the driver where to, I just leaned on my seat and looked outside.

Hindi mawala ang ngiti ko habang nasa loob ako ng taxi. Siguro kung malalaman nila Cherinna ang nangyayari sa akin, malamang na sesermunan ako nito na pumapayag ako sa ganitong set-up.

Hindi ko pa naman boyfriend si Leo, pero hindi ko rin naman maitanggi na attracted talaga ako sa kanya at gusto ko siya. Wala nga lang kasiguraduhan kung gusto niya rin ako...

I don't know why the universe made us like that. We like someone who doesn't like us. We want someone who wants someone else...

Wala namang nababanggit si Leo sa akin na gusto nito pero wala rin naman itong nababanggit na gusto niya ako.

But maybe, since we're always talking and we're seeing each other, there's a huge possibility that it will happen?

Malapit na ako sa mall nang makatanggap ako ng message galing sa lalaki. Mabilis naman na nawala ang ngiti sa mga labi ko ng mabasa na hindi ito makakapunta ngayon.

Alyanna, something came up. I am sorry. You're still in your house, right?

I bit my lower lip hard and heaved a sigh. Para akong pinawalan ng lakas dahil sa mensahe nito. Nanginginig ang kamay na nagreply na lang ako sa lalaki.

It's okay. I was about to cancel, too. Naunahan mo lang ako. Is everything okay, though?

Mabilis kong ikinurap ang mga mata upang pigilan ang luha na nagbabadyang kumawala. Parang bigla akong nilukob ng lungkot dahil sa nangyari. Nahihiya naman akong sabihin sa driver ng taxi na ibalik na lang ako sa bahay namin kaya naman tumuloy na lang ako sa mall kahit na wala naman akong kikitain na tao.

Hindi ko pa muling tinignan ang cellphone ko simula nang ilagay ko sa bag ko iyon at naglakad na lang ako papasok sa mall. Iniisip ko na rin na umuwi na lang sa bahay pero naisip ko rin kasi na magtataka naman si Cherinna kung gagawin ko iyon.

She might ask me what happened...

Ang tanga-tanga kasi, e. Oo ka ng oo kay Leo.

Umiling na lang ako upang iwaksi ang nasa isip ko at nagpatuloy sa paglalakad kahit pa wala naman akong planong bilihin ngayong araw. Siguro ay kung maglalakad-lakad ako, makakakita ako ng pwede kong bilhin?

Kumunot ang noo ko nang makita ko si Enzo na lumabas mula sa isang jewelry shop kaya naman agad ko siyang tinawag at tumakbo na rin ako papalapit sa lalaki.

Mabilis namang hinawakan ni Enzo ang braso at bewang ko nang kamuntik pa akong mabuwal dahil hindi naman flat shoes ang suot ko.

"Why are you running?" tanong niya sa akin. Kinuha rin niya ang panyo mula sa bulsa at pinunasan ang noo ko na pinawisan na rin pala. I usually don't like boys who wear yellow shirts. Masyadong light kasi pero kay Enzo, bagay naman. Malinis tignan.

"I saw you!" sabi ko sa kanya bago pilit na ngumiti. Tumingin ako sa shop na pinuntahan nito bago muling lumingon kay Enzo. "May binili ka?" usisa ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin pero hindi na idinetalye kung ano iyon kaya hindi ko na rin inusisa pa. Maybe a gift for Tita Cyan or Lean.

"Who's with you?" tanong naman niya sa akin na tumingin pa sa paligid para marahil tignan kung may kasama ako. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot kaya nakita ko ang pagtataka sa mukha nito. Alam kasi nila na hindi ko naman ugaling umalis mag-isa talaga.

"Wala. Ako lang," sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso nito nang magsimula na itong maglakad para sabayan na ito. "May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko kay Enzo habang naglalakad kaming dalawa. Napapansin ko ang mga nakakasalubong namin na tumitingin kay Enzo.

"None, why?" he asked me again, not minding the stares he's receiving.

Bago ako nakasagot ay pinagpalit niya kami ng pwesto kaya nasa may gilid ako. "Mababangga ka nila," paliwanag nito nang kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nito.

Muli naman akong humawak sa braso nito at naglakad na kaming dalawa.

"So, uuwi ka na ba?" tanong ko pa kay Enzo. Iniisip ko kasi na kung hindi pa ito uuwi, mag-ikot na lang kaming dalawa para naman kung may mabibili man ako, may maidadahilan na ako mamaya kapag nakauwi ako kung magtanong si Cherinna sa akin.

"Do you want to go somewhere?" he asked me again. Nang sumakay kami sa may escalator ay pumuwesto ito sa may likuran ko.

Hindi pa man ako nakakasagot ay narinig ko na muli ito. "You always wear shorts that are too short," bulong nitong sabi kaya nilingon ko itong muli na nakataas ang kilay. "You're always complaining about my clothes," sabi ko naman sa kanya.

"They are staring at your legs, that is why," blangko ang ekspresyon naman na sabi nito sa akin. I looked at my legs and I think I have nothing to be ashamed about my legs. Makinis at maputi naman ang legs ko at lagi nga akong nakakatanggap ng compliments sa mga photographer sa Ai's at pati na rin kina Tita Julia.

"Just look at my legs, too, para hindi ka nagagalit," sabi ko naman sa kanya sabay irap sa lalaki. Mas sumimangot naman si Enzo sa akin at hinawakan na ang bewang ko nang makarating na kami sa may dulo.

Wala naman akong narinig na reklamo kay Enzo habang naglalakad kaming dalawa at pumapasok ako sa mga shops na naroon para magtingin at bumili na rin kapag may nagugustuhan ako.

Kahit pa sinusungitan niya ako dahil sa suot ko, hindi naman niya ako iniwan habang nasa loob kami ng mall, niyaya niya pa akong kumain ng lunch kanina nang magutom na ito na hindi ko naman din tinanggihan.

Nakasunod lang ako sa kanya habang dala nito ang mga paperbags ng pinamili ko. Sinabi ko sa kanya na wala akong dalang sasakyan kaya naman nagprisinta na ito na ihatid ako sa bahay namin ngayon kaysa mag-cab ako dahil na rin daw sa suot ko.

Hindi pa rin talaga siya nakakamove on doon.

"Alam mo, ang swerte ng magiging girlfriend, napaka supportive mong boyfriend," natatawang sabi ko habang nakasandal sa may sasakyan nito at inilalagay ni Enzo ang mga paper bag sa likod.

"You're lucky, then?" he asked me while looking at me.

Isinara nito ang pinto sa likod bago lumapit sa akin. "Swerte mo pala kung ganoon," sabi pa ni Enzo na inilapit ang mukha sa akin.

"Ha?" takang-tanong ko sa kanya habang nakatingin dito. "Ah, oo! Swerte talaga ako sa'yo!" natatawang pagsakay ko sa pagbibiro nito bago nag-iwas ng tingin sa lalaki. Naalala ko na lagi nga kaming napapagkamalan na magkasintahan dalawa dahil kami lang ang hindi magkamag-anak sa circle namin.

He chuckled and looked at me. Pinagbuksan na lang niya ako ng pinto kaya naman pumasok na ako sa loob at nagpasalamat sa kanya.

Napalingon ako nang hindi niya isarado agad ang pinto at nakatitig lang ito sa akin.

"Why?" I asked him.

"Sometimes, I hate it that Jahann is my friend," sabi nito na ipinagtaka ko. Mas lumalim ang kunot ng noo ko habang nakatingin kay Enzo.

"Meaning...?"

He sighed and looked at me. "Nothing, it's really a good thing you're not as smart as him," pang-aasar sa akin ni Enzo bago isinara ang pinto.

Aba't! What does that mean?

Ano bang hindi ko naiintindihan?

I looked at him when he hopped in and frowned at him.

"I told you, don't fret. I like it better when you're smiling."

Iyon lang at binuhay na nito ang makina ng sasakyan nito. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store