ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

08

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.

patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.

Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!

☀️☀️☀️

I took a seat beside Enzo who's frowning again. Hindi ko mapigilang matawa rito dahil mukhang inis na inis na ito na kausap ni Lean ngayon si Kevyn. Well, it was actually a good thing that he's a friend of Ian, mas naging madali kay Lean na makilala ang lalaki.

Si Kol, ako at si Enzo na lang ang naiwan sa lamesa habang ang mga kasama namin ay hindi ko na alam kung nasaan. I saw Theon with someone earlier, though.

"Alam mo hayaan mo kaya muna si Lean, no?" sabi ko naman kay Enzo. Nilingon niya ako bago uminom sa baso nito. Napasimangot naman ako rio habang pinagmamasdan ko pa rin ito.

"You know, if you will just smile a little more often, mas maraming magkakagusto pa sa'yo..." kumento ko sa kanya. Well, I have been drinking since earlier but it doesn't mean that I am already drunk.

"I don't want them to like me," he said, which made me crease my forehead. "Kahit naman ayaw mo, marami silang may gusto sa'yo, eh. Sa inyo nila Kol, actually," sabi ko pa na nilingon ang pinsan ko na umiinom din.

"So?" masungit na tanong sa akin ni Enzo.

"So, let Lean breathe muna, okay? You should have some fun, too! Nasa bar tayo pero kunot na kunot ang noo mo, oh!" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at dinala ang mga daliri ko sa noo nito at minasahe iyon para mawala ang pagkakunot nito.

His face was close to mine so I smiled at him.

"There... you look better..."

Mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin si Enzo dahilan upang matabig nito ang braso ko. Napatingin naman ako rito dahil baka nagalit ito sa ginawa ko.

"I'm sorry..." sabi ko naman kay Enzo. Muli nitong kinuha ang baso at uminom doon. I bit my lip and looked away. I just filled my lungs with air since I don't want to act up just because I kind of feel bad because of what he did.

Wala naman ding kasalanan si Enzo roon at napakababaw lang naman ng nangyai.

Kinuha ko na lang din ang isang baso na may laman na alak, sa tingin ko ay kay Jahann iyon at mabilis na uminom ng alak. Nasamid pa ako nang ginawa kong isang lagukan lang iyon kaya nilingon ako ni Enzo at hinawakan ang likod ko.

"Are you okay?" he asked me, I replied with a small nod. "I am, I am. Nasamid lang ako..." sabi ko naman sa kanya.

He was still rubbing my back with his palm and since I was wearing a crop top, I could feel the warmth of his palm on my lower back.

Muli akong huminga ng malalim dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nagpaalam na lang na muna ako sa kanila na magpupunta sa banyo, nagtanong naman si Enzo kung kailangan ko ng kasama at mabilis na rin akong tumanggi.

When I reached the bathroom, I stared at myself in the mirror. I dolled up today and I know I look good. I learned how to do my own makeup since I don't want them using the same brush they are using to do the makeup of other models at Ai's. Simula nang sinabi ko rin iyon kay Daddy at Mommy ay sinabihan na ng mga ito si Tita Julia na kailangan ay may sarili akong set na gagamitin ko kapag may shoots ako.

Muli akong huminga ng malalim dahil nararamdaman ko pa rin ang init ng palad ni Enzo sa likod ko. I don't know what's wrong with me.

Tinapik-tapik ko ang pisngi ko upang mahimasmasan ako, at dahil nasa itaas ang mga gamit namin ay hindi na rin ako nakapag-retouch.

Lumabas na lang din ako kaagad at nakita ko si Lean at Kevyn na nasa may bartender at nag-ususap. Hindi na ako lumapit sa mga ito at humakbang pabalik kina Enzo nang mahagip ng mga mata ko si Leo.

Instead of walking towards Enzo, I walked towards Leo.

He looked at me and smiled.

"Hey," he greeted me. Tumayo pa ito at pinaghila ako ng upuan.

"Are you one of the DJs tonight?" I asked him when I took a seat. Tumango naman siya sa akin. "Yeah, they invited us for Ajesta's birthday," sagot naman nito sa akin. "By the way, you look good tonight," sabi naman nito sa akin na nagpa-init sa mga pisngi ko.

"Thank you..." I told him. I noticed he's wearing a black button down polo and a white shirt inside. His watch also has a black straps.

Muli itong uminom sa hawak na bote ng beer.

"I didn't see you at school last week," sabi ko kay Leo na ikinalingon niyang muli sa akin. Muli itong ngumiti sa akin at may kung ano na naman sa dibdib ko ang tila nagwawala sa tuwing nakikita ko ang pagngiti nito.

"I was busy with some programming works," sagot naman niya sa akin bago itinukod ang kamay sa lamesa. "You looked for me?" tanong niya sa akin habang bahagyang nakangiti.

Natigilan naman ako at agad na nag-iwas ng tingin. "No! I just noticed you weren't there..." sabi ko naman dito na nakaiwas pa rin ang tingin.

I have no idea why I feel this towards this guy. It was as if I wanted to talk to him but I don't know what I should say. It was as if he's here, then it's okay. If not, I will kind of look for him...

Natawa naman ito ng marahan at pinisil ang pisngi ko. "I saw you every day, though. I just don't stay long since I still have to do some of my things," sabi nito sa akin.

Mas nag-init naman ang pisngi ko at laking pasasalamat ko na lang din talaga na madilim sa loob ng bar kaya tiyak kong hindi nakikita ni Leo ang pamumula ng pisngi ko. Nagpaalam naman ito para ikuha ako ng maiinom at agad na nagbalik sa lamesang inookupa naming dalawa.

Luminga-linga naman ako para tignan kung may mga kamag-anak ba ako sa paligid ngunit wala akong makitang ni anino ng mga ito.

"What is it?" tanong ni Leo nang mapansin marahil na humahaba ang tenga ko sa paglingon-lingon. "Do you have to go back to them already?" he asked me, I shook my head as a response.

"No one's gonna look for me," sabi ko naman sa kanya bago ipinagpatuloy ang pag-inom mula sa boteng ibinigay niya sa akin. Hindi naman nito inalis sa akin ang pagkakatitig nito.

"Why?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang tissue upang punasan ang labi ko.

"You're beautiful, I just want to say that," sabi nito sa akin na muling nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin.

Do I like him?

Am I starting to like him?

Nakatatlong bote na rin ako ng iniinom ko na kahit na light lang ay may epekto na rin sa akin kahit na papaano. Leo and I were talking about the projects I was working on and it feels good to have someone to talk to about those things.

Napalingon ako sa babaeng tumapik sa balikat nito na agad nilingon ni Leo. Ngumiti ito sa babae kaya naman humalik ito sa pisngi nito. "How are you?" the girl asked him. Sumagot naman ito sa babae at ipinakilala ako.

"This is Alyanna," sabi nito bago nilingon ang babae. "Alyanna, this is Mara," pakilala naman nito sa babae.

I just gave her a small simple smile. Hindi naman nagtagal ang usapan ng dalawa dahil nagpaalam na rin naman ang babae kay Leo na muling nag-beso rito.

"Sorry about that, since my friend is a regular here and I often go with him, I met some customers already and made friends with some," paliwanag naman nito na tinanguan ko lang.

I actually wanted to pull my hair hard because of what I was feeling. Hindi ko alam kung bakit ako biglang naiinis ngayon dahil lang sa pagdating ng babaeng iyon.

"Are you okay?" tanong ni Leo sa akin, inabot pa nito ang kamay kong nasa may lamesa. Mabilis naman akong nagbawi at tumango rito.

"Yeah..." I cleared my throat. "Yeah," ulit ko sa mas buong boses. "I think I should go look for my cousins," paalam ko naman dito bago tumayo. Nagtataka man sa inasal ko ay tumango naman sa akin si Leo.

"Thanks for this," sabi ko bago iangat ang kamay na may hawak na bote at mabilis na naglakad pabalik kina Enzo. Naupo naman ako kaagad sa tabi ni Enzo na halatang nagulat sa ginawa ko.

"Where did you get that?" tanong niya sa akin na kinuha ang beer na hawak ko. "Are you okay?" tanong niyang muli sa akin bago ako hinawakan sa bewang at hinila papalapit dahil nasa dulo ako ng upuan at posibleng malaglag.

"I am!" sabi ko naman sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya sa akin nang magtaas ako ng boses kaya napasimangot ako. "I am okay, I just want to drink," sabi ko naman sa lalaki. Hindi naman ito nagsalita, ang kamay nito ay nananatili sa bewang ko dahil sabi nito ay kapag biglang gumalaw ako ay malalaglag ako. Isinandal ko naman ang ulo sa balikat nito. "It's okay to drink, right?" Nag-angat ako ng tingin kaya naman tumama ang ilong ko sa may bandang panga nito. I could smell Enzo's perfume and it smelled good.

I saw Enzo's Adam's apple move.

I moved my hand and touched it, I smiled when it moved again.

"Alyanna Samantha," saway ni Enzo sa akin na hinawakan pa ang kamay ko para pigilin iyon. I rolled my eyes and looked at him.

"Yes, Enrico Lorenzo?" I asked him sarcastically. Alam naman din nito na hindi ko gustong tinatawag ako sa buong pangalan ko dahil pakiramdam ko ay galit sa akin ang isang tao kapag ganoon ang tawag sa akin.

"You're already drunk," sabi nito sa akin. "Where did you go? Saan ka uminom?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Malapit ang mukha niya sa akin dahil nagbaba ito ng tingin habang nakasandal ako.

"Blue's Haven, duh? Alangan naman magpunta pa ako sa ibang bar," sabi ko naman sa kanya. Wala pa sa kanila ang may alam ng tungkol kay Leo at hindi ko naman din alam kung dapat ko bang sabihin dahil wala naman yatang magiging dahilan para ikwento ko ang lalaking iyon sa kanila.

"I am serious," matigas na sabi ni Enzo sa akin.

"Yes, you are!" kinuha ko ang kamay ko na hawak niya at bahagyang tinulak si Enzo, mas hinapit naman niya ako nang muntik akong malaglag.

"Damn it, don't move away," he hissed and pulled me closer to him.

"Just bring her upstairs," ani Kol sa lalaki. Tinignan ko naman ito ng masama. "Isa ka pa, ang susungit niyo," sabi ko rito na ikinailing nito.

Enzo heaved a sigh before holding me and helped me get up.

"Can you walk?" he asked me while holding my waist and arm. I looked at him and nodded. "I'm not drunk," sabi ko sa kanya na nagtangkang maglakad pero nawalan ng balanse kaya naman kamuntik na mabuwal.

Mabilis naman akong nasalo ni Enzo na agad akong tinulungan.

"Yeah, you are not drunk," he frowned and helped me walk. Pinaupo niya naman ako kaagad sa may couch na naroon nang makarating kami roon.

Enzo looked at me and frowned.

"Eh di sana binuhat mo ako kung nagrereklamo ka na ang bagal natin naglakad," sabi ko sa kanya. I am still feeling dizzy because of the alcohol. I am also sleepy since I didn't get much sleep last night.

"You're wearing a skirt. Who told you to wear that thing in the first place?" sabi naman ni Enzo sa akin. I opened my eyes and looked at him.

"I always wear skirts like this, what's your problem?" tanong ko sa kanta. Inirapan naman ako nito. "Have you seen those girls downstairs? Mas disente pa nga ang suot ko, eh," pagrereklamo ko naman dito.

"I don't look at them so I don't care about them," Enzo hissed while still looking at me. Natigilan naman ako sa sinabi nito.

He turned around and looked through the glass wall. Nakita ko ang paggalaw ng balikat nito tanda na huminga ito ng malalim. Hindi naman na rin muna ako kumibo hanggang sa unti-unti nang bumalik ang mga kasama namin doon.

Hindi ko na nakausap si Enzo.

I don't know if he's mad at me. If he is, why? I was just telling the truth. Ang ibang naroon sa ibaba, mas maiksi pa sa suot ko ang damit, bakit nagagalit siya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano ba karami ang nainom ko, what I remember was I fell asleep while leaning on Cherinna.

Kinabukasan ay masakit ang ulo ko dahil sa alak na nainom ko. Luckily, hindi nalaman nila Daddy iyon dahil mapapagalitan ako kung sakali.

While we were eating, Cherinna told me we will visit Lola today. Since our birthday is coming, I will use that card to ask Lola. I know her favorite is Theon, but still, tatlo lang kaming apo niyang babae at ako at si Cherinna lang ang nakakasama niya kaya tiyak kong pagbibigyan niya kami.

Since their house is near Lean's house, I asked Theon to just drive me there since Cherinna and Jahann left me there. I was looking outside while Theon was driving.

"Ayain mo kaya si Lean na kumain sa labas?" tanong nito sa akin.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Why would I do that?" tanong ko naman dito. Nagkibit-balikat naman ito sa akin. "Dali na, ihahatid pa kita pauwi, diba?" sabi naman nito sa akin.

"Sabi ni Lola ihatid mo talaga ako," inis na sabi ko naman dito. Kinuha ko na lang din ang phone ko at tinawagan si Lean. I rolled my eyes at Theon.

"Hello, Lean! We're on our way there since we went to visit Lola today, do you want to have dinner with us?" tanong ko naman sa babae. "Just me and Theon, he's driving," sabi ko naman dito nang itanong kung kasama ko sina Cherinna.

"Okay, okay, see you," ibinaba ko na ang tawag. "Okay na raw, ihatid mo akong gago ka, ah," inirapan ko si Theon na tumango lang sa akin.

He parked his car outside and we went in. Naghintay na muna kami sa may living room nila dahil magbibihis pa raw si Enzo.

Nagtama naman agad ang tingin namin ni Enzo nang makababa ito. Lumapit ito sa amin ni Theon. "Where are you planning to eat?" he asked us. Nagkatinginan naman kami ni Theon dahil wala naman kaming naplanong dalawa.

Napailing na lang si Enzo sa amin at naghanap ng makakainan. Si Theon naman ay nagpaalam na magbabanyo kaya kaming dalawa lang ni Enzo ang naiwan sa living room nila.

I was staring at him while he's scrolling his phone. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil nakikita ko na naman ang mga facial expressions nito.

I smiled a little.

Napalingon ako sa phone ko nang magvibrate ito at makita ang mensahe galing kay Enzo.

Staring is rude, Alyanna Samantha. Baka matunaw na ako.

Nanlaki ang mga mata ko at nakagat ang labi.

What the hell? Paano niyang alam na nakatitig ako?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store