11
This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.
Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
Comments are very much appreciated... ayaw niyo comment? :(
☀️☀️☀️
"Why are you so mad?" tanong ko kay Enzo habang nasa loob kami ng sasakyan nito. Katatapos lang namin kumain nila Lean kanina at nalaman na naming lahat ang tungkol sa relasyon nila ni Theon.
Well, we're all shocked. Surprised because we didn't expect that to happen. Palaging nag-aaway ang dalawang iyon kaya naman hindi ko maunawaan ng husto kung paanong nagkagustuhan silang dalawa.
Enzo's forehead creased as he looked at me.
I leaned on my seat and shrugged my shoulders. "I mean, I understand that it's really surprising, but... it can really happen, right? Hindi naman tayo magkamag-anak at--"
"Theon is an asshole," he cut me off.
Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon dahil alam naman naming lahat na iyon ang totoo. Gago naman din talaga si Theon kaya naman nakakagulat, nakakagulat din na kahit na ganoon ay minahal ito ni Lean.
"I can't understand it, how can she fall in love with him? That asshole probably told Lean lies," umiiling na sabi pa rin ni Enzo sa akin.
I understand his frustrations right now. Kahit naman siguro si Cherinna ang magmahal ng taong sa tingin ko ay sasaktan lang ito at ililihim pa sa akin ay magagalit talaga ako. Good thing was she ended things with Ian already and she's not seeing anyone right now. Ganoon naman din si Jahann.
I watched him as he tried to control his anger. Kumukuyom ang kamay nito kaya naman inabot ko ang mga ito at marahang pinisil. "Can't you trust Lean?" I asked him while still holding his hand.
Kunot pa rin ang noo niya akong nilingon. "What?"
"Can't you trust her?" ulit ko sa tanong ko sa kanya. "I don't think she will fall in love with Theon because Theon told her things, I am pretty sure she saw something in Theon, something we couldn't see because maybe Theon is different whenever he's with Lean, because maybe, he's really in love with her..." I tried to give them the benefit of the doubt because I think what they need now is our support.
Alam kong hindi magiging madali na maging ayos si Enzo sa nangyari pero kahit mapaliwanagan ko man lang siya kahit papaano ay ayos na.
Kung kailan naman kasi kailangan niya sina Jahann at Kol ay wala ang mga ito. Mas maiintindihan pa yata ni Enzo ang mga ito kapag sila ang nagpaliwanag kaysa sa akin, eh.
Enzo looked at me before he turned his head and looked outside. I sighed a little. I can only do so much. When we talked to Lean earlier, I could see that she really loves Theon.
Nakakapagtaka pero nakita ko na mahal nito ang pinsan ko, at ganoon din naman si Theon. It was the first time I saw Theon like that so I think he's really in love with Lean.
"Where is she right now?" Enzo asked me. He was now playing with my fingers. Hinayaan ko lang naman ang lalaki kaysa naman ikuyom na naman nito ang mga kamay.
"Tito Blue picked her up, she tried calling you," sabi ko naman dito. Tumango lang ito ng marahan at muling hindi na kumibo.
Tinignan ko ito habang nananatili akong nakasandal sa loob ng sasakyan nito. Enzo and I used to go out more often lately. Mandalas ay dahil sabay kaming kumakain kapag hindi ko mahanap sina Lean o kaya ay si Cherinna.
I always go to their office and ask him to go with me. Madalas na sinusungitan ako nito pero lagi pa rin naman niya akong sinasamahan kaya walang problema.
I already created a playlist so whenever we're inside his car, we're listening to that playlist. Sinabihan ko na nga lang din siya na mag-add doon ng mga gusto nitong kanta pero mukhang wala naman itong idinadagdag.
"She said he makes her happy, he makes her feel she's enough..."
I looked at Enzo and smiled a little. "You don't have to feel guilty about it, Enzo," sabi ko naman sa kanya. "Lean loves you, you know that... alam lang niya siguro na ganyan ka mag-re-react kaya naman tinago niya... tinago nila sa atin ang relasyon nila..." paliwanag kong muli. Lumingon naman sa akin si Enzo na parang sinasabing kinakampihan ko sina Lean.
"I am just trying to understand them, too," ngumiti naman ako sa kanya. "If I was in your situation, I would be mad, too. I will be so mad," sabi ko rito.
I felt him squeeze my hand when I said those words.
"Just maybe give them time, Enzo. I know you love Lean that's why you feel that, but I think Lean needs you, too..." sabi ko naman dito. Hindi ito nagsalita ngunit tumango ng marahan.
I smiled at him.
Hinatid naman na ako ni Enzo sa bahay namin bago ito umuwi sa kanila. I am really concerned about Theon and Lean. This thing happened before, a Dela Cruz fell in love with a De Guzman and based on the stories we heard, it was one heck of a ride.
They ended up together, though. Kinasal naman si Tito Hunter at Tita Zyline at nagbunga pa ang pagmamahalan nila, ang mga pinsan kong si Keij at Kol.
I was still worried about Enzo when I got inside my room. Mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit nang kunin ko ang phone ko upang magpadala ng message kay Enzo para alamin kung ayos lang ba ito.
I know love is really complicated. Binabasted ko ang manliligaw ko, I used to like Dean before, I am talking to Leo and he's making me feel something but he's not saying anything...
It's complicated and I can't share it with anyone because obviously, everyone is preoccupied with their own problems.
Humiga na lang ako sa kama ko habang naghihintay ng reply mula kay Enzo na hindi ko na natanggap hanggang sa nakatulog ako.
Days went by and things became harder for the people around us. Hindi pa rin maayos ang relasyon nila Theon at Lean lalo pa at nalaman na nila Tito Blue ang tungkol doon. Mas mahigpit na ngayon ang pagbabantay nila kay Lean.
"Why are you frowning?" tumabi sa akin si Leo habang nakaupo ako sa may garden. Like what he always does, he's bringing me food.
I looked at him and smiled. "Ang tagal mo kasi," sabi ko naman sa kanya.
It made him laugh and it made me smile. Mas nagiging gwapo sa paningin ko si Leo kapag ganitong tumatawa siya.
"Well, I am sorry, I need to pass my reports first because I don't want to fail," he said before looking at me. "Kanina ka pa ba rito?" tanong niya sa akin bago inilabas ang pagkain na dala. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot.
Madalas na rito kami sa garden nagkikita ni Leo kapag free time ko at kapag naman inaaya niya ako.
"So, why are you frowning?" tanong niyang muli sa akin. I have never introduced him to my twin sister and brother. Kahit nga kina Keij ay hindi ko pa naipapakilala si Leo dahil hindi ko naman din alam kung ano ba ang pagpapakilala na gagawin ko.
Well, I tried doing that, but Leo declined. He said they might just stop us from seeing each other, and with what happened to Lean and Theon, it's really possible.
"Just some family thing," sabi ko rito. Hindi ko naman plano na ipagsabi ang tungkol kina Theon at Lean lalo pa at hindi naman iyon tungkol sa akin. I usually talk about that with Cherinna or Enzo or Jahann, but with Leo? I don't think I should tell him that.
Tumango naman siya sa akin. "You want to come with me later?" tanong nito habang kumakain. Kunot ang noo akong tumingin sa kanya.
"Hmm?" I asked him. Ang alam ko na schedule nito kapag gabi ay sa mga bar kung saan ito nagpa-part time as a DJ.
"You looked, I don't know... stressed?" he chuckled and caressed my cheek. "You need to loosen up, Alyanna," sabi naman nito sa akin. I admit, past days and weeks were really stressful! Hindi naman kami ang nasa kalagayan ng mga kaibigan ko at pinsan ko pero pati kami ay damay sa stress na nararamdaman ng mga ito.
"I promised Cherinna we will have dinner later," sabi ko naman kay Leo. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa labi ng lalaki nang sabihin ko iyon. Tumango-tango ito sa akin. "I see..."
I bit my lip hard.
Damn, Alyanna Samantha!
"But I can tell her something came up and..." he looked at me and waited for me to finish what I was saying. "And go with you..."
Leo smiled again at me and it made my heart skip a beat again.
I don't know what I should call this. Attraction? Crush? Like? Love?
Leo's making me feel something, but he's not saying anything about it. Hindi ito katulad ng mga nanliligaw sa akin na sinasabi na gusto ako. I never heard him tell me he likes me, or whatever we have will lead into something...
After I called Cherinna and told her I wouldn't make it, I followed Leo to his car. Naupo na rin ako sa may unahan at sumunod naman na sa akin si Leo.
"You sure it's okay?" tanong ni Leo sa akin. Now that we're inside his car, I could smell his perfume and damn, he smells so good! Amoy na amoy iyon sa loob ng sasakyan nito.
Tumango na lang ako bilang sagot at isinuot na ang seat belt ko.
"Are you okay?" Leo asked me while he's driving. Isang kamay lang ang gamit nito habang nagmamaneho. Nang magkulay pula ang traffic lights at tinignan ako nito. "You're quiet, why?" tanong nitong muli sa akin.
"I was just wondering... ilang babae na ang sumakay rito..." sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Leo na tila ina-absorb ang sinabi ko at ilang sandali ay natawa ito sa tanong ko.
"What?" he asked, still laughing. "This car is new, so you're the first passenger I had," sabi naman nito sa akin.
Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa sinabi nito sa akin. Hindi ko naman talaga intensyon na makialam kung sino-sino na ba ang naisakay ni Leo rito. Sa ilang beses naming pagkikita at pag-uusap sa may garden, hindi naman lingid sa kaalaman ko na marami rin ang may gusto sa lalaki. Marami rin ang nagpapapansin dito gaya sa mga pinsan ko at kapatid ko.
Kaunti pa lang ang tao nang makapasok kami sa loob ng bar. Hindi pa naman peak hours kaya hindi pa ganoon karami ang mga taong naroon. Ang iba ay nagsisimula pa lang na uminom.
Nakasunod naman ako kay Leo na naglakad papunta sa harap. Ipinakilala rin ako nito sa kaibigan nitong naroon at pinaupo sa malapit sa pwesto nito.
He removed his polo and he's now wearing his plain white shirt. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa lalaki dahil bukod naman talaga sa gwapo ito, maganda ang katawan nito, masaya ring kausap at maalalahanin.
Ito ang tumawag sa waiter para ikuha ako ng pagkain at inumin kahit na umiling ako. Wala naman akong balak na uminom ngayon. Sumama lang ako upang panuorin siya ngayon sa performance niya.
Everything was set and he's starting to play some music. Tumitingin-tingin siya sa akin kaya naman ngumingiti ako. It was so obvious that the people there like what he's playing. Mukhang nag-e-enjoy ang mga ito kaya naman sumesenyas ako ng thumbs up kay Leo kapag napapatingin ito sa akin.
Nakaupo lang ako habang pinapanuod si Leo hanggang sa magpaalam ito sa kasama at naupo na sa tabi ko. "Are you okay? You're not having fun, are you?" tanong nito sa akin bago uminom sa bote ng beer na hawak.
Umiling naman ako. "I am okay, I just don't want to drink tonight," paliwanag ko naman sa kanya. I ordered juice while he ordered beer again.
"You're really good," puri ko kay Leo na lumingon sa akin at ngumiti.
"You think?" he asked before drinking again. Tumango naman ako sa kanya. Madilim sa loob ng bar at mga iba't ibang ilaw ang tumatama sa mukha nito pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito.
I heaved a sigh and looked away and sipped from my orange juice.
I could feel something towards him and I don't know what name I could put up with that feeling. Naguguluhan ako at alam kong komplikado ang lahat.
Do I like him? Maybe yes...
Does he like me? I don't know...
I stayed there for a couple of hours before I told Leo I needed to go home already. Kapag nalaman nila Daddy na nagpunta ako sa bar na hindi ko kasama ang mga pinsan ko ay malamang na pagagalitan ako nito.
"I'll drive you home," alok sa akin ni Leo na agad kong tinanggihan dahil alam ko naman na may set pa ulit ito dahil tinatawag na ito ng kaibigan nito.
"I am okay, I'll just take a cab," sabi ko rito bago tumayo.
"No, I'll drive you home," hinawakan ni Leo ang kamay ko kaya naman napatingin ako roon at nang mapansin nito ang mga mata ko, mabilis na binitiwan nito ang kamay ko.
I looked at his face and smiled a little. "I am really okay," tumango ako sa kanya. "Thank you for bringing me here," sabi kong muli sa kanya bago naglakad papalabas ng bar na iyon.
I heaved a sigh when I stepped out. Tinignan ko rin ang orasan ko at halos alas onse na ng gabi. Mas dumami na ang tao roon kaya naman mas maingay na. Sigurado akong hindi talaga makakaalis agad si Leo ngayon kaya naman hindi na ako nagpumilit pa na ihatid nito.
Nakatayo lang ako sa may gilid at nag-aabang ng taxi ngunit mas dumalang na ang dumaraan ngayon na bakante. Napapakamot na lang ako sa buhok ko dahil halos kinse minutos na akong naghihintay pero wala pa rin.
I bit my lip and thought of calling Jahann. Kaso malaki ang chance na pagagalitan ako ni Jahann kapag nalaman niyang sumama ako kay Leo, lalo pa at hindi nito kilala ang lalaki.
"Sorry na agad..."
I dialled Enzo's number and I was surprised when he picked it immediately.
"Enzo!" I exclaimed when I heard his voice.
"What is it?" he asked me. I bit my lip. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil malamang ay tanggihan din ako ng lalaking ito ngayon pero siya lang ang pwede kong pakiusapan.
"Uhm... can you..." mas humigpit ang hawak ko sa cellphone ko habang nakatayo sa may gilid ng kalsada. "Can you pick me up?" tanong ko sa lalaki.
Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng mga busina sa background ni Enzo. "You're outside?" I asked him. "Yes," tipid namang sagot nito sa akin.
"Oh..."
"Where are you?" tanong na muli ni Enzo sa akin. I looked around and told him the signage I saw. Hindi ko naman kasi alam talaga ang lugar na iyon kaya hindi ko masabi ang mas madaling way kay Enzo.
"Hmm. I am around the area, wait for me and don't move," sabi ni Enzo sa akin. Tumango naman ako sa kanya kahit pa alam kong hindi naman niya ako nakikita.
"Just call me when you are near and--"
"Don't end the call and just stay with me," he cut me off. Sinunuod ko naman ang sinabi nito kahit pa hindi naman ito nagsasalita habang nagmamaneho. Hawak ko lang ang phone ko habang hinihintay si Enzo.
I waited for almost 10 minutes before I saw Enzo's car. I smiled and waved at him. He parked his car near me and went out, he walked towards me and ended the call.
"Hi..." I greeted him.
Kunot ang noo niya bago tumingin sa paligid. He looked at the bar nearby and raised his eyebrow.
I smiled sweetly at him before I clung to his arm.
"Hatid mo na ako?" tanong ko sa kanya na nakangiti.
Enzo looked at me and scoffed. "You really know who you should call, hmm?"
I chuckled and nodded my head. Alam ko na kung si Kol ang tatawagan ko, tatawagan nito si Jahann. At least, with Enzo, I know he will pick me up first.
"Thank you!" I smiled at him and kissed his cheek. Kinuha ko na rin ang susi ng sasakyan nito upang buksan iyon at nauna na akong pumasok sa loob habang naiwan si Enzo sa labas.
And then I realized what I did.
I kissed Enzo's cheek.
What the hell?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store