12
This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.
Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
Comments are very much appreciated... ayaw niyo comment? :(
☀️☀️☀️
“Lean…” kinalabit ko si Lean habang naroon kami sa Sweet Desire. Somehow ay nagkakaroon na ng progress ang relasyon nito at ni Theon. Tinutulungan nila Jahann at Kol si Theon habang si Enzo naman ay nabawasan na rin ang galit at sa palagay ko ay mas naintindihan na rin nito ang sitwasyon ng kakambal nito.
Lumuingon naman siya sa akin. “I have a question,” I looked around to see if there were other customer near us. Nahihiya ako magtanong kay Lean pero hindi naman din kasi maalis sa isip ko ang bagay na ito simula nang nalaman namin na magkarelasyon silang dalawa.
Lalo pa at alam naman namin ang reputasyon ng pinsan ko.
Nakita ko si Cherinna na kunot na kunot din ang noo habang nakatingin sa akin. “What is it?” Lean asked me. I bit my lip and looked at her.
“Does it really hurt on the first time?” tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat ng mga kasama ko sa lamesa. Well, I am curious and I should just ask her instead of googling it!
“Aly!” pinanlakihan niya ako ng mga mata na para bang napakalaking kasalana na ang sagot sa tanong ko. I am just really curious! Of course, kapag si Keij at Theon ang tinanong ko na alam ko naman na parehong hindi na virgin, iba ang isasagot nila sa akin.
With Lean, I am quite sure she will answer me right.
I looked at her and shrugged. “What? I’m just asking since I know that you and Theon—“
“Alyanna!” hinampas naman ako ni Cherinna sa braso kaya napa-aray ako at hinawakan ang braso ko. Tinignan ko naman siya at sinimangutan. “What? I’m curious! And, twin, that’s Theon. Imposibleng wala pang nangyayari kaya sa kanilang dalawa…” nakasimangot kong sabi bago tumingin kay Lean. “Diba, Lean?”
I frowned at Cherinna while rubbing my arm. Maging si Ate Caryl naman ay nagtanong kay Lean.
“You shouldn’t ask her that, Alyanna,” sabi ni Cherinna sa akin. I rolled my eyes. Well, again, I was curious. Iba naman talaga ang mababasa sa books, mapapanuod at mararanasan. Lean experienced it.
Maybe I was nosy, but, heck, I was curious.
Hindi rin naman nasagot ang tanong ko dahil ayaw rin ni Lean magsalita. Hindi ko na lang din pinilit dahil baka nga masyadong personal ang tanong ko rito. I made a mental note to say sorry to Lean if ever I offended her with my question.
Dumating na rin naman ang mga pinsan ko at si Enzo bago pa man magtanghali. Umupo ito at sumandal. Napansin ko na parang pagod ito kaya naman hindi ko na lang din kinausap.
Ang mga pinsan ko naman ang kinausap ko na lang dahil may pinapasabi raw si Theon kay Lean. In all fairness to Keij, he’s really supportive. Sila yata talaga ni Theon ang magkapatid, e. Sila talagang dalawa ang mas naging close dahil pareho silang madaldal at makulit. Kaming tatlo ang madalas na maingay kapag magkakasama kaming lahat.
“Anong pinakain sinasabi mo, Keij?” tanong ko sa lalaki nang may sabihin ito kay Lean. Ngumisi naman ito sa akin bago humarap pa na parang may ipapaliwanag sa akin.
“Alam mo ‘yun, Alyanna. Pinakain ni Theon ng masarap si Lean at—“
“Keij!” sinaway naman ito ni Lean bago pa man makapagsabi pa si Keij ng ibang detalye sa akin. Nilingon ito ni Keij bago sumagot. “Nagtatanong si Alyanna, eh. O baka ikaw ang nagpakain, Lean?” natatawang sabi nito sa babae.
“What?” I looked at Lean and saw Enzo threw a tissue paper to Keij. Lumingon naman ito sa pinsan nito. “Inaano ka?” tanong ni Keij sa lalaki.
“Ang dumi ng bibig mo,” sabi ni Enzo sa lalaki. Umirap pa ito bago kinuha ang cellphone na nasa lamesa.
Keij looked at Enzo and frowned. “Tangina, ang linis mo? Sinong unang nakipagsex sa atin?” tanong ni Keij kay Enzo na ikinagulat naming lahat.
Enzo glared at Keij again. “Shut up, Dela Cruz,” he sneered. Keij smirked at him like he won at something and looked at Lean again.
Napatitig naman ako kay Enzo dahil sa sinabi ni Keij. He was busy scrolling on his phone. Hindi na ito nakisali sa mga nag-uusap.
Is that true? He was the first to have sex with someone? Hindi ko alam kung bakit parang nacurious ako sa bagay na iyon. Alam namin na si Theon at Keij ang may possibility na mauna at alam namin na nangyari na iyon, pero si Enzo?
That’s news to me.
Hindi naman na muling inasar ni Keij si Enzo at natuon na ang atensyon nito kay Lean at sa pinapasabi ni Theon sa babae.
Dumating na rin ang inorder na pagkain ni Jahann kaya nagsimula na kaming kumain. As usual, Keij is with us since Theon can’t join us currently. Sa isang table naman si Jahann, Kol at Enzo.
“Keij, umusog ka nga!” asik ko sa lalaki nang magsiksikan na kami sa iisang lamesa. Napasimangot na lang ako bago tumayo dala ang pagkain ko at lumapit sa lamesa nila Enzo.
“Can I sit here? I will try to be quiet…” sabi ko sa mga ito. Tumango naman si Jahann at Kol sa akin habang hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Enzo.
I took the vacant chair beside Enzo and started to eat, too. Gaya ng inaasahan ko, wala man lang kumikibo sa mga kasama ko sa lamesa. Para bang napaka bawal sa mga ito na magsalita at wala man lang akong marinig na kahit anong usap sa kanila.
Nilingon ko si Enzo, marahil ay napansin nito na nakatitig ako kaya naman bumaling din siya sa akin. “What is it?” tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. “Talagang walang nagsasalita sa inyo, no?” tanong ko sa kanya bago nilingon si Jahann at Kol na nakakunot ang noo sa akin. I rolled my eyes at them. I was about to say something when Keij moved to our table and talked to Kol.
Napalingon ako kay Enzo na tumayo na muna at pumasok sa loob ng Sweet Desire. Nagpaalam naman ako kay Jahann na papasok lang din sa loob para mag-order ng drinks at tinanguan naman ako nito.
I immediately followed Enzo inside and saw him looking at the cakes again. Nakita ko naman ang cashier na nakatingin sa amin at agad na nginitian. Dahil palagi na lang din kaming naroon ay malapit na rin kami sa staff ng SD, ganoon din naman sila sa mga staff namin sa Ai’s.
“What are you going to order?” I asked Enzo. Tumabi ako sa kanya at sinipat ang mga cakes na naka-display roon. Lahat ay mukhang masasarap talaga. Well, Tita Stephanie and Tita Cristine never stopped learning and improving their offerings. Ang alam ko nga ay mayroon na rin silang cakes para sa mga naglo-low carb diet, e.
“Strawberry cheesecake,” sagot sa akin ni Enzo. Napangiti naman ako sa kanya. “You liked it? I told you, masarap, e,” proud na sabi ko sa kanya.
“You? What do you want?” tanong naman niya sa akin. I looked at the cakes again and crossed my arms on my chest. “Hmm…” all the cakes look so mouthwatering!
“I’ll try your favorite blueberry cheesecake,” sabi ko kay Enzo. “Since you are having my favorite, I’ll have yours,” dagdag ko pang sabi sa kanya. Tumango naman siya sa akin bilang pagsang-ayon bago kinausap ang cashier para sa order naming dalawa.
Nagsabi rin ito na dalhan na lang ang mga kasama namin sa labas bago binayaran ang lahat ng inorder.
“Hintayin na kita,” I told Enzo while looking around. Napangiti ako nang makita ko ang mga photos ng mga magulang namin doon. Isa iyon sa favorite spot ko talaga sa Sweet Desire. Hindi pinapaalis nila Tita Stephanie iyon dahil talagang memorable raw iyon para sa lahat.
Napalingon ako at nakita ko ang isang staff na dadalhin na sa labas ang cake kaya naman naglakad na rin ako upang lumabas nang haraning ako ni Enzo. Kumunot ang noo ko sa kanya nang lingunin ko siya.
“Let’s eat here,” sabi niya sa akin. Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya habang dala niya ang tray.
“Why don't you want to eat cake with them?” natatawang tanong ko sa kanya nang makaupo na kaming dalawa. I looked at him, he shrugged at me.
“Sit on the corner, you’re wearing short shorts again,” sabi nito sa akin kaya naman naupo ako sa may pinaka dulo. Napailing na lang ako dahil may problema na naman siya sa suot ko.
Sa kanilang tatlo, si Kol lang ang hindi nakikialam sa mga sinusuot namin.
“For someone who had sex already, you’re very conservative,” sabi ko rito para asarin ito. Nilingon naman ako ni Enzo at tinaasan ang kilay.
“You waited for the right moment to use that card on me?” he asked and took a seat beside me.
Muli akong nagkibit-balikat sa lalaki. Itinukod ko ang siko sa lamesa at dumantay sa kamay ko upang tingnan ito. “Well, for someone as quiet as you, I didn’t know you have experience already, Enrico Lorenzo,” natatawang sabi ko sa kanya.
Hindi naman masama ang loob ko na hindi niya sinabi sa akin dahil wala naman yatang dahilan para sabihin iyon. I was just surprised about it.
“Just eat, Alyanna Samantha,” sabi naman nito bago nagsimulang kumain. I chuckled when he said my name. Ayaw na ayaw ni Enzo na tinatawag siyang Enrico Lorenzo, kahit nga sina Tita Cyan ay hindi siya tinatawag ng ganoon dahil sumisimangot siya.
“You’re okay with Theon na?” tanong ko sa kanya. Kumukuha ako sa strawberry cheesecake niya at hindi naman it nagrereklamo sa akin.
“It’s not like I have a choice,” sagot naman niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit papaano ay may improvement na talaga si Enzo kumpara noong unang nalaman niya ang relasyon ng dalawa.
Since he mentioned he goes to gym thrice a week, hindi ko akalain na masusuntok niya si Theon at magkakasugat ang pinsan ko dahil doon.
“I just hope things will really get better for them,” I smiled and looked at Enzo. Naka abang ang tinidor nito sa akin na may cake. Mas ngumiti naman ako at kinain iyon. It was the last piece of his cake. Hindi na nakakapagtaka na isinubo na lang sa akin ni Enzo iyon dahil halos kalahati naman ng order nito ay ako lang ang kumain.
After eating, we walked back towards the others. Si Lean ay sasama raw muna kay Caryl at nakapagpaalam na kay Tito Blue. As much as I wanted to join them, I still have to go to Ai’s by 5 pm since I have a scheduled shoot.
“Can you drive her there?” Jahann asked Enzo. Hindi ako maihahatid nito dahil kailangan pa nitong tumingin ng bibilihing camera. Sasamahan naman ito ni Cherinna ngayon.
“No need, snob. I am okay. Baka may pupuntahan din si Enzo, eh,” sabi ko naman dito bago kinuha ang bag ko. “Just tell Dean to wait for me there.”
“Enzo already agreed, though,” sabi naman ni Kol sa akin. I looked at him before I looked at Enzo. Tinignan nito si Kol ngunit hindi naman nagsalita.
“Yeah, let’s go,” sabi nito bago naglakad papunta sa sasakyan nito. Tumingin ako kay Kol at tinapik naman nito ang balikat ko bago naglakad papunta sa sariling sasakyan. Kanina pa nakasakay si Keij sa sasakyan ni Kol at ito rin ang magmamaneho kaya naman kanina pa nito binubusinahan si Kol.
“See you later, twin,” sabi ko kay Cherinna bago naglakad papunta sa sasakyan ni Enzo. Sumakay naman na kaagad ako at nilingon ang lalaki.
“Are you sure it’s okay?” tanong ko sa kanya. Hindi naman iilang beses na niya akong hinatid doon. Kapag hindi ko dala ang sasakyan ko o kaya naman ay wala si Jahann, kay Enzo ako nakikiusap na ihatid ako.
“Of course,” sabi nito sa akin. “Your seatbelt?”
Tumango ako at hinawakan iyon para hilahin. Kumunot ang noo ko nang hindi kaagad iyon gumana. Nilingon ko si Enzo. “I think it's stuck?” sabi ko sa kanya.
Tinignan niya naman na sinusubukan kong hilahin iyon kaya inalis nito ang sariling seatbelt at lumapit sa akin.
Napaatras naman ako dahilan upang idiin ko ang sarili sa may upuan.
I bit my lip when I inhaled his scent.
Hinila nito ang seatbelt at ngumiti sa akin nang gumana na iyon.
He was inches away from my face.
“Thank you…” mahinang bulong ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at tumikhim bago tumingin sa labas. Si Enzo na ang nagsuot ng seatbelt ko bago muling bumalik sa upuan nito at nagsimulang magmaneho.
Hindi ko magawang magsalita habang nasa sasakyan kami kaya naman kinuha ko na lang ang phone ko at nakita kong may message na roon si Leo.
Tomorrow night, are you free?
I smiled a little and replied to his message.
Well, what Leo and I have, I don’t know what I should call it. We hang out a lot. Minsan ay nagpupunta kami sa mall na magkasama kapag nagpapasama siya, o kaya naman ay nag-aaya ako. Minsan naman ay kumakain din kaming dalawa sa labas, pero hanggang doon lang naman ang nangyayari.
Yes. Same place?
Hindi ko pa rin siya naipapakilala sa mga kapatid o pinsan ko dahil na rin sa nangyayaring gulo kina Lean at Theon.
“Who’s that?” tanong ni Enzo sa akin. Mabilis kong ibinaba ang phone ko at nilingon ang lalaki.
“Hmm?” tanong ko naman sa kanya. Tinignan nito ang phone ko na nasa may ibabaw ng bag ko.
“Uhm, nothing…” sabi ko naman sa kanya. Hindi pa ako ready na ipakilala si Leo sa kanila dahil hindi ko pa naman alam kung ano ang magiging mayroon kaming dalawa ng lalaking iyon.
We’re talking, going out, he’s always there for me, too, but he never mentioned anything about courting me or something…
Kahit na tila hindi kumbinsido si Enzo ay hindi naman na ito nagtanong pa. Ipinarada na lang nito ang sasakyan sa may parking ng Ai’s kaya naman nagpaalam na ako rito pero ganoon na lang din ang pagtataka ko nang bumaba ito.
“I’ll wait for you,” sabi niya sa akin.
“Sure ka? Shoots usually last for an hour or two,” sabi ko sa kanya habang nakatayo at sukbit ang bag ko. Tumango naman siya sa akin kaya magkasama kaming pumasok at hinanap ang studio kung saan ako kukuhanan.
“Oh, shit…” I bit my lip hard when I saw the materials I will use. Nawala sa isip ko na mga swimsuits ang gagamitin ko ngayon. Hindi naman iyon sobrang revealing katulad ng sa ibang models dahil hindi pa naman ako pinapayagan ni Daddy sa mga ganoon pero mayroon pa ring mga two piece na gagamitin.
“Napaka tagal mo, no?” sabi ni Dean sa akin. Sinimangutan ko naman ito bago naglakad na papunta sa maglalagay ng make-up sa akin. I asked Dean to assist Enzo since he’s going to wait for me.
Sa buong duration naman ng paghihintay niya sa akin ay hindi ko siya nakitaan ng bagot o pagrereklamo. Nakaupo lang siya habang pinapanuod ako.
Last outfit ko na kaya naman mabilis na lang kaming matatapos. Ibinigay na sa akin ang swimsuit na pula kaya nagpunta na ako kaagad sa banyo para magpalit. Kumunot ang noo ko nang mapansin na mas maliit sa akin ng isang size ang binigay kaya naman sumilip ako kaagad sa may pinto ng banyo at tinawag ang staff na naroon para mapapalitan ang gamit ko pero binanggit nito sa akin na wala silang nakuha na ganoong size ko.
“What? Are you seriously going to make me wear these?” I asked them, frowning. Kasya naman sa akin ngunit may kaunting sikip iyon kaya hindi ako sobrang kumportable.
I sighed heavily and just went out of the bathroom after wearing it. At dahil pula iyon, kitang-kita ang puti ng balat ko.
Naglakad na ako kaagad papunta sa harap nang maramdaman ko na maputol ang strap ng bikini top na suot ko. I immediately hugged myself and before I knew it, Enzo’s already hugging me with the cloth from the side.
I bit my lip and looked at Enzo.
He heaved a sigh and looked at Dean. “I think that means her schedule is done,” sabi ni Enzo sa mga ito. “Right?” seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Dean.
“Enzo…”
He looked at me. “Go, wear your clothes again,” sabi nito sa akin bago ako inakay papunta sa bathroom. Tumango naman ako sa kanya at pumasok na sa loob at mabilis na isinuot ang damit ko.
Pinagagalitan ni Dean ang staff na babae nang makalabas ako.
“It’s okay, Dean. It was not her fault,” sabi ko naman dito. “Marami naman tayong nakuhanan, diba?” sabi ko rito. Since he’s Tito Dale’s friend, he became our friend, too.
Tumango naman siya sa akin. “I am sorry for what happened, Aly,” sabing muli ni Dean sa akin. Natawa naman ako sa kanya at umiling. “It’s okay. It happens,” sabi ko bago nilingon si Enzo na nasa tabi ko na.
“We’ll go ahead now,” paalam ko sa kanya pati sa mga ibang naroon at sabay na kaming lumabas ni Enzo. He’s quiet while walking.
“Hey, thank you…” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung paanong naging sakto sa oras si Enzo sa pagtakip sa akin bago makita ng lahat ang katawan ko pero nagpapasalamat ako.
Ayokong magalit sa mga nasa Ai’s dahil alam kong pagod na rin sila sa mga trabaho nila ngayon.
Ipinagbukas ako ni Enzo ng pinto pero hinawakan niya ang braso ko bago ako makapasok sa loob. Tinignan ko naman siya na nakakunot ang noo. “Why…?” I asked him.
He stared at me and I saw his Adam’s apple move.
“Can you decline projects like that?” he asked me. Mas kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Why would I do that?
“Why?” I asked him. It’s normal to have a project like that. Ang dami nga na mas malala pa sa akin ang ginagawa, e.
He cleared his throat before he looked away.
“They’re looking at you. It’s annoying.”
Mas nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit siya naiinis?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store