13
This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.
Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
Comments are very much appreciated... ayaw niyo comment? :(
☀️☀️☀️
“Okay, pauwi na rin naman ako, ano bang gusto mo?” tanong ko kay Cherinna habang naglalakad papunta sa parking. Everything happened in a blur and sometimes, I feel like I was just watching their lives change.
Si Lean at si Theon.
Si Cherinna at si Ian.
The news surprised us all. Kahit ako ay nagulat nang malaman namin na buntis si Cherinna. There’s a part of me that feels bad because of her bad decision, but I can’t fully blame her. Isa pa, nariyan na ang problema. Mas hindi makakatulong kay Cherinna kung mas mararamdaman niya na wala siyang kakampi sa amin.
“You don’t have any cravings?” I asked her again. I saw Leo in the parking lot and I smiled widely. Mabilis akong naglakad papunta sa lalaki habang kausap pa rin si Cherinna sa may cellphone ko.
“Okay, okay. I will just drop by at SD and check if I can bring any pasalubong, okay?” sabi ko naman dito bago binaba ang tawag.
“Hey…” I smiled at him when I stopped in front of him. “Himala, ah? Nandito ka sa side ng parking na ito?” tanong ko sa lalaki dahil sa kabilang side ito madalas na nagpapark ng sasakyan.
Leo chuckled and shook his head. “I just waited for you,” he replied and I smiled. I don’t know if I could say we have made progress since sometimes, Leo takes an extra effort to talk to me. There are instances that he’s checking on me, he always asks if I ate on time or I got home safely.
“Tapos na ba klase mo?” tanong niya sa akin habang nakasandal sa sasakyan ko. Tumango naman ako sa kanya. Kanina pa rin ako minessage kasi ni Cherinna na bilhan siya ng pagkain, hindi naman niya sinasabi sa akin kung ano.
How I wish Jahann is here so he can take care of Cherinna more. He’s closer to her and he can understand Cherinna better when she’s acting weird. I am her twin but sometimes, it feels like we’re too different. Maybe I misunderstood the meaning of twin, I thought whatever she feels, I will feel it, too, and vice versa. But I guess, that’s really not true.
“Bakit, iliibre mo ba ako?” tanong ko naman dito.
He smirked and stared at me. “Kailan ba kita pinagbayad?” tanong niya naman sa akin. Ako naman ang natawa sa sinabi niya dahil totoo naman ang bagay na iyon. Whenever we are going out, he always pays for our food. Noon nga ay sinabi niyang papayag na siyang magbayad ako pero hindi pa rin nangyari dahil si Leo pa rin ang nag-abot ng card nito noon.
“But, I am not available now. Cherinna wants something and I don’t know what I should buy. I will probably just call my cousin and ask him what Cherinna is always asking her so I could buy it,” sabi ko kay Leo bago ipinasok ang bag ko sa loob ng sasakyan ko. “It’s okay, right?” sabi ko pa sa kanya.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Leo ng ilang segundo rin pero tumango ito sa akin at ngumiti ng maliit. “Of course. We can go out some other time, Alyanna,” sabi niya naman sa akin kaya tumango na rin ako sa kanya. Matapos akong magpaalam ay sumakay na rin ako sa sasakyan ko at mabilis na naghanap ng mabibilihan ng kung anuman na gusto ni Cherinna.
I love her, but sometimes, I want to strangle her neck. I am sure she feels the same towards me, but because she’s pregnant and I am going to be an Aunt soon, I have to be nicer.
I dialed Kol’s number but he’s not picking up so I called Enzo instead. Baka may ideya ito tungkol sa gusto ni Cherinna dahil simula naman ng umalis si Jahann papuntang New York ay si Kol ang nakakasama ni Cherinna at magkakambal sa puso si Enzo at Kol.
He picked up my call immediately.
“What is it?” tanong agad sa akin ni Enzo. Napangiti naman ako dahil kahit pa ang sungit lagi ng bungad niya sa akin, hindi naman maitatanggi na mabilis nitong sinasagot ang mga tawag ko.
“Do you have any idea what Cherinna wants to eat?” tanong ko rito habang nagmamaneho. “Oh, shit!” mabilis akong nagpreno dahil may biglang nag-overtake sa sasakyan ko. “Asshole,” I muttered and continued to drive again.
“Are you driving?” tanong ni Enzo sa akin sa kabilang linya. “You know you can’t talk and drive at the same time, right?” masungit na sabi na naman nito sa akin.
“I am okay, naka-loud speaker naman kaya,” sabi ko naman kay Enzo na nakasimangot. Hindi naman sumagot si Enzo sa akin kaya kumunot ang noo ko. Nang magkulay pula na ang traffic light ay muli ko itong tinawag.
“Enrico Lorenzo, are you still there?”
“Hmm?” he replied instead. I frowned.
“Naka-loud speaker nga, you don’t have to worry, you know?” sabi ko pa sa kanya. Well, I know why he’s like that. Sinasabi nito sa akin na hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho kapag may kausap ako dahil may incident noon na magkikita kaming lahat at nagmamaneho ako habang kausap si Lean. Naibangga ko ang sasakyan ko at simula noon ay palagi na akong sinasabihan ni Enzo na huwag makipag-usap habang nagmamaneho.
“Okay.”
I rolled my eyes. I know that tone. Manang-mana talaga ito kay Jahann!
“Okay, I’ll just hang up, then,” sabi ko naman dito dahil mukhang nainis na sa akin. Kung minsan talaga ay hindi ko rin magawang i-decode ang sumpong ni Enzo.
I was about to end the call when he called me by my name.
“Alyanna.”
“Yes? Mag-green light na,” I informed her. Muli kong inilagay na ang phone ko sa may upuan at inapakan na muli ang gas upang magmaneho.
“Let’s just meet at Sweet Desire,” sabi nito sa akin bago ibinaba na ang tawag. Napangiti na lang ako ng maliit bago nagmaneho papunta roon.
Kahit naman kasi nagsusungit sa akin si Enzo, nagpapasalamat pa rin ako dahil kaya niya akong pagtiisan lalo kapag kinukulit ko ang mga kasama namin at nagmumurahan kami nila Keij.
Halos sabay lang kaming nakarating ni Enzo roon. Naupo na muna ako sa labas at hindi na rin ako umorder ng drinks dahil uuwi na rin naman ako kapag nakabili na ako ng pasalubong para kay Cherinna.
“Have you heard anything from Jahann?” I asked Enzo. Tinatawagan ko rin kasi ang kapatid ko pero hindi naman ako sinasagot. Wala naman din kaming magawa dahil sa time difference na rin ng Pilipinas at Amerika.
Umiling si Enzo sa akin. Ito na ang nag-order ng para kay Cherinna. Maging si Mommy ay binilihan nito ng strawberry cake.
“Sa akin, wala?” pang-aasar ko kay Enzo. Nilingon niya naman ako. “What do you want?” he asked me while looking at the cakes. “Strawberry cheesecake, too?”
Umiling ako. “I want your favorite,” I smiled at him. Nilingon niya naman ako tumango sa akin. He ordered everything and we waited outside while they’re boxing our orders.
“How are you with everything that is happening to us?” tanong ko kay Enzo habang naka-upo sa may well na naroon. Nakahawak naman siya sa may bewang ko dahil kanina niya pa ako pinagbabawalan na maupo roon pero gusto kong gawin kaya hinawakan na lang niya ako.
Sa dami ng nangyayari sa mga kaibigan namin, parang kami na lang yata ni Keij at Enzo ang ganoon pa rin ang routine? Or maybe I was wrong, too.
“At first, Lean and Theon… then Cherinna got pregnant. Muntik pa siyang ikasal kay Ian, si Jahann, wala… I mean… sa akin kasi, it was like everyone close to me, they’re all dealing with their lives now…” I looked at Enzo.
I never talked about this to anyone else. Totoo naman ang bagay na iyon. Natural na si Lean ay mas maraming oras na kay Theon dahil boyfriend niya iyon. Si Cherinna naman ay abala na rin sa pagbubuntis nito, si Jahann ay nasa New York naman kasama ang mga magulang ni Daddy.
Before, it’s so easy to ask them for their time, but now, they have different priorities already and I understand that. Hindi ko lang din mapigilan na hindi malungkot at ayoko naman ding i-voice out ang nasa isip ko dahil ayoko silang ma-guilty.
I don’t want them to feel bad just because I feel bad.
Lumingon ako kay Enzo at ngumiti. “Don’t get me wrong, okay? I mean, they’re all busy and I am kind of scared I’m being left behind…” sabi ko kay Enzo. Tinignan niya ako at umiling siya sa akin. Hindi ko naman sila pwedeng guluhin nang guluhin kasi.
Enzo stared at me so I cocked my head and smiled a little. “I am talking nonsense again, right?” I asked him. Napayuko na lang din ako dahil nahihiya ako na nagsasabi ako ng ganoong mga bagay kay Enzo.
“It’s not nonsense, Alyanna, and you shouldn’t feel alone. I am here.”
Napangiti ako sa sinabi niya at tumingin sa kanya bago tumango. It was true, though. Lumalabas pa rin naman kaming lahat na magkakasama pero si Enzo ang pinaka madalas na nakakasama ko sa kanila sa mga regular days. Kung minsan nga ay tinatanong ko na rin ito kung naiingayan na ba sa akin kapag salita ako nang salita, sinagot niya ako na nasanay na siya sa akin.
“I am really thankful to you, Enzo. I know I tease you a lot, our cousins, but I am really thankful that you’re very understanding of me. Buti na lang talaga best friend ako ni Lean at kapatid ako ni Jahann, no?” pang-aasar kong muli sa kanya.
Matagal ko na namang naisip ang bagay na iyon. Kung hindi lang ako kapatid ni Jahann, baka hindi naman ako papakialaman ni Enzo. Ganoon naman ito sa ibang babae maliban sa amin sa circle namin.
“Now, that’s nonsense,” sabi nito sa akin bago ako hinila para makatayo na. Napadikit naman ako sa katawan ni Enzo at tinignan ito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin at humakbang naman ako paatras.
“I’ll just get the orders,” sabi nito bago naglakad na papasok ng Sweet Desire. Naiwan naman akong nakasunod lang ang mga mata sa kanya.
Ngumiti ako at sumunod na lang din kay Enzo at hinawakan ang braso nito.
A year passed by and we have Nikolai with us already. Cherinna named him Christian Nikolai. Nakasunod sa pangalan ni Ian at ni Jahann dahil wala si Jahann nang manganak ito. I kept him updated with what’s happening. Hindi man ito madalas na sumasagot sa akin, ipinapaalam ko naman sa kanya kung ano na ba ang balita sa aming lahat.
“What’s wrong?” Leo asked me while he’s laying on my lap. Hawak ko ang buhok niya at nilalaro-laro iyon. “Are you okay?” tanong niyang muli sa akin.
I looked at him and smiled a little. “Oo naman,” muli ay hinaplos ko ang buhok niya. “Why did you transfer to a different school?” tanong ko sa kanya. Hindi niya nabanggit sa akin ang bagay na iyon kaya naman may isang linggo rin kaming hindi nag-usap na dalawa.
He chuckled and held my hand. “Are you still mad, Alyanna?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako kaagad sa kanya dahil hindi naman na talaga ako galit o nagtatampo. I was curious because it’s harder to see him now.
Not that we’re in a relationship already, but… I don’t know. Lagpas isang taon na nga kaming nag-uusap ni Leo ngunit wala naman kaming matawag na relasyon.
May mga hints lang sila Lean na may kinakausap ako pero hindi naman talaga nila alam ang tungkol kay Leo. Hindi naman din sila nagtatanong directly sa akin tungkol sa kanya, isa pa ay hindi naman din talaga ako nagkukwento pa dahil ayoko lalo na mangyari rin ang nangyari kay Cherinna.
Naghiwalay lang din sila ni Ian kahit pa ipinakilala niya sa aming lahat.
“What’s wrong?” tanong nito bago bumangon at hinawakan ang kamay ko. “You’re frowning again.”
I rolled my eyes and shook my head. “Naisip ko lang sila Cherinna,” sabi ko na lang dito para hindi pa magtanong. Kahit pa hindi pa man officially nakikilala ni Leo ang mga kapatid, pinsan at kaibigan ko, naipapakilala ko na sila sa lalaki kaya kahit papaano ay pamilyar na rito ang mga pangalan na binabanggit ko.
“You’re with me now, don’t think about anyone else, okay?” hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Para namang umakyat ang dugo ko sa ulo ko kaya pinamulahan ako ng pisngi. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin dito.
“You’re blushing,” tudyo sa akin ni Leo. Inirapan ko naman itong muli kaya natawa ito sa akin. Kumuha na lang ako ng pagkain mula sa binili namin kanina at nagsimula na ring kumain.
Our dates usually go like this. Kung date nga bang matatawag iyon. Maybe a friendly date? I really don’t know. Pagdating kay Leo, parang lagi akong nabablangko at lagi akong susunod sa kanya.
It’s frustrating, yes, but I can’t help it. Gusto ko rin naman siyang kasama talaga.
Maybe one day, I will be able to summon all my strength and courage and ask him what is the real score between us. I know I should not settle for less than I deserve but I don’t see him as less than I deserve.
I like him.
Hinatid naman ako pabalik ni Leo sa may school dahil doon ko naiwan ang sasakyan ko. May gig pa ito ngayon kaya hindi na ako naihatid sa amin. Bumaba na lang na ako nang nasa gate na kami at naglakad papasok sa loob.
It was almost 6 pm and it’s starting to get dark. May mga estudyante pa rin naman na naroon per kakaunti na lang dahil iilan na lang ang may night classes.
I walked towards my car and I saw Enzo leaning on his car.
Kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya nang makalapit ako sa kanya. “May hinihintay ka?” tanong ko sa kanya nang makalapit ako.
“Where have you been?” tanong sa akin ni Enzo. Ako naman ang kumunot ang noo sa kanya. “Lumabas lang ako,” sabi ko naman sa kanya.
“And you left your car?” tanong niyang muli sa akin. Napangiwi ako at binuksan na lang ang pinto ng sasakyan ko para ipasok ang bag ko.
“You have a flat tire,” sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Sinilip ko ang mga gulong ng sasakyan ko at totoo nga ang sabi ni Enzo.
Mas napasimangot naman ako dahil hindi ako nagdadala ng spare tire kahit na ilang beses na akong sinasabihan nila Jahann noon pa man. Hindi naman din kasi ako marunong magpalit ng gulong.
I looked at Enzo and he shook his head.
“Get inside, I will drive you home,” sabi nito sa akin bago pumasok sa loob ng sariling sasakyan. Tumango naman ako bago isinara ang pinto ng sasakyan ko at sumunod na kay Enzo.
Nang makapasok na ako ay nilingon ko siyang muli.
“You waited for me because you saw my tire?” I asked him as I put my seatbelt on.
Nilingon naman ako ni Enzo bago binuhay ang makina nito.
“I waited for you, that's it.”
I chuckled and nodded my head.
“Thank you, Enzo,” sabi ko sa kanya bago sumandal at may pinindot para tumugtog ang playlist na ginawa ko para sa kanya.
Buti na lang talaga laging nandyan si Enzo para sa akin. Well, it’s a good thing he’s friends with Jahann.
He’s taking care of me, too.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store