ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

09

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.

patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

☀️☀️☀️


It was almost 7 pm when we reached the restaurant. Si Theon pa rin ang nagmaneho dahil sasakyan naman nito ang ginamit naming apat. Kami lang din ni Lean ang nag-uusap sa buong biyahe namin papunta roon.

Magkakasunod kaming pumasok sa loob at hinawakan naman ni Enzo ang siko ko para igiya ako sa lamesa kung saan kami itinuro ng waiter. Naupo na ako kaagad at tumabi naman sa akin si Enzo dahil sa harap ko naupo si Lean. Pareho kaming nasa may gilid ng salaming pader ng restaurant.

"You like it here, no?" sabi ko rito. I remember he also brought me here before to eat. Enzo looked at me and nodded his head.

Hindi naman din nagtagal ay dumating na ang waiter para kunin ang order naming apat. I looked at the menu and turned my head to Enzo who's already ordering his food. Tinapik ko naman ito kaagad.

"Wait lang kaya, naghahanap pa ako, eh," sabi ko rito para pigilan ito.

Kumunot ang noo nito sa akin. "I am already ordering for us. Do you want something else?" ani Enzo habang naghihintay sa sasabihin ko. Tinanong ko naman dito kung ano ba ang inorder nito at nakakapagtaka na lahat naman ng iyon ay gusto ko ring kainin.

Nakasimangot na ibinigay ko na lang sa waiter ang menu at sumandal.

"You memorized the menu already? How many times have you been here, Enzo?" Theon asked him. Sabay naman kami ni Lean na tumingin sa kakambal nito.

"It's not hard to memorize it," he replied while looking at Theon.

"Sure, but how many times have you been here? Dito ka nakikipag-date?" tanong nitong muli bago lumingon-lingon. "The place is good, but you should just go to Autumn's, you know?" sabi nito na sinundan iyon ng pagtawa.

Ang Autumn's na tinutukoy ni Theon ay isa sa mga business ng mga Dela Cruz. It's a restaurant and currently, Tito Thunder is managing it. Si Tito Hunter naman ang nagmamanage ng supermarkets ng mga Dela Cruz, ang Summer's.

"Nakikipag-date ka rito?" tanong ko naman kay Enzo. Nilingon ako nito at tinaasan ng kilay na para bang gusto akong singhalan dahil sa tanong ko sa kanya.

"He's not dating anyone, he likes reading, Aly," natatawang sabi naman ni Lean sa amin ni Theon. Natawa naman si Theon at muling inasar si Enzo. Pasalamat na lang din talaga itong pinsan ko na ito at hindi pumapatol si Enzo at baka talagang masapak ito ng lalaki ng wala sa oras, eh.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang pagkain naming apat kaya nagsimula na kaming kumain. Since he ordered food trays, he's the one who put food on my plate. Maging si Lean ay nilagyan din nito ng pagkain ang plato.

"Thank you," I muttered before I started eating.

"Bakit pala hindi sumama sila Keij ngayon?" tanong ni Lean sa akin dahil alam naming lahat na hindi mapaghihiwalay si Keij at Theon. Nag-angat ako ng tingin dito bago sumagot.

"He said he's going to sleep," sabi ko naman dito dahil iyon naman talaga ang sinabi ni Keij kanina nang nandoon kami sa bahay nila Theon.

"How's you and Kevyn pala?" I asked her. Naramdaman ko ang pagsipa sa paa ko ni Lean kaya napa-aray naman ako. Mabilis na sinilip ni Enzo ang ilalim ng mesa nang mapansin na hawak ko ang paa ko.

"What was that for?" I asked Lean. Pinanlakihan naman niya ako ng mga mata.

"What happened?" Enzo asked me. Tumingin ako rito at umiling. "Wala, wala..." sabi ko na lang dito bago kumain na muli. Hindi ko naman malaman kay Lean bakit naninipa, nagtatanong lang ako, eh.

"Karma mo 'yan, kumakain kasi tayo, banggit ka nang banggit ng pangit," sabi naman ni Theon sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Kapal talaga ng mukha mo," sikmat naman ni Lean sa lalaki. Napailing na lang ako dahil hindi ko naman na kailangan pang sumali sa usapan nila dahil mag-aaway na naman silang dalawa.

Kumain na lang din ako kasabay ni Enzo na hindi na pinakialaman si Theon at Lean.

Matapos naman kaming kumain at magbayad si Enzo ay lumabas na kami ng restaurant at sumakay sa sasakyan ni Theon. Gaya kanina ay naupo na akong muli sa likod pero ngayon ay si Lean ang umupo sa harap at si Enzo naman ang tumabi sa akin. Kumunot ang noo ko sa lalaki.

"Lean said she wants ice cream," sabi naman nito sa akin na mas nagpakunot sa noo ko. Ano ngayon kung gusto ni Lean?

He sighed, as if tired of explaining to me. "Mag-drive thru," sabi na lang nito sa akin kaya tumango ako sa kanya.

I was just looking at Enzo while we're on our way to get some ice cream. Dahil gabi na ay mga ilaw na lang ng sasakyan sa harap at gilid namin ang umiilaw sa mukha nito. Nilingon naman ako nito.

"Hmm?" he asked. "What is it, Alyanna?"

Napailing naman ako rito bago nag-iwas ng tingin. Nagsisimula na ring umulan kaya naman mas traffic na ang dinadaanan namin. Nagmessage na lang din ako kina Cherinna na kung masusundo pa ba nila ako dahil baka gabihin na si Theon kapag hinatid ako pero hindi naman ito nagrereply sa akin.

"Can you message Jahann?" tanong ko kay Enzo maya-maya. Dahil alam ko naman na triplets sila, malaki ang chance na magrereply ito sa lalaki. "Tell him to just pick me up later?" sabi ko pa rito. "Hindi kasi sumasagot sa akin si Cherinna, eh."

"Bakit? Ihahatid naman kita, ah?" nilingon ako ni Theon. Well, even though he's an ass, he's also thoughtful sometimes.

"Umuulan, eh. Baka maipit ka sa traffic," sabi ko naman dito. Halatang gustong kontrahin ni Theon ang sinabi ko nang magsalitang muli si Lean.

"Then just sleep at our house?" alok naman nito sa akin na nakalingon pa sa akin. "Bukas na lang umuwi ng umaga?" sabi pa nito bago nilingon si Enzo. "Enzo will drive you home instead. That's fine, right?" she asked his brother.

Tumingin naman ako kay Enzo upang hintayin ang sasabihin nito. Nang hindi ito magsalita ay naisip ko na agad na hindi nito gusto ang ideya.

"Hindi na, I will just try to call Jahann and--"

"It's okay with me," he said as he leaned and closed his eyes. Hindi naman ako nakapagsalita habang nakatingin lang sa kanya.

"There, it's settled!" sabi naman ni Lean sa akin na para bang excited itong doon ako matulog sa kanila.Well, for sure, puro si Kevyn lang naman ang babanggitin nito sa akin.

Nakarating na kami sa may Mcdo at umoorder na si Theon. "What do you guys want?" he asked us. Sabay naman kami ni Lean nagsabi ng fries dahil napag-usapan na namin na mag-movie marathon kami mamayang gabi.

"Sundae, Theon, caramel," sabi ko sa lalaki. Dahil hindi ko makita ang nasa menu para makapili pa ako ay umusod ako papalapit kay Enzo at idinukwang ang ulo upang silipin ang menu na nasa labas.

"I want a cheeseburger, too..." sabi ko kay Theon. Natawa naman si Lean at sinabihan ako na kakakain lang namin, umorder din naman siya nang dinagdag ko.

"What else? Ikaw, Enzo?" tanong ni Theon sa aming muli.

Nilingon ko naman si Enzo na titig na titig sa akin. "Ikaw, anong gusto mo?" tanong ko naman sa kanya. I got the chance to stare at him closer. I couldn't stop myself from looking at his eyes, down to his nose and lips.

"Tangina, ang bagal," kumento ni Theon na nilingon kami. "Tangina kasi, Aly, nakaorder ka na, naghahanap ka pa ng oorderin," sabi naman nito bago ako tinapik. "Ano kay Enzo?"

I bit my lip and looked away. Umayos na rin ako ng upo pagkatapos kong murahin si Theon dahil sa pagtapik nito sa may likod ko kanina.

Enzo ordered what we ordered. This time, Theon paid for it.

Sa mga shortcuts naman na dumaan si Theon at dahil maulan at gabi na, madilim na ang dinaraanan namin ngayon.

"Do you know this place?" tanong ni Lean sa lalaki. "Kapag talaga may biglang lumabas na multo rito, sasampalin kita!" sabi pa ni Lean sa lalaki. "Lock the doors!"

Hindi naman din ako makapagsalita dahil talaga namang madilim ang dinaraanan namin at parang kami lang ang sasakyan na naroon. Nasa Metro Manila pa naman kami pero daig pa namin ang nasa probinsya!

Umusod akong muli papalapit kay Enzo dahil talaga namang sari-sari nang imahe ng multo ang pumapasok sa isip ko dahil madilim sa labas. Hinawakan ko rin ang braso nito habang lumilingon-lingon pa rin.

"You're pinching me," he chuckled and reached for my hand. I looked at him and frowned. I was about to let him go when he held my hand with his and looked at me. "Better?" he asked.

Napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak at pansin ko roon ang mga ugat sa kamay nito. Marahan akong tumango sa kanya.

Natigil lang sa pagtatalo si Lean at Theon nang makabalik na kami sa highway at maging pamilyar na sa amin ang daan. Maulan pa rin kaya naman ipinasok ni Theon sa loob ng garahe ng mga De Guzman ang sasakyan nito para makababa kami.

Gaya noon ay hinawakan ni Enzo ang ulo ko upang hindi tumama sa sasakyan at inalalayan akong makababa. Ito na rin ang nagbitbit ng mga pinamili namin.

Hindi naman na bumaba si Theon dahil tinatawagan na raw ito ni Tita Rain, matapos kaming magpaalam sa kanya ay pumasok na kami sa loob ng bahay nila Lean.

Naabutan pa namin ang mga magulang ng mga ito na nasa may living room nila.

"Good evening, Tito, Tita," bati ko sa mga ito matapos humalik sa mga pisngi nito.

"Mom, Alyanna will sleep here tonight, ha?" sabi ni Lean sa ina nito na tumango naman kaagad sa kanya. Hindi naman na bago sa mga magulang namin ang mga biglaang sleep over kaya hindi na nagtaka ang mga ito.

Matapos magpaalam sa mga ito ay umakyat na kami ni Lean sa kwarto nito. Mabuti na lang din at kasya sa akin ang mga damit nito. Binanggit din nito na may mga extra naman itong underwear na hindi pa nagagamit kaya iyon na lang ang gagamitin ko.

Pagpasok sa loob ay naupo na muna ako sa kama nito. Si Lean naman ay kinukuha ang mga damit na gagamitin ko ngayong gabi.

I checked my phone to see if Cherinna or Jahann messaged me, but I didn't see any messages from them. Nagmessage na lang ako ulit kay Cherinna na uuwi ako ng umaga bukas.

Nang iabot sa akin ni Lean ang damit nito ay agad akong tinanong kung gusto ko na bang maligo muna. Tumanggi naman ako dahil alam ko na gagamit ito ng banyo ngayon.

"You can use the guest room's bathroom, Aly. Sa tabi ng room ni Enzo," sabi ni Lean sa akin para sabay na kaming makapaligo. Tumango naman ako sa kanya at lumabas ng kwarto nito bitbit ang mga damit na gagamitin ko.

Pagpasok ko sa guest room ay agad akong pumasok na rin sa banyo at naligo. May mga stock naman sila ng toiletries sa bawat banyo katulad ng sa amin kaya hindi ako nahirapan na makaligo. Matapos akong maligo ay agad na rin akong nagbihis. Lean loaned me her sleeveless top and short shorts. Napailing na lang ako nang makita ko iyon dahil alam ko naman na kaagad ang sasabihin ni Enzo kapag nakita ako.

Lumabas na rin ako kaagad at nagpatulong sa kasambahay nila upang mahanap ang laundry area nila para malabahan ang damit ko.

Kahit na gusto ng mga ito na tulungan ako ay ako na lang ang gumawa dahil na rin may underwear iyon na kasama. Nakakahiya namang ipalaba sa iba ang panloob ko.

Nakasandal lang ako habang hinihintay na matapos ang paglalaba nang magtungo roon si Enzo. Agad naman akong napatuwid ng tayo nang tignan ako nito.

"What are you doing there?" he asked me. Napansin nito na nakabukas din ang washing nila kaya napatango na lang ito sa akin. Nilingon ako nitong muli at bumaba ang tingin nito sa may bandang hita ko.

I smiled a little at him. Well, it was a good thing that I am used to wearing swimsuits so exposing my legs is not a big deal to me, but to Enzo, I think it is since he's frowning again.

Ready na ako magsalita na ito ang binigay sa akin ni Lean kaya wala akong magagawa ngunit hindi naman nagsalita si Enzo. Sa halip ay pumasok na lang itong muli sa loob ng bahay ng mga ito. Sinilip ko pa ito mula sa pinto ngunit naglakad na itong papalayo.

Napasimangot na lang ako at kinuha ang damit ko nang matapos na itong malabahan at umakyat sa kwarto ni Lean. Tapos na rin itong makaligo at nakabihis na kaya naman nag-set up na ito ng papanuorin namin.

"Can you call Enzo? Para makasama natin manuod?" tanong sa akin ni Lean. Tinignan ko naman ito bago tumango at bumangon mula sa pagkakadapa at lumabas ng kwarto nito. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Enzo at kumatok.

"Enzo?" I called his name. Muli akong kumatok nang hindi ito sumagot.

"Enzo, tawag ka ni Lean," sabi kong muli nang mas malakas pa. Napasimangot na ako ng tuluyan kaya naman malakas kong kinatok ang pinto ngunit huli na para bawiin iyon nang buksan ni Enzo ang pinto at tumama sa dibdib nito ang kamay ko.

Nagkatinginan naman kaming dalawa dahil sa nangyari.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin dito. "Tawag ka ni Lean, manuod ka rin daw..." sabi ko bago naglakad pabalik sa kwarto ng kakambal nito. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Kapag nagalit si Enzo dahil sa pagpapatawag nitong si Lean, sasabunutan ko talaga 'tong babae na ito.

"Susunod na yata siya," sabi ko na lang bago muling dumapa sa tabi ni Lean. Ilang sandali lang naman ang lumipas ay kumatok na si Enzo sa loob ng kwarto at binuksan iyon. He's now wearing a gray hoodie.

Naupo ito sa may paanan ng kama ni Lean at sumandal doon dahilan upang maamoy ko ang ginamit nitong shampoo at sabon noong naligo ito. Parang ang lambot ng buhok nito... hindi ko naman napigilan ang sarili ko na haplusin iyon.

Natigilan ako nang lingunin ako ni Enzo. Agad akong nagbawi ng kamay at tumingin na sa screen. Pagtapos noon ay pinigilan ko na ang sarili ko na hawakan ang buhok ni Enzo at itinukod na lang ang pisngi ko sa braso ko nang makaramdam na ako ng antok.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang nakatulog si Lean kahit na hindi pa namin natatapos ang palabas. Pinili ko namang bumangon para umayos ng higa at hilahin ang kumot dahil giniginaw na ako. Naka-todo ang airconditioner sa kwarto ni Lean kaya naman napaka lamig.

"Lean..." untag ko rito para hilahin ang kumot. Nilingon ko si Enzo na nililinis ang mga balot ng kinain namin habang nanunuod. "Do you know where her extra blankets are?" I asked him. Kinusot ko ang mata para tignan si Enzo.

Napatitig naman ako nang hubarin nito ang suot na hoodie at ibigay sa akin. "Wear this," he said instead.

"What...?" tinignan ko siya na naglakad papalabas na ng kwarto ni Lean. tinignan ko ang binigay nito sa akin at nagkibit-balikat bago isuot.

I could still smell Enzo's scent on his hoodie.

Humiga na lang ako sa tabi ni Lean at ipinikit ang mga mata.

Samyo ang bango ng amoy ni Enzo, nakatulog ako ng maayos sa bahay nila. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store