07
This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
You can use browser kapag hindi niyo po masearch ang account ko.
Subscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
☀️☀️☀️
I turned around and hugged my pillow tight. Tapos na ang mga exams namin at wala ring pasok ngayon kaya kahit na alam kong alas-nueve na ng umaga ay nakahiga pa rin ako sa kama ko at hindi bumabangon. Narinig ko na ang pagkatok ni Cherinna kanina pero hindi ako bumangon dahil gusto ko talagang matulog pa muna sana.
"Alyanna!" tawag muli ni Cherinna sa akin. I looked at the door and frowned. I know I annoy them most of the time but why is that when it's my time to just stay inside and do my own thing, she will start bugging me.
Hindi na ako nag-abala pa na ayusin ang buhok ko at tumayo na ako para pagbuksan si Cherinna. Humihikab pa ako nang buksan ko ang pinto.
Kumunot naman ang noo niya sa akin nang makita ako. "You just woke up?" she asked me. Tumango naman ako bago bumalik sa kama ko at muling nahiga.
"What is it...? Wala kang date?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Cherinna dahil sa sinabi ko. I know that Ian is courting her and I am still teasing her about him because I think he's okay for Cherinna.
Well, I also like him for Cherinna. Siguraduhin lang talaga ng lalaking iyon na hindi niya sasaktan si Cherinna kundi siya talaga ang sasaktan ko.
"I'm gonna bake some cupcakes, you want to help me?" she asked me instead. Kinuha nito ang isang unan kong nalaglag at inayos iyon ng lagay sa may kama ko.
I looked at her while still hugging my pillow. "I want to sleep..." sabi ko sa kanya. "Why don't you ask Jahann instead?" sabi ko sa kanya bago inabot ang cellphone kong nasa may lamesa.
"Hindi nga ako kinakausap," pagsusumbong naman nito sa akin. Hindi ko mapigilang matawa dahil kapag si Cherinna at Jahann ang magkaaway, siguradong malala ang sumpong ni Jahann dahil hindi naman nagagalit kay Cherinna ang taong iyon.
She's his favorite and that's actually fine. Cherinna is also my favorite.
"What did you do this time?" I asked her before I asked her to pull me up to sit down. Hinila naman niya ako para makaupo.
"I don't know. He's just being like that..." nagkibit-balikat naman ito. Napailing na lang ako bago itinali ang buhok ko. "Have you picked your clothes for Kevyn's birthday?" I asked her instead. Tumayo naman na ako at nagpunta sa banyo para maghilamos.
Well, Lean got lucky since Kevyn's birthday will be held at Blue's Haven next week. I am actually happy and excited for her since she really likes him. Ang alam ko nga magpapabili pa si Lean ng regalo para sa lalaking iyon.
Malapit na rin naman ang birthday namin kaya iniisip ko na ang pwede naming gawin ni Cherinna.
Kinuha ko ang towel at pinunasan ang mukha ko at sinamahan na si Cherinna sa pagbaba dahil alam ko naman na hindi ako titigilan ng taong ito ngayon.
Well, I do that to her, too. Kaya hindi nakakapagtaka na ganoon din siya sa akin.
Afterall, we are twins.
Nakapantulog pa ako nang bumaba at natigilan ako nang makita kong naroon si Kol at si Enzo sa may living room namin. Mukhang may misa na naman ang triplets.
"Good morning," bati ko sa kanila. Tumango naman sa akin si Kol. Si Enzo ay nakatingin lang sa akin at hindi naman nagsalita. He's wearing a plain navy blue shirt and jeans. Si Kol naman nakapolo shirt na pula.
"Have you eaten? Aga niyo naman ata?" tanong ko sa mga ito nang makababa na ng tuluyan.
"May aayusin yata sila nila Jahann," sabi naman ni Cherinna na napasimangot dahil dumaan si Jahann at hindi pa rin siya pinansin.
"Problema mo, snob? Si Iris?" pang-aasar ko rito. Tinitigan lang ako nito ng masama kaya nagkibit-balikat na lang din ako at sinamahan na si Cherinna sa kusina.
May nakahanda rin na almusal doon kaya kumain na muna ako habang inihahanda ni Cherinna ang mga gamit nito.
"Maybe he's pissed because we are teasing him with Iris?" sabi ni Cherinna habang nakatingin sa akin. I looked at her and shrugged. "Twin, sooner or later, Jahann will have a girlfriend," sabi ko naman dito na ipinagpatuloy ang pagkain. Iyon naman talaga ang mangyayari. Si Cherinna nga at may potential boyfriend na, eh.
Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Enzo.
"Kumain ka na?" tanong ko sa lalaki. Tumango naman siya sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa ulit. I just looked at my phone again and continued to eat.
"Gusto niyong juice?" tanong ni Cherinna kay Enzo. "Papahatiran ko na lang kayo," dagdag niya pa.
"Don't bother, it's okay. They're on their way here," sabi naman ni Enzo rito. Maya-maya nga lang ay ay nagpunta na sa dining room sina Jahann at Kol. Bitbit nila ang laptop nila at naupo na rin at sinamahan ako sa lamesa.
"Did you even consider that you are studying in front of my food?" I asked them, frowning. Hindi ko malaman sa mga ito kung bakit pa lumipat ng pwesto, eh.
"You can just eat, we won't bother you," sabi naman ni Jahann sa akin. I rolled my eyes.
Cherinna prepared some snacks for them.
Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain at hindi ko mapigilang hindi titigan si Enzo habang may ginagawa ito sa laptop nito. Bahagyang nakakunot ang noo nito at hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod ito.
Sa kanilang tatlo, si Enzo lang ang nagsusuot ng salamin.
I find it cute when he's biting his lip when I think he's having a hard time with something, when he solves it, he will nod his head a little.
Ang cute niya lang.
I saw Kol glanced at me. Sinimangutan ko naman ito at iniwas na ang tingin ko. Baka mamaya ituro na naman ako kay Enzo, ano pa ang isipin ng lalaking 'to.
Ang tindi nila mag-aral tatlo. Walang kumikibo sa kanila kaya naman ang naririnig lang sa kusina ay ang mga kubyertos na gamit ko at ang pag-aayos ni Cherinna ng mga gagamitin nito.
Naalala ko dati noong nagpatulong ako kay Enzo sa assignment ko, sa inis niya sa akin ay sinagutan niya ang assigment ko sa ibang papel at pinakopya na lang niya sa akin iyon dahil hindi ko makuha ang tamang sagot.
Nang matapos akong kumain ay tumayo na rin ako para hugasan ang pinagkainan ko at makatulong na rin ako kay Cherinna.
Tinuturuan niya naman ako ng pag-measure ng mga ingredients na hindi ko naman din makabisado. Hindi ko nga alam kung saan at kailan ba natuto si Cherinna na mag-bake, eh. Sana sumama na lang pala ako noon pa.
"1 cup ba?" tanong ko sa kanya. Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko maalala kung 1 cup ba ang milk o ang asukal. Enzo looked at me and chuckled. Inirapan ko naman ito. Aba, kung marunong akong magbake, nasa akin na ang lahat.
That would be unfair.
Sa huli ay hindi na ako masyadong nakialam sa paggawa ng cupcake batter niya. Pinanuod ko na lang siya at ako na lang ang naglagay ng mga ito sa oven.
"I will just take a bath," paalam ko kay Cherinna. Tumango naman siya sa akin kaya mabilis akong lumabas at umakyat na sa kwarto ko. Si Cherinna lang naman din ang nakakatagal sa katahimikan ng tatlong iyon.
Kumuha lang ako ng puting t-shirt at black denim shorts na susuotin ko ngayon. Matapos akong maligo at maglagay ng lotion ay bumaba na rin ako kaagad para daluhan si Cherinna sa kusina.
Hustong kakalabas lang din niya ng mga cupcakes at nilalagyan na lang iyon ng frosting.
I took one and tasted it. I smiled at her. "Masarap!" sabi ko naman dahil masarap naman talaga itong mag-bake ng mga ganito.
Kinalabit ko naman si Enzo dahil ito ang pinaka malapit sa amin. "Tikman mo," sabi ko sa kanya bago inabot ang kinagatan kong cupcake. Enzo looked at me.
"Malinis 'yan, ako lang ang kumagat diyan," sabi ko naman sa kanya dahil mukhang pinagdududahan pa nito ang kalinisan ko sa katawan.
Hindi naman ito nagsalita pero inilapit ang mukha at kumagat doon. Natigilan ako dahil akala ko ay kukuhanin niya iyon sa akin.
"Hmm..." he nodded his head. "It's good," he commented.
Ako naman ang hindi nakapagsalita dahil sa ginawa nito. I looked at him and he turned his head again and started typing on his laptop.
I cleared my throat and finished eating the cupcake. Tinulungan ko na rin si Cherinna sa paglalagay ng frosting doon at binigyan ang tatlong lalaking naroon.
"Eat that, okay? Cherinna baked that, I helped her," sabi ko sa mga ito. Nag-angat naman ng tingin si Jahann sa akin. Si Enzo ang naunang kumuha roon na sinundan ni Kol.
I smiled sweetly at them. Inaya ko naman na si Cherinna na manuod na lang dahil hindi naman kami kakausapin ng tatlong iyon.
Nag-aalangan man dahil hindi sila okay ni Jahann ay sumama naman ito sa akin. Well, they are closer and I know that. Hindi talaga kumportable si Cherinna kapag ganoong hindi sila okay ni Jahann. Well, I love pissing him off, though.
Pumasok na kami sa AVR at naupo na ako at naghanap ng movie na papanuorin pero hindi pa kami nagtatagal doon ay kumatok na ang isang kasambahay namin dahil lalabas daw kami nila Jahann.
I rolled my eyes and went out with Cherinna. Pagbaba namin ay nakapagligpit na sila at wala si Kol. Tinanong ko lang sila kung saan sila magpupunta at sinabi ni Jahann na sa Sweet Desire dahil naroon ang kakambal ng dalawang kasama namin at nagpapasundo.
Sumama na lang kami sa kanila at naupo na ako sa loob ng sasakyan ni Jahann. Kumunot ang noo ko nang tumabi sa akin si Enzo at si Cherinna dahil nasa harap si Kol.
"You're not gonna drive?" I asked Enzo. He looked at me, his face close to mine. He shook his head. "Coding," tipid na sabi nito sa akin, tumango naman ako sa kanya. Nakasandal naman si Cherinna habang nakatingin sa labas.
As usual, wala na namang nagsasalita sa mga kasama ko.
I looked at Enzo who had earphones plugged in his ears. Kinalabit ko naman itong muli. "Share tayo," sabi ko sa kanya, tumango naman ito at isinuot sa tainga ko ang isang earphone nito.
I smiled at him.
"You like their songs, no?" I commented when I heard Yellow playing. He nodded his head. I smiled at him.
"Does it remind you of someone you love?" I asked him. Nakasandal din ako sa kanya habang nakikinig. He mentioned he likes someone.
Though it was not very clear because he didn't tell me any name.
Enzo chuckled softly and looked at me. "Still curious?" he asked me, a small smile playing on his lips. I rolled my eyes.
"Well, I know that she's someone exactly like you. Maybe classmate mo?" sabi ko naman dito. He chuckled and shook his head.
Hindi ko naman na ito kinulit at sumandal na lang ako kay Cherinna hanggang sa makarating kami sa Sweet Desire. Nang lumabas kami ay hinawakan ni Enzo ang ulo ko upang hindi ako mauntog sa sasakyan ni Jahann. Ibinigay ko naman na rin sa kanya ang earphone niya at naglakad kami papunta kina Lean.
"I am really excited for his birthday!" sabi ni Lean sa akin. Hindi ko naman mapigilang matawa nang ikuwento nito sa akin ang mga ginawa niya para lang mapapayag si Tito Blue.
"Maghahanap na nga rin kami ni Cherinna ng magagamit namin, eh!" ngumiti ako rito. Well, that's Blue's Haven so I am really thinking of wearing a mini skirt and a crop top.
Si Cherinna at Lean ang magkausap kaya naman pumasok na muna ako sa loob ng Sweet Desire para maghanap ng makakain. Nakita ko naman na naroon si Tita Steph na agad kong binati. Tinanong din ako nito kung ano ang gusto ko kaya sinabi ko agad na gusto ko ng strawberry cheesecake. Pareho kami ni Mommy ng favorite kaya nagsabi na rin ako kay Tita Steph na oorder ako ng isang buo para maiuwi ko kay Mommy.
Sumunod naman sa akin si Enzo na yumuko rin para magtingin sa mga cakes na nakadisplay. Lumingon din siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Ngumiti naman ako kaagad sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin at tumayo na kaagad.
Nawala naman ang ngiti sa labi ko dahil sa ginawa niya. Hinayaan ko na lang ito.
He also ordered blueberry cheesecake. Lalabas na sana ako nang pigilan niya ako. Sinabihan niya ako na sa loob na lang kami kumain dahil maingay sila sa labas kaya naghanap kami ng mauupuan. Tanaw pa rin naman namin ang mga kasama namin.
Si Enzo na rin ang kumuha ng mga drinks namin na naroon.
Nakaupo naman ako at nakatingin sa kanya nang tikman nito ang blueberry cheesecake.
"Sarap?" I asked him while looking at it. Tumingin naman siya sa akin at kumuha roon gamit ang tinidor na ginamit nito at sinubuan ako.
I looked at it before eating it.
"Hmm..." I looked at him and smiled. "It's good din, ha. Pero mas gusto ko kasi ito," sabi ko naman bago kumain ng strawberry cheesecake. "Tikman mo," sabi ko sa kanya bago rin siya sinubuan.
Tinanggap naman iyon ni Enzo. I smiled widely.
"Sarap no?" sabi ko bago muling kumain. I looked at my cousins outside. Mukhang mga seryoso ang mga ito sa pinag-uusapan nila kaya naman hindi na muna kami lumabas ni Enzo.
"You think Jahann will be okay if we'll have a boyfriend?" tanong ko kay Enzo habang nakatingin sa kapatid ko. Natigilan naman ito at tinignan ako.
"Are you going to say yes to your suitor?" he asked me while looking at me.
Kumunot ang noo ko sa kanya at natawa. Umiling naman din ako kaagad. "No, I mean, since may nanliligaw kay Cherinna and he's protective, you know? Ikaw rin kay Lean, protective," sabi ko naman sa kanya.
Mukhang hindi pa rin ito nakumbinsi sa sinabi ko. I rolled my eyes.
"Hindi ko sasagutin ang manliligaw ko, okay? Binabasted ko nga, eh," sabi ko ulit sa kanya. "Besides, napagkakamalan ka ngang boyfriend ko, eh," sabi ko pa sa kanya.
Hindi naman iilang beses nangyari iyon dahil alam naman ng mga tao na pinsan ko si Keij kaya imposibleng magdate kami. Si Enzo lang ang hindi ko kamag-anak kaya ito ang ang napapagkamalan na boyfriend ko.
"Hmm?" He looked at me again.
I chuckled and sipped on my drinks. "Sinasabi ko naman na hindi pero baka may magsabi sa'yo na boyfriend kita, minsan kasi umo-oo na lang ako para tigilan ako. Sorry na..."
He nodded his head and smiled a little.
"It's okay to tell them that you are my girlfriend. You have nothing to worry about," he said before eating again.
I looked at him and creased my forehead.
Seryoso ba? Akala ko susungitan ako, ah? Mukhang walang sumpong ngayon si Enrico Lorenzo.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store