10
This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.
Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
☀️☀️☀️
Nakaupo ako sa may bench sa may garden malapit sa may building ng mga IT students habang busy ako sa paggawa ng mga sketches ko. Nag-iisip na ako ng iba-ibang designs ng damit dahil kailangan naming magsubmit ng mga proposal designs namin by mid of the month.
Kanina ko pa rin naman pinadalhan ng message si Cherinna kung nasaan ako para kung sakali man na hanapin niya ako ay alam niya kung saan niya ako pupuntahan.
May mga students naman din akong kasama na naroon sa may garden pero gaya naman ng laging nangyayari, may mga bumabati sa akin pero walang tumatabi dahil na rin alam naman karamihan na may circle of friends na ako.
I was busy sketching on my notepad when I noticed someone occupied the seat in front of me. Nag-angat ako ng ulo at nakita ko si Leo na nakangiti sa akin.
"Naligaw ka yata?" tanong niya bago inilagay ang dala nitong softdrinks at burgers sa lamesa. "Have you eaten?" tanong pa nitong muli sa akin bago inalis ang balot ng dalang pagkain.
Hindi ako nakapagsalita habang nakatingin sa kanya.
Leo smiled at me and cocked his head on the side. "I am real, Alyanna," sabi nito bago pinitik ng mahina ang tungki ng ilong ko ko. Napaatras naman ako ng ulo at kumunot ang noo.
"What the hell?" I covered my nose and looked at him. "What was that for?" I asked him again. He just chuckled and handed me the burger he was holding. "Eat," sabi nito sa akin na pautos.
"Why are you always bringing me food?" tanong ko sa kanya nang abutin ang ibinibigay nito. Nagkibit-balikat naman sa akin si Leo at nagsimula na ring kumain. "Masarap 'yan, hindi 'yan dito sa school galing," natatawang sabi nito nang hindi pa ako kumagat sa hawak ko.
Napailing naman ako bago kumain.
"Where are you friends?" tanong sa akin ni Leo habang kumakain kaming dalawa. Ako naman ang nagkibit-balikat dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan ang mga kasama ko. Baka nasa gym sina Keij at Theon, si Lean naman ay hindi ko alam kung nasaan na ngayon dahil nang may mangyari sa after party ng drama club ay sinabihan na ito nila Tito Blue na umalis na roon, si Cherinna ay baka kasama si Ian? Hindi ko alam sa kanila.
"You, where are your friends?" I asked Leo instead. Mas natawa naman ito sa tanong ko sa kanya kaya hindi ko napigilan magtaka.
"I don't have friends," he replied before drinking. Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Girlfriends, then?" pang-aasar ko na tila hindi naman naasar ang lalaki, sa halip ay mas natawa pa ito.
"You're curious if I have a girlfriend, Alyanna?" He teased me. I rolled my eyes to hide my embarrassment. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin pero hindi naman nakakaligtas sa paningin ko ang mga sulyap na ibinibigay ng mga babaeng naroon kay Leo.
He's a catch, yes. Gwapo, matangkad, maganda ngumiti, mabango, matalino, mayaman. He's like my cousins, my brother and Enzo, but he's a playful one, I think. Hindi ko siya na nakikita na katulad ni Jahann na seryoso at laging nakakunot.
I heard him chuckle again and it made my heart skip a beat! Hindi ko na rin malaman kung bakit ba may epekto sa akin ang tawa ni Leo kahit na hindi naman dapat.
"Hi, Leo! May meeting daw para sa project natin mamaya," ani ng isang babae na lumapit na sa amin. Nilingon ko ito at ang tingin nito ay nakapako lang sa kasama ko. Kumunot naman ang noo ko.
Leo looked at her and smiled. "Thank you, Daisy, for reminding me. Sure, I will be there," he replied, still smiling.
I stopped myself from rolling my eyes again. Malamang ay magtataka si Leo kung bakit ko gagawin iyon at ayoko namang magpaliwanag ng bagay na hindi ko rin lubos pang maunawaan.
Yumuko na lang akong muli upang ipagpatuloy ang ginagawa ko. It was so hard to concentrate when I could clearly hear what they were talking about. Sinasabihan din si Leo ng babae na sumama sa kanila dahil may celebration daw.
Hindi ko naman din maintindihan sa akin kung bakit naiinis ako na nagsabi si Leo ng oo rito. I mean, it's actually fine. It should be fine since they're classmates and maybe they're celebrating something.
"Baka maputol na 'yang lapis mo," natatawang sabi ni Leo sa akin. Napaangat ako ng tingin at wala na roon ang babaeng kausap nito. Napalingon din ako sa ginagawa ko at masyado ngang nagging madiin na ang pagguhit ko.
I just cleared my throat and filled my lungs with air. Ibinalik ko na sa bag ko ang gamit ko bago muling tumingin kay Leo. I summoned my confidence and smiled at him. "Thank you sa food, ha? Mauna na ako, baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko," sabi ko rito bago tumayo.
"Friend, or boyfriend?" hindi ito tumayo, sa halip ay nakatingala ito sa akin habang nakangisi pa rin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.
"Friends, I don't have a boyfriend," pagtatama ko rito. I usually lie to people when they ask me that question since some of them tried to hit on me, Enzo knows that because I always say his name. Siya lang naman ang hindi ko kamag-anak sa circle namin.
With Leo, I don't know. I could lie, but I chose not to. It's as if I want him to know that I am single and available.
Damn it.
"So, you're single?" he smiled again.
"It's none of your business," nakasimangot kong sabi bago naglakad papalayo sa lalaki. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago ko nakasalubong si Enzo na may bitbit na folder.
"Enzo!" I called his name. Mabilis naman siyang lumingon sa akin at kumunot ang noo nang mapansin kung saan ako nanggaling.
"Have you seen my siblings?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanya. Umiling naman siya sa akin at muling tinignan ang papel na hawak.
"Where are you going? Sama na lang ako..." sabi ko sa kanya. Alam naman niya na hindi ko madalas nakakasama si Cherinna dahil madalas ay sa kanya ako nagsasabi at nagpapasama na rin.
"Where have you been?" Enzo asked me again before he looked back at the garden Nilingon ko rin iyon at nakita ko si Leo na nakatingin sa akin. I looked away instead.
"Sketching," sagot ko naman kay Enzo. Hindi naman na siya nagtanong pang muli sa akin at hindi na rin ako nito pinigilan na sumama sa kanya sa headquarters nila sa SSG. Magkatabi lang ang lamesa nito at ni Jahann kaya naman umupo na muna ako sa upuan ng kapatid ko.
I smiled when I saw the frames on his table. Isang kaming tatlo at isang silang dalawa lang ni Cherinna. Hindi naman din nakakapagtaka dahil mas close si Jahann sa babae, at mas close naman din ako kay Cherinna kaysa kay Jahann.
"Have you eaten?" tanong ni Enzo sa akin nang bigyan ako ng tubig. Umiling naman ako sa kanya. "I'm okay. Wala na kasi akong klase, wala rin akong schedule ngayon sa Ai's," sabi ko naman dito. Tinanguan niya ako bago naupo na rin.
"Are you hungry?" tanong ko kay Enzo. Tumingin siya sa akin at tumango. "Hindi ako nakapag-almusal," sagot niya sa akin. Mas kumunot ang noo ko dahil halos alas-tres na ng hapon. Ibig sabihin, hindi rin ito kumain ng tanghalian?
"Bakit hindi ka kumain?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito sa akin. I rolled my eyes at him and got up from my seat. "Tara, kain tayo," aya ko sa kanya. Kumunot na namang muli ang noo ni Enzo sa akin.
Tinitigan ako nito na para bang tinatanong ako kung seryoso bang inaaya ko siya.
Lumapit ako rito at hinawakan ang kamay nito. "Let's eat, okay? Sasamahan kita," sabi ko bago hinila itong patayo pero dahil mabigat si Enzo ay ako ang nabuwal at nasubsob sa lalaki.
"Kasi naman, eh!" natatawang sabi ko bago nag-angat ng tingin kay Enzo. Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin at umayos ng tayo. Inalalayan niya naman ako at hinawakan ang bewang at braso ko para makatayo.
"Tumayo ka na kasi, alam mong mas mabigat ka sa akin, eh," pasungit na sabi ko kay Enzo para pagtakpan ang kahihiyan ko. "I will just wait for you outside!" sabi ko rito bago kinuha ang bago ko at lumabas ng office nila.
Sanay naman kaming lahat na malalapit sa isa't isa, madalas naman din na sumasandal ako kina Keij o Theon, kahit kay Kol pa kung minsan pero si Enzo kasi, hindi ko naman siya kamag-anak, kaya kahit papaano ay nahiya ako sa nangyari.
Hawak ang magkabilang pisngi ko ay napalingon ako kay Enzo nang lumabas na ito.
"Let's go?" aya niya sa akin. Tumango naman ako at sumabay na sa paglalakad nito.
"Hello, Enzo," bati rito ng mga nakakasalubong namin na mga estudyante. Tumatango naman si Enzo rito at gusto kong matawa dahil alam ko na naiinis na ito.
Ikinawit ko na lang na ang kamay sa braso nito. Nilingon niya ako kaya naman ngumiti ako sa kanya. "Baka mapagod ka kakatango, at least alam nila pwede ko sila tarayan," sabi ko rito. Ngumiti naman ng maliit si Enzo.
Pinagbukas pa ako ng pinto ng lalaki nang makarating kami sa sasakyan nito. Sumakay naman na ako at kinuha ang phone ko para magpadala ulit ng message kay Cherinna kung nasaan ako.
"What do you want to eat?" tanong ni Enzo sa akin habang ang kamay ay nasa may likod ng upuan ko at tinitignan ang likod ng sasakyan para makaalis sa parking.
"Ikaw ang hindi pa kumakain, eh. Choose, it's my treat," sabi ko naman dito. Nilingon ako nito at muli itong napangiti ng maliit.
"How's your class?" tanong ni Enzo sa akin. Nilingon ko ito at hindi ko napigilan na matawa ng malakas sa tanong niya sa akin. Nilingon naman ako ni Enzo bago sumimangot. "What's funny?" tanong niya ulit sa akin.
"You ask like my dad!" sabi ko naman sa kanya na natawang muli. Mas napasimangot naman si Enzo bago muling tumingin sa daan.
I leaned on my seat and looked at him. "You know, kung sino man ang sinasabi mong gusto mo, she's a lucky girl," seryosong sabi ko sa lalaki. He gave me a fleeting look before turning his head back to the road.
"You're babbling nonsense," masungit na sabi ni Enzo sa akin. Muli akong natawa bago hinampas ang braso nito. "I am serious! She's lucky. Kasi, you're very responsible, you're very thoughtful kahit hindi halata minsan, and of course, you are good looking," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hmm?" tumaas ang isang kilay ni Enzo.
"But I don't think we're all ready to see you have a girlfriend..." sabi kong muli. I always tease Jahann that he will soon court Iris, because I know Cherinna will be most affected if that is the case. It would mean Jahann's attention would be divided. Ganoon din kina Enzo. Si Theon at Keij, noon pa man nasanay naman na kaming may mga dine-date ang mga ito, pero si Enzo, Kol at Jahann, nakakapanibago talaga kung may magiging girlfriend na sila.
"You always tease Jahann, though," Enzo told me. I nodded my head and looked outside. "Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Cherinna na ayaw ko rin, eh, kasi mas malulungkot siya," I smiled at him. "So, I just tease him, also, si Cherinna rin naman, may Ian na," dagdag ko pa.
"Why don't you say yes to one of your suitors?" Enzo asked me again. Nilingon ko naman ito ng nakasimangot. "Are you for real? Wala akong gusto kahit isa sa kanila. Ang yayabang porque may kaya sa buhay," I rolled my eyes. "I told you, I want someone like my dad. Ganoon talaga ang gusto namin ni Cherinna sa lalaki," sabi ko pang muli.
I had a crush with Dean before. It was a happy crush. Pero nawala din naman dahil lagi kong nakakasama at lagi na lang din niya akong inaasar kapag nasa Ai's ako.
Enzo parked his car outside Wildflour. Lumabas na rin ako kaagad at hinawakan naman ni Enzo ang siko ko para igiya ako papasok sa loob ng restaurant. Ipinaghila na rin ako nito ng upuan bago naupo.
"Go, order anything," sabi ko rito. Sinabihan ko rin siya na orderan na lang ako ng light lang dahil nakapagmerienda ako kanina. Maiilang si Enzo kumain mag-isa kung hindi ko siya sasabayan.
Mabilis naman nakuha ng waiter ang order namin at nakasandal lang ako habang nakatingin kay Enzo.
"Hmm? Why?" tanong niya sa akin. "Do I have dirt on my face?" he asked again.
Umiling naman ako sa kanya. "I was thinking about the topic earlier," pag-amin ko naman dito. Nakatingin lang si Enzo sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. "You never mentioned what you like," sabi ko sa kanya.
Sumandal din si Enzo at tinignan ako. "What do I like?"
Tumango ako sa kanya. "Like, as in ano ang gusto mo sa babae, ganon? Para kapag nagkagirlfriend ka, makilatis namin kung ganoon ba talaga siya," sinundan ko iyon ng pagtawa.
Seryoso naman ang mukha ni Enzo nang magyuko ito. "What do I like..." he chuckled softly and looked at me again.
Lean told us before she wants someone to love Enzo for who he is. Ganoon naman talaga ang pipiliin namin para sa mga kapatid namin o kaibigan. Una roon na mamahalin nila ang mga mahal namin ng walang pag-aalinlangan.
"I like--" nahinto si Enzo sa pagsasalita nang dumating na ang order namin na pagkain. Kumunot ang noo ko nang mapansin na napakarami ng inorder ng lalaki. It could feed 4-5 people! Dalawa lang naman kaming naroon!
"Thank you..." mahinang usal ko sa waiter bago nilingon si Enzo na nagkibit-balikat. I rolled my eyes again. Nagsimula naman na itong kumain at hindi naman na rin ako nakatanggi nang lagyan nito ng pagkain ang plato ko.
"I have a shoot next week!" sabi ko kay Enzo nang dagdagan pa ang nilagay sa plato ko. "Swimsuit brand 'yon, hindi pwedeng malaki ang tiyan ko," paliwanag ko sa lalaki.
Napasimangot ako nang para itong walang narinig. Pinagpatuloy lang nito ang paglalagay sa plato ko at maging ang pagkain.
I looked at my plate and shook my head. Naiisip ko na agad ang magiging work-out ko sa mga susunod na araw nito para maging fit pa rin para sa mga endorsements ko.
"Babalik na naman tuloy ako sa gym nito," sabi ko kay Enzo bago nagsimulang kumain.
Enzo looked at me and smiled. "I'll work out with you, then," sabi naman nito sa akin. Mas sinimangutan ko siya bago sinubuan ng steak na naroon.
"Kumain ka na lang nga, ewan ko sa iyo," sabi ko rito nang kainin nito ang karne sa may kubyertos ko.
He chuckled softly and looked at me.
"Don't fret. You're pretty when you are smiling," he said before he continued eating.
I looked at him and blushed.
What?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store